Adrianna Rose Campbell POV
Nakatingin lang ako sa sobreng hawak ko. Bakit parang nakakaramdam ako na parang may mali. I mean may mali sa sobreng ito? Ako lang ba ang mali o talagang mali ang nararamdaman ko ngayon dahil sa sobreng hawak ko?
At nalito na nga ako sa tanong ko.
Huminga muna ako nang malalim saka dahan-dahang binuksan ang sober, pagkakita ko pa lang sa surname ay talagang nangilabot na ako. Tangna. Sabi na nga ba!
Gusto mo na talagang mamatay eh noh? Pwes humanda ka!
Ava Cunningham POV
Namiss ko na si Caspain ko huhuhu. I want to see him now. He is my life. I can't live without him. I couldn't eat well because he's in my mind every seconds, minutes and hours.
Is he ok? Kung nasaktan siya sa misyon hindi ko mapapatawad si Hm! Gagawin ko siyang bato! At isusumbong ko siya kay Lolo. Siguradong mapapalitan siyang Hm ng school na ito ang Magical Academy.
Tumingin ako sa paligid, nakatingin pala silang lahat sa akin na nakabusangot.
"Anong tinitingin-tingin niyo dyan mga unggoy?! Gusto niyong maging bato?!"-sigaw ko sa kanila kaya tumalima naman sila at nag kanya-kanyang gawa na. Ang tapang tapang kapag nakatalikod, titiklop naman kapag nakaharap. Mga inutil! Mga unggoy na duwag!
Mga 'to pinanganak na tsismoso at tsismosa. Mga unggoy!
Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad hanggang sa makita ko ang ugly mute creature ng aming paaralan.
Isa rin 'tong unggoy na ito. Masyadong makapit sa Royalties. Nagsawa na ba siya na sa puno ng saging lang siya kumakapit? Kaya pati mga royalties kinakapitan na rin niya?
"Hoy Ugly Mute Creature! What are you fucking doing here ha?!"-sigaw ko sa kanya kaya nanlaki ang mata niyang nakatingin sa akin. Ang kapal ng mukha! Hindi ba niya ako naramdaman? Ngayon lang ba niya nakita ang kagandahan ko?! Hah! This kind of beauty should be display and praise by those men out there. But still I only want Caspain for me only. Just him.
Dali-dali niyang kinuha ang note pad niya saka nagsulat doon gamit ang ballpen niya.
*Uhmm. Dito kasi ako nag-aaral*
Tinignan ko siya ng masama. Aba't namimilosopo pa talaga! Unggoy na pilosopo! Gaga tong unggoy na ito ah! Gawin ko kaya siyang bato? Display na rin. Opps hindi pala siya pwedeng i-display kasi this kind of ugly creature should put in the garbage place.
Napa-iling na lang ko. Why would I spend my time with her? It's just a waste of time.
Tinignan ko ulit siya at sinaboy sa kanya ang hawak kong Moonsun Juice.
"Huhuhu basang Ugly mute monkey huhuhu"-tawa ko habang lumalayo na sa kanya. Wala namang nagawa ang mga ibang estudyante. Kilala na nila ako. Takot silang kalabanin ako.
Nang makalayo na ako ay agad akong nanlumo. Ang Moonsun Juice ko!! Huhuhu. Pasalamat siya at binigyan ko pa siya ng Moonsun Juice- I mean huhu pinaliguan ko siya ng Moonsun Juice. Mahal kaya iyon. Ang Moonsun juice ay nagmumula sa laway ng buwan sa gabi at ang pawis ng araw sa umaga. Laway at Pawis, when I heard that, it makes me sick as hell. I even vomit. But they say it's an energy drink and I can't stop myself drinking that kind of Juice because it's so delicious and so great in my body.
My Caspain!! Please come back to my life. Let's start our new life together in our house. We'll going to create our own family. Ok lang sa akin na lahat ng mga anak natin kamukha mo. OK lang talaga!!
Accuis Reed POV
Ang mission ay napakadali lang naman. Dahil na rin sa tulong ng aking Ama.
Naka-upo lang kami ngayon sa karwahe hinihintay na makabalik na kami sa Magical Academy.
Napatingin ako kay Aiken ng masama kahit tulog pa siya. Hindi ko malilimutan ang ginawa niyang kagaguhan. Tangna lang niya. Pasalamat talaga sila dahil dinamay ko pa sila. Ang bait kong kaibigan noh? Sus, nahiya pa kayong aminin.
