Genesis

reveeruary tarafından

786K 6.5K 1.2K

Ano nga ba ang tinatago ng pamilya Thompson? Kilala sa larangan ng media ang pamilya nila. Ngunit, kung gaan... Daha Fazla

Under Revision
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 14

25.8K 235 39
reveeruary tarafından

HINATID siya ng kuya Phoenix niya sa tahanan nila Reese. Nang makarating siya roon ay agad siyang dinaluhan ng ina nito. Naka-ngiting niyakap niya ito at kinamusta habang si Reese ay nakasunod sa kanila.

Pilit na ngitian siya nito pagkatapos ay sabay silang tatlo pumunta sa dining area. "One of my amiga's son wants to see your works," anito.

Hindi naman siya makapaniwala sa sinabi nito. "T-talaga po?"

Umupo silang tatlo sa hapagkainan. Hindi naman mawala ang tingin at ngiti niya sa ina ni Reese. "His name is Gideon. I think, sa campus niyo rin siya nag-aaral." Lumingon ito kay Reese. "Right, anak?"

"Yes, he's part of the soccer team." Pinatitigan siya ni Reese. Paniguradong gusto nito ipahiwatig sa kaniya na baka kilala ito ni Chase.

"My cousin Chase. Kasama rin po siya sa soccer team. I'll try to ask him."

"Gano'n ba, sige. Para makapagusap din kayo. Susubukan ko rin hingin 'yong contact ni Deon."

"Salamat po, tita," nagpasalamat siya rito. Habang kumakain ng tanghalian ay marami rin silang napagusapan about sa arts niya. Sa pamilya ng bawat isa but mostly about sa kaniyang pinsan.

Nang matapos sila kumain ay nagpaalam na ang ina ni Reese na may importante pa itong dapat gawin at iniwan silang dalawa ni Reese. Patungo sila sa sala nang parehas silang tumigil dahil may dalaga ang bagong pasok sa loob ng sala.

Lumingon ito sa kanila. Tinaasan pa siya nito ng kilay. Iniisip niya kung saan niya ito huling nakita dahil sobrang familiar nito sa kaniya.

"Gene, this is Valerie my cousin," pakilala ni Reese. "And Val, this is Genesis Thompson, my friend and Chase's cousin."

Do'n niya lang naalala kung saan niya ito nakita. Ito 'yong dalagang nakasayaw ni Chase no'ng anniversary ng magulang ni Reese. Bigla tuloy siya nakaramdam ng pagkainis. Muntikan na niya ito ikutan ng mata.

Ngumiti ito sa kaniya. "Oh, my! You're Chase's cousin. How was he? Bakit hindi niya ako ni-re-replyan sa mga text ko sa kaniya? Even my calls!"

Pilit na ngumiti siya rito. So, ito ang nag te-text kay Chase? Bakit hindi nagawang sabihin sa kaniya iyon ng pinsan? Does he think she will get jealous?

Well, he's right!

At nakakainis 'yon.

"Maybe he's busy." Tinitigan siya ni Reese nang mahalata nito ang tono ng pananalita niya habang si Valerie naman ay parang walang nahalata o nagkukunwaring hindi nito nahalata.

"Can you tell him to reply to my texts? Hm?" Hindi siya makapaniwala nang hawakan pa siya nito sa braso. Feeling close sa kaniya.

Inalis naman niya ang kamay nito. Napansin niya na may malokong ngiti si Reese sa kanilang gilid. Halatang natutuwa ito sa nangyayari. Pwes, siya hindi!

"Bakit hindi ikaw ang magsabi sa kaniya? I'm not really close to my cousin." Pilit na ngumiti siya. Hindi naman nawala ang maarteng ngiti ni Valerie sa kaniya. Binalewala nito ang una niyang sinabi.

"Would you help me talk to him?"

Kung naiinis na siya. Mas lalo na siya nainis sa sinabi nito. Ano siya tulay para sa pag-iibigan ng dalawa?

"Val, 'di sila close ni Chase. 'Wag mo nang ipilit," ani Reese. Wow, thanks.

Saglit lang lumingon si Valerie sa pinsan pagkatapos ay binalik nito ang atensyon sa kaniya. Pinulupot pa nito ang braso sa kaniyang braso.

