Ilang araw na ang nakalipas simula ng magbakasyon sila Keiji sa Paris. Lagi niya akong kinakausap lalo na kapag boring na boring siya at hindi niya trip yung mga pinag-gagagawa ng mga pinsan niya. He always reminds me to eat when breakfast, lunch, and dinner time. Gano'n din naman ako sa kanya.
HakDogNisM
Yeolyeol
Sa wakas magboboracay na din kami bukas! Hoy @Taeyeonie otw na kami papunta diyan sa inyo.
Taeyeonie
Gege, naghahanda kami ng hapunan para mamaya dito sa backyard.
Lisa
Yamannn! May backyard.
Keiji
Wow, magboboracay si bobo.
Yeolyeol
Tangina mo keiji! Mangmang ka talaga!
Lulu
Gago ampota hahahahahaahah. Lt talaga 'tong dalawa.
Jisoo
Sakit sa tiyan amporky hahahaha.
CaiLeen
Sapp!
Cerise
Lah, magulo na naman itong dalawa oh.
Lulu
yowww
Taeyeonie
Off na muna akooo
-
Keiji
Ingat kayo bukas!
Taeyeonie
Thanks! Ingat ka din diyan. Mag aayos lang kami ng pang-dinner. Chat kita later.
Keiji
Sige sige tyt.
-
BabyOona
wag mo kong subukan
BabyOona
hindi mo magugustuhan kung anong kaya kong gawin.
BabyOona
hindi mo pa naman boyfriend si Keiji, kayang kaya ko pa siya agawin sayo.
BabyOona
lamang ka lang dahil nagkita na kayo. pero kahit nagkita na kayo araw-araw ko naman siyang pinagmamasdan sa malayo.
BabyOona
tandaan mo, ako parin ang mahal ni keiji.
Sineen ko lang lahat ng sinabi ni Yoona. Wala naman akong pake sa mga pinagsasabi niya. May tiwala ako kay Keiji, pero kung mahal niya parin talaga si Yoona hindi ko naman siya pipigilan. Lahat ng mangyayari dahilan 'yon ng desisyon ni Keiji. Wala naman akong kasalanan kung hindi na siya piliin e. Siya yung sumuko sa relasyon nilang dalawa. Hindi ko na nga dapat iniintindi e. Wala naman akong alam sa relasyon nila at wala akong ideya kahit isa.
Tinulungan ko na lang sila Mama at Kuya sa paghahanda. Habang nag-iihaw si Kuya, si Mama naman ang nag -ayos ng lamesa. Tinulungan ko siya sa pag-aasikaso ng mga 'yon. While arranging and waiting for Lee and his parents, hindi ko maiwasan ang matulala.
"Hoy!"
Hindi ko napansin na nandito na pala sila Lee. Tulala ako nang dahil kay Keiji. Nakatayo siya sa harap ko ngayon.
"Kakain na daw. Bakit ka ba tulala?" he asked. May hawak pang baso, uminom ata ng juice.
"Anong relasyon ba meron si Keiji at Yoona?" tanong ko. Napaawang ang labi niya at kumunot ang noo.
"Ba't mo naman natanong? Wala, kung paano maglandian yung mag-jowa edi gano'n." sagot niya. "Never pa sila nagkikita nung mag-jowa sila. Ayaw na ayaw ni Yoona. Baka akala niya pangit si Keiji, Eh pangit naman talaga 'yon! Pero nalaman niya ata bigla yung real account ni kupal."
Tumawa siya ng malakas, iniwan ko siya doon sa inupuan ko at lumapit kanila Mama na nasa lamesa. Tumabi ako kay Kuya at tumabi naman si Lee sa akin. Nagke-kwentuhan lang naman sila Mama pagkatapos namin kumain. Si Kuya naman kumakain parin ng Salad. Si Lee, nakatutok sa phone niya, kachat ata si Baekcon. Ilang linggo na rin ata na may something sa kanila.
-
Keiji
Kamusta dinner?
Keiji
Chinat ko na si Lee, tatawag ako sayo bukas ng umaga ha? bago kayo umalis.
Keiji
Kakatapos lang namin mag-lunch,late na kasi nagising mga pinsan ko.
Taeyeonie
Okay lang.
Taeyonie
Baka maaga ako, matulog. Mag aayos pa ko ng damit ko mamaya.
Taeyeonie
off na ko. magliligpit na kami.
