Slaughter High 2 : Terror Nev...

By Serialsleeper

3.4M 106K 59K

[REVISED] They thought it was over, little do they know, it was only the beginning. More

Author's Note
Prologue
Chapter 1 : Battle scars
Chapter 2 : The Restless Lover
Chapter 3 : Trapped
Chapter 4 : Punishments
Chapter 5 : Hear my voice
Chapter 6 : The blame game
Chapter 7 : The call of death
Chapter 8 : The man with the plan
Chapter 9 : Project Slaughter
Chapter 10 : Portrayal of Murder
Chapter 11 : The Brotherhood
Chapter 12 : He from her past
Chapter 13 : Freakshow
Chapter 14 : A night of Terror
Chapter 15 : String of Slaughter
Chapter 16 : Light of my darkness
Chapter 17 : Goodbye, Erin
Chapter 18 : The Devil he became
Chapter 19 : Team Timang
Chapter 20 : Stop the feels
Chapter 21 : Darren
Chapter 22 : Welcome to Slaughter
Chapter 23 : Take One
Chapter 24 : Hear Me Out
Chapter 25 : Hormones and Heartaches
Chapter 26 : Here goes the past
Chapter 27 : Lights, Camera, Slaughter
Chapter 28 : When things go boom
Chapter 29 : Play by the rules
Chapter 30 : Pool of Suspects
Chapter 31 : Captured
Chapter 32 : Together Forever
Chapter 33 : Perfect Storm
Chapter 34 : Raising the white flag
Chapter 35 : The face of evil
Chapter 36 : Pretensions of a Psychopath
Chapter 38 : Forgotten Rule
Chapter 39 : His Script
Chapter 40 : The final act
Game Over
Epilogue

Chapter 37 : Her Script

69.2K 2.1K 2.1K
By Serialsleeper

37.

Her script

RIA'S POV

  “Kuya bakit mo ginawa ‘yon?! Kuya hindi natin dapat pinabayaan si Erin!” Hindi magkamayaw sa pagbuhos ang luha ko pero patuloy parin akong hinihila kaya napapatakbo na lamang ako.

Paulit-ulit akong lumilingon, umaasa ako na sana sumunod siya sa amin pero hindi—wala siya.

Tumigil sa pagtakbo si Kuya at ganun rin ako. Winakli ko ang kamay niya at tinulak siya sa dibdib.

“Kuya answer me! Kaibigan natin si Erin! Nakita natin ang mga sugat na tinamo niya tapos anong ginawa mo?! Anong klase kang kaibigan?!” Umiling-iling ako habang pinanlilisikan siya ng mga mata, “Hindi—Anong klaseng tao ka?!”

"The one that's being careful! I know what I did was wrong pero wala akong magagawa! Hanggat sa di pa natin nakikilala ang kasabwat ni Kevin ay wala tayong dapat pagkatiwalaan. At isa pa yung jacket na suot ni Erin ay kaparehong-kapareho ng suot ng salarin. Isipin mo nga she was dragged out of the tunnels kanina just like what happened to Dixon!” Giit ni Kuya kaya napahagulgol na lamang ako.

“Ria look at me!” Hinawakan ni Kuya ang magkabilang pisngi at pilit niya akong pinatitingin sa mga mata niya, “Akala mo ba madali sakin ang ginawa ko?! Ria kaibigan ko rin si Erin pero wala tayong dapat pagkatiwalaan! Ria as selfish as this sounds, ang prayoridad ko ngayon ang maligtas ka!”

Awang-awa ako sa kaibigan ko. Kitang-kita ko ang takot sa mukha niya. Gustong-gusto ko siyang balikan at tulungan pero kailangan kong sundin ang kapatid ko.

Maingat kami ni Kuya sa bawat dinadaanan namin. Iniiwasan naming dumaan sa mga lugar na may CCTV camera dahil baka makita kami ni Kevin o ng kasabwat niya.

Lakad kami ng lakad nang bigla kaming nakarinig ng sumigaw ng napakalakas.

Yung boses na yun kilalang kilala ko yun..

Si Erin...

Nilapitan ako ni Kuya at agad na tinakpan ang tenga ko...

Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at hinayaan ang sarili kong humagulgol. Naramdaman ko ang panginginig ng mga kamay ni Kuya kaya tiningnan ko siya. Awang-awa ako nang makita ko siyang umiiyak. Punong-puno ng pagsisisi at pagdadalamhati.

That scream just goes to show that Erin was innocent just like us.

"Kuya hindi mo alam yun , wala kang kasalanan okay?" Niyakap ko na lamang siya ng mahigpit.

Erin sorry… Erin patawarin mo kami…

Kapwa man kami hinang-hina at umiiyak, pinilit naming lakasan ni Kuya ang kalooban namin at naglakad na lamang palayo.

 Sa naalala ni Kuya, mayroon daw panic room sa loob ng guard stations at wala raw CCTV camera dito kaya naisipan namin ni Kuya na maari kaming pumunta roon.

Ilang minuto kaming naglalakad. Pababa na sana kami sa spiral staircase nang biglang may naririnig kaming umiiyak at tumatakbo.

Agad kaming nagtago sa pintuan na malapit dito.

Nakita namin si Avery na umiiyak duguan ang kanyang noo at parang nalilito siya kung saan pupunta.

Agad kaming lumabas ni Kuya sa pinagtataguan namin para tulungan siya. Natuto na kami sa nangyari kay Erin kayat di na kami nagdalawang isip na tulungan siya.

“Avery.” Salubong ni Kuya at agad itong niyakap.

Tuluyang napahagulgol si Avery nang makita niya kami.

“Nasaan ang kuya ko?” She said in between her cries.

 “Hindi namin, alam.” Sagot ko habang pilit namin siyang pinapatahan.

“Tara na, bumaba na tayo.” Ani Kuya at naunang humakbang ng dalawang beses pababa.

“No, hahanapin ko ang kuya ko!” Giit ni Avery na nanatiling nakatayo sa kinatatayuan niya. Nakahawak siya sa braso ko kaya maging ako ay hindi nakakilos.

 “Avery its not safe here!” Giit ko at muli siyang sinubukang hilahin pero patuloy siyang nagmatigas habang umiiyak.

“Ang kuya ko! Kailangan natin siyang hanapin!” Aniya.

“Avery, tara na! Hindi tayo pwedeng magtiwala sa kahit kanino!” Giit muli ni Kuya.

"Cant trust him? He's my brother for god's sake! my brother!” Pagwawala ni Avery.

 “Alam ko pero—“ Biglang natigil sa pagsasalita si Kuya at napatingin sakin.

“Pero?” Kunot noong tanong ni Avery pero hindi kaya ni kuya na ituloy pa ang sasabihin niya.

“Avery let’s go okay?” Ako na lamang ang nagsalita.

“Pero?” Muling tanong ni Avery pero sa pagkakataong ‘to ay nakangisi na siya.

Kinilabutan ako sa kanya kaya agad akong napabitaw sa kanya, pero siya naman ang biglang humawak ng mahigpit sa braso ko.

“Goodbye Robbie.”

Napakabilis ng mga nangyari, biglang sinipa ni Avery ng napakalakas si Kuya Robbie dahilan para ma-out of balance ito at tuluyang nagpagulong-gulong pababa sa mahabang hagdan.

“Kuya Robbie!” Sa sobrang gulat ay wala akong nagawa kundi mapasigaw.

“You bitch!” Sasabunutan ko sana si Avery pero laking gulat ko nang makitang may hawak na siyang baril at nakatutok na ito sa ulo ko.

"Make one wrong move at pasasabugin ko ang ulo mo.” Banta niya kaya parang nanlamot ang mga tuhod ko sa takot. Muli kong ibinalik kay Kuya ang tingin at tuluyan akong naiyak nang makita siyang nakabulagta at duguan sa pinakababang parte ng hagdan.

“Kuya!” Sigaw ako ng sigaw hanggang sa napapahagulgol ako pero hindi parin bumabangon si Kuya.

Sinubukan kong tumakbo patungo sa kanya pero biglang hinila ni Avery ang buhok ko kaya bahagya akong napaatras.

"Walang hiya ka Avery wala kaming kasalanan sayo!”

“Oh Shut-up! Lakad!” Sigaw niya at mas idiniin ang baril sa ulo ko.

