Not Your Ordinary White Lady

By yukiirisu

87.4K 2.3K 5.9K

๐’ž๐‘œ๐“‚๐“…๐“๐‘’๐“‰๐‘’๐’น ๐ŸŒธ Ako ay isang ๐˜„๐—ต๐—ถ๐˜๐—ฒ ๐—น๐—ฎ๐—ฑ๐˜†. Oo, white lady! Daig ko pa ang mga model ng shampoo s... More

prelude โ˜†
NYOWL - 1 โ˜†
NYOWL - 2 โ˜†
NYOWL - 3 โ˜†
NYOWL - 4 โ˜†
NYOWL - 5 โ˜†
NYOWL - 6 โ˜†
NYOWL - 7 โ˜†
NYOWL - 8 โ˜†
NYOWL - 9 โ˜†
NYOWL - 10 โ˜†
NYOWL - 11 โ˜†
NYOWL - 12 โ˜†
NYOWL - 13 โ˜†
NYOWL - 14 โ˜†
NYOWL - 15 โ˜†
NYOWL - 16 โ˜†
NYOWL - 18 โ˜†
NYOWL - 19 โ˜†
NYOWL - 20 โ˜†
NYOWL - 21 โ˜†
NYOWL - 22 โ˜†
NYOWL - 23 โ˜†
NYOWL - 24 โ˜†
NYOWL - 25 โ˜†
NYOWL - 26 โ˜†
NYOWL - 27 โ˜†
NYOWL - 28 โ˜†
NYOWL - 29 โ˜†
NYOWL - 30 โ˜†
NYOWL - 31 โ˜†
NYOWL - 32 โ˜†
NYOWL - 33 โ˜†
NYOWL - 34 โ˜†
NYOWL - 35 โ˜†
NYOWL - 36 โ˜†
NYOWL - 37 โ˜†
NYOWL - 38 โ˜†
NYOWL - 39 โ˜†
NYOWL - 40 โ˜†
NYOWL - 41 โ˜†
NYOWL - 42 โ˜†
NYOWL - 43 โ˜†
NYOWL - 44 โ˜†
NYOWL - 45 โ˜†
NYOWL - 46 โ˜†
NYOWL - 47 โ˜†
NYOWL - 48 โ˜†
NYOWL - 49 โ˜†
NYOWL - 50 โ˜†
NYOWL - 51 โ˜†
NYOWL - 52 โ˜†
NYOWL - 53 โ˜†
NYOWL - 54 โ˜†
NYOWL - 55 โ˜†
NYWOL - 56 โ˜†
Epilogue โ˜†
True Epilogue โ˜†โ‹…โ‹†
Author's Note โ˜†โ‹…โ‹†

NYOWL - 17 โ˜†

1.8K 42 1
By yukiirisu




trigger warnings: blood, slight gore




────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

17th Episode

[ Halloween Special Pt. 1]

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────


Ami's POV



Dumilat ako. O_____O

"Huh?! Nasan ako?!" tanong ko sa sarili habang bumabangon sa kama. Sabay nakita ko ang organized na cabinet at desk sa isang tabi. "Teka. . ." Nasa kwarto ako ni Suho!? Paano ako napunta dito?

Anyway, bumaba na ako sa sala at nakita kong walang tao. Siguro pumasok na silang lahat sa office. -__-

Kaso pagtama ng tingin ko sa sala at sa couch, biglang may nagbalik na ala-ala sakin.

"Jason, I'm so sorry. . . Nagawa ko lang naman yun kasi-"

"Hindi mo na kelangan mag-explain. At least. . . Nakaganti ka na sakin, diba?"

Biglang sumakit ang puso ko. Nakakatawa nga eh. Wala na akong puso pero nadadama ko pa din yun.

"Oh gising ka na?" Napalingon ako sa kusina at nakita ko si Kyla. Yung girlfriend or ex-girlfriend ni Cue. HAY EWAN kung anong status nila. -__- Hehe.

