Whelve | Ricci Rivero

By Donutooo

11K 499 1.4K

Whelve - to bury something deep; to hide. Rafaela Sollano meets Ricci Rivero in a very unexpected way, he sav... More

Whelve • 1
Whelve • 3
Whelve • 4
Whelve • 5
Whelve • 6
Whelve • 7
Whelve • 8
Whelve • 9
Whelve • 10
Whelve • 11
Whelve • 12
Whelve • 13
Whelve • 14
Whelve • 15
Whelve • 16
Whelve • 17
Whelve • 18
Whelve • 19
Whelve • 20
Whelve • 21
Whelve • 22

Whelve • 2

584 22 30
By Donutooo

~ Rafaela ~







Nakatulala ako ngayon at hindi ko marinig yung lecture ni Miss Peters, hanggang ngayon hindi parin kase ako makapaniwala na may boyfriend na ulit ako kahit fake lang ito, after kase namin mag break ni Marco i promised myself na hindi muna ako papasok sa relasyon hanggang hindi ako nakakagraduate ng highschool.







Tapos itong Ricci Rivero na to nung sinearch ko siya sa social media halos mahimatay ako sa mga nakita at nalaman ko, siya pala yung kinakabaliwan ng mga kaklase ko lalo na si Scarlet at isa pala siyang sikat na basketball player ng UP na galing sa DLSU, for sure kilala to ni Sixto. Sobrang dami niyang followers and all, in short sikat talaga siya at parang Marco Guerrero lang ampeg niya.







Napairap ako sa inis ng maalala ko ulit siya, hindi man lang niya hiningi number ko tapos nung finollow ko siya sa Instagram hindi man lang niya ako finollow back, syempre inunfollow ko siya agad no! Alam ko naman na hindi ako famous katulad niya pero dapat finollow back niya ako dahil im his fake jowa kaya grr.







"announcement! Prom na natin next month at Masquerade Theme daw ito and i suggest na you should start to look for your partners na dahil ang walang partner hindi daw makakasayaw sa cotillion" sabi nung president namin, hindi ko na namalayan na tapos na pala mag lecture si Miss Peters at wala na siya dito sa room.







"prom amp, pass!" bulong ko sa sarili ko sabay yuko sa desk ko.







"shems na-eexcite na ako, mala-50 shades ang getup ko nito" narinig kong sabi ni Scarlet.







"si Kent partner ko matic" sabi ni Jules, inangat ko yung ulo ko at tinidnan sila. Obvious naman na excited sila, except for me. Si Marco yung partner ko last year at nung dinala ko siya dito sa school namin pinagkaguluhan lang siya at ginawa akong photographer ng mga hayop kong kaklase tapos ang kapal pa ng tinga nung iba, talagang sakin pa nag pareto diba? well hindi naman kase nila alam na jowa ko si Marco at pwede kase outsider dito sa school namin pag prom.







"i wont be attending" sabi ni Denise.







"huh? bakit?!" tanong ni Scarlet.







"pupunta kaming Japan next month for Mommy's birthday" sabi niya at tumango lang yung dalawa. "besides ayokong mag gown kaya out talaga ako dyan, ikaw Rafa? aattend ka?"







"hell no, damayan kita sis" agad kong sinabi at tumawa itong bestfriend ko.







"bakit?" tanong naman ni Jules.







"hindi ko feel saka hindi din pupunta si Dee kaya wag nalang"







"baka naman wala ka lang ka-partner kaya ayaw mo umattend" sabi ni Scarlet at napairap naman ako sa sinabi niya dahil kahit naman may partner in mind ako hindi parin ako aattend dahil ayoko din gumastos sa gown.







"meron pero ayoko parin umattend" i said in a bore tone and her and Jules looks surprise.







"kayo ulit ni Marco?" tanong niya at agad naman akong umiling. "edi sino?"







si Ricci.







JOKENING.







"secret walang clue" sabi ko at napairap naman to, i just smiled at her sabay sandal sa upuan ko at humikab. Hindi ko alam kung bakit curious sila, kayo guys alam niyo ba? chos.