Dahan-dahan kaming bumaba sa hagdan habang hawak-hawak niya ang buhok ko.

Nanginginig ako sa bawat baitang ng hagdan na inaapakan ko. Napakasakit na makita ang kuya ko sa ganyang sitwasyon. Habang papalapit sa kanya ay lalo akong napapahagulgol.

Nilapitan ni Avery si Kuya at pinulsuhan. Ilang sandali pa ay biglang humarap sa akin si Avery na may napakalapad na ngiti sa kanyang mukha.

"Congratulations! He’s dead!” Pagmamalaki ni Avery habang pumapalakpak.

“No!” Napatili ako’t lalong napahagulgol, “No! Kuya! Bumangon ka diyan! Kuya!” Sigaw ako ng sigaw gustong gusto ko siyang lapitan pero wala akong magawa, lumapit sa akin si Avery habang nakatutok parin sa akin ang baril na hawak niya.

“And just to be sure…” Mahinang sambit ni Avery habang nakangisi at bigla na lamang pinaputukan si Kuya ng baril.

 “Demonyo ka!” Sa galit ko ay sinabunutan ko siya kayat muntikan kaming nahulog sa hagdan.

Sa bawat sampal at sabunot ko sa kanya, inilalabas ko ang galit ko. Tumigil lamang ako nang maramdaman kong nakatutok na ulit sa sentido ko ang baril.

“Hayop ka! Walang hiya ka!” Iyak lang ako ng iyak nang gumanti siya sa akin ng mga sampal.

“You loser! Sisirain mo pa ang buhok ko, humanda ka sa akin mamaya!” Banta niya at muling hinigit ng marahas ang buhok ko. Hindi ko alam saan niya ako dadalhin pero wala akong ibang magawa kundi sumama.

Habang naglalakad kami palayo ay hindi ko maalis ang tingin ko sa duguang si Kuya Robbie na hindi na gumaglaw.

 Bigla kong naalala ang lahat ng mga pinagsamahan namin—ang di pagkakaunawaan, asaran, kulitan, pagtatalo at kung ano-anong kalokohan.

Nangako siyang hindi niya ako iiwan pero hindi niya ito tinupad. Sa huli, iniwan niya parin ako.

Wala na siya… Iniwan na niya ako.

ERIN’S POINT OF VIEW

Biglang bumukas ang pinto kaya agad akong napatingin sa direksyon nito.

Gulat na gulat ako nang pumasok si Avery habang kinakaladkad si Ria na kasalukuyan niyang tinututukan ng baril.

Parang wala sa sarili si Ria dahil iyak lang ito ng iyak habang nakatingin sa kawalan.

 “Ria!” Napasigaw ako.

Nag-angat ng tingin si Ria nang marinig ako at kitang-kita ko ang matinding lungkot sa mukha niya.

 Lumapit si Avery sa kulungang kinaroroonan ko at ipinasok dito si Ria kasama ko. Gustuhin ko mang manlaban, hindi ko magawa sa takot na baka ikapahamak namin ito lalong-lalo na’t may dala siyang baril.

“Erin wala na ang kuya ko.” Humahagulgol na sambit ni Ria habang nanginginig kaya niyakap ko na lamang siya ng mahigpit. Wala akong ibang magawa kundi maiyak.

My friends are dying one by one at the hands of whom we claimed friends.

"So ganyan, nonstop dramahan lang kayo?" Sarcastic na sambit ni Avery habang nakahalukipkip ang braso at may nakakalokong ngiti.

"You bitch! Time will come at makakaganti kami sayo!” Banta ko pero muli niya lang akong pinagtawanan.

Nakakainis isipin na minsan ko siyang itinuring na isang tunay na kaibigan. Akala ko kaibigan ko siya kasi siya ang parati kong kasangga sa tuwing inaaway ako nila Sabrina noon… Pero mas malala pala siya.

“Ria stop crying like a baby, will you?” Sarcastic na sambit ulit ni Avery at umupo sa mismong harapan namin.

Hindi ko kumibo si Ria at sa halip ay lalo pa itong napahagulgol. Sa bawat hikbi niya ay nararamdaman ko ang pighati na nararamdaman niya.

"Avery how could you do this to us? Anong ginawa namin sayo?!” Napasigaw ako.