"Ah, oo." Bumaba ako ng hagdan at lumapit sa kanya. May pagkaen!! (ノ◕ヮ◕)ノ*:・゚✧ "Um, nasan pala yung iba?"

"Ayun, pumasok sa office. Naiwan tayong tatlong girls!" sabi ni Kyla. Wait-Tatlo?! Eh dalawa lang kami dito-

"Kaen na tayo dali!!" ^___^ 

Paglingon ko. . . SI SOFIA ANDITO?!

*shocked* O____O

"Ewan ko ba, hinatid siya dito kanina ni Suho. Ang cute cute nyang bata, diba??" ^__^ sabi ni Kyla. Kung alam mo lang na multo yan gaya ko!!


────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────


Kumain na kaming tatlo.

"Um, matanong ko pala." Nagsitinginan silang tatlo sakin. ". . . Er, nagkabalikan na ba kayo ni Cue?"

Namula si Kyla sa tanong ko. HAHA! Mukhang alam ko na ang sagot ah!

"M-Mukhang ganun na nga." Ngumiti ang dalaga at napabuntong hininga kami ni Sofia.

"Ay nako ate! Mabuti naman at nakatulong ang plano namin ni Ate Ami sa daycare center!! HAHAHAH!" sabi ni Sofia at bigla kaming nagkatitigan. O_____O NADULAS SYA!! >___<

"Ano. . . kamo?" nalilitong tanong ni Kyla.

"Ah- HAHAHA! WALA YON!" pilit kong tawa. "Ibig nyang sabihin, diba dun ulit kayo nagkita? Kaya dun nagsimula ulit lahat. Hehehe. . ." Naku muntik na talaga!

"Ahmm, maiba ako. Si Macky. . . Ano um, b-bakla ba sya?" tanong ni Kyla.

"WHAT!? Bakla si Kuya Macky?!" sigaw naman ni Sofia.

"Napansin ko lang kasi pero baka mali lang ang iniisip ko." -Kyla

"Ahmm. Bisexual siya, Kyla. Pero. . . sabi naman niya nalilito pa siya kung ano ba talaga siya. Ay, speaking of- May alam ka bang paraan para maging 100 percent lalaki siya?" tanong ko. Tiningnan ni Kyla si Sofia, tapos balik sakin at may binulong. . .

"E-Eh!?" O///__///O ". . .Kaso san naman tayo makakakuha nun?"


────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────


Kwarto ni Jason. . .


*jawdrop* 

  "A-Ang. . .dami," bulong ko sa sarili nang matagpuan ang stash ng porn magazine sa ilalim ng kama ni Jason!! >/////<

Teka tama ba tong ginagawa namin ni Kyla. . ? Galit pa sakin si Jason ah. Nadadagdagan ang kasalanan ko sa kanya!! T__T

Nag-appear naman si Kyla sa pinto kasama ng tatlong magazine. "Eto yung nakuha ko sa kwarto ni Cue." (◠‿◠✿) Kesa mandiri at madisappoint siya, parang ang saya-saya pa nya. O___o

"Teka bakit ang saya mong nakakita ka ng ganyan sa kwarto niya?" tanong ko sabay ambag nya sa koleksyon ni Jason.

"Kasi alam kong 100 percent lalaki si Cue," sagot nya. Eh kung tatlo ang magazine ni Cue, ilang percent na lalaki naman si Jason?! 500 percent? -__-

"Um, hindi ba natin ise-search yung kay Suho?" tanong niya.

Kay Suho? -__- "Wag na Kyla. Na-search ko na. Wala akong makita."

"Hindi kaya. . ." nagkatitigan kami ni Kyla.

"HAHAH!! Nako!! Hindi bakla yun no!!" sabay palo sa braso ni Kyla. Si Suho?! BAKLA? ≧◡≦ Wahahahah!

"Anyway, i-pack na natin 'to bago pa mawala. . ." sabi niya sakin.

Pagbaba namin sa sala kung nasaan naghihintay si Sofia. . .