"Rafa may nag hahanap sayo!" napatingin ako sa pintuan ng classroom namin at agad akong sumimangot ng makita ko si Austin, inasar asar ako ni Denise sabay tulak sakin papunta sa pinto at tinindan ko ito ng masama at saka ko nilapitan si Austin.







"uy? bakit Austin?"







"uh....will you be the highlight of my prom?" tanong niya habang naka ngiti sakin at may hawak na white roses, my favorite flower. Yung mga kaibigan niya pinapanood kami at iniintay yung sagot ko. Napalingon ako sa classroom tapos lahat ng kaklase ko ngayon naka dungaw sa bintana kala mo nanonood ng shooting ng teleserye eh.







"ano kase..." inabot niya sakin yung roses at dahan dahan kong kinuha ito at huminga ako ng malalim. "hindi kase ako aattend ng prom Austin"







"huh? bakit?"







Austin Abel is one of my suitors here sa school, simula nung lumipat ako dito nagustuhan na niya agad ako at umamin talaga siya agad. Varsity ng Soccer si Austin at siya pa yung Captain, galing siya sa mayaman na pamilya at Senator ang Papa niya, siya yung Campus Crush and all pero hindi ko magawang magustuhan siya dahil tropa lang talaga tingin ko sakanya.







"hindi kase aattend si Dee kaya dadamayan ko siya pero thank you pala sa flowers hehe nag abala ka pa" sabi ko sabay ngiti sakanya, he looks down and he looks upset kaya naguilty agad ako. "uy wag kana malungkot, i'll think about it okay? if ever na mag bago isip ko wag ka mag alala ikaw ang una kong aayain na sumayaw"







"legit?" tanong niya and i just nod my head at ngumiti agad ito at nagulat ako dahil bigla niya akong niyakap at nag si hiyawan yung mga kaibigan niya pati mga kaklase ko. "sana umattend ka Rafa" bulong niya sabay bitaw at ngiti sakin.







"let's see hehe" sabi ko, nag paalam na siya sakin at pumasok na ulit ako sa classroom at inasar asar ako ng mga kaklase ko at nginitian ko lang sila sabay upo sa tabi ni Denise.







"taray may pa-flowers si Mayor" sabi ni Denise sabay kuha ng bouquet at inamoy ito. "kung ako sayo Rafa jowain mo na yan si Austin, ang gwapo gwapo niya kaya tapos kahit pawis galing training ang bango pa din kaloka tapos ang bait bait pa girl cant you see? hulog siya ng langit at dadalhin ka niya sa langit!"







"gaga! ayoko Dee friend lang talaga tingin ko sakanya"







"bakit ba ayaw mo sakanya? halos two years na siyang umaasa sayo kawawa naman yung tao kung ako sayo ireject mo na siya para naman mapunta si Austin sa iba at dun mismo sa deserving" sabi ni Jules at agad naman akong napatingin ako kay Scarlet at mukang malungkot ito na ewan.







In love kase tong si Scarlet kay Austin matagal na, grade 9 palang sila at si Denise nag chika sakin non dahil hindi naman kami cose ni Scarlet para ikwento niya sakin yun. Everytime na pupuntahan ako dito ni Austin sa classroom tutok na tutok samin si Scarlet, itong Austin Abel kase na to laging may dalang foods at flowers pag pumupunta dito sa room tapos hindi siya nahihiya sa mga kaklase ko pag bumabanat siya sakin talagang pinapakita niya sa lahat na ako yung gusto niya tapos ang problema kase dito kay sismars hindi siya umaamin kay Austin tamang intay lang ng himala.







"for your information matagal ko ng finriend zone yan si Austin pero hanggang ngayon hindi parin niya ako tinatantanan at hindi ko naman siya pinapaasa, nilinaw ko sakanya na friends lang kami at saka sino bang deserving yung sinasabi mo dyan? sabihin mo nga sakin para naman isaksak ko siya sa ngalangala ni Austin para malaman niyang hindi ko talaga gusto yung lalaking yun" sabi ko at tinaasan ko si Jules ng kilay, kilala ko naman yung tinutukoy niya eh gusto ko lang na sabihin niya.







