Slaughter High 2 : Terror Nev...

By Serialsleeper

3.4M 106K 59K

[REVISED] They thought it was over, little do they know, it was only the beginning. More

Author's Note
Prologue
Chapter 1 : Battle scars
Chapter 2 : The Restless Lover
Chapter 3 : Trapped
Chapter 4 : Punishments
Chapter 5 : Hear my voice
Chapter 6 : The blame game
Chapter 7 : The call of death
Chapter 8 : The man with the plan
Chapter 9 : Project Slaughter
Chapter 10 : Portrayal of Murder
Chapter 11 : The Brotherhood
Chapter 12 : He from her past
Chapter 13 : Freakshow
Chapter 14 : A night of Terror
Chapter 15 : String of Slaughter
Chapter 16 : Light of my darkness
Chapter 17 : Goodbye, Erin
Chapter 18 : The Devil he became
Chapter 19 : Team Timang
Chapter 20 : Stop the feels
Chapter 21 : Darren
Chapter 22 : Welcome to Slaughter
Chapter 23 : Take One
Chapter 24 : Hear Me Out
Chapter 25 : Hormones and Heartaches
Chapter 26 : Here goes the past
Chapter 27 : Lights, Camera, Slaughter
Chapter 28 : When things go boom
Chapter 29 : Play by the rules
Chapter 30 : Pool of Suspects
Chapter 32 : Together Forever
Chapter 33 : Perfect Storm
Chapter 34 : Raising the white flag
Chapter 35 : The face of evil
Chapter 36 : Pretensions of a Psychopath
Chapter 37 : Her Script
Chapter 38 : Forgotten Rule
Chapter 39 : His Script
Chapter 40 : The final act
Game Over
Epilogue

Chapter 31 : Captured

71.5K 2.1K 1.7K
By Serialsleeper

31.

Captured

Erin's POV

ERIN’S POINT OF VIEW

 Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Hilong-hilo ako at napakasakit ng ulo ko. Hahawakan ko sana ang ulo ko pero laking gulat ko dahil nakatali ang mga kamay sa likuran ko. Pilit akong nakikiramdam sa paligid pero wala akong ibang naririnig kundi mga kuliglig at malabong boses.

Huminga ako ng malalim at mariing pumikit. Nagbilang ako ng sampu at muling idinilat ang mga mata ko.

Tuluyan akong tinamaan ng matinding kaba at takot nang mapagtantong nasa loob ako ng isang kulungang gawa sa isang rehas. Madilim ang paligid at napakalamig pero dahil sa isang katiting na liwanag na para bang nanggagaling sa isang flashlight ay nagawa kong makita ang mga matatayog na punuan sa paligid. Kung hindi ako nagkakamali, nasa gitna ako ng kagubatan.

“Tulong!” Napaubo ako.

“Erin?! Oh my God Erin! Thank God you’re alive!” Narinig ko ang boses ni Kitty kaya kahit mahirap ay pinilit kong umupo upang hanapin siya.

“Kitty!” Tuluyan akong napaiyak sa takot nang makita kong gaya ko ay nasa isa rin siyang kulungan pero hindi siya nag-iisa, kasama niya si Milo sa loob. Hindi ko namalayang magkatabi lang pala ang mga kulungan namin.

Muli kong nilibot ang paningin ko at mas lalo pang tumindi ang takot ko nang makita kong hindi lang kami ang naririto. May iba pang mga kulungan sa paligid at sa loob nito ay ang iba pang  mga taong nakasuot ng kulay orange na damit at tila ba wala silang malay. Hindi ko sila makilala dahil sa mga sakong nakatakip sa mukha nila.

Ngayon ko lang napagtanto na maging ako ay nakasuot rin pala ng kulay orange na damit at pajama na para bang sa isang preso. Pero hindi gaya nila, walang sakong nakatalukbong sa mukha ko. Sa aming lahat, sina Milo at Kitty lang ang hindi nakasuot ng kulay orange na damit at wala ring takip ang mga mukha nila gaya ko.

“Erin?!” Narinig kong sumigaw ang isang lalaking nasa kulungang malapit lang sa akin. May takip man ang mukha niya, siguradong-sigurado ako kung sino ito.

“Paul?! Shit bakit tayo nandito?!” Kahit anong pigil ko, hindi ko parin mahinto ang pag-agos ng luha ko.

“’Wag kang mag-alala, gagawa ako ng paraan para makaalis tayo dito!” Giit ni Paul kahit pa bakas ang matinding takot sa boses niya kaya tumango-tango ako.

“Talaga lang ha?”

Narinig kong may naglakad palapit sakin at sa isang iglap, tumama sa direksyon ko ang liwanag na nagmumula sa hawak niyang flashlight. Nakakasilaw kaya agad akong napapikit.

