His Cold Touch (Japan Series...

Av whiskelle

151K 7.5K 4.9K

First Installment - Osaka I just want to feel the warmth again. Your warmth. Mer

His Cold Touch
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 25

2.5K 149 69
Av whiskelle

Chapter 25

My schedule in my restaurant in Nakanoshima changed. Kung dati ay buong araw akong nagtatrabaho, ngayon ay kalahating araw na lamang at sa weekdays lang.

Hindi iyon nakapinsala sa schedule ng mga kasamahan ko. Dahil unang una, hindi naman dapat talaga ako kasamang nagtatrabaho sa kitchen. Tumutulong lang ako para kahit papaano ay madagdagan ang perang mayroon ako. Para na rin sa resto.

Ang lupa ko sa Dotonbori ay hindi pa buong bayad, ang perang kinikita ko ang pinambabayad ko roon. Nagpresenta ang mga magulang ko na sila na ang magbabayad ng buo noon. Ngunit hindi ako pumayag dahil hindi naman sila ang bumili kundi ako.

When the clock struck 11:30 AM, I left the kitchen and went inside my office. I glanced at the door when it opened. Juliet walked towards me while I remove my apron and coat.

"Puro half day! Daya!" she pouted.

"Ayusin mo trabaho mo tuwing hapon, ah!" I patted her head as I removed my toque.

"Alisin mo nga iyan! Baka mamaya ay nangangalikot ka ng puwet!" she grimaced.

"Goodness! Disgusting, shit!" I chortled, mimicking the korean actor's line in a drama.

"Every Saturday na lang ako walang pasok," she looked up and acted like she was crying. Pinaypayan pa niya ang kaniyang mga mata.

"Bakit ano ba dati?" tanong ko habang sinusuot ang trench coat ko.

"Napakamakakalimutin naman! Dati, Saturday and Sunday! Pero nagkaroon pa ako ng halfday sa Linggo! Hay nako!" madrama niyang sabi.

I looked at the mirror beside me and examined myself. I was wearing a black turtleneck long sleeves and black leather skirt underneath my trench coat. My mustard-colored coat complemented the all-black clothes. The black combat boots I was wearing completed the color mustard and black palette of my outfit.

"Diretso ka n'yan sa Dotonbori?" she asked.

"Oo, pero bibili muna ako ng lunch noong mga nagtatrabaho," I answered as I looked for my wallet.

Itinaas ko iyon nang makita at tumingin kay Juliet.

"Alis na 'ko..." sabi ko at tinalikuran na siya.

"Teka!" aniya at saka hinawakan ang kamay ko upang mapigilan sa paglalakad.

I raised my brow, waiting for her to talk.

She smiled sweetly. "Sa Sabado, USJ tayo!"

"Huh?" tumingin ako sa sahig at inalala kung ano ang gagawin ko sa Sabado. Napailing-iling ako sa kaharap nang maalala na araw araw ang paghahatid ko ng pagkain sa mga nagtatrabaho.

"Huh!? Bakit!?" kunot noo niyang tanong.

"Hahatiran ko ng lunch ang mga nagtatrabaho sa Dotonbori, Juliet," I explained and then sat on a chair. Nangangalay na ang mga paa ko dahil sa kadaldalan ng kaibigan.

"So halfday ka lang puwede?" she paused and then pursed her lips. Mukhang nag-iisip na naman siya ng puwedeng puntahan. "Sa... Hakodateyama! Ski Resort! Tara!" she suggested merrily.

I stood up and straightened my skirt. I nodded at Juliet so she could stop already.

"Yey!" she held my waist and shake it.

Nang makaalis sa resto, dumiretso ako sa isang fast food chain at umorder ng pagkain.

Pagkapasok sa fast food chain, maraming tao roon dahil lunch time na. This fast food chain is very popular in Japan. The foods are cheap yet delicious. As far as I know, they have a branch in Philippines.

Nang makita na Haponesa ang nasa counter, dali dali kong inilabas ang phone ko at pumunta sa language translator app.

"No Japanese," I gestured. "English only. You. Speak. Here," I pointed my phone. "Talk. Speak."

Nalukot ang mukha nito noong una ngunit agad din niyang nakuha. Nagsalita ito sa harapan ng cellphone. Itinapat ko sa aking tenga ang telepono nang nagtranslate ito.

"What's your order?" my phone said.

Itinapat ko sa bibig ang aking cellphone at sinabi ang order ko. Nang magtranslate ito ay ipinarinig ko sa babae.