Mura sila nang mura noong dinamay ko sila. Hindi naman kasi pwedeng ako lang.
Pinagmumura nila ako habang nagtatakbuhan kami.
Takbo lang kami nang takbo. That time parang nawawalan na kami ng hininga. Nanlalambot na rin ang mga paa namin kakatakbo. Habang tumatakbo kami ay natisod ng bato si Aiken kaya nadapa siya at nawalan ng malay dahil na rin sa pagod. At doon nawala ang air judgement shiruken. Napatingil kaming lahat sa kakatakbo that time saka umupo na sa lupa habang naghahabol ng hininga.
Iyon lang pala ang kailangang gawin para mawala ang air judgement shiruken niya. Kailangan lang siyang patulugin. Sana mas maaga naming nalaman para hindi na kami napagod ng husto.
"You sama sama tingin to Aiken? Still naaalala you nangyari?"- tanong ni Tenleigh. Tinignan ko siya ng masama. Kung magsasalita rin lang naman siya ng ganon ay wag na lang siyang magsalita nakakamatay eh.
Dahil sa ingya niya kaya nagising si Aiken at tumitig sa amin.
Tumingin ulit ako kay Tenleigh.
Minsan conyo, minsan hindi. Ano ba talaga? Dapat stick to one lang. Stick to one!
"You tahimik first, I can't intindi you"-irap na saad ko kaya inirapan rin niya ako. Anong akala niya siya lang alam mag conyo I know rin kaya.
"Pwede na kayong pumunta sa ibang mundo at magsama dahil bagay na bagay talaga kayo"-saad ni Aiken sa amin kaya tinignan ko siya ng masama. Anong bagay? Sa alien na babaeng ito? No way. Hindi ko pinangarap na makasama ang isang alien sa buhay ko at gawin kong reyna ko. Pssh.
"You tigil sa look na yan. It's so eww like eww"-nandidiring saad ni Tenleigh kaya sumang-ayon ako. Nabwibwisit rin ako sa tingin na binibigay ni Aiken na para bang may something kami ni Tenleigh. Gross.
"At saka tumigil ka Aiken may kasalanan ka pa sa amin!"-inis na saad ko kaya napatingin siya sa malayo at namula ang kanyang dalawang tenga. Ahahha nahiya pa ang gago sa kapalpakan niya pssh.
"You guys should fucking stop talking and just fucking sleep. You are fucking ruining my fucking sleep"- bawat salitang pinakawalan niya ay may mga kasamang mura kaya natahimik kaming tatlo. Hehe masamang galitin ang nagmumurang dragon na bumubuga ng apoy.
Tinignan ko naman si Elisana na natutulog sa hita ni Aiken kaya natawa naman ako. Tulo laway! Ahahaha.
Napansin ni Aiken na natatawa ako kaya binigyan niya ako nang "what-the-hell-are-looking-laughing-at-idiot?"
Tinuro ko naman si Elisana kaya dali-dali siyang tumingin sa hita niya at doon niya nakita ang tulog laway na si Elisana kaya hindi niya napigilang itulak ito kaya nahulog si Elisana sa lapag ng karwahe kaya tawa kami nang tawa ni Tenleigh na magkatabi.
"Ahahhahahahhaha" hindi mamatay-matay ang tawa namin ni Tenleigh habang nakatingin sa natutulog pa rin na si Elisana. Sh*t hindi man lang siya nagising? Ahahhahaa
Si Aiken naman ay namumutla na ngunit hindi kay Elisana siya nakatingin kundi sa isang taong nasa harapan namin na nag-aalab na sa sama ng tingin nito sa aming dalawa.
Dahan-dahan kong pinihit paharap ang aking ulo ganon din ang ginawa ni Tenleigh at doon namin nasalubong ang dalawang nagbabagang bolang apoy sa dalawang kamay ni Caspian na may masamang tingin sa amin kaya napasigaw na kami. At doon narin nagising si Elisana at ang nagtataka niyang tanong.
"Ahhhhhh"
"Stooopp"
"What's happening? Why I am on the floor of the carriage?"
✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳✳
If you like this chapter please click the star button and if you want to leave a message just leave a message, I would gladly reply back.
I hope you enjoy. And have a great day.
Keep safe