Pero yung boses na ‘yon….

“K-kevin?” Hindi ako makapaniwala nang makita ko siyang nakatayo sa mismong harapan ko. “K-kevin anong ginagawa mo dito?” Nautal ako.

“I came to slaughter.” Aniya habang nakangisi at itinutok ang flashlight sa baba niya, “Miss me Erin?”

“You son of a bitch!” Napasigaw na lamang ako at pinagsisipa ang kulungang kinasasadlakan ko.

“Hala, James! Damay ka dito!” Lumingon si Kevin sa isa sa mga kulungan at humalakhak kaya agad nanlaki ang mga mata ko.

Kung nandito si James, malaki ang posibilidad na nandito din si Curt.

“Curtis! Curtis!” Sigaw ako ng sigaw pero muli lamang akong pinagtawanan ni Kevin.

 “Walang hiya ka pakawalan mo kami dito! Papatayin kita!” Sigaw naman ni Milo na nanggagalaiti na sa galit.

Muling lumapit si Kevin sa mismong tapat ng kulungan ko, hindi parin nawawala ang malademonyong ngisi sa mukha niya, “Musta na? Masarap bang tulog mo?” Aniya.

“Kevin we can still fix this! Pakawalan mo kami!” Pagmamakaawa ko habang umiiyak.

“Fix? Everything’s Perfect Erin! Everything’s going according to our plan!” Pagmamalaki niya habang  nakaliyad ang dalawang kamay at humalakhak.

"Kevin wala kaming kasalanan sayo! Pakawalan mo kami!” Iyak naman ni Kitty.

Biglang kinuha ni Kevin ang flashlight na dinala at salitan niya itong itinutok sa amin nila Milo Kitty at Paul.

“Anak ng—Nasaan—Guys?! Nasaan ako?! Anong nangyayari?!” Narinig kong may nagsalita mula sa kulungang katabi lang ni Paul. Hindi ko nakikita ang mukha niya pero sigurado ako kung kaninong boses ito—Kay James!

Itinutok ni Kevin ang flashlight sa direksyon ni James ngunit habang ginagawa niya ito ay saglit na nahagip ng liwanag ang isang mesa. Nakita kong nakapatong rito ang isang video camera, lubid, mga damit at isang kutsilyo.

“Erin anong meron? Ba’t ka nakangisi?” Tanong ni Kevin at itinutok sakin ang flashlight.

*****

KITTY’S POINT OF VIEW

Iminulat ko ang mga mata ko

Napakasakit ng katawan ko lalo na ng ulo. Hindi ko na matandaan kung anong nangyari o kung bakit ako ngayon nakahiga sa gitna ng kakahuyan.

Dali-dali akong bumangon pero nakatali pala ang mga kamay ko at nasa isang kulungan ako sa gitna ng gubat.

“M-milo? Oh My God!” Napaiyak ako nang makita kong kasama ko lang pala si Milo sa iisang kulungan.

Wala siyang malay kaya pilit kong niyuyugyog ang braso niya hanggang sa magising siya.

 “Kitty?” Nalilito niyang untag. Gaya ko ay hindi rin niya naiintindihan ang nangyayari.

 Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit pero nakatali ang mga kamay namin.

"Nasaan tayo?” Nalilitong sambit ni Milo at naupo.

“Hindi ko alam,” Umiling-iling ako, “Ang naalala ko takot na takot ako kaya sinubukan kitang sundan, hanggang dun lang,” Napakagat ako sa labi ko pero sadyang hindi ko na mapigilan ang luha ko sa pagbuhos.

“Shit! Okay ka lang ba? Sinaktan ka ba niya?” Natatarantang tanong ni Milo na para bang kinikilatis ang mukha at buong katawan ko kaya napapikit na lamang ako at umiling-iling.

"Okay lang ako... Hindi lang tayo ang nandito, Milo tingnan mo, marami tayo.” Manginignginig akong ngumuso sa iba pang mga kulungan kung saan naroroon ang mga walang malay na nakasuot ng kulay orange na damit at sako sa kanilang mga mukha.

Sa sobrang takot ko ay napapahagulgol na lamang ako. Natatakot akong mamatay. Natatakot akong mamatayan ng mga kaibigan.

 “Tulong…” Narinig kong may umungol kaya agad kaming napatingin ni Milo sa kulungang katabi lang namin.

“Erin?! Oh my God Erin! Thank God you’re alive!” Umiiyak man hindi ko napigilang mapangiti. Buhay siya. Buhay ang bestfriend ko.

Tama nga si Robbie. Diyos ko, maraming salamat.