"Buta katsudon 18-ko (Eighteen pieces of pork katsudon)," my phone said.

Itinabi ko na ang cellphone ko nang tumango sa akin ang Haponesa.

Sa daming taon kong paninirahan sa Osaka, hindi kailanman sumagi sa isip ko na mag-aral ng Japanese. Wala naman akong plano na mag-asawa ng Hapon para mag-aral ng Japanese.

May kaunti naman akong alam sa Japanese. Iyong mga naririnig kong sinasabi ni Juliet o di kaya'y ni mommy.

"Juuhachi? (Eighteen?)" the girl on the counter asked.

"Nani the what!?" my forehead wrinkled in confusion. I already turned off my phone!

Napatingin ako sa isang Amerikana na sumulpot mula sa likuran ng Haponesa.

"She asked you if your order is eighteen pieces," she said.

Pinalis ko ang pawis na namuo sa sentido ko. Goodness! Akala ko ay mapapasabak ako.

"Oh! Yes, eighteen!"

Naghintay ako ng ilang minuto para sa pagkain. Umorder ako ng boba tea sa katabing tindahan habang naghihintay.

Dumiretso na ako sa loob ng aking sasakyan nang makuha na ang mga pagkain. Nagmadali ako sa pagmamaneho dahil alas-dose pasado na. Tiyak ay gutom na ang mga nagtatrabaho.

"Sonya!" Engineer Riaza lifted his hand up.

In-apir-an ko iyon. "Nasaan ang mga nagtatrabaho?" I sipped on my boba tea.

"Malamang nasa loob? Baka nasa langit, Sonya? Tignan mo," he sarcastically replied.

I remembered someone. I shrugged and then shook my head.

"Kain muna kayo," I lifted up the paper bag I was holding.

"Sige, sabihan ko lang sila," sabi nito at pumasok sa loob.

Sinundan ko siya bitbit ang mga pagkain. Napatigil lamang ako nang makita si Vidales na palabas ng resto.

He was looking at the paper he was holding. Patuloy ang lakad nito kaya't tinawag ko siya.

"Architect!" ngumiti ako rito nang malawak.

Tinitigan ako nito sandali sa mata bago bumaba ang tingin sa mga pagkaing dala ko.

"Kain tayo!" I offered. I didn't wait for his respond. Ayokong mapahiya.

Dumiretso na ako sa loob ng resto. Malakas ang amoy ng semento dahil siguro katutuyo lang. Ang mataas na pader ay wala pang pintura. Sa may dulong bahagi ay nakapuwesto ang mga hollow blocks. May tatlo namang lamesa na nakapuwesto sa bungad ng resto. Siguro ay doon kumakain ang mga nagtatrabaho.

Hindi ko alam dahil dati, umaalis agad ako pagkahatid ng mga pagkain. Ngayon ay mananatili ako kahit siguro trenta minuto lang.

"Konnichiwa! (Good day!) Kain po tayo!" bati ko sa lahat.

Ang ilan sa mga trabahador ay Hapon ngunit mas marami ang mga Pilpino. Mabuti at hindi ako pinagdamutan ni daddy. Silang lahat ay sa kompanya niya galing.

"Arigato! Thank you! Salamat po!" they said in chorus.

"Sige po!" Nginitian ko sila isa-isa.

Humiwalay kami ni Engineer Riaza ng lamesa. Hinintay ko siyang makasubo man lang ng kahit isa bago siya tinanong.

"Sa tingin mo, ilang buwan-"

"Architect!" Engineer Riaza looked at my back. "Kain!"

Nakaramdam ako ng kaba habang hinihintay na sumulpot iyon sa paningin ko. Ngunit kahit na nagsalita ito, nanatili siya sa likuran ko.

"Thanks. I'm good."

"Sige na, Architect! May isa pang rice bowl, oh! Para sa'yo 'to!"

Hindi kumibo ang lalaki sa likuran kaya't muling nagsalita si Engineer Riaza.

"'Di ba, Sonya? Para kay Architect 'tong isa?"

Aba't! Sinama pa ako sa usapan!

I craned my neck and looked at him. Nakatayo ito sa di kalayuan at nakatingin sa akin. Halos mahulog pa ako sa kinauupuan nang magtama ang aming mga tingin.

I smiled a little. "Oo nga, Architect. Sa'yo talaga 'to."

Nag-iwas ako ng tingin nang magtagal ang titigan namin. Tinalikuran ko ito at tinignan na lang ang Engineer sa harapan na sarap na sarap sa kinakain.