"I saw her with him no'ng anniversary nila tita. I think they're really close," ani Valerie sa pinsan pagkatapos ay may ngiti sa labi na bumaling sa kaniya. "Right?"

Kung hindi lang masama manabunot sa taong kakakilala niya lang ay baka nagawa na niya ito kahit nasa harapan pa sila ng pinsan nito.

"I'll try to talk to him," pilit na saad niya. "Really? Thank you, Genesis." Naiinis siya sa malaki nitong ngisi sa kaniya. "Ang bait mo," saad pa nito.

HINDI siya tinantanan ni Valerie. Hindi ito nakahalata kung gaano siya naiinis sa presensiya nito. Mas lalo pa siya nainis nang iwan sila ni Reese dahil tinawag ito ng ina. Kasalukuyan niya tuloy kasama si Valerie sa sala.

Walang tigil ito sa pagkukwento sa kaniya patungkol kay Chase. Naririndi na 'yong tainga niua. Hindi niya mawari kung iniinis ba siya nito o what?

"Bakit walang girlfriend si Chase? Sa gano'ng itsura. Imposible talaga na wala, Gene."

Pekeng ngumiti na lang siya at nagkibit balikat. "Baka naman may tinatago siyang babae. Alam mo na, ayaw pasabi sa inyo."

"Baka nga," pagsasang-ayon niya rito kahit hindi na siya natutuwa pa.

"Ikaw ba? Do you have boyfriend?" Muntikan na siya masamid sa sinabi nito. What the fuck is wrong with her?

Umiling siya. "Study first. Masyadong strikto si kuya."

"Ay, gano'n? kahit manliligaw?"

"Wala. Ayoko rin naman kasi," saad niya. Binalik niya ang tingin sa screen ng cellphone niya. Kanina pa siya nag s-stroll sa social media niya.

"Talaga? Sayang naman. Ang pretty mo pa naman. How about my cousin Reese? What do you think about him?" Umangat ang paningin niya sa sinabi nito.

Napaisip tuloy siya. Kung siguro iba 'yong klaseng pamilya sila. Baka, possible pero hindi naman nanliligaw si Reese sa kaniya. Mas mabuting kaibigan niya lang ito. He was kind at ayaw niya masira 'yon.

Bigla niya naalala 'yong muntik na siya nito halikan. Pilit niyang inalis sa kaniyang isipan iyon. "He's my friend," saad niya.

Natigilan din siya dahil biglang may lumabas sa kaniyang feed na mas lalong nagpasindi sa inis nararamdaman niya. River was with a girl at tandang-tanda niya kung saan niya ito nakita.

Ito 'yong babae ka-date nito no'ng nakita nila ito ni Reese sa isang restaurant. Sino 'yong babae?

"Baka malungkot si Reese kapag narinig 'yan." Natawa pa ito.

"That's impossible. We're only friends."

Tumango ito. "Ok, kung ayan pinapaniwalaan mo."

Gusto niya sana sumagot na talaga pero pinili na lang niya na hindi. Baka isipin nito na wala siyang modo. Kanina niya pa kasi ito hindi sinasagot nang ayos. Pati ang pakikitungo niya rito ay halatang naiirita siya.

Parehas silang natahimik. Tinitigan niya ito. Nakatingin ito sa cellphone.

"Ikaw ba, do you have boyfriend?" she asked. Naka-ngiti na lumingon ito sa kaniya. "No, I don't have but I have in mind."

"Who?"

"Let's say Chase." Mahinhin pa ito natawa pagkatapos ay marahan siyang hinampas dahil kinikilig ito. The fuck?

Nasaan na ba kasi si Reese?

Luminga-linga siya pero hanggang ngayon ay wala pa rin ito. Hindi siya pumunta sa tahanan nito para makipag plastikan sa pinsan nitong si Valerie.

Nag-iisip siya kung paano takasan ang dalaga nang tumunog ang kaniyang cellphone. Kumunot ang noo niya nang makita kung sino ang caller.

River.

Anong mayro'n?

Nagtataka na tinitigan siya ni Valerie nang sinilip niya ito. Hindi niya gustong sagutin ang tawag ni River. Hindi pa rin siya handang kausapin ito. Kaya nga siya pumunta kala Reese ay para magkaroon pa ng oras upang mag-isip.