I looked straight into her eyes and gave her a cold voice. Ayokong ipakita sa kanyang natatakot ako sa kanya. I don’t want to give her any power over me or any of my friends.

Ipinatong ni Avery ang mukha niya sa isang kamay habang nakapatong ito sa arm chair kung saan siya naka-dekwatro ng upo. Para lang siyang nakikipag-kwetuhan sa amin.

"Alam mo Erin, wala naman talaga akong galit sayo—well meron, pero slight lang naman.” Aniya sabay taas ng mga daliri niya, “Well actually, you are very important to us, to me, to my  movie.” Dagdag pa niya.

“My movie?” Agad nakunot ang noo ko.

 “Yup!” Taas-noong ngiti ni Avery, “Remember that family business we were talking about? Well Mom and Dad are film producers and I want to follow their footsteps. And when Hiro told me na gagawa siya ng pelikula bilang tribute sa bestfriends niya, nag volunteer agad ako na maging director tapos siya ang producer. See Erin, you are all part of our movie from the start. And by start, I mean mula sa pagtapak niyo palang  sa school ay nagsimula na sa pag-ikot ng lente ng camera namin. The script began! Come on, hindi niyo ba napansin? We’ve always followed your every fucking move!” Pagmamalaki niya kaya agad akong napahawak sa bibig ko.

“K-kilala niyo kami noon pa?” Nauutal na sambit ni Ria na kanina pa hindi nagsasalita.

 Avery smirked, “Yes my dear, di lang talaga kami nagpapakita. Ako ang naka-assign na magbantay sa girls. Ito ngang si Erin pinakaba ako lalong-lalo na nang mag-attempt siya ng suicide last summer. Akala ko mawawalan kami ng final girl pero blessing in disguise pala ito kasi with that, naging perfect fit si Erin sa attitude ng isang final girl.” Aniya kaya lalong nadagdagan ng katanungan ang isipan ko.

“Final girl? Nababaliw na ba kayo?!” Muli akong napasigaw.

"Crazy but genius!” Pagmamalaki ni Avery, “And yup Final Girl. Ikaw talaga yung first choice namin since you are very much related to Parker Imperial and you have that feisty yet innocent spirit.”

Lalong sumisikip ang dibdib ko sa naririnig. All this time, planado ang lahat. All this time, kinasangkapan lang kami sa plano nila…

“Bakit kami? Hindi kami masamang tao!” Iyak ni Ria.

“Because you guys are perfect.” Pagmamalaki ni Avery. “We planned to make a movie about the slaughter high massacre, Hiro planned to finish what Dixon started! And what better way to do that? Have a teenage cast that perfectly resembles the past ergo, bloodline. Perfection girls, Bloodline is perfection. Erin is Dominic and Parker’s cousin. Ria, you are Robbie’s sister. James is Kevin’s brother. Kitty is Mikki’s 2nd cousin, Milo is Blake’s far relative. Ms. Marie is Mr. Salva’s estranged sister. KC is Lee’s relative. Zoey is Rex’s relative. The others? Lets just say they’re collateral damage.”

“Si Curt? Wala naman siyang kadugo?” Tanong pa ni Ria.

“Lets just say, Hiro wants to end their long-term sibling rivalry.” Ngumisi si Avery at napatingin sakin “You should thank me Erin. May utang na loob ka sakin.”

"Anong pinagsasabi mong utang na loob? You killed my friends you bitch thats nothing to be thankful for! Pareho lang kayo ni Hiro na nababaliw!” Giit ko.

Biglang kinuha ni Avery ang laptop sa tabi niya at may ipinakitang video.

Video namin ni Curt habang magkasama kami at nagkukulitan

Sa pagkakaalala ko, wala akong nakitang nag vi-video sa amin noon. Bakit may video siya niyan?!

"Hey chillax Erin. Supposed to be, sa script namin may love team. Napili ko kayong dalawa ni Jarred este Curt. Did you know na naging cupid pa talaga ako para lang magkita kayo ulit? The boy is so sweet Erin. Did you know that he has always looked for you? Erin hinanap ka niya ng napakatagal and all because of me, nagkita ulit kayo.”

