Crazy In Love With You [BOYXB...

By LIAM_SKETCHY

7.2K 719 54

Naranasan nang magmahal ni James noon. Ngunit, hindi naging maganda ang buhay pag-ibig niya kay Pau. Na ngayo... More

PROLOGUE
Chapter 1: James
Chapter 2: James
Chapter 3: James
Chapter 4: James
Chapter 5: Jonathan
Chapter 6: Jonathan
Chapter 7: Jonathan
Chapter 8: Jonathan
Chapter 8.1: James
Chapter 9: Jonathan
Chapter 10: James
Chapter 10.1: Jonathan
Chapter 11: James
Chapter 12: Jonathan
Chapter 13: Avin
Chapter 14: Avin
Chapter 15: Jonathan
Chapter 16: James
Chapter 17: Jonathan
Chapter 18: Jonathan
Chapter 19.1: James
Chapter 19.2: Jonathan
Chapter 20: James
Chapter 21: Jonathan
Chapter 22: James
Chapter 23: James
Chapter 24: James
Chapter 25: Pau
Chapter 26: James
Chapter 27: Jonathan
Chapter 28: James
Chapter 29: James
Chapter 31: France
Chapter 32: Jonathan
Chapter 33: James
Chapter 34: Pau
Chapter 35: James
Chapter 36: James
Epilogue: The Final Chapter
Acknowledgement
Your Suggestions MATTERS

Chapter 30: James

58 9 1
By LIAM_SKETCHY

Halos hindi ako makagalaw at makapag salita sa mga sinabing iyon ni Jonathan. Tila parang isang bomba ang mga salitang iyon na nagdulot sa akon ng kakaibang takot at kaba. Na hindi ko alam kung saan ito mga nagmumula.

Hanggang ngayon, ay hindi ko pa rin magawang makagalaw sa aking kinatatayuan. Parang tinakasan ako ng sarili kong ulirat na siyang naging dahilan na aking pagkabigla. Naramdaman ko namang lumagay sa aking harapan si Pau. Magsasalita na sana ako para pigilan ito sa maaari niyang sabihin. Ngunit, naunahan ako nito na magsalita.

“Sino ka ba? Bakit ganiyan mong kausapin si James? Ano ka ba niya?” Sunod-sunod na tanong ni Pau sa maangas niyang tono kay Jonathan.

Napangisi naman ang isang iyon sa naging tanong sa kaniya ni Pau. Lumapit ito ng bahagya sa puwesto ni Pau. At kinuwelyuhan ni Jonathan si Pau. Hindi ko alam pero bakit hindi ako makagalaw. Hindi ako makapagsalita.

“Ikaw? Sino ka rin ba sa buhay ni James? Boyfriend ka ba niya? Hindi ka nga niya nababanggit sa akin.” Maangas rin na pagsagot ni Jonathan sa tanong na iyon ni James.

“Tama na—” Tanging isang salita lamang ang aking nabanggit. Paano ko ba sila magagawang pigilan sa kanilang ginagawang away ngayon? Ni ayaw makipag-cooperate ng aking utak. Ni ayaw niyang diktahan ang aking sarili na gumawa ng paraan upang hindi sila makagawa ng isang komosyon.

“Hindi, James. Ang angas nitong kasama mo, e? Itatanong ko lang sa kaniya kung sino at ano siya sa buhay mo. Kung ano ang papel niya sa ‘yo.” Ngayon, nakikita ko na kung ano nga bang pagkatao mayroon si Jonathan.

Hindi ko maunawaan ang kaniyang mga ikinikilos nitong mga nagdaang mga araw. Ni hindi ko siya maka-usap ng maayos. Hindi ko rin siya mapuntahan sa kaniyang dorm. At madalas niya rin akong iwasan nitong mga nakaraan.

Pero, anong nangyari? Bakit bigla na lamang siyang naging ganito? Bakit nagagalit siya nang makita niya kaming dalawa ni Pau na nag-uusap? Bakit naiinis siya kay Pau, ganung wala naman itong ginagawang masama o mali na maaaring makasakit ng iba?

“Sabi ko, tama na!” Mahina ngunit may diin kong sambit kay Jonathan.

