Sprouted Desire ✔

By dyrnevaia

137K 3.1K 804

Hacienda Series I Cresencia More

SD
Love, Dyrne
Paunang Silip
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Huling Kabanata

Kabanata 8

1.8K 59 9
By dyrnevaia

Tumungo kaming kuwadra dahil gusto ni Wendell na sumakay ng kabayo. Iilan lang ang nakita kong tauhan, marahil ay nasa manggahan sila para pumitas pa ng mga bunga.

"You're already a grown up lady, Cresencia. Parang kahapon lang noong may bitbit ka pang manika." He chuckled after saying that.

Napangiti naman ako sa narinig. I couldn't remember my childhood days here but I knew I met him before.

"I really can't remember those days," I said as a matter of fact.

"That's okay. At least we saw each other again."

Binati namin ang isang tauhan na nagpapaligo ng isang kabayo sa gilid. Pumasok na ako sa loob para kunin si Valir.

"Anong kabayo ang gusto mong gamitin?" I asked him after I get Valir out of his cage.

Lumapit siya kay Brisko. "This," turo niya sabay haplos sa pisngi nito. Napalunok naman ako nang malalim bago tumango.

Lumabas na kami sa kuwadra at kapwa sumakay sa aming mga kabayo. Hindi ako nakadala ng sumbrero kaya't kapwa kami walang suot na panangga sa sikat ng araw.

"Tara na?" Tiningnan ko siya at kita ang kaniyang pagtango.

Nagsimula na kaming lumayo sa kuwadra at hindi ko napigilang mapalingon sa mga kalalakihang naglalakad pabalik sa manggahan. Pinaliit ko ang mata ko at kitang nahuhuli si Simon sa paglalakad habang sa tabi niya ay si Rigor na parang may sinasabi. Tinitigan ko siya saglit. Siya talaga ang nangingibabaw sa kanilang lahat.

Biglang gumalaw ang kaniyang mukha at humarap sa aming gawi. Napahigpit ang kapit ko sa tali kasabay nang paghigit ng aking hininga. Kita ko lang na napakunot-noo siya pero agad ding binawi ang tingin mula sa amin.

"Can we go there?" Napabaling ako kay Wendell na tinuro ang manggahan.

Mas lalo akong nahirapan sa pagsagap ng hangin. Hindi ko alam bakit ko 'to nararamdaman. Ayaw kong makita ako ni Simon na may kasamang iba at mas lalong ayaw kong may isipin siyang iba sa amin ni Wendell. Mas nanaisin ko pang sa kahabaan na lang ng coconut plantation kami gagala.

"S-sige," nasabi ko na lang at ibinalik ang atensyon sa kasama.

Nakakahiya, may kasama akong iba pero si Simon pa rin ang iniisip ko!

Kuryosong mga mata ang bumungad sa amin nang pumasok kami sa manggahan. Natigil ang ilan sa kanilang ginagawa para lang paraanan kami ng tingin. Nahihiya akong bumaba kay Valir. Bumaba rin si Wendell at kapwa namin itinali ang kabayo sa isang puno ng mangga.

"Hi, Tito!" Wendell waved his hand when he saw my father in the middle, talking to his men.

Lumingon sa amin si Papáng at malawak na napangiti. "