Nagulat ako sa sinabi niya. Ni minsan hindi ko inakalang hinanap ako ng batang nakilala ko noon at wala akong kamalay-malay na all this time, iisa lang pala sila ni Curt.

“So gusto mong magpasalamat ako sayo? Ganun ba yon?!” Sarkastiko kong sambit sa kanya.

Naging masaya ako dahil sa gawa nila pero kabayaran pala nun ang paghihirap ko at ng mga kaibigan ko.

"Well, not really... Gusto ko lang naman mag-kwento. Remember mo yung time na na-lock kayo sa CR? Ako rin ang gumawa nun!" Pagmamalaki ni Avery na parang isang batang nagpapabida sa mga magulang. “Nang dahil dun nagkalapit kayo diba? Inaway nga ako ng bonggang-bongga ni Hiro nang dahil dun. Habang pinapatay niya si Winston, busy naman akong maging cupid sa inyong dalawa.”

All this time pinaglalaruan lang kami nilang lahat....

Nagiging puppet na pala kami sa kanilang palabas...

“So you never liked Robbie?” Tanong ko nang maalala ko ang usapan namin sa balkonahe.

"Heavens no! Eww! That boy’s gross. Anyways, kung magkakaroon man ako ng boyfriend, sisiguraduhin kong si Hiro yun. Ikaw lang naman ang hadlang sa amin Erin eh. Ikaw yung gusto niya.” Aniya kaya muli akong napangiwi.

“Gross! Sayong sayo na si Hiro! I dont like him at all! You can have that psycho anytime you want!” Giit ko.

“Good!” Aniya at ngumiti.

"Avery please! If you want Hiro, sayong-sayo na siya just please let us go. We will never bother both of you ever again. lalayo kami just please help us!” Pagmamakaawa ko. Kahit lumuhod handa akong gawin.

Tumawa si Avery at umiling-iling, "Nice one Erin but no deal ako diyan. May script kaming dapat sundin. Yan ang priority. But di ko susundin ang original script namin ni Hiro. Mas gusto ko ang version ko sa script kayat ito ang masusunod whether he likes it or not. Robbie was right all along. This is all the remake but With a twist.”

"You sick bitch! Pinatay mo ang kuya ko! Papatayin kita!” Muling nagsisigaw si Ria habang humahagulgol.

Pilit ko siyang pinapakalma. Ramdam na ramdam ko ang galit at pighati sa bawat salitang binibitawan niya. Sobra akong nasasaktan para sa kanya pero pinagtatawanan lang kami ni Avery.

"As I was saying... The twist in my version of the script will be about revenge. Actually inarrange ko na ang lahat, may mga evidence akong inilagay kayat Ikaw ang mapagbibintangang killer kapag dumating ang mga police and sa film namin. Your clothes, fingerprints etc… All will lead to you. See ikaw ang remake version ni Grey. Tapos yung magiging motive mo, you wanted to make a movie for your dearest cousin. You were desperate enough to repeat the massacre. You even killed everyone including your boyfriend because he dumped you. O diba genius?” Nagtaas-baba ang kilay ni Avery habang humahalakhak.

Nandidiri ako sa pinagsasabi niya. Natatakot din ako dahil alam kong posibleng mangyari ang lahat. Mapupunta sa akin ang lahat ng bintang. Kaya nilang gawin ito.

"Ang survivors nito ay kaming dalawa ni Hiro. This time ang magkapatid ay sina Curt at Hiro. Curt would be the male version of Parker. Ako si Carly tapos si Hiro si Dominic. There will be no Robbie at this version, because come on, let’s face it, he’s such a dork and he sucks. Ewan ko if bubuhayin ni Kuya si Kevin though. You Erin, well end up being the murderer.And after all the deaths and betrayal, Hiro and I will live happily ever after.” Pinalakpakan niya ang sarili.

"Avery you’re different from Hiro! Hindi kayo magkadugo! bakit kinukunsinte mo siya?!”

Umayos si Avery sa kanyang dekwatrong pagkakaupo at tinaasan pa ako ng kilay.