Natigilan kami nang. . . "SINO KAYO?! BITAWAN NYO SI SOFIA!!" sigaw ko sa mga lalaking mukhang gangster. May nakatali pang bandana sa noo niya at may dala siyang baril. Yung iba naman, mga screwdriver at matatalas na patalim ang hawak.

"Nakita kasi naming nakabukas ang pinto, kaya pumasok kami." May balbas yung lalaki na puti at hinahaplos pa ang pisngi ni Sofia.

"BITAWAN MO SYA!!" sigaw ni Kyla at lalapitan na sana sila pero tinutukan siya ng baril ng isa.

"Wag kang kikilos kundi mapapahamak lalo ang batang 'to," banta ng matandang gangster.

Kinakabahan ako. This is bad, hindi naman namin pwede i-reveal kay Kyla na mga multo kami ni Sofia kaya di namin magamit ang ghost powers namin.

Tsaka wala kaming ibang kasama dito. Pano namin sila lalabanan? Dalawa kami ni Kyla laban sa sampu!! >___< Cue!! Iligtas mo kami please!

"Halughugin nyo ang bahay at kunin ang mga mahahalagang bagay!!" utos ng matanda at sumunod naman ang mga goons niya. Umakyat ang iba sa taas at yung iba naman ay hinawakan kami ni Kyla. "At kayong dalawa," sabi ng matanda. ". . . Sumama kayo sa'min."

Binalot kami ng dilim nang suotan kami ng kung ano sa mukha.


────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────


Nagising na lang ako pagkatapos ng isa o dalawang oras.

Hindi ko na namalayan kung saan kami dinala. Nakita kong tulog pero ligtas ang dalawang kasama kong babae sa tabi ko. Teka... O_______O Nasan kami?!

Sinubukan kong tumayo pero nakatali ang mga kamay ko sa likod. Oh Lord... Saan ba kami dadalhin ng mga 'to?! Ibebenta na ata kami somewhere!!! T___T

Pinilit kong tumayo at sumilip sa bilog na bintana.

O______O Nanlaki ang mga mata ko nang makitang... nasa isang maliit na lumang barko kami at patungo kami sa isang isla!

NOOOOOO!!!! HUHUHU!!!

Biglang bumukas ang pinto. "Aba at gising ka na pala," sabi ng matanda.

"Saan mo kami dadalhin!? Sino ba kayo?! ANO BANG KELANGAN NYO SAMEN?!" sigaw ko at lalapit pa sana pero tinutukan niya ulit ako ng baril sa noo.

"Shut up. At sumunod ka na lang sa gusto namin. Malapit na tayo kaya relax ka lang," nakakaasar na ngumiti yung matanda. Ampapanget naman ng ngipin!!! >___<

"Pag nakawala ako dito, HUMANDA KAYO!" sigaw ko at biglang tumigil ang barko kaya napaupo ako sa sahig.

"Oh andito na pala tayo," sabi niya. Pumunta siya sa tapat ni Kyla at mahina siyang sinipa sa braso. "Hoy gising!! Gising na!!"

Nagising si Kyla at automatic na niyakap niya si Sofia na first time kong nakitang natatakot. Teka multo na kami ahh!! Bakit kami ganito?! >O<

Pinababa kami (harshly -__-) mula sa barko patungo sa pampang.

"Ami? AMI!!"

"Huh??" *lingon* Si Suho. . .

"Kyla!!"

"Sofia!!"

Iba-ibang boses ang tumatawag samin. At nakita ko sa bandang mga puno, nakaupo sa buhangin at napapaligiran ng mga gangster sina Suho, Cue, Jason, Macky, Nigel, at si Inna!! O____O

Soon, pinaupo na din kming tatlong babae sa harap ng mga lalaki. Gumalaw si Cue at tumayo para yakapin si Kyla pero pinaupo siya ng mga lalaking may baril. Si Suho naman ay alalang-alala na tumingin sa'kin. Binigyan ko siya ng 'ok-lang-ako' look.

Saka ako napatingin kay Jason. Ang cold pa din ng tingin niya sakin. Napatingin na lang ako sa buhangin.