"guys tama na yan" singit ni Denise at napairap naman ako sa inis. "mag mall nalang tayo para masaya"







"uwi na ako" sabi ko sabay tayo, sinout ko yung bag ko at kinuha ko yung flowers sabay walkout, hindi pa namin uwian sa totoo lang pero pwede na kaming lumabas ng school, perks ng senior high saka last subject nalang naman kaya keri na.







Irita ako kay Jules at Scarlet, alam ko naman na ayaw nila sakin eh at pinaplastik lang nila ako, sana nga hindi nalang nila ako kinakausap mas okay sakin yun kesa yung ganto na lahat ng sinasabi nila sakin may hidden message.







Dumiretso ako sa UPTC at nag gala ako mag isa habang kumakain ng ice cream at yakap yung boquet, tamang palamig lang ng ulo habang pinagtitinginan ng mga tao thanks to the flowers that im hugging sisikat na ata ako char. Sanay naman ako mag isa eh and i dont mind being alone sa totoo nga mas gusto kong ako lang mag isa palagi eh dahil nagagawa ko yung mga gusto ko na walang sagabal, after kong kumain ng ice cream pumasok ako sa favorite store namin ng mga kapatid ko.







Tumingin ako sa mga hoodie at nagandahan ako sa Supreme na hoodie, color black at oversize ito sakin. Napangiti ako dahil ang ganda niya talaga at nung tinidnan ko naman yung presyo nagulat ako at napapikit ng madiin dahil ang mahal nito masyado eh hoodie lang naman ito.







"are you going to buy that?"







"ay kike!" napasigaw ako sa gulat at sabay hawak sa dibdib ko, pagtingin ko sa nag salita mas nagulat ako at agad lumipad yung kanay ko sa bibig ko dahil ang kalat nung sinabi ko. Nakatingin ito sakin habang naka kunot yung noo.







"ano bibilhin mo ba?" tanong niya ulit sabay turo sa hoodie na hawak ko, napatayo ako ng maayos sabay iwas ng tingin.







"hindi tinitidnan ko lang at anong ginagawa mo dito Ricci? are you stalking me ba?"







"and why would i stalk you? artista ka ba at muka ba akong fan mo para istalk ka? saka may fans ka ba para istalk ka in the first place?" masungit niyang sinabi at agad naman akong napairap, kainis tong kumag na to hindi marunong sumabay sa trip!







"ang dami mo namang kuda bwisit na to!"







"gusto mo ba?" tanong niya and my brows furrowed in confusion, he rolled his eyes at me sabay turo ulit sa hoodie na hawak ko. "ano gusto mo sagot agad!"







"gusto ko pero hindi makatarungan yung presyo kaya wag nalang, pwedeng pwede akong bumili sa H&M ng sampung hoodie kesa dito jusko" sabi ko sabay balik sa rack nung Supreme na hoodie, tinidnan ako ni Ricci ng ilang segundo sabay kuha nung hoodie at talikod sakin. "hoy anong gagawin mo?!"







"bibilhin obvious ba?" sabi niya at dumiretso siya sa counter, inagaw ko yung hoodie sakanya at tinaasan niya ako ng kilay.







"nasisiraan kana ba ng bait? 8k to men! saka wag mo na bilhin ito para sakin okay lang ako"







"sinong may sabi na para sayo yan? assuming" sagot niya at napanganga ako, inirapan ako nito sabay dekwat ng hoodie sakin at inabot sa cashier, pinanood ko siyang mag bayad habang nakasimangot dahil ang lakas niyang mangbasag eh hindi naman kami close.







Sinundan ko siya hanggang sa labas ng store, nilingon ako nito sabay taas ng kilay. Ang suplado naman nitong kumag na to! Inirapan ko siya sabay lakad palayo pero bumalik din ako agad sa pwesto ko dahil hinatak niya ako pabalik.







"saan ka pupunta?"