Marahas niya namang binitawan si Pau sa kuwelyo nito, na siyang naging dahilan ng kaniyang pagbagsak sa lupa.

“Pau!? Ayos ka lang ba? May masakit ba sa ‘yo?” Nag-aalala kong tanong rito.

Nag-aalala ako kay Pau dahil sa pagtulak sa kaniyang ni Jonathan. Malakas iyon at baka kung ano ang maaaring masamang mangyari sa kaniya. Kaya naman tinulungan ko itong tumayo at inalalayan siya.

“Ayos lang ako, James. Don’t worry about me.” Saad nito sa akin.

“Sige na, Pau. Mauna kana. Saka na lang tayo mag-usap kapag maayos kana. Sige na. Iwanan mo na kami rito. Ako na ang bahala kay Jonathan.” Mag-sasalita pa sana si Pau—nang agad kong putulin ang kaniyang sasabihin.

“Sige na. Please?” Napabuntong hininga na lamang ito. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod na lamang sa aking pakiusap.

Nang makaalis na ito. Agad kong hinarap si Jonathan. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit nakakaramdam ako ng kakaibang kaba at takot sa mga sandaling ito?

“Ano ‘yon, James? Sino naman ang lalaking iyon? Inaya kitang sumama sa amin ni Avin na mamasyal at lumabas. But, you refused my invitation. Tama lang pala ang ginawa ko. Na sundan ka rito.” Mahabang pagsasalita ni Jonathan.

“Bakit kailangan kong sumama pa sainyong dalawa? Para ano?” Seryoso kong tanong rito.

Napakamot naman siya sa kaniyang ulo. At ramdam ko ang matinding inis niya sa mga sandaling ito. Bakit kailangan kong sumama sa kanilang dalawa? Para, ano? Para makita kung gaano nila ka-missed ang isa’t-isa? Kung gaano sila ka-saya na magkasama?

Ayos na ‘yung mga sakit na nakita at naramdaman ko nung gabing iyon. Masyado na akong wasak at durog kapag nagmamahal. Daragdagan ko pa ba?

“Bakit ka ba nagkakaganito, James? Ano? May problema ba tayong dalawa? May nasabi ba akong masama? May nagawa ba akong mali na hindi mo nagustuhan? Sabihin mo naman, James. Para hindi ako nagmumukhang tanga kaka-isip ng maaaring dahilan mo!”

“Hindi mo na dapat pang malaman ang rason ko. Wala naman iyon saiyo.” Inayos ko na ang aking sarili at maglalakad na sana ako ng biglang hawakan ni Jonathan ang aking braso.

Naging mahigpit ang kaniyang paghawak sa aking braso na siyang naging dahilan upang mapa-aray ako sa kaniyang ginawa. Agad naman nitong binitawan ang aking braso at humingi siya ng despensa sa akin.

I can’t hold my tears any longer but to let them flow down to my face. Ano bang mali ang nagawa ko, para maramdaman ang pagkabigo sa pag-ibig? Ano ba ‘yung dapat kong gawin para ako naman ang piliin ng taong nagugustuhan ko.

“I’m sorry, James. H-hindi ko sinasadya na masaktan ka.” Taranta nitong sabi sa akin.

“Jonathan, please? Ayoko na. Puwede bang layuan mo na lamang ako. Sawa na akong masaktan ng paulit-ulit. Sawa na ako—na lagi na lang ganito ang aking nararamdaman. Jonathan, please, leave me alone. Ayoko na.” While I’m saying these words to Jonathan. I saw him shrugged his head.

Halos hindi ako makabuo ng mga salita. Nahihirapan akong magsalita dahil sa pag-iyak na aking ginagawa. Sumisikip na rin ang daanan ng hanging sa aking katawan na siyang dahilan ng pagsikip ng aking dibdib.

Ayokong gawin ang bagay na ito. Ayokong tapusin ang anumang ugnayan mayroon kami ni Jonathan sa isa’t-isa. Halos ilang buwan kaming naging magkaibigan. Hindi madali para sa akin ang gumawa ng isang desisyon na kung saan parehas kaming masasaktan.