“Erin?!” Nakarinig kami ng isa pang boses hindi kalayuan sa amin.

“Paul?! Shit bakit tayo nandito?!” Untag ni Erin kaya naming si Paul pala ito.

Hindi namin alam kung sino-sino pa ang naririto. Di nagtagal ay nalaman naming nandito si Kevin at siya ang mamatay tao. Nandito rin si James at kakagising lang niya gaya namin.

“Erin anong meron? Ba’t ka nakangisi?” Itinutok ni Kevin ang flashlight sa mukha ni Erin at maging ako ay naguluhan sa bigla niyang asta. Kung kanina iyak ng iyak si Erin habang nagmamakaawa, ngayon ay mistula siyang naging matapang. Sa ngisi pa lang niya, mukhang hinahamon na niya si Kevin.

 “Wow Kevin ha, ang sipag mo. Binihisan mo pa talaga kami isa-isa.” Nanunuyang sambit ni Erin kaya agad nakunot ang mga noo namin.

Suminghal si Kevin, "Actually hindi naman masyadong mahirap, suot niyo naman parin ang mga damit niyo kanina. Idinoble ko lang ang jumpsuit sa inyo.” Pagmamalaki pa nito.

“Yeah, super, whatever. So tell me, whats the plan huh? Bakit mo kami dinala dito sa gitna ng gubat at pinasuot ng kung ano-ano? If you wanted to kill us, you could’ve done that kanina pa. And by the way, kelan ka pa nila pinalaya? Wow ha, bigla-bigla ka nalang na sumusulpot.” Sarkastikong sambit ni Erin na taas-noong nakatingin sa mga mata ni Kevin.

“Didn’t know you were the curious type Erin.” Humalakhak si Kevin. “But you should know, curiousity always kills the fucking cat.” Dagdag pa nito.

“Well lucky for me I’m not a cat. Lets just say I’m a dog and I can already smell the bullshit that you really are.” Panunuya pa lalo ni Erin. Nakangisi man, mukhang unti-unti ng napipikon si Kevin. “So tell me, what’s your motive huh?” Tanong pa ni Erin.

“Because all of you are just pigs.” Humalakhak si Kevin at umupo sa tapat ni Erin.

 “Getting caught by the police was just the beginning of our plan Erin.”

Teka, OUR? Ibig sabihin—

“See like what I said, planado na ang lahat. Mula sa pinakaumpisa hanggang sa magiging kamatayan niyo—“

“Idiot! Anong pake ko?” Putol ni Erin at muling humalakhak, “Wala akong pake sa plano mo, ang gusto kong malaman, bakit? Bakit mo ginagawa to?!” Dagdag pa niya.

“Hmm. Let me think. I don’t know, fame and fortune I guess.” Sarcastic na sambit ni Kevin habang nakangisi kaya unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ni Erin.

“Putangina! Mayaman ka na!” Napasigaw si Milo.

“You sick son of a bitch!” Sigaw naman ni Paul.

“F-fame and fortune?” Nauutal na sambit ni Erin, “Your friends died one by one last year! How about your friends?! How about their memory?! Pare-pareho kayo ng hirap na pinagdaan tapos ngayon ipapasa mo sa iba?!” Nanggagalaiti si Erin.

“Kaibigan? Pasensya na Erin pero mas kailangan ko ang mga tahanga!” Giit ni Kevin kaya lalo kaming nangiwi. “Oo nagluksa at nasaktan ako sa pagkamatay ng mga kaibigan ko pero nasaksihan ko ang pagbabago ng buhay ko. Naging kilala ako ng mga tao dahil sa nangyari at nasa akin ang atensyon nila. Ang sarap maging kilala ng lahat Erin! Gusto mo ring maging artista, siguro alam mo kung ano ang ibig kong sabihin diba?”

“I act for the craft itself, not the fame!” Giit ni Erin.

“Whatever.” Tumawa lamang si Kevin.

“Kevin sa tingin mo magkakaroon ka ng tagahanga sa pagiging isang mamamatay tao?! Nababaliw ka na! Mamatay ka na!” Pagwawala ni Erin.

Mistulang tuluyang naubusan ng pasensya si Kevin dahil sa sinabi ni Erin kayat bigla niyang sinipa ang kulungan ni Erin ng napakalakas. Sa sobrang lakas ay halos matumba ang kulungan niya.

“Erin, shh.” Gusto ko siyang tumahimik. Natatakot na ako lalo kay Kevin. Baka kung ano pa ang gawin niya kay Erin kapag tumindi ang galit niya.

 “Wow sipa yung reply, so ano nga?” Muling kumurba ang ngisi sa labi ni Erin. Nakakainis! Bakit ngayon niya piniling magtaray?! Baka mamaya saktan siya ng tuluyan ni Kevin sa ginagawa niya.