"sa langit!" sagot ko sabay alis ng kamay niya sa braso ko, tinidnan ko siya ng masama dahil obvious na nag pipigil siyang tumawa. "sige na una na ako"







"you wore that to school?" tanong niya habang nakaturo sa sapatos ko.

"oo bakit?"







"wala lang ang taas lang at highschool ka lang pala" sabi niya habang nakatingin sa ID ko at bigla siyang umiling. "pinapayagan na pala mga highschool pumasok sa Island"







"mag 20 na ako hoy! saka naabutan lang ako ng K-12 kaya wag kang ano dyan, ba yan kairita!" sabi ko sabay hawi ng buhok ko at iwas ng tingin, nakakainis talaga siya ang lakas niyang mang asar.







"let's go"







"anong let's go pinagsasabi mo dyan?! let's go ka mag isa mo!" sabi ko, he sighed and pinched the bridge of his nose.







"i need you to sign something" sabi niya at tinaasan ko lang siya ng kilay, he glance at the bouquet and he rolled his eyes after. "daming tanong sundan mo nalang ako" sabi niya sabay talikod sakin at nag simula na siyang mag lakad, napairap naman ako sabay sunod sakanya dahil curious ako sa gusto niyang ipapirma sakin.







Pumasok siya sa Starbucks at agad siyang umupo at inayos yung hood ng jacket niya, naka taas ito at alam ko naman na tinatago niya yung pasa sa pisnge niya eh, umupo ako sa harap niya at tinidnan ko yung pasa at ang lala parin nito kahit isang linggo na ang nakakalipas pero infairness ang badboy ng look niya, yung tulad nung sa SKAM hehehe.







"asan na? bilisan na natin to para makauwi na ako" sabi ko, binuksan niya yung dala niyang bag sabay abot sakin ng isang black na folder, kinuha ko agad ito at binuksan. "legit ba to? may kontrata talaga?"







"oo, you have to sign that para sure na hindi ka ba-backout"







"ang dami mo naman alam, hindi ko naman tatakasan yung kasunduan natin eh at hindi na natin kailangan nito masyadong cliche!" sabi ko at pinatong ko ito sa lamesa.







"we need the contract to seal our deal, hindi ako basta bastang naniniwala sa salita lang kailangan ng proof at kailangan mong pirmahan yan" he said firmly sabay tulak ng folder palapit sakin at inabutan niya ako ng ballpen.







"ayokong pirmahan yan baka kung anong nakalagay dyan" sabi ko, inirapan ako nito.







"walang nakalagay na kung ano dyan, yung rules lang at yung agreement and lastly the punishment if ever you try to escape this deal" sabi niya, binuksan ko ulit yung folder at binasa ito at tama naman siya, walang kabalbalan ang nakalagay dito at ang formal pa nga eh, hindi na ako nag salita at pinirmahan ko nalang para matapos na to.







"let's make this clear, you cant tell anyone about this deal and you cant tell anyone that we're dating, yung parents ko lang ang kailangan natin i-convince dito hindi ang friends mo at ang buong mundo okay?" he said and ny brows furrowed as i look at him and letting his words sink.







"eh pano friends mo?" tanong ko at nag kibit balikat lang siya, binalik na niya yung folder sa bag niya at tinidnan niya ulit ako.







"my friends doesn't need to know about this"







"eh? edi super secret pala tong fake relationship natin, pano kung makita nila tayong mag kasama or something anong sasabihin natin?" tanong ko.







"sabihin natin na friends lang tayo ano paba? ibubuking mo ba sarili mo?" sabi niya sabay iwas ng tingin, naguguluhan talaga ako sa mga gusto niyang mangyare. "no, i have to convince my parents na totoo ang relationship natin" sabi niya at lalo akong naguluhan.







"ang labo mo naman Ricci!"







"you can tell your friends at ako din but not the media, ayokong malaman ng fans ko na may girlfriend ako" sabi niya at tinaasan ko siya ng kilay in a questioning manner. "pag nalaman nilang may girlfriend ako at pag nalaman nila kung sino they will dig deep and hindi ka nila tatantanan, gusto mo ba non?"