"Teka pano kayo napunta dito?!" tanong ni Kyla.

"Inambush kami sa highway nung papasok kami sa office," sabi ni Cue. "Si Nigel naman, kinuha sa daycare. Si Mam Inna, kinidnap ng ka-blind date niya."

"Kaya sabi ko sayong wag ka na makipagblind date diba?!" -Jason to Inna

"Heh!! Wala kang right na sabihan ako sa gagawin ko!!"

"Tsaka akala ko ba ikakasal ka na?! Baket may blind date ka pa?!"

"Eh sa gusto ko baket?!"

*sigh* Mukhang magkaaway pa rin ang dalawa.

"Okay!! Tama na ang away nyo!!" sabi ng matanda. "Lahat kayo ay susunod sa gusto namin, okey?! Kung hindi, nakikita nyo tong baril ko? Tatagos ang bala nito sa mga makakapal nyong bungo!!"

Umirap na lang si Inna sa narinig niya.

"Magkano ba kelangan mo ha?! Kanina ka pa namin inoofferan! Pakawalan mo na kami!!" sabi ni Jason.

Napasmirk lang ang matanda at tinutok ang baril kay Jason. "Hindi ko kelangan ng pera nyo. Hindi ako yayaman kung pakakawalan ko na lang kayo. There's no fun in it."

Hinila kami patayo ng mga lalaki at pinalakad along the shore.

"Makikipagkita na tayo sa buyer pagkatapos. . ." nakikipag-usap yung matanda sa isang kasama niya about sa buyer or something. Pero ako, nafocus ang atensyon ko kay Jason.

Iniiwasan pa rin nya ako.

"Hey," napalapit sakin si Suho sa paglalakad. "Wala ba silang ginawa sa inyong masama?"

"Wala." Umiling ako. Ang mga mata ko nakay Jason pa din.

Tapos bigla na lang may sumigaw sa di kalayuan. May mga. . .tao? Tao?! Na kumagat sa balikat ng isang gangster.

Pinaputukan ng mga lalaki ang mga zombies? At ang iba'y bumagsak sa buhangin. Pero sobrang dami nila! Marami ang nakagat at nagsitalsikan ang dugo!

In a flash, bigla na lang nagsitakbuhan ang lahat. May humila sa kamay ko at may isa namang tumulak sa balikat ko palayo sa kaguluhan. Tumingin ako sa humila sakin. Si Cue!

"Bilisan nyo ang takbo!!" sigaw ng isang gangster sa likuran ko sabay putol nya sa lubid ng mga kamay naming dalawa. Hay salamat! Nakatakbo kami ng mas maayos hanggang sa mapunta kami sa loob ng gubat.




────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

Jason's POV

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

[ 11:30 A.M.]

"What the heck. Kanina pa tayo naghahanap but we can't find them!!" reklamo ng reklamo si Nigel sa likuran ko habang hinahawi ko ang mga vines sa paligid. -__- "I'm tired, Monkey Face!! Pwede bang magpahinga muna tayo?!"

Tumigil ako at hinarap ko siya. "Kahit ako, PAGOD NA. And you know what? Mas napapagod ako makinig sa pagrereklamo mo so shut up, okay?"

"But I-!!"

"Can we have some silence?! -___-"

"Kasi-"

"SILEEEENCE."

Ayon, sa wakas, tumahimik na rin ang batang 'to. Bakit kasi sa lahat ng makakasama, itong batang 'to pa!! HAYYYS!! Now we're in the middle of God-knows-where with freaking zombies lurking around!!




────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

Macky's POV

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

"Ito oh," sabi ni Suho habang nag-aabot ng tubig na nakalagay sa dahon kay Sofia. "Nakakita ako ng batis dun. Malinis naman yan." ^__^

Masunurin namang ininom ng batang multo ang tubig. Hay salamat at hindi siya nagtataray ngayon. Sa isang oras ba naman ng pagtakbo at pag-escape sa mga ZOMBIES!! Napag-isipan naming magpahinga muna at kumain ng tanghalian.