"Alam mo Erin maganda ka sana eh kaso di ka nag-iisip. Ganito kasi yan, akala ng lahat ako ang killer pero after ng massacre dito sa isla palalabasin ko kinidnap ako mula sa kulungan at dinala dito sa isla. Gaya ng sabi ko, planado na ang lahat, aakalain ng lahat na biktima lang ako ng false accusations. Biktima lang din ako ng killer. Of course because of that mas sisikat ako, I will be called the Good guy who was wrongly accused. Oh diba? Galing ko talaga!” Taas noong pagmamalaki ni Kevin at pinalakpakan ang sarili.

"Nah, you’re still stupid as always! Tama nga talaga si Ate Parker. Kahit na anong gawin mo, mananatili parin ang kung ano ka talaga, isang talunan. Kevin wag mo ng lokohin ang sarili mo, alam nating lahat kung anong klase ka ng tao—Isang talunan at walang kwenta.”

Nagulat kaming lahat nang dali-daling binuksan ni Kevin ang kulungan ni Erin at sapilitan niya itong kinaladkad palabas papunta malapit sa isang mesa. Galit na galit na si Kevin pero tawa parin ng tawa si Erin.

“Erin tumakbo ka na!” Sigaw ni Milo pero napatingin lamang sa direksyon namin si Erin at ngumiti.

Tumindig ang balahabo ko dahil sa naging ngiti ni Erin. Natatakot ako. May binabalak siya. Diyos ko, sana wag siyang mapahamak.

Wala kaming nagawa nang mapagtanto naming may hawak ng baseball bat si Kevin, “TONIGHT, WE SLAUGHTER.” Walang emosyong sambit ni Kevin at walang habas niyang pinagpapalo si Erin gamit nito.

“Erin! Kevin tama na! Erin!” Kami nila Milo, James at Paul. Wala kaming magawa kundi sumigaw. Wala kaming magawa para makatulong. Lahat kami umiiyak, lahat kami nagmamakaawa.

"Kevin itigil mo ‘yan!” Sigaw ng sigaw si James.

“Papatayin kita!” Sigaw naman ni Paul.

“Kevin tama na! Tama na!” Milo.

Balewala ang mga sigaw namin kasi kitang-kita parin namin ang ginagawa niayng pananakit sa kaibigan namin.

Nakadapa na si Erin sa lupa habang nanginginig at sumisigaw na sa sakit pero hindi parin tumitigil si Kevin sa paghataw sa kanya ng baseball bat.

“Erin!” Napahagulgol ako at napasandal na lamang sa balikat ni Milo. Awang-awa ako sa kaibigan ko. Pumikit nalang ako dahil hindi ko kayang makita ang bestfriend kong sinasaktan ng walang kalaban laban.

Gusto kong takpan ang tenga ko.

Ayokong marinig ang mga palahaw ni Erin lalong-lalo na’t wala kaming magawa para matulungan siya.

Rinig na rinig ko ang sigawan ng lahat. Rinig na rinig kong sumisigaw si Erin

Huminto na si Erin sa pagsigaw kayat napadilat ako. Napatili na lamang ako sa sobrang awa at lungkot nang makita ko si Erin humahagulgol at namimilipit sa sakit. Panay ang ubo ni Erin at pagsusuka samantalang si kevin nakatayo lang sa harapan ng duguang si Erin.

“Erin!” Iyak ako ng iyak.

Parang pinunit ang puso ko nang tumingin si Erin sa akin at ngumiti. Duguan na siya at sugatan pero nagagawa parin niyang ngumiti para sa amin.

 "Erin alam mo ba na mayroon akong kasabwat sa kanila?” Sabi ni Kevin na tila ba nagmamalaki.

 Nagulat kaming lahat sa sinabi niya. Ibig sabihin may kasabwat nga talaga siya samin?

Nakita kong bumangon si Erin at bahagya. Gaya namin ay gulat na gulat rin siya sa narinig.

“You’re lying.” Mahinang sambit ni Erin.

"Well believe it or not, may traydor sa inyo.” Giit ni Kevin at muling humalakhak.

 “No… no!” Ang iyak ni Erin ay nauwi sa sigaw habang umiiling-iling, “We’re friends! Magkakaibigan kaming lahat at wala sa amin ang gaya mong demonyo!” Giit ni Erin kahit hinang-hina na.

“So you’re saying Amalayer?” Sambit ni Kevin na tila ba nagbibiro, “Wow Erin amalayer! Amalayer and Amakiller! Amagwapo killer!” Sigaw ng sigaw si Kevin habang tumatawa at muling tinadyakan si Erin.