"wag na hoy!"







"good, so we can tell our friends but we will not expose it on social media" sabi ni Ricci at tumango lang ako. "anong number mo?"







"huh? bakit?"







"para ma-text kita malamang!" sabi niya sabay abot sakin ng phone niya, ayoko naman ng makipag talo sakanya kaya binigay ko na yung number ko. "sinong may lamay?" tanong niya habang nakatingin sa flowers.







"lamay amp grabe ka naman, binigay lang sakin yan" sabi ko, inirapan niya lang ako. Ayokong sabihin sakanya na may suitors ako dahil hinfi naman niya na kailangan malaman yon."finollow kita sa IG pero hindi mo ako finollow back" sabi ko.







"required bang i-follow back kita?"







"amputa malamang!" sabi ko sabay irap sakanya, hindi siya nag salita and after a few seconds tumunog yung phone ko, chineck ko ito at napatingin ako bigla kay Ricci and he rolled his eyes at me at imbis na irapan ko din siya nginitian ko to.







@ricciiirivero followed you...







* * *







"ano kayang trip non?" tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin, nag susuklay ako at hindi ko maalis si Ricci sa utak ko.





Its been a week after our encounter sa UPTC, hinatid niya ako dito sa bahay that day at binigay niya din sakin yung hoodie, hindi naman ako makatanggi dahil gusto ko din naman yun at hindi din naman ako pabebe. Walang paramdam sakin si Ricci at hindi ko parin alam yung number niya dahil hanggang ngayon hindi siya nag memessage sakin, finollow lang niya ako sa IG at yun na yon.







Hindi ko talaga alam kung anong pumasok dun sa utak ni Ricci at naisipan niyang jowain ang isang tulad ko, pwede naman yung iba dyan eh yung mga ka-level niya at bakit ako pa eh hindi naman niya ako kilala saka hindi pang artista yung itsura ko, pang average lang ang face ko pero kahit papaano may natitinag sa beauty ko.







Sure din naman ako na hindi natinag yun si Ricci sa ganda ko dahil obvious naman sa tingin niya sakin, parang irita kase siya pag tinitidnan niya ako at ganun din naman ako sakanya. Hindi ko alam kung pano ko isusurvive yung 5 months na agreement namin dahil hindi naman kami mag kasundo ni Ricci at kitang kita naman na hindi namin trip isat isa.







My phone buzzed cutting me off my thoughts, agad kong chineck to at text ito galing sa isang unknown number at alam ko na agad kung sino ito dahil siya lang naman binigyan ko ng number at obvious naman sa text niya kaya sinave ko na agad yung number niya bago mag reply.





From: Ricci Rivero.

oi malapit na ako sa bahay niyo.







To: Ricci Rivero.

who dis ???







From: Ricci Rivero.

your fake boyfriend.







To: Ricci Rivero.

huh? wala akong boyfriend eh sorry, wrong number ka ata.







From: Ricci Rivero.

fake nga eh feeling ka girl?







To: Ricci Rivero.

ulol.







From: Ricci Rivero.

labasin mo ako.







To: Ricci Rivero.

bakit ka ba kase andito? ayokong lumabas saka umuwi kana baka makita ka ng mga kapatid ko.







From: Ricci Rivero.

lalabas ka o kakatok ako sainyo?







To: Ricci Rivero.

sabi ko ito na nga!







From: Ricci Rivero.

that's what i thought.







To: Ricci Rivero.

tss.








From: Ricci Rivero.

dali ang tagal!







Agad akong lumabas ng kwarto ko at tumakbo pababa sa hagdanan, buti nalang si Sandro lang yung andito dahil kung si Sergio yung andito lagot na talaga, lumabas na ako ng bahay at nakita kong naka park yung kotse ni Ricci sa hindi kalayuan, binuksan ko yung gate at nag jog ako papunta sakanya. Kummatok ako sa bintana at bumukas ito.