Keiji
Sige, tyt bb
After no'n sineen ko na siya, ayaw kong maramdaman niyang wala ako sa mood kaya mas mabuti pang umiwas muna ako. Bakit ba kasi ganito yung nararamdaman ko ngayon? Parang ayoko na sumama papuntang boracay, parang gusto ko na lang magmukmok dito sa kwarto ko.
Kahit iwasan ko si Yoona wala na akong magagawa. Naging parte na ako ng buhay ni Keiji. At ako yung parte ng buhay ni Keiji na hinding hindi magugustuhan ni Yoona. Alam kong hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya marami siyang naiisip na paraan.
"Forget it, Felicity. Please." mariin akong pumikit.
Pinagpatuloy ko nalang ang pag-aayos sa mga gamit ko. Nilagay ko na lahat ng kailangan kong dalhin at mga susuotin. Mahirap na't baka may makalimutan ako 'pag nandoon na kami. All my skin care products I've put in my brown pouch. hindi ko na inilagay yung malalaki, bumili ako ng ilan na naka-sachet lang.
"Tae!" Lee shouted outside my room.
"Tae amp, Ano?" I opened the door slightly.
"Patambay naman diyan. Boring kasi nag-off na si Baekco." he leaned against the wall while talking to me.
"Baekco? Kinakain ba siya?" tumawa ako.
"Hindi, ako lang pwede kumain sa kanya." tumawa siya ng malakas. Immediately entered my room. Binunggo pa ako, amp.
"Yuck! Ang baboy mo naman!" hinampas ko siya nang hawak kong damit.
He sat on the couch, yung nasa dulo ng kama ko. Yakap-yakap niya yung white throw pillow ko. While I was on the floor, packing my things. Pinapanuod niya lang ako hanggang sa matapos. Ayaw niya din naman siguro ako daldalin habang may ginagawa.
"Bakit mint green yung kwarto mo?" Lumipat na siya sa kama ko at humiga pa. "May hotdog pillow ka pala?! Parehas tayo."
"Tanga! Bolster pillow yan, hindi hotdog. Hotdog amp. Baboy mo talaga!" I put my rose gold luggage bag on the side.
"Edi bolster! Buset na unan yan! Unan na lang." inis niyang sabi. "Bakit nga mint green 'tong kwarto mo?" muli nitong tanong.
"Obvious ba? Malamang paborito kong kulay." I rolled my eyes.
"Ay, oo nga. Ako din pala, paborito kong kulay yung nasa kwarto ko.." he shook his head. "Bobo ko talaga."
"Buti alam mo!" I teased him.
He sat down on the bed and took the remote to the side table. Pinindot niya yung latest movie na pinanuod ko. Romance 'yon at nakakaiyak. Tumabi ako sa kanya pero nakasandal ako sa head board ng kama ko. Siya naman yakap yakap na ang bolster pillow ko. Sana si Keiji na lang 'tong kasama ko.
"Sana si Baekcon na lang kasama ko. Romance pala 'to?" tumango ako. Parehas pala kami ng iniisip.
"Sana si Keiji na lang din nandito."
"Hindi naman mahilig sa romance 'yon."
Pinanuod na lang namin ng tahimik yung movie. Ayaw ko na rin magtanong-tanong tungkol kay Keiji at Yoona. Baka mawala lang din ako sa mood. Mas okay na sigurong 'wag ko na lang talaga isipin.
"Kawawa naman sila, pareahas may sakit tapos na-inlove sa isa't isa. Tapos hindi pwedeng mag-dikit. Sad life." Lee said. "Hirap niyan,hays."
Hinayaan ko lang siya magsalita mag-isa. Nanuod lang ako ng tahimik. Napanuod ko naman na 'to pero naiiyak parin ako. Tagos din kasi talaga sa puso yung sakit na mararamdaman mo dahil sa story nila.
"Iyakin, yay." Lee teased me when he saw me wiped away my tears.
"Nakakaiyak kaya!" I yelled at him.
Sino ba naman hindi maiiyak? Pusong bato ba ang meron siya? Nakakaiyak naman talaga e. Pero yung luha ko parang hindi naman talaga dahil sa movie na pinapanuod namin.
"Matulog ka na nga. Balik na ko sa guest room." Sambit niya. "Salamat sa pagpapatambay sa'kin dito!"
Nang maka-labas na si Lee, pumunta na ako sa C.R para mag hilamos, mag night skin care routine, at mag tooth-brush. Nagbihis na din ako ng pang-tulog. hindi na ako nag-phone dahil maaga pa kami bukas. Pinatay ko na ang ilaw at binuksan ang lampshade sa side table bago humiga sa kama.