Pero, kung hindi ko na gagawin ang bagay na ito. Paano na lamang ako? Paano na lamang ang puso ko na laging lumuluha at nasasaktan? Paano naman ‘yung ako na laging nagmamahal, pero umaasa lamang pala sa wala.

Sawa na ako. Sawa na ako na laging talo sa pag-ibig. Kailan ko ba mararamdaman ang tunay at totoong pag-ibig na nararapat para sa akin. Kailan ko ba makikita ang taong magpaparamdam sa akin ng pagmamahal na hinahanap ko.

I do always cried for nothing. I lost myself like it was nothing to do with it. It seems that I already losed my hope for love.

“James, why did you always do this to yourself? Do you really want to feel the pain instead to feel the happines? Hindi ko alam kung bakit ka nagkaka-ganito. Please, tell me. I’m gonna help you out.” Saad niya sa akin.

How could he help me, if he’s the only reason why I’ve felt this way. I can’t. I can’t tell him my reasons. He doesn’t need to know my love for him.

Nang wala siyang salita na narinig mula sa akin. Kinuha niya ang pagkakataong iyon upang makapagsalita. Pero, nagulat ako sa kaniyang mga sinabi sa akin. How could he know that? Paano?

“Kaya ka ba nagkakaganito—ay dahil sa may nararamdaman ka para sa akin? Alam ko ang lahat, James. Nakita kita nung umuulan. Doon ko nalaman na may kakaiba kang nararamdaman para sa akin.” Huminto ito sa kaniyang pagsasalita. At nilapitan ako nito, hinawakan niya ang aking mukha na tila ba ay kinakabisado niya ang aking kabuuan.

“P-paano?” Nauutal kong tanong sa kaniya.

“I saw you on that day, James. Kitang-kita nang dalawang mata ko kung gaano ka nasaktan sa ginawa ko. Kung paano mo hilingin na sana ay ikaw na lang. Sana ay hindi na lamang si Alyn. Narinig ko lahat nang iyon. I tended to not to asked you that thingy. Hinihintay kong ikaw mismo ang umamin sa  akin. Pero, hindi iyon ang inaasahan ko na gagawin mo.”

“Paano mo nalaman ang bagay na ‘yon? Paano mo nakita at narinig ang lahat nang mga sinabi ko?” Sunod-sunod na aking tanong rito. Binitawan niya ang pagkakawak sa mukha ko. Naglakad ito ng ilang dangkal mula sa akin at kaniyang sinagot ang aking tanong sa kaniya.

“Umalis ka nang araw na ‘yon. Hinanap kita kay Jess kung bakit wala ka sa room. He told me that you’re not okay. So I decided to got to your boarding house. Pero, I saw you standing under the rain. Sumisigaw ka. I heard everything you’ve said that day.”

“Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol sa bagay na ito? Bakit itinago sa akin ang bagay na ito, James?”

“Dahil gusto ko na ikaw mismo ang magsabi sa akin ng bagay na ‘yan.” Saad niya sa akin.

“Hindi ko na dapat pang sabihin ang bagay na iyon sa ‘yo. Nariyan na si Avin. Ang taong matagal mo nang hinihintay na bumalik. Siya talaga ang laman ng puso mo. Siya ‘yung taong mas espesyal pa kaysa sa akin. ‘Yung taong minahal ka mula pagkabata hanggang ngayon. Anong laban ko may Avin? Ano bang mapapala ko if I chosed to tell you about my feeling for you? Ganun rin naman. Masasaktan pa rin ako. Sawa na akong mmasaktan, Jonathan. Ayoko nang dagdagan pa ang sakit na aking nararamdaman. Nasaktan na ako noon at ayoko nang ulitin pa ngayon.”

“Kung anuman ang pinagdaanan mo sa nakaraang nagmahal ka. Hindi mo makikita at mararamdaman ang totoong pagmamahal. Kung patuloy kang lilingon sa nakaraan. Kalimutan mo na ang lahat nang nagyari sa ‘yo sa nakaraan. Pakawalan mo na ang lahat ng iyon. Dahil patuloy ka lamang masasaktan naang dahil sa dala ng iyong nakaraan.” Mahaba nitong pagsasalita sa akin.