"pasok" sabi niya, i sighed and opened the door and hop inside his car, i close the door and face him at biglang may inabot siya sakin.







"ano to?"







"cheque" he said in a flat tone at kinabahan ako bigla sabay tingin sa inabot niyang papel. "joke ticket yan"







"tangina ka talaga" sabi ko at nagulat ako dahil bigla itong tumawa, for the first time i heard him kaugh out loud and his laugh sounds nice. "para san tong ticket na to?!"







"para sa next game namin, kailangan mong manood dahil andun parents ko and papakilala kita after the game"







"agad agad?!" sabi ko sabay tingin sakanya, tumango ito sabay iwas ng tingin.







"papakilala lang naman hindi ka pa nila iinterviehin" sabi niya at napahinga ako ng maluwag, hindi pa kase ako ready mameet parents nitong kumag na to at hindi din ako ready mag sinungaling pa.







"kelan to?"







"bukas" sabi niya at agad kumunot noo ko at abot sakanya pabalik nung ticket. "oh bakit?"







"hindi ako pwede bukas may practice kami ng cotillion for prom" sabi ko.







"anong oras tapos?"







"1pm" sagot ko at agad akong inirapan nito at sabay balik ng ticket sakin. "saka ayoko din manood Ricci hindi ako mahilig pumunta sa mga lugar katulad ng Arena"







"3pm pa start ng game at kailangan mong manood dahil ipapakilala nga kita saka okay lang kahit hindi kana manood basta pumunta ka, alam ko naman na tutulugan mo lang yung game eh"







"pinagsasabi mo dyan?!" sagot ko habang nakatingin sakanya na para bang tinubuan siya ng isa pang mata, dont tell me may pag ka psychic tong epal na to.







"i saw you nung game namin against UST, pumunta ka diba and ikaw yung naka black na hoodie na malapit sa bench namin?" tanong niya at hindi ako nag salita. "alam kong ikaw yun at alam kong natutulog ka non kaya wag mo ng i-deny"







"pano mo nalaman na ako yun at pano mo ako nakita?" shook parin ako dahil na identify niyang ako yun sismars.







"one of my teammates pointed at you, pinag tawanan ka nga eh dahil pano ka nakatulog ng mahimbing sa lugar na lahat ng tao sumisigaw"







"alam mo kung bakit?" sabi ko.







"bakit?" tanong niya and this time naka kunot na ang noo niya at nag pigil akong tumawa and i maintained my poker face. "tagal naman bakit nga?"







"pwet mo may racket"







"ay ang galeng" pang asar niya sabay irap sakin habang ako tawa ng tawa tapos siya okray na pinapanood ako, sa sobrang lala ng tawa ko naluha na ako sa saya. "tawang tawa?"







"oo grabe ang saya saya kaya"







"kelan prom niyo?" tanong niya, kumalma ako bigla at napaupo ako ng maayos sa upuan.







"next month na" sabi ko at tumango lang to. "hindi ko nga alam kung bakit pa ako umaattend ng practice eh hindi naman ako pupunta" mahina kong sinabi habang naka titig sa dashboard, minsan talaga napapaisip nalang ako sa mga katangahan ko.







"bakit hindi ka pupunta?"







"Hindi ko trip" maikli kong sagot and i heard him scoff and that made me look at him again.







"wala ka lang ka-partner eh" sabi niya sabay smirk, ang judgerist naman nitong kumag na to!







"masyado ka Ricci, ayoko umattend dahil hindi ko talaga trip" sagot ko.







"umattend ka dahil sayang memories saka okay lang naman kahit i-deny mo na wala kang ka-partner naiintindihan ko naman dahil nakakahiya talaga na walang partner pero okay lang yan dahil hindi naman nakasalalay ang prom mo sa ka-partner mo kaya umattend ka at wag kang kj"







Tama naman si Ricci, gusto ko naman talaga umattend ng Prom pero kase wala si Denise at siya lang naman kaibigan ko sa school at ayokong makisama kay Jules at Scarlet, masisira lang gabi ko at paniguradong magsisisi lang ako if ever na umattend ako.