"Good question Erin… Alam mo ba noong bata pa ako, parati akong walang kasama? Yes we were rich but I was still longing for their love and attention—Until they adopted Darren, I mean Hiro. Noon hindi ko alam ang criminal record niya. Ang alam ko lang may kuya na ako at masaya ako. Napaka-cold niya sa akin noon, parati lang niya akong tinutulak sa isang tabi. Parati lang akong nakabuntot sa kanya habang nasa states kami." Bahagyang napangiti si Avery habang inaalala ang mga nangyari. Hinawakan niya ang kwintas na suot niya.

"One time, someone grabbed me along the alley. Muntik na akong ma-rape ng isang junkie doon pero tinulungan ako ni Hiro. Nag-bugbugan sila ng lalaki. Muntik ng mapatay si Hiro ng junkie kayat tinulungan ko si Hiro. Aksidente kong napatay ang lalaki. Noong una sobrang natakot ako but Hiro said it was okay... He told me killing was fun, that it was okay to kill. Simula noong insedenteng yun naging close kami, simula ng araw na yun I fell in love with Hiro. Thats why I vow to stand by him. To kill for him.”

Diring-diri ako sa naririnig ko. Sa bawat salitang binibitawan ni Avery, kinikilabutan ako.

“How did your parents die Avery?” Pilit akong naghahanap ng rason para bumaliktad si Avery kay Hiro. Siguro kung magsisinungaling ako at sasabihin kong si Hiro ang pumatay sa mga magulang niya, tutulungan niya kami…

“Car accident. Why?” Aniya.

“Hindi man lang ba pumasok sa isip mo na baka si Curt ang pumatay sa—“ Natigil ako sa pagsasalita nang muling kumurba ang mala-demonyong ngisi sa mukha ni Avery.

“Do you want to know a secret Erin?” Tanong niya.

Napalunok ako.

“I told them I love Hiro pero tumutol sila’t binalak pa kaming ilayo sa isa’t-isa. I did it for love Erin. I sabotaged their car just for Hiro and I to be together forever. See, handa akong gawin ang lahat para kay Hiro at sa relasyon namin kaya hindi rin ako magdadalawang isip na patayin ka.”

Tuluyan akong nasuka dahil sa mga narinig. Hindi ako makapaniwalang totoo tong mga naririnig ko’t nasasaksihan. Mga demonyo sila.

Si Ria naman ay hindi makapagsalita at nakalaglag lamang ang panga.

"Andami ko na yatang nasabi... Ipadala ko kaya to sa MMK.” Muling tumawa si Avery.

Natigil siya sa pagtawa nang mapansin niyang nakatingin lang kami ng masama sa kanya...

“Awkward,” Aniya at tumikhim.

 “Erin.” Mahinang sambit ni Ria kaya mahigpit akong napahawak sa kamay niya at napapikit. Gaya niya ay wala akong ibang magawa kundi umiyak.

Hindi ko kayang sabihin sa kanyang wala na sina Milo at Kitty. Hindi ko kayang sabihin sa kanyang maaring kaming dalawa nalang ang natitirang buhay at walang kasiguraduhan kung makakaalis pa kami ng buhay sa islang ‘to.

Biglang bumukas ang pinto kaya napalingon kaming tatlo at nakita namin si Hiro.

"Ave, I need Erin to come with me.” Sabi ni Hiro at ngumiti nang magtama ang tingin namin.

“Okeydoki! Paano tong isa?” Tanong naman ni Avery sabay turo kay Ria.

 “Dispatsahin mo na.” Malamig na sambit ni Hiro.

 END OF CHAPTER 37

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3

Ps, Robbie on your right :)

Continue Reading

You'll Also Like

Our Deadly Pact By bambi

Mystery / Thriller

5.8M 186K 55
Book 1 of the Pact Series (also known as Our Suicide Pact) (Warning: This story was written in 2013 when I was around 15-16 years old. A plethora of...
Salakay By bambi

Mystery / Thriller

839K 32.6K 14
Isang marangyang subdivision ang sinalakay ng isang bandidong grupo at nakasalalay sa isang anak ang kaligtasayan ng kanyang pamilya. Hanggang saan...
667K 17.9K 10
Compilation || Short/one-shot stories about love and life.
2.8K 200 25
[Highest Rank Achieved #14] Si North ay anak ng dalawang sikat na music artist. Gusto niyang masundan ang yapak ng kanyang mga magulang kaya pumasok...