I cleared my throat when Architect Vidales sat beside me. He is sitting between me and Rum. He opened the paper bag and then took the rice bowl.

"Did you already eat?" he asked before he opened the bowl. Bumaba ang tingin nito sa boba tea na nasa harapan ko.

Nagkasalubong ang kilay ko rito. Ano naman sa kaniya?

Naramdaman ko ang paghinto ni Engineer Riaza sa pagkain. Inobserbahan kami nito habang nginunguya ang pagkain na nasa bibig.

"Sonya!? Hindi ka pa kumain!?" concern nitong tanong.

Napairap ako sa hangin. Kahit naman na alam niya ay kakainin pa rin niya ang pagkain at hindi ako bibigyan.

"A-Ayos na ako dito," Itinaas ko nang bahagya ang tea at ipinakita iyon sa dalawang lalaki.

"You should eat," Vidales handed me the rice bowl. "I'll just eat outside."

Akto itong tatayo nang hinawakan ko ang kamay niya. Napatingin siya roon at kumunot ang noo. Agad ko siyang binitawan at kinuha ang pagkain na nasa harapan. Inusog ko iyon sa banda niya.

"H-Hindi na talaga. Busog na ako," pagpupumilit ko.

Ang lalaki ay hindi pa rin nakakabawi, patuloy ang pagkunot ng noo nito sa kamay na hinawakan ko. Nalukot ang mukha ko nang nanatili pa rin itong nakatulala.

"Uh, Architect?" tawag ko.

"Oh, fine," he breathed. He opened the food and started eating it.

"Ano nga pala tanong mo, Sonya?" tanong ni Engineer sa harapan ko.

"Uh..." I stammered. I looked at Vidales, he was just eating his food, not listening to us but goodness, ang awkward!

"Ano?"

"Uh, yung tanong ko... Kung ilang buwan matatapos i-ito..."

"Ah, ang estimation nga, eh, six months pero kung napapansin mo sobrang bilis," he sipped on his soda. "Sa tingin ko five months na lang. Ikaw, Achitect? Sa tingin mo ilan?"

Hinintay naming dalawa na matapos sa pagnguya ang nasa gilid namin. Napalunok ako nang sumipsip ito sa inuming nasa harapan.

"Five months and a half? Ang interior design pa..." Architect said.

"Ay! Oo nga, 'no? Kaso hindi na ako kasama no'n, kayong dalawa na lang. Tapos na duty ko sa'yo no'n, Chef," natatawang sabi ni Rum.

Inirapan ko ito. Napatingin ako kay Vidales na pinagpatuloy ang pagkain.

"Saglit na lang siguro iyon..." I commented.

Napatingin sa akin si Vidales. Nginitian ko ito.

Nang matapos sila sa pagkain ay agad na akong nagpaalam. Makikipagkita ako ngayon sa may ari noong lupa na tinatayuan ng resto ko. Buwanan ang bayad at ngayon ang schedule ng pagbabayad ko.

"Aalis ka na agad? Asan ang moral support!?" maarteng sabi ni Engineer Riaza.

Inirapan ko ito at nginiwian.

"Ang arte mo. Alam mo ba iyon?" he mimicked me while saying that. "Whatever. Alis na ako..."

Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa may gilid, hindi kalayuan sa amin, nakatalikod at pinapanuod ang ginagawa ng ilang trabahador. Gusto ko na sanang magpaalam ngunit baka deadmahin lang ako. Ayoko ng mapahiya.

"Kapag may naghanap sa akin, sabihin mo umalis na ako," bilin ko kay kay Engineer Riaza.

He laughed. "Sino naman maghahanap sa iyo?"

"A-Ang mga t-trabahador?" nauutal kong sabi.

Kinabukasan, gaya ng dating gawi, pagkatapos sa Nakanoshima ay dumiretso ako sa Dotonbori. Maaga akong nakarating roon dahil sa madalian na lang ang pag-order ko ng pagkain.

Hindi pa ako nakakapasok sa resto, sinalubong na ako ng mga nakalahad na kamay ni Engineer Riaza.

"Dios ko... suyang suya na ako dito!" demanding na sabi nito habang tinitignan ang beef gyudon rice bowl.

"Pork naman ang kahapon, ah!"

"Oo, tapos pork ulit bukas. Same flavor, same fast food. Iba-iba naman sana!"

"Akin na kung hindi mo kakainin!" pilit kong inagaw ang rice bowl sa kamay niya.