"ayoko"







"arte ha?" sabi ni Ricci at hindi ko nalang pinansin ito. "oo nga pala ka ano ano mo si Marco Guerrero?" .







ampucha kilala niya yung cheater kong ex..







"kilala mo yon?" tanong ko at tumango lang siya. "wala yun hindi ko kilala yon"







"ah kaya pala ganon ka makipag usap sakanya, ang galeng ang rude mo naman sa hindi mo kakilala" pilosopo niyang sagot, napapikit ako sa inis dahil ayokong sabihin sakanya na ex ko yung cheater na yon at sure naman akong hindi siya maniniwala dahil hindi naman ni-reveal ni Marco as his girlfriend.







"oo, kaya pasalamat ka dahil mabait ako sayo"







"mabait kana sa lagay mong yan? grabe thank you talaga Faela dahil apaka nice mo sakin" he said sarcastically and i should be annoyed but im not because he called me by my name for the first time.







"kala mo siya oh hindi suplado amp"







"huh? ako suplado? okay ka lang ba?" sabi niya habang nakaturo sa sarili niya. "hindi ako suplado sa totoo lang ako ang pinaka friendly na tao na makikilala mo saka super funny ko kaya" sabi niya at napairap ako.







"grabe ang funny mo nga sa sobrang funny mo sumakit yung tyan ko sa dry mong humor" pang asar kong sagot at tumawa to sabay pitik sa noo ko. I look at him weirdly because he is smiling at me.







totoo ba to?







naka ngiti sakin si Ricci Rivero?





"bakit ganyan itsura mo?" tanong niya, napaiwas ako bigla ng tingin and i cleared my throat.







"sige na umalis kana thank you sa ticket bye!" sabi ko sabay labas agad sa kotse niya at nag jog ako pabalik sa bahay at hindi ko siya nilingon nung tinawag niya ako, alam kong ang weird ng exit ko pero mas weird siya.





Humiga ako sa kama habang nakatitig sa ticket na binigay niya and ang weird dahil ang bango ng ticket, amoy Calvin Klein at napaisip ako bigla, baka spinrayan ni Ricci? joke. Tumunog yung phone ko dalawang beses at agad kong chineck ito at pag kabasa ko sa text natawa ako sabay iling dahil hindi ako sanay sa goofy side niya.







loko loko amp.







From: Ricci Rivero.

hoy alien eyes! alam kong cute ako ngumiti at wag ka masyadong kiligin dahil normal lang sa tao na ngumiti okay? okay.


From: Ricci Rivero.

see you tomorrow :)





VOTE & COMMENT :)


what do you guys think about this chapter? let me know hihi.

Continue Reading

You'll Also Like

130K 7.4K 43
╰┈➤ *⋆❝ 𝐲𝐨𝐮 𝐭𝐡𝐢𝐧𝐤 𝐢'𝐝 𝐩𝐚𝐬𝐬 𝐮𝐩 𝐚 𝐟𝐫𝐞𝐞 𝐭𝐫𝐢𝐩 𝐭𝐨 𝐢𝐭𝐚𝐥𝐲? 𝐢 𝐥𝐢𝐭𝐞𝐫𝐚𝐥𝐥𝐲 𝐤𝐞𝐞𝐩 𝐦𝐲 𝐩𝐚𝐬𝐬𝐩𝐨𝐫𝐭 𝐢𝐧 𝐦𝐲 �...
154K 5.5K 90
Ahsoka Velaryon. Unlike her brothers Jacaerys, Lucaerys, and Joffery. Ahsoka was born with stark white hair that was incredibly thick and coarse, eye...
151K 4.6K 48
matilda styles, will you be my valentine? (please reject me so i can move on) ⋆ ˚。⋆୨💌୧⋆ ˚。⋆ IN WHICH christopher sturniolo falls for nepo baby or...
Fake Love By :)

Fanfiction

135K 3.1K 46
When your PR team tells you that we have to date a girl on the UCONN women basketball team and you can't say no to it... At first you don't think too...