“Hayop ka! Tama na!” Walang humpay ulit kaming nagsisigaw.

“Go rest Erin.” Muling hinigit ni Kevin ng marahas ang ulo ni Erin at kinaladkad siya pabalik ng kulungan.

ERIN’S POINT OF VIEW

There are no words to describe kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Noong highschool ako naranasan kong masampal at makipagsabunutan pero walang-wala yon sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

Binalibag at pinagpapalo lang naman ako ng walang hiyang lalakeng yun. Nasusuka ako at napakasakit ng buong katawan ko, sa sobrang sakit pakiramdam ko tuloy pati internal organs ko, nabugbog din.

Pero sabi nga nila, no pain no gain. Napatunayan ko ito kasi worth it naman ang pagpapabugbog ko sa demonyo.

Nang dahil kasi sa nangyari kanina, nakalapit ako sa isang matalim na bagay at nakagawa ako ng paraan na maluwagan ang pagkaktali nito.

Napakagat ako sa nanginginig kong labi kaso muli na naman akong nasuka at gaya ng kanina, paulit-ulit parin akong nagsusuka ng dugo.

Napakabigat na ng pakiramdam ko sa katawan at ulo ko. Malakas ang kutob kong magang-maga na ang mukha ko ngayon at putok na ang gilid ng labi at mata ko.

 Sige Kevin, magtitiis ako sa ngayon pero makakaganti rin ako sayo. Ipaparamdam ko sayo ang tindi ng sakit na nararamdaman ko ngayon at dodoblehin ko pa hanggang sa mapatay kitang demonyo ka.

“Erin! Shit! Erin!” Naririnig ko si Paul.

"Oh my God Erin! Erin!” Umiiyak na sambit ni Kitty.

“Putangina mo Kevin!” Sigaw naman ni Milo.

Gusto kong umupo at lingunin siya para sabihing okay lang ako kaso hindi ko na kayang gumalaw sa sobrang sakit. Kung pipilitin ko, maaring tuluyan akong maubusan ng lakas kaya nanatili na lamang akong nakahiga at nakatitig sa maulap at napakadilim na kalangitan. Gusto kong ilabas ang galit at sakit na nararamdaman ko sa pamamagitan ng pag-iyak kaso sa sobrang sakit ng mukha’t katawan, ko di ko rin magawa.

Paulit-ulit akong napapasinghap dahil sa sobrang sakit kaya unti-unti ko na lamang na ipinikit ang mga mata ko.

“Ano Erin? Hoy? Buhay ka pa ba?” Humalakhak na sambit ni Kevin habang sinisipa ang kulungang kinaroroonan ko.

"Humanda ka saking hayop ka! Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa kanya!” Muling sumigaw Paul pero lalo lamang humalakhak si Kevin.

Ilang sandali akong nanatiling nakapikit. Nakapikit man, sinikap kong wag makatulog kasi natatakot akong baka hindi ako magising dahil sa bugbog na tinamo ko.

Naramdaman kong naglakad palayo si Kevin kaya bahagya akong nakahinga ng maluwag. Atleast kahit sandal tinantanan niya ako.

“Erin…” Narinig kong nagsalita si Kitty ng pabulong sa pagitan ng mga hikbi niya.

“Milo pakalmahin mo siya.” Nanghihina man, pinilit ko na lamang na magsalita.

“Erin patawarin mo kami, hindi ka naman natulungan.” Nanginginig namang sambit ni Milo.

"Erin you had the chance to run kanina, bakit hindi ka tumakbo?” Lalong umiyak si Kitty.

"I might have the chance to run but I won’t. Hindi ko kayang mabuhay knowing nang-iwan ako sa ere.”Giit ko.

Andaming tanong ang naglalaro ngayon sa isipan ko pero ang higit na bumabagabag sakin ay ang sinabi kanina ni Kevin.

Totoo kayang isa sa amin ang kasabwat niya?

“Pets behave lang kayo, pupuntahan ko ang ibang cast sa school.” Paalam ni Kevin at bigla na lamang naglakad palayo.

 Makaraan ang ilang sandal ay pinakiramdaman ko ang buong paligid. Nang masiguro kong nakaalis na siya ay dahan-dahan akong bumangon.

Hilong-hilo ako at napakasakit parin ng katawan ko pero hindi ako pwedeng maging mahina ngayon.

Nararamdaman kong malapit ng matanggal ang tali sa kamay ko.

Huminga ako ng malalim upang mag-ipon ng saklas saka buong pwersang pinaghiwalay ang kamay ko hanggang sa hindi nga ako nabigo’t tuluyang napatid ang tali.

“Diyos ko, Salamat Erin!” Nakita kong nabuhayan ng loob sina Milo nang makita ang ginawa ko.