Nang matapos ito sa kaniyang pagsasalita. Ay agad rin itong umaalis sa aking harapan. Walang lingon siyang naglakad palayo sa akin. Ito ang gusto ko ‘di ba? Ang iwanan niya ako. Para hindi na ako muling masaktan.

Bakit ganito? Pakiramdam ko nangsisisi ako sa mga nasabi ko Jonathan. Pakiramdaman ko sinayang ko ‘yung taong naghihintay lang pala sa akin na umamin ako. Pero, paano naman si Avin? Paano na ‘yung mga pangako nila sa isa’t-isa? Ito ba ‘yung dahilan kung bakit hindi ko ito maamin-amin kay Jonathan?

Isa pa, naguguluhan na rin ako kay Pau. Ano ba ang dapat na gawin ko? Love will always driven me crazy in love with someone else. Ganito ba talaga kapag nagmahal ka? Ganito ba talaga kahirap at kasakit kapag naramdaman mo na ang tama ng pana ni kupido?

Tuluyan na akong naiwan mag-isa rito sa likod ng University. Nawala na rin sa aking paningin si Jonathan. Muling naglandas ang aking mga luha, maga na rin ang aking mga mata dahil sa patuloy na pag-iyak. Kahit gaano ko ka-gusto na pigilan ang aking pagluha. Ay hindi ko magawa dahil sa aking nararamdaman. Napaluhod na lamang ako matapos kong alalahanin ang lahat nang nangyari kanina.

Do I deserve the pain I’ve got from Pau and Jonathan? Mali ba na hindi ko ipinagtapat kay Jonathan ang tunay kong nararamdaman sa kaniya? Ang sakit-sakit pala na mahulog ka sa taong gustong-gusto mo. Pero, hindi mo magawang sabihin sa kaniya ang nararamdaman mo dahil sa taong naghihintay para sa kaniya.

Ano bang nagawa kong mali at kailangan kong pagdaanan ang lahat ng ito? Ano ba ang nagawa kong hindi maganda kung bakit kailangan kong maramdaman ang paulit-ulit na sakit at pagkabigo?

“Oh, my gosh! Baks!” Isang boses ang aking narinig ‘di kalayuan mula sa akin.

Pamilyar ang boses na ‘yon. Nilingon ko ang boses kung saan ito nagmula. At bumungad sa akin si Jess na nagmamadali sa kaniyang paglalakad papalapit sa akin. Nakita ko rin na kasunod niyang naglalakad si Christian na nasa kaniyang likod.

“Gosh! Ano bang ginagawa mo rito, baks? Bakit ka nakaluhod rito? Ano bang nangyari, ha?” Sunod-sunod na tanong sa akin ni Jess. Imbis na sagutin ko ang kaniyang mga katanungan. Agad na lamang ako umakap rito ng mahigpit at napaiyak na lamang ako sa kaniyang balikat.

“Baks, ano ba talaga ang nangyari sa ‘yo? Gosh, nag-aalala ako sa ‘yo.” Magsasalita na sana ako but Christian cuts me off.

“James, may kinalaman ba ito sa ikinuwento mo sa akin last time?” Tanong nito sa akin. Dahan-dahan akong tumango rito senyales nang aking pag-oo sa kaniya. Narinig ko namang napabuntong hininga ito matapos niyang makita ang naging sagot ko.

“Christian? Ano ‘yung sinabi sa ‘yo ni James na hindi niya sinabi sa akin?” Seryosong tanong nito sa kasama.

Kumalas na ako sa pagkakayakap ko kay Jess at inayos ko ang aking sarili. Maingat akong inalalayan nina Christian at Jess sa pagtayo. Matapos iyon ay sinagot ni Christian ang tanong ni Jess  sa kaniya.

“You heard it right. Sa Coffee resto ko kasi nag-pa-part-time si James. And lately, I’ve noticed that he’s not okay. So I asked him why and he told me everything. Sorry, hindi ko naman kasi alam na magkaibigan kayong dalawa.” Saad nito kay Jess.