Good thing at may mga prutas kaming nahanap. -__-

"Grabe, nasan na kaya ang mga kasama natin?" tanong ni Suho sakin.

"Ligtas kaya sila?" bulong ko. Si Ami kaya. . . Sino kayang kasama nya ngayon? Ligtas kaya sina Sir Jason?  >___< At yung zombie. . . "Suho, naniniwala ka ba sa n-nakita natin kanina?"

"Alin? Yung zombies?" bigla siyang napatawa. "Hindi ako naniniwalang nagkatotoo sila. Tsaka, really? Una, kikidnapin tayo and now this? Zombies?"

"So anong point mo Kuya Suho?" -Sofia

Tumalas ang tingin niya at napa-smirk siya. "I say. . . may nagplano ng lahat na 'to. And whoever's doing this to us, aalamin natin at hahanapin natin sila."

"Pero saan naman natin mahahanap yung mga taong yun?" tanong ko.

Tumuro si Suho sa taas ng bundok kung saan parang may mansyon or something na nakatayo.

"Pupuntahan natin yun."




────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

Inna's POV

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

OH GOD. Yun lang ang paulit-ulit na iniisip ko magmula kanina pa. Una, kikidnapin ako ng ka-blind date ko tapos magigising na lang ako nasa island na ako kasama ng mga gangsters at sina Jayson tapos may lalabas na mga zombie and EVERYTHING GOES INSANE!!!

At least, kasama ko naman si Kyla na isa pang babae, which is nice. Nakatali pa rin ang mga kamay namin sa likod habang naglalakad paakyat ng isang lumang trails na parang hagdan.

"So you mean to say, ikaw ang girlfriend ni Cue?" tanong ko kay Kyla.

"Ahm, parang ganun na nga."

"Anong parang? Bakit, hindi pa ba kayo officially?"

"It's complicated," tumango siya. "Eh kayo?. . . Si Sir Jason ba ang-"

"NO!" napasigaw ako. Halatang nagulat siya kaya ngumiti ako. "Ano ahm, hinde. Hehe." ^__^

"Akala ko kasi. . ."

"It's complicated." -___- 

 Whoo. Parehas nga kami.

Nakaramdam ako ng baril sa balikat ko. "Bilisan nyo!! Pag tayo nahuli ng mga halimaw na yun," sabi ng isang gangster sa likod ko.

"Nagsalita ang halimaw -__-" bulong ko.

"Anong sabe mo?!" sigaw naman ng isa pang gangster.

"Wala!! Sabe ko, OPO MASTER!" Nakakairita talaga 'tong mga to. "At oo nga pala! Saan ba tayo patungo ha?! Ano bang balak nyo sa'min!? Ibebenta nyo ba kami or something?! Wag nyong sabihing page-experimentuhan nyo din kami para maging zombies!!"

"Kesa sayangin mo ang lakas mo kakatanong, gamitin mo na lang yan sa paglalakad!"

"Alam nyo bang magtataka ang parents ko kung bakit wala pa ako sa ganitong oras?! Soon, malalaman nilang nakidnap ako at ipapahanap nila kayo!! At pag nahuli kayo, YOU'RE ALL GONNA ROT IN JAIL!!" sigaw ko.

"Sabi nang tahimik eh!!" tinaas ng isa ang baril nya at parang pupukpukin pa sana ako ng baril nang biglang may marinig kaming ingay ng makina sa di kalayuan.

"I-Inna. . . Hindi ba tunog yun ng. . ." mahina at takot na sabi ni Kyla.

Nagnod ako.

"Ano yun?!" parang tangang tanong ng gangster sa kasama nya sabay labas ng patalim.

Tunog ng isang. . . CHAINSAW.

At wala sa amin ang nakapag-expect na may lalabas mula sa mga puno sa gilid namin na isang-

"AAAAAAAAAAAHHHHHHH!!!!!!!!!!"

Lumingon kami at nakitang-

Yung isang gangster. . . maraming dugo. . . chainsaw. . . at isang nakakatakot na taong nakasuot ng overalls. Nabitawan ng kasama nya ang dala nyang patalim sa takot. Si Kyla naman parang natulala na lang sa ere.

Hindi pwede. Mamamatay kami pag ganito!

Hindi na ako napatumpik-tumpik pa. Kahit nakatali ang mga kamay ko, pinulot ko ang patalim at- "Kyla, takbo!!"-tumakbo kaming dalawa palayo.

Lumingon ako sa likuran at nakita ang pagdikit ng chainsaw sa ulo ng isa pang lalaki. Nilipat ko ang tingin ko sa daan at hindi na lumingon pa.




────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

Cue's POV

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

[ 1:24 P.M. ]


Hindi kami tumigil tumakbo hanggang sa makakita kami ng isang maliit na bahay na gawa sa kahoy. May porch ito at nakatago sa ilalim ng makakapal na puno.

Kanina, sa kalagitnaan ng kaguluhan. Hinila ko ang kamay ni Kyla. . . only to find out na si Ami pala ang nahila ko. Ngayon, nag-aalala na tuloy ako para kay Kyla. Sinong poprotekta sa kanya? At ang iba? Ligtas kaya sila?

Papalapit kami sa bahay dahil sabi ng gangster na kasama namin. Hawak nya ang baril kaya hindi kami makapalag.

". . .Teka," sabi ni Ami.

Napatigil kaming tatlo sa paglalakad. "Bakit?" inis na tanong ng gangster.

"Bakit tayo papasok dyan sa bahay na yan? Pano kung maraming mga zombie dyan o kung ano pang halimaw?"

"EH KASI SINABI KO," Pagmamataas ng gangster. "Aminin nyo at sa hindi, nagugutom at nauuhaw na kayo sa kakatakbo kanina."

Hindi pa rin kumikilos si Ami. Tinititigan ko naman ang baril ng lalaki nang itutok nya ito saming dalawa. "O baka gusto nyong baril ko na lang ang mag-utos sa inyo?"

Saglit kaming nagkatinginan ni Ami.

It's now or never!

*PAAAAAAAK!!

Tumilapon ang baril nya sa damuhan nang ihampas ko ang wrist nya sa tuhod ko. Sinubukan nya akong suntuk-suntukin pero nakailag ako at mabilis ko syang napatumba. Nilagay ko ang braso ko sa leeg nya habang pumaibabaw ako sa kanya para di siya makawala.

"SINO KAYO HA?! Sinong nag-utos sa inyo para dalhin kami dito?!" sigaw ko.

Pero instead na sagutin ako, dinuraan nya lang ako sa mukha. Kaya kinuha ko ang baril at tinutok na lang sa kanya. "Pag hindi ka nagsalita, wala ka na ring kwenta para samin."

Tahimik lang si Ami na nakatayo. Pero alam kong labag sa kalooban nya ang ginagawa ko.

"G-Ginagawa ko lang ang trabaho ko," bulong nya.

"Sino ang nag-utos sayo?!" ulit ko.

"....."

"Isa!"

"..."

"Dalawa!"

"...."

"Tat--!!" Pero biglang bumukas ang pinto ng bahay at nakakita kami ng isang medyo matandang babae na mukhang gulat na gulat sa nangyayari.

"Omo. . . Sino kayo? Anong-" nalilito nyang tanong.

Minutes later, nasa loob na kaming tatlo sa bahay ng matandang babae. Nakaupo kaming dalawa ni Ami sa mesa habang nasa banyo naman yung lalaki. Yung matandang babae naman, nagluluto sa kusina.

"Cue," bulong ni Ami.

"Bakit?"

"Sure ka ba dito? Pwede na tayong tumakbo. . . Hindi nila tayo mahahalata."

"Bakit? Nasa akin naman ang baril. In case na may gawin silang masama, edi. . ." umiling ako. Ayoko ring gumamit nito kung sakali. "Tsaka, pinagluluto na din tayo. Pagkatapos, ike-kwento nya ang nalalaman nya sa'tin. Makakakuha tayo ng impormasyon."

"Hindi ko alam," bulong ni Ami. "May masama akong kutob dito eh."

"Handa na ang pagkain!! Sorry kung natagalan," sabi ng matanda paglabas nya ng kusina dala ang dalawang bowl ng lugaw. Nilapag nya yun sa harap namin ni Ami.

"Maraming salamat po." Ngumiti ako. Kumuha ako ng kutsara at dala ng gutom, kumain ako.

"Um, nay. . ." panimula ni Ami. "Matagal na po ba kayong nakatira dito? Kayo lang mag-isa?"

"Oo anak. May kasama ako noon. Parehas kaming napadpad sa isla na 'to dahil lumubog ang barkong sinasakyan namin."

Madali akong kumain. Hay, pero parang wala naman atang sahog na karne 'to. -__-

"At dati, madali lang naman kumuha ng pagkain. Kaso nauubos din ang pagkain diba?"

Nag-scoop uli ako ng lugaw at nakakuha ako ng karne. YES!!

". . .Kaya ang ginawa ko," sabi ng matanda. "Niluto ko yung kasama ko."

Pero-

"Ano 'to?" bulong ko. Teka. . . Hindi ba kuko 'to?!

Hindi ito karne. . . kundi daliri ng tao!!

"Wala akong karne kanina kaya kinuhaan ko yung kasama nyo.!" nakangiting naglabas ng butcher knife na duguan ang matanda.

Agad kong hinila si Ami patayo at palabas ng bahay habang hinahabol kami ng matanda. Ngayon may dala na itong malaking shotgun at pinaputukan kami ni Ami. Natamaan ang isang puno na malapit samin.

"Ano bang klaseng isla 'to!!" sigaw ko. Baka hindi na ulit ako makakain ng lugaw!!

Binunot ko ang baril at tinutok ko sa matanda habang tumatakbo. Hinila ko ang gatilyo. Pero- "Walang bala?!"

Pinaputukan ulit kami at natamaan ulit ang puno. "Kelangan nating maghiwalay Ami!!"

"Ano?! A-Ayoko!!"

"Multo ka diba?! Kaya mong makawala. Hanapin mo ang iba. Tapos maghanap kayo ng tulong! Hahanapin ko din sina Kyla!!"

Yumuko ulit kami ng magpaputok ang matanda. Pagkatapos ay lumiko kami sa magkaibang direksyon, ang matanda ay nakabuntot kay Ami.




────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────

Nigel's POV

────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────


[ 4:11 P.M. ]


"Hello?!" tawag ni Monkey Face sa loob ng warehouse. Currently, umuulan kaya sumilong muna kami dito kahit anong pilit kong umalis na lang. This warehouse seriously gives me the creeps!! >___<

"Can you just stop?!" sabi ko sa kanya. "Pano kung may psychopath sa loob tapos sunggaban tayo?!"

"Kung meron nga, edi sana kanina pa nya tayo pinatay. -__-" sagot ni Monkey Face. Bigla akong na-goosebumps. *holds arms* Natatakot na ako. . .

"Hey," mahina kong tawag sa kanya habang nililibot namin ang warehouse. "This can't be real, right? Lahat ng nangyayaring ito. . . Siguro pinagti-tripan lang nila tayo diba Monkey Face?"

Tapos humarap siya sakin at nagsquat para katapat nya ako. "Nigel." *hawak sa balikat* "Oo naman. Malakas ang kutob ko na pinagtitripan lang tayo. Hindi ko lang alam kung sino ang gumagawa nito sa'tin pero wag kang matakot, okay? I'll keep you safe."

*blush* >///////<

Teka- Baket ako nagba-blush kay Monkey Face?!!

Anyway, ngumiti sakin si Kuya Jason (ew, KUYA?!) tapos hinawakan nya ako sa balikat.

*clang...

Agad kaming napalingon sa likuran namin nang may marinig kaming bakal na tumunog.

"W-What's that?" takot kong bulong. Nilagay ako ni Monkey Face sa likod nya.

Then sa gilid namin may pusang tumakbo at may mga nalaglag na tin cans.

"Sino ka?!" sigaw ni Monkey Face. WHAT ARE YOU DOING!! *gasp* Mahuhuli tayo ng psychopath! "Magpakita ka samin!"

"Monkey Face, shut your mouth! Mahuhuli ta-"

May nagcover ng mouth ko at saka ako hinila mula kay Kuya Jason. Nagwala ako pero ang higpit pa rin ng kapit nito saken.

"Shh!! Wag kayong maingay. Ako 'to. . . si Ate Ami," bulong nito. Sabay hinila niya sa sleeve si Monkey Face at nag-signal na 'quiet'.

Sinundan namin si Ate Ami patungo sa pinaka-loob ng warehouse, at nagtago kami behind some old shelves. May mga lumang sasakyan din na nakaparada. Nagsquat kaming tatlo at nakatingin sa bandang entrance ng warehouse na parang may inaabangan.

"Ba't tayo nagtatago?!" bulong ni Kuya Jason kay Ate Ami.

"May humahabol sakin. Nagkahiwalay kami ni Cue. Ngayon-" nakakita ako ng isang matandang may dalang malaking shotgun sa bandang entrance.

"Guys. . ." turo ko dun sa matanda.

"Hihihihi!" tawa nung lola. "Lumabas ka na dyan. I bet masarap ang laman mo. Mmh. . . Anong luto kaya ang gagawin ko sayo?"

Tinakpan ni Ate Ami ang mga tenga ko. Hindi ko napansin na sobrang nanginginig na pala ang buong katawan ko. Pinikit ko ang mga mata ko. Nag-uusap sina Ate Ami at Monkey Face pero hindi ko narinig ng maayos.

Maya-maya, hinila ni Kuya Jason ang kamay ko papunta sa isang lumang sasakyan habang si Ate Ami naman ay tumakbo papunta dun sa matanda.

"Wha- Baket natin iiwan si Ate Ami!!" sigaw ko.

"Wala nang panahon!! Kelangan nating tumakas!! Kelangan ka naming iligtas, Nigel. Kaya tara na!" sigaw ni Monkey Face sabay pinasok ako sa loob ng pick-up truck. Pagkatapos nyang tingnan ang makina, pumasok na siya sa sasakyan at surprisingly. . . Nakahanda na yung susi!!! O____O

Umandar ang sasakyan at pinaatras na ni Kuya Jason pero natigil kami nang may bumaril sa sasakyan. Napayuko kaming dalawa.

"Jason! Alis na!" sigaw ni Ate Ami at nakipag-agawan ng shotgun sa lola. "Ako ang kelangan mo diba?! Wag mo na silang galawin!!"

Inatras ulit ni Kuya Jason ang sasakyan at pinaandar na paalis ng warehouse. Nilabas ko ang ulo ko sa labas ng bintana at tiningnan sina Ate Ami.

"Nigel, seatbelt!!" utos ni Kuya Jason.

"Wag natin siyang iwan!!" umiiyak na ako. "Please, wag natin siyang iwan Kuya Jason!!"

"Wala tayong choice!! Everything's. . . real." Parang di rin siya makapaniwala sa sinasabi niya. "Get your head in here! Mag-seatbelt ka na!!"

Ginawa ko ang inutos niya at nakarinig na lang ako ng isa pang putok ng shotgun na nanggaling sa warehouse.

Katahimikan.


────── ⋆⋅☆⋅⋆ ──────


Continue Reading

You'll Also Like

93K 3.1K 73
Lumipat si Yesha Vera ng ibang lugar, umaasang matakasan ang sakit mula sa nakaraan niya. Desididong maibalik ang dating siya upang makabalik na rin...
525K 19.3K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
13K 196 10
MAYBE HE LIKE YOU ON HOW YOU LIKE HIM.
35.5K 1.2K 47
Season 2 ongoing 'Dating with a gangster'