Dali-dali kong itinulak ang pintuan ng kulungan pero naka padlock pala. Gusto kong sipain pero hinang-hina na talaga ako. Bigla kong naalala ang sinabi ni Kevin na suot parin namin yung damit namin kanina.

Huminga ako ng malalim at tiniis ang sakit ng paghubad ng t-shirt at pants. Kinapa-kapa ko ang bulsa ng suot kong maong na short at para akong nabunutan ng tinik nang mapagtanto kong nasa akin pa pala ang kutsilyong bigay ni Sophie at pati narin ang mga itinabi kong hairpin.

I picked the lock using the hairpin and it worked. Halos mapahagulgol ako sa tuwa kayat napakagat na lamang ako sa labi ko. Napagapang ako nang tuluyang bumukas ang pinto ng kulungan, dali-dali kong nilapitan ang mesa kung saan iniwan ni Kevin ang susi at kinuha ko narin ang kutsilyong nakapatong dito. Ang kulungan ni Paul ang siyang pinakamalapit sakin kaya siya ang inuna ko.

“Erin?” Humahangos na tanong ni Paul habang taranta at nanginginig ako sa pagbukas ng padlock.

Nang tuluyan kong mabuksan ang kulungan niya ay dali-dali kong pinutol ang tali sa mga kamay niya at tinanggal ang sako sa ulo niya.

Dali-dali akong nagpunta sa kulungan nila Milo at Kitty. Bubuksan ko na sana ito nang bigla na lamang kaming nakarinig ng tunog na tila ba sumisipol habang papunta sa kinaroonan namin.

“Shit, shit shit.” Lalo akong naiyak at nataranta pero hindi ko tinitigilan ang pagbubukas sa kulungan.

“Erin run!” Pabulong na sigaw ni Milo kaya agad akong umiling-iling.

“Erin pabalik na si Kevin mauna na kayo!” Giit naman ng umiiyak na si Kitty.

“Hindi! Hindi ko kayo iiwan!” Pagmamatigas ko.

“Paul mauna na kayo!” Pabulong na sigaw ni Milo at naramdaman kong hinigit ni Paul ang braso ko.

“Kitty, Milo, James… Sorry. Babalikan namin kayo pangako.” Naiyak na lamang ako at wala na akong ibang nagawa pa kundi ilaglag na lamang sa loob ng kulungan nila ang susi at kutsilyo.

Sa isang iglap, natagpuan ko ang sarili kong tumatakbo ng mabilis kasama si Paul. Iika man at halos magwala na ako sa sakit ng katawan, mas pinili kong magpakatatag. Kagat ang labi, pilit kong iniinda ang matinding sakit ng mga sugat na tinamo ko.

“I am the butcher and you are the pigs! Run while you still can because tonight, we slaughter!” Umalingawngaw ang sigaw ni Kevin na humahabol sa amin.

  “Erin dito!” Bulong ni Paul at hinila ako papunta sa ilalim ng isang malaki at lumang tubo. Hindi namin alam saan ito patungo pero desperado na kaming makalayo kay Kevin.

Napakadilim ng paligid at napakasangsang ng amoy. Rinig na rinig ko ang naglalakihang mga dagang halos maapakan na namin. Kung hindi ako nagkakamali, nandito kami sa isang imburnal.

“Fuck! Ang baho dito!” Napasinghap ako nang marinig ko ang boses ni Kevin kaya dali-daling tinakpan ni Paul ang bibig ko.

Hindi ko alam kung malayo siya o malapit sa amin dahil sa echo pero isa lang ang nasisiguro ko, andito narin siya sa loob ng imbornal.

“Tara.” Muling bulong ni Paul at muling nagtatakbo. Pagod na pagod na ako at hindi ko na alam saan pupunta kaya humawak na lamang ako ng mahigpit kay Paul at sumunod sa kung saan man siya pupunta.

 Lakad kami ng lakad hanggang sa unti-unting lumuwag ang nilalakaran namin. Wala na kami sa malaking at tubo at parang nasa isa na kaming underground na pasilidad.

lakad lang kami nang lakad hanggang sa makita naming nasa isang underground room kami. Naalala ko pa noon, sabi ni Ate Parker nagsilbing taguan ng mga pinoy noong digmaan ang islang ito kaya siguro maraming tagong lagusan at naglalakihang imburnal.

May isang maliit na kulay dilaw na bumbilyang nakasabit sa kisame at dahil dito ay nakita namin ang naagnas ng mga bangkay sa isang tabi—hindi ko na makilala ang mga hitsura nila pero sigurado akong isa sa mga ito ay si Sophie kaya napahawak na lamang ako sa bibig ko at umiyak.