“It’s okay, bebe. Maliwanag na ang lahat sa akin. Mas maliwanag pa sa ilaw ng Meralco. Honestly, ang alam ko lang ay may part-time job si James. Pero hindi ko alam na sa ‘yo pala siya nagtatrabaho, bebe.” Nagulat ako sa naging tawag niya kay Christian.

Bebe? Kailan pa? Bakit at ano ang nangyari? Paano sila nagkakilala na dalawa? Alam kong classmate namin si Christian, pero hindi naman sila close ng Jess tulad ng iba niyang kilalang lalaki sa room.

“A-anong nangyari?” Taka kong tanong sa kanila.

Huminto naman ang dalawa sa ginagawa nilang paghaharutan sa aking harapan. Nakita ko kung paano inilingkis ni Jess ang kaniyang braso sa baywang ni Christian. Kita ko rin kung paano hinalikan ni Christian ang labi ni Jess.

“I’m the one who supposed to asked you that question, James. Ano ang nagyari? Bakit ka nakaluhod at umiiyak kanina?” Bago ko sagutin ang tanong na iyon ni Christian. Ay lumakad ako upang humanap mg mauupuan namin. Nang makahanap ako ay inayo ang dalawa na umupo sa aking tabi.

“Jonathan saw us talking.” Huminto ako sa aking pagsasalita. Napakunot-noo naman silang dalawa sa naging sagot ko. I took a deep breathe to pull enough guts to tell them what was happened earlier. Nang walang ako nakuhang sagot sa mga ito. Ay ipinagpapatuloy ko ang aking pagsasalita.

“Nakita kami ni Pau na nag-uusap rito. Pau confessed his love towards me. And when Jonathan came, he heard what Pau told me.” Saad ko.

“What!? Seryoso ka ba rito, baks? I mean, paano nangyari ‘yon? ‘Di ba hiniwalayan ka na ni Pau tapos ngayon babalikan ka nya. Baliw ba siya? Tsaka, paano si France? For sure, mas lalong magagalit sa ‘yo ‘yon.” I know. Inaasahan ko na ang bagay na ito.

Nagulat sina Jess at Christian sa naging pagtatapat ko sa kanila. Tama si Jess. Lalong magagalit sa akin si France once na malaman niya ang sinabi sa akin ni Pau. Lalo siyang magkakaroon ng matinding rason para matuloy ang kaniyang binabalaks sa amin na dalawa ni Pau.

“After nating lumabas na dalawa sa room. Halos sabay silang pumunta sa akin at sabay nila akong inaya pero sa magkaibang dahilan. Pinili kong sumama kay Pau. Dahil alam ko na kasama ni Jonathan si Avin. Pinili kong sumama kay Pau dahip ayoko nang masaktan pa sa posibleng makita ko mula kila Avin at Jonathan.

Hindi ko alam na sinundan pala kaming dalawa ni Jonathan rito. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa kaniya na pumunta rito. Habang nag-uusap kami ni Pau, naririnig niya na pala ang lahat. Wala kaming kamalay-malay na dalawa. Nung mga oras na iyon, doon na lumabas si Jonathan. At doon niya na rin nalaman na may pagtingin pa sa akin si Pau.”

“’Di ba tapos na kayo ni Pau tulad ng naikuwento mo sa akin nung nasa shop tayo. Bakit siya muling umamin sa ‘yo na may nararamdaman pa siya? Sana hindi na lang siya nakioaghiwalay sa ‘yo kung alam niyang ikaw pa rin ang mahal niya at hindi ‘yung France na ‘yon?” Sunod-sunod na tanong sa akin ni Christian.

“He had his reasons why he chose to break up with me that time.” Maikli kong sagot rito.

Napayuko na lamang ako. Hindi ko alam na ganito pala talaga kahirap ang magmahal. Totoo nga ang sinasabi nila na—ang pagmamahal ay isang sugal na laro. Na hindi mo malalabasan nang basta-basta. Isang laro na kung saan ay kailangan mong sumugal. Isang sugal na hindi pera, ngunit ito ay sugal ng nararamdaman.

“Reasons? Anong reasons naman ‘yon, baks?” Naguguluhang tanong ni Jess sa akin.