Namatay ang tawag. "What's wrong?" Valerie asked. Mahahalata ang pag-aalala rito. She sighed.

"Wala 'yon," she said pero tumawag ulit si River.

"I can go there, so you can answer that."

Umiling siya rito. Namatay na ulit ang tawag. "It's fine. He won't call me again."

Tumaas ang kilay nito. Bigla naman nag vibrate ang phone niya. Pagtingin nya sa screen ay nag-text si River sa kaniya. Agad niya binasa ito.

Did you just angry my post?

Ha?

Nagtataka na bumalik siya sa post nito. Nanlaki ang mata niya nang makitang nag angry siya rito. The fuck is wrong with her? Nakakahiya. Nakita niya pa na may comment si Gray na mas lalong kinahiya niya.

Inaasar siya nito. Kapag nakita niya talaga ang pinsan na si Gray ay makukutusan niya ito. Palagi na lang siya nito inaasar.

"Are you okay?"

Binalik niya ang tingin kay Valerie. Do'n niya lang naalala na kasama niya ito. Nakalimutan niya iyon saglit dahil sa kahihiyan na ginawa niya.

Mabilis siyang tumayo at kinuha ang bag. "I'm sorry but can you tell Reese I have to go home. Hindi ko na siya mahihintay pa," saad niya. Tumayo rin si Valerie. Sinundan siya sa pinto.

"Bye! I... I'll try to talk to Chase."

Ngumiti ito. "Ingat." Tumango siya rito bago nagmamadali na lumabas. Agad siyang pumara ng taxi nang may makita siya. Sobrang kinakabahan siya. Ano ba naman kasing problema niya at nagawa niya iyon?

Huminga siya muna nang malalim bago nireplyan si River. Kailangan na niya talaga makausap ito.

Tinawagan naman siya nito agad nang ma-received nito ang text niya.

"Where are you?" bungad na tanong ni River sa kaniya. Mariin niyang kinagat ang labi.

"Sa taxi. Pauwi na ako."

"Where? I'll pick you up." Sinilip niya ang labas kung nasaan siya. Bakit kailangan pa siya sunduin nito? Kaya naman niya umuwi.

Sinabi niya kung nasaan siya pagkatapos ay nagpababa siya sa isang restaurant nakita niya. Do'n siya nagpasundo kay River.

Hindi naman siya matagal naghintay dahil agad din tumapat ang sasakyan ni River sa kaniyang harapan. Kumuha muna siya nang lakas ng loob bago tuluyan pumasok sa sasakyan nito.

Tahimik siyang umupo sa passenger seat habang titig na titig si River sa kaniyang gawi. Hindi niya ito magawa matitigan.

"Saan ka nang galing?" tanong nito. "Kala Reese," tanging saad niya. Pagkatapos niya sagutin ito ay parehas nanahimik silang dalawa bago pinaandar ulit ni River ang sasakyan.

Tahimik lang siya habang pinanood ang tanawin sa labas. Lumingon lang siya kay River nang mapagtanto na hindi sila pauwi sa kanilang village.

"Saan tayo pupunta, kuya?"

Hindi ito sumagot sa kaniya hanggang huminto sila sa harap ng parke. Pinagmasdan niya ang mga batang nagtatakbuhan at ilang vendors ang nakahalera sa gilid. Nagtataka na nilingon niya si River.

Ngumiti ito sa kaniya. "Go ahead."

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

1.1M 12.3K 25
[Under Editing] The Martin's Triplets. 𝗥𝗘𝗔𝗗 𝗔𝗧 𝗬𝗢𝗨𝗥 𝗢𝗪𝗡 𝗥𝗜𝗦𝗞.
1.4K 97 44
Hiñago. An unwieldy surname to carry. Despite the weight, Damian, the 8th grandson of the province's most prominent clan-the Hiñagos- lived a happy...
421K 11.2K 45
WARNING: Not suitable for young readers "A boy makes you jealous of another woman, but a gentleman makes another woman jealous of you." -Anonymous Qu...
6.8K 205 24
[SOON TO BE PUBLISHED UNDER PIP] DEATH NOTE SERIES Page #5 May sampung magkakaibigan ang nakatanggap ng isang lumang sulat kung saan nauwi ang mga it...