 Muli naming narinig ang halakhak ni Kevin at mistulang napakalapit na niya sa amin kaya muli kaming nagkatinginan ni Paul at nagtatakbo.

Kapwa kami pagod at hingal na hingal pero natigil kami sa pagtakbo nang bumungad sa amin ang tatlong lagusan sa magkakaibang direksyon. Napakadilim sa loob ng mga ito at hindi namin alam saan didiretso ang lagusang ito.

“Paul saan tayo dadaan?” Lalo akong naiyak.

“Erin makinig ka,” Biglang hinawakan ni Paul ang magkabila kong pisngi at pinatitig ako sa mga mata niyang namumula, “Magpapahabol ako kay Kevin. Sisiguraduhin kong hindi ka niya masusundan.” Aniya at bigla na lamang itinuro ang gitnang lagusan.

“Ano? Wag, sumama ka.” Napahagulgol ako’t pilit siyang hinila papunta sa gitnang lagusan.

“Hindi tayo titigilan ni Kevin, bilisan mo na.” Pabulong niyang giit habang pinagtutulakan ako palayo.

“Ayoko, hindi kita iiwan. Wala tayong iwanan.” Giit ko sa pagitan ng mga hikbi ko.

“Naalala mo ba noong highschool pa tayo? Hindi ba’t hinabol tayo noon ng mga pulis kasi naabutan tayo ng curfew sa daan? Tumakbo tayo ng tumakbo hanggang sa natakasan natin sila. Erin alalahanin mo yun. Erin gawin mo ulit yon. Pangako magiging okay lang ako.” Aniya.

“Paano ka?” Bulong ko.

“Bilisan mo na!” Bigla niyang sigaw habang nanlilisik ang mga mata. Wala akong nagawa kundi tumakbo na lamang sa direksyong tinuro niya.

 THIRD PERSON’S POINT OF VIEW

Gumuhit ang ngiti sa mukha ni Paul nang makita niyang papalayo na si Erin.

Kahit na labag sa kalooban ni Erin ay sinunod niya ang sinabi ni Paul na tumakbo kahit pa hirap na hirap at iika-ika na siya.

Napakadilim sa lagusang pinasukan niya, tahimik man siyang umiiyak, rinig na rinig parin ang bakas ng mga paa niyang humahakbang sa maruming tubig ng imburnal. Basang-basa na siya dahil sa mga tubig na tumutulo mula sa iba pang mga maliliit na tubo pero binabalewala na lamang ang mga ito.

Isang lagusan matapos ng isa. Mistulang isang nasa maze ang kawawang si Erin na hindi alam saan patungo. Sa isang iglap, nagulat siya nang bigla siyang makarinig ng isang umaandar na kotse at mistulang nanggagaling ito sa ibabaw niya.

Muling nagtatakbo hanggang sa makita niya ang isang repleksyon ng liwanag sa sahig na tila ba isang maliit na spotlight ng entablado.

Umiiyak niyang nilapitan ang liwanag hanggang sa makatayo siya sa mismong tapat nito. Napapikit siya’t tumingala. Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata niyang ninanamnam ang liwanag hanggang sa tuluyan niyang maaninag ang kalangitan mula sa isang butas.

“Oh my God.” Napahagulgol si Erin sa tuwa lalo na nang makita niya ang isang hagdang agad naman niyang inakyat.

Nang makaabot sa tuktok ng hagdan ay muli siyang nawalan ng pag-asa nang humarang ang isang malaki at bilugang bakal na naghahadlang sa kanyang makalabas. Hinang-hina na siya para itulak ito.

“Shit, shit, shit.” Paulit na sambit ni Erin sa pagitan ng kanyang mga hikbi nang mapagtanto niyang nasa loob siya ng isang manhole. Sa kabila ng lahat, hindi nawalan ng pag-asa si Erin, napagtanto niyang kasya ang mga kamay niya sa mga butas ng takip kaya walang pag-aalinlangan niyang inilabas rito ang kanyang duguan at sugatang mga kamay.

“Tulong! Tulong!” Paulit-ulit na tili ni Erin sa butas sa pag-asang may makakarinig sa kanya habang iwinawagayway ang mga kamay.

*****

“Gising na si Tyler!” Anunsyo ni Ria na kanina pa pinapaypayan ang binata kaya agad lumapit sa kanila sina Robbie at Curt.

Di gaya kanina, kalmado na si Tyler at tila ba walang naalala sa nangyari.

“Nasaan ako?” Naguguluhang sambit ni Tyler na hinang-hina at hilong-hilo pa.

"Nasa monitoring rooms ka. Kamusta na ang pakiramdam mo?” Tanong ni Ria at inabutan ito ng tubig.