Hinarap ko silang dalawa. I look directly to their eyes, as if I study their eyes how beautiful are they.

“Oo. May rason siya. He said to me that his father used him for the sake of his fathers business. Siya ang naging kapalit para muling umunlad ang negosyo ng mga magulang niya. At ang kapalit noon ay magpakasal si Pau kay France. Na partneship ng tatay ni Pau ang tatay ni France.

Walang nagawa noon si Pau. Hindi niya rin masabi ang tungkol sa bagay na ‘yon sa akin. Dahil natatakot siya sa puwedeng gawin sa akin ng pamilya ni France. Kaya kahit labag sa kagustuhan at pagkatao niya, pumayag pa rin siya. Pumayag siya sa kagustuhan ng mga magulang niya para maisalba ang negosyo—kapalit ang kaniyang sariling kalayaan at kasiyahan.”

Matapos kong ikuwento sa kanilang dalawa ang naging pag-uusap namin ni Pau. Ay naramdaman ko na lamang na inakap na nila akong dalawa. Nakaramdam ako ng kakaibang saya na siyang naging daan upang maibsan ang sakit at lungkot na aking nararamdaman.

Muling nagpatawa si Jess para raw gumaan ang atmostphere namin sa lugar na ito. Napuno naman ng tawa at inis ang lugar na kung saan ako nananatili na tatlo.

“Paano naman kayo nagkakilala na dalawa? Hindi ko alam na mayroon pala kayong afair.” Biro ko sa kanila.

“Well, baks. Nagpapasalamat talaga ako kay NearGroup. At nang dahil sa kaniya ay nakita at natagpuan ko na ang love of my life ko. ‘Di ba, bebe?” Napakamot na lamang ng ulo si Christian dahil sa kakulitan at pagiging bibo ni Jess.

Miski ako ay panandalian kong nakalimutan ang lahat ng nangyari ngayon araw. Hindi ko inaasahan na magkakakilala silang dalawa. At ang nakakagulat lang kina Jess at Christian, ay parehas na silang in relationship. Wala na akong nagawa kundi ang batiin silang dalawa at ibigay ang aking buong suporta sa kanila.

Kapwa naman silang nagpasalamat sa akin dahil raw suportado ko ang kalandian ni Jess. Honestly, masaya ako para sa kaibigan ko na si Jess. He deserves it. Alam kong kaya siyang panindigan ni Christian. Mabait si Christian at alam ko rin na hindi niya pababayaan ang aking kaibigan.

Bago kaming umalis na tatlo sa likod ng University. Sinabihan ko sila na maging matatag sila sa buhay pag-ibig na kanilang tatahakin. Dahil maraming tao ang susubukan na sirain sila. Maraming tao ang hahadlang sa pagmamahal na mayroon sila sa isa’t-isa. At huwag nilang hayaan na masira silang dalawa nang dahil lamang sa mga iyon.

Maglalakad na sana kaming tatlo ng may narinig kaming boses ‘di kalayuan sa aming kinauupuan na tatlo. That voice is very familiar. Kapwa kami napatigil sa aming gagawing paglalakad ng magsalita ito.

“Paano ba ‘yan? Sagad na ako. Ayoko nang makipaglaro ng easy level. Let’s make this so difficult game na kung saan—buhay ang magiging kapalit. Masaya siguro ‘yon? I guess. Binalaan na kita. But, you didn’t listen to me anyways. Ngayon, makikita mo kung paano ako magmahal ng totoo. Let’s see and play the real game begin.”

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 44.6K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
47.5K 1K 11
Change is inevitable at akma iyan sa mga nangyari kay Dominique Leonor o mas kilala sa tawag na Nikki. Mula sa mga masalimuot na nangyari dito, ay tu...
353K 9K 37
Ang pag-ibig ay isang mistulang magnanakaw sa dilim dahil hindi mo siya mapaghahandaan kung tatamaan ka na. Malalaman mo na lang umiibig ka na sapagk...
923K 4.8K 6
[COMPLETED] Sa edad na labing-anim, isang malaking responsibilidad na ang pinapasan ni Devin. At ito ay ang alagaan ang kanyang dalawang pamangkin...