"Ayoko nga!" inilayo nito ang rice bowl sa akin. Sumigaw ito nang kurutin ko ang braso niya.

"Amin na!"

"Ayaw ko nga!" he flinched.

Natatawa kong pinanuod ang nakangiwi niyang mukha. Napatigil ako sa pagkurot nang biglang umupo si Vidales sa gilid namin. Seryoso itong nagsimula sa pagkain.

I pursed my lips as I watched him eat. I glared at Rum when he talked.

"Nakakasuya na nga ang pagkain, nakakasuya pa ang mukha mo! Umalis ka nga, Sonya!" si Engineer Riaza na namumuwalan sa pagkain.

"Anong nakakasuya!? Maganda naman ako, ah!" I defended myself.

"Sus! Buhat sariling bangko!" he laughed.

"That's true! I'm pretty kaya!" I said and then sipped on my boba tea.

"Oh?" he looked at the man beside him. "Architect, maganda ba si Sonya?"

Napaubo ubo ako nang biglaan kong nalunok ang sago. Halos lumabas iyon sa ilong ko. Tawa nang tawa si Rum dahil sa pag-ubo ko.

Habang umuubo ay kinuha ko ang paperbag. Ngunit inunahan ako ng lalaking nasa gilid. Kinuha nito ang tissue sa loob at inabot sa akin. Dali dali kong hinablot sa kaniya iyon at umubo pa.

"Oh, bakit? Siguro ay may crush ka kay Architect, 'no! Natatakot ka sa comment niya!" makahulugang tumingin sa akin si Rum.

"H-Huh!? H-Hindi, ah!" umiling-iling ko sa lalaking nasa harapan ko. Bumilis ang tibok ng puso ko nang maramdaman ang pagbaling sa akin ni Vidales.

"Bakit may pautal?" he teased. "Sige nga, Architect! Sagutin mo ako! Maganda ba si Sonya?" he grinned at him.

Dahan dahan kong tinignan ang lalaking nasa gilid. Halos malagutan ako ng hininga nang magkatinginan kami. Sobrang tahimik ng paligid habang hinihintay namin siya sa isasagot niya.

"Yes," he said and then looked away. "She's beautiful."

My face heated after I heard his answer. I bit the insides of my cheek to stop myself from smiling.

"Kinilig ampota!" Rum laughed.

Tumagilid ako nang bumaling sa akin si Vidales. Goodness, I'm not kinikilig!

"Landi!" Rum mocked.

Hinintay ko silang matapos kumain bago ako nagdesisyon na umalis na. Wala naman na akong gagawin dito. Tatayo na sana ako sa aking kinauupuan nang magsalita nang seryoso ang lalaking nasa harapan ko.

"Pero seryoso..." Engineer started.

My brows snapped together while waiting for him to continue. He leaned in and massaged his non-existent mustache. He narrowed his eyes while looking at me and Architect Vidales alternately.

"What?" iritado ko siyang pinanuod habang inaabangan ang sasabihin niya.

"Seryoso na 'to," he struck the table with his hand.

Napatingin ako sa lalaking nasa gilid ko nang tignan siya ni Rum. Seryoso niya itong tinitigan pabalik.

"Let's speak clearly this time," he cleared his throat, never leaving Vidales' eyes. "Single ka pa ba, Architect?"

I rolled my eyes as I coughed. Goodness, this man!

"I got to go," I pulled my bag and hung it on my shoulder.

"Why?" Engineer Riaza looked at me with furrowed brows. "Just wait for his answer, alright?"

Inirapan ko ito at hindi sinunod. Naglakad na ako palayo sa kanila. Bago pa ako makalabas sa resto ay narinig ko ang munti nilang usapan.

"Single ka pa Architect?"

"No, I already have a girlfriend," I heard him answer.

Bahagya akong natigilan ngunit agad ding nagpatuloy sa paglalakad. Nginitian ko na lamang ang mga trabahador na bumati sa akin. Bigla akong nawala sa mood.

Nang makauwi sa bahay, bumalik ang sigla ko dahil sa pangungulit sa akin ni mommy. Kung ano ano ang trip niya sa buhay.

"Ayaw mo pa mag-asawa?" tanong niya habang kumakain ng chips.

"Baka naman mamaya ikaw pa ang 'di handa, mi," I paused and looked at the television. Japanese drama na naman ang pinapanuod. "Baka kapag isang araw nagdala ako ng asawa-"

"Eh 'di ayos," she laughed.

I laughed with her answer. I focused on the television and didn't respond to her.

"Manang! Tama na kakalinis! Mapupudpod na ang bahay! Tara dito manuod tayo ng drama!" sigaw ni mommy.

I smiled at Manang Dehlia when she entered my vision. She looked older, of course. But her pure heart stayed.

Noong unang buwan ko rito, wala pa si Manang noon. Kaya noong nalaman ko na susunod siya dito, sobrang tuwa ang naramdaman ko. Natupad ang plano ni mommy noon na isama si Manang Dehlia rito.

Few moments passed, I decided to go upstairs so I could rest already. While doing my skin care routine, my phone rang.

"Sonya!" bibo na bati ni Juliet sa kabilang linya.

"Hmm?" I breathed as I rubbed the cotton on my face. I looked at my face in front of the mirror and saw the redness of my cheek because of the harsh rubs.

"Hakodateyama bukas!"

Napatigil ako sa ginagawa nang maalala ang usapan namin.

"Oo pero lunch na tayo makakapunta. Maghahatid pa ako ng pagkain sa Dotonbori, eh," paliwanag ko.

"Sige! Kung gusto mo, sumama na ako sa'yo para diretso na tayo sa Resort pagkatapos," aniya.

"Whatever you want."

"So... sunduin mo na lang ako bukas sa condo?"

"No, tapos maghihintay ako nang matagal?" nakangiwi kong sabi habang nagpapahid ng moisturizer.

"Okay! Ang sasakyan ko na lang ang gagamitin natin! Eleven?"

"Eleven," I confirmed and then ended the call.

The next day, I woke up early to cook for the workers. I decided not to buy on a fast food because I realized that I'm a cook! I almost hit my head when I realized that.

I cooked menudo and put it inside the disposable containers with rice. After filling the eighteen containers, I went upstairs and did my morning rituals. But today, I curled my hair, which is unusual. I don't know, I just feel great today.

I decided to dress a bit extra, too. I wore a white corset long sleeve top and mom jeans. I wanted to wear a skirt but we're going to ski so I was forced to wear a jeans. I wore my favorite sky blue faux fur trench coat over my underclothes. My white leather boots and white scarf harmonized  with the sky blue-white palette of my outfit. 

"Ganda! May pakulot si senyora!" Juliet said as she punched the air. "Grabe! Ang ganda! Sana all!"

She went near me and caressed my jawline. She praised me once again.

I just rolled my eyes at her. Sobrang sakit sa tenga ng sigaw niya.

She looked pretty too with her yellow faux fur coat. The color palette of her outfit plays between yellow and black. The colors complemented her morena skin.

Hay, how I wish I have that kind of skin tone.

"Mas ikaw," I said as I slid inside the passenger's seat.

"Sus! Nag-utuan pa tayo," she chortled.

"Huwag ka nang madaldal, dalian mo at ibigay na natin itong pagkain."

She immediately turned the ignition on. Good thing she knows how to drive properly. We've reached our destination safely.

"Sama ako!" she yelled.

"Juliet," I glared at her. "Sumama ka kung gusto mo. Huwag mong baugin ang eardrums ko."

Pumasok na kami sa loob ng Dotonbori. Marami nang tao kahit na umaga pa lamang. Lumingon-lingon ako sa mga restaurant na busy dahil lunchtime na. 

Nang makalapit kami sa Ebisu bridge, nag-aya si Juliet na magpicture muna. Tumango ako dito dahil sayang ang outfit namin. Nakiusap kami sa iba na kuhanan kami ng litrato. Nang matapos ay lumiko kami upang pumunta na sa ginagawang resto.

"Hoy, teka!" she screamed. She stopped walking and took a selfie in front of a moving big crab on the wall.

Matiyaga ko siyang hinintay na makakuha ng litrato roon. 

"Hi, Engineer!" maligayang bati ni Juliet kay Rum nang makarating na kami sa tapat ng resto.

"Hi, Juliet!" nakangising bati nito pabalik. Napatingin ito sa akin. "Sonya! Ganda, ah!"

Tinanguan ko ito bago pumasok sa loob ng resto. Naramdaman ko ang pagsunod nila sa akin sa likuran. Habang naglalakad ay rinig na rinig ko ang takong ng boots kong matunog. Agaw pansin ang tunog nito kaya't ang lahat ay napatingin sa akin. 

Isang lalaki lamang ang walang pakialam.

Pinanuod ko ang lalaking naka-dark blue long sleeve polo sa may dulong bahagi ng resto, nakatalikod sa akin. May tinuturo itong kung ano sa isang trabahador. Napatigil ito sa ginagawa nang mapansing hindi siya pinapansin ng kaharap.

Unti-unting inangat ni Vidales ang kaniyang tingin sa akin. Dinapuan ng isang matamis na ngiti ang aking labi nang magtama ang aming mga tingin. Tinalikuran ko siya nang napaawang ang kaniyang labi.

"Kain muna po kayo!" sigaw ko habang inilalapag ang pagkain sa lamesa. 

Sinilip ni Engineer Riaza ang pagkain at nakangiti itong tumingin sa akin.

"Wow! Iba ata putahe ngayon!" maligaya nitong sabi.

"Yes! I cooked that!" mayabang kong sabi.

"Ay, talaga!? Masarap 'to!" kukuha na sana siya ng isa ngunit natigilan siya. "Ay..."

My brows furrowed like watching his pouting face. "Why? What's meron?"

"Mamaya na lang pala," he said.

"Bakit?" nagtataka kong tanong. Kung nagugutom, bakit hindi pa kumain?

"Na-late kasi yung deliver noong hollow blocks kanina, kaya ngayon nagmamadali kami. Nasayang ang oras, eh. Sobrang busy kami."

Magkasalubong ang mga kilay, pinasadahan ko ng tingin ang mga nagtatrabaho. 

"Ayos lang! Hindi naman tayo nagmamadali! Kain na po kayo!" nilapitan ko pa isa-isa para hilahin papuntang lamesa. 

Nang mahila ko na ang lahat ay napatingin ako kay Juliet na nakakurus ang mga braso habang nakangisi sa akin. Nang kinunutan ko ito ng noo, nginuso niya ang likuran ko. 

Napatingin ako kay Vidales na nakatayo sa dulo, may tinitignan na kung ano. Ibinalik ko ang tingin ko kay Juliet.

"Should we go now?" I asked, ready to leave the place.

"Huh? Grabe, bias ka pala?" she smirked. "Pakainin mo ang lahat!" 

I clicked my tongue against my palate. She's teasing me.

"Hindi kita iniinis, ah. Ang sa akin lang, kung pinapakain mo ang mga construction workers at ang Engineer, pati sana ang Architect," she cackled.

I turned my back when I realized that she has a point. Alright. Easy.

Just kidding. It is not easy! While walking towards him, my heart beats rapidly. I almost choked when he faced my side.

"Archi!" I swallowed hard. "Tect!"

Narinig ko ang tawa ni Juliet sa likuran ko. 

"I mean, A-architect... You should eat now."

The straight line between his lips curved. "I will."

"Sige," I nodded once. "Ng ano?"

I almost hit myself when I realized what I just asked. 

"Uh, food?"

"Oo nga! Food! Ano ba naman, Architect!" I said and then smiled... awkwardly. "Alright. I'll go now."

He licked his lips while watching me speak. His gaze accidentally went down to my lips. I felt something while watching his eyes.

"Already?" he asked breathily.

I bobbed my head thrice. "Yes. We are going to Hakodateyama."

"We?" he raised a brow.

I nodded again. "With Juliet..."

Napatingin ako kay Juliet na pinapanuod kami. She waved her hand and then smiled at the man beside me.

"Hi, Architect!"

Napatingin akong muli kay Vidales, tumango ito kay Juliet. 

"Sige, alis na kami..." pagpapaalam ko at tumalikod na. 

Nakakailang hakbang pa lang ako nang magsalita ang lalaki sa likuran ko.

"Sonya..."

Napagitla ako dahil sa tawag niya sa akin. Nakaawang ang bibig ko nang hinarap ko siya. Pinagtaasan ko ng kilay ang mukha niyang gulat, siguro ay nabigla rin sa tawag niya.

"I mean... M-Ms. Fontanilla," he cleared his throat.

I didn't talk. I waited for him to continue.

"Ingat kayo."

Ngumiti ako rito at tumango. Bago ko siya tuluyang talikuran, nagsalita siyang muli.

"Ganda mo."

Fortsett Γ₯ les

You'll Also Like

995 288 62
3rd Installment of VIIscape Series β”€β”β”β”β”β”β”βŠ± 🎼 βŠ°β”β”β”β”β”β”β”€ VIIscape member-Jairus Kevin Quiliza dreams to be a drummer. That's why, when he saw a post...
2.1M 61.5K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
1.1K 88 43
[High School Series #2] She never expects something in high school when she entered her 1st year at Aristotle Academy. She just wants to study and gr...