“Fuck, ang sakit ng ulo ko.” Untag ni Tyler at paulit-ulit na ipinikit ang mga mata habang nakangiwi.

“May naalala ka ba sa nangyari kanina?” Tanong naman ni Robbie kaya nasapo ni Tyler ang sentido.

“Madilim. Hirap akong huminga at wala akong makita. Nakatali ang mga kamay ko sa likod at napapalibutan ako ng rehas. Hindi ko alam anong nangyayari pero sigurado akong nasa gubat ako at hindi ako nag-iisa. ‘Yon lang ang naalala ko.” Muli, naguguluhang sambit ni Tyler.

 “Tyler was drugged.” Mahinang sambit ni Robbie kaya napatingin sa kanya ang lahat.

“Anong ibig mong sabihin?” Tanong ni Curt.

“Ikaw na mismo ang nagsabi Curt, kung ano-ano ang pinagsasabi ni Tyler at kakaiba ang kinikilos niya kanina. Para siyang wala sa sarili kanina at wala siyang naalala sa pagkamatay ni Ms. Marie.” Paliwanag ni Robbie kaya kahit hilong-hilo ay napaupo si Tyler habang nakakunot ang noo.

“Patay na si Ms. Marie? What the hell? Anong nangyayari? Si Paul? Nasaan si Paul? Nasaan ang iba?” Sunod-sunod na tanong na binata kaya naiyuko na lamang ng tatlo ang kanilang mga ulo at nag-iwas ng tingin. Wala sa kanilang gustong magsalita. Mas pinili nilang wag sabihin ang nangyari kay Ms. Marie dahil ayaw nilang sisihin ni Tyler ang sarili niya sa isang bagay na hindi naman niya sinasadya.

“Teka?” Nakunot ang noo ni Robbie nang may mapansing kakaiba, “Nasaan si Hiro?” Bulalas nito at agad na napatingin kay Curt.

“Huh?” Kunot-noong sambit ni Curt.

“Curt nasaan si Hiro?!” Giit ni Robbie.

“H-hindi ko alam.” Umiling-iling si Curt  kaya nanatiling nakatingin si Robbie sa kanya habang nakakunot ang noo at tila ba napakalalim ng iniisip.

“Robbie hindi ko nga alam!” Giit ni Curt pero hindi kumibo si Robbie at dahan-dahang inilayo ang tingin sa kanya.

“Nandito siya…” Biglang sambit ni Tyler kaya muling napatingin sa kanya ang lahat.

“Sino?” Kinakabahang tanong ni Ria.

“S-si Kevin.” Nauutal na sambit ni Tyler at isa-isa silang tiningnan.

“Pero nakakulong na si Kevin hindi kaya parte lang yon ng hallucination mo?” Kunot-noong sambit ni Curt.

“Hindi! Sigurado akong siya yung nakita namin bago kami mawalan ng malay habang nag-sho-shooting. Naalala ko pa kasi nagtatalo sila ni James.” Giit ni Tyler kaya lalo silang kinabahan at nagkatinginan.

“Nyeta sinasabi ko na nga ba.” Napatayo si Robbie habang sapo ang ulo, “Masyadong kampante si Kevin nang binisita siya sa kulungan. Nyeta anong plano ng ungas na yon? Nyeta sinadya nila ang lahat ng to.” Mabilis na sambit ni Robbie na lalong tumindi pa ang kaba.

“S-si Erin.” Nauutal na sambit ni Curt. “Kailangan ko siyang hanapin. Baka nasa gubat rin siya.” Dagdag pa nito  at agad na nagtatakbo.

“Curt wag!” Walang saysay ang pagpipigil nila dahil buo na ang desisyon nito kaya wala silang nagawa kundi manatili na lamang sa loob ng kwarto.

END OF CHAPTER 31

THANKS FOR READING

VOTE AND COMMENT <3

Continue Reading

You'll Also Like

Salakay By bambi

Mystery / Thriller

839K 32.6K 14
Isang marangyang subdivision ang sinalakay ng isang bandidong grupo at nakasalalay sa isang anak ang kaligtasayan ng kanyang pamilya. Hanggang saan...
Fear Thy Pact By bambi

Mystery / Thriller

3.3M 109K 45
Pact Series # 2 | "To defeat the monster, I must become a monster."
867K 69.1K 76
An Epistolary Thriller ✉ | Steven is ecstatic when Celestine Elora, the dreamy new girl in town, agrees to go out with him. He thinks he's finally li...
745K 44.5K 10
A kingdom A crown The royals And a thief You are hereby welcomed to the Kingdom of Nightcrest. Dress in your finest suits and gowns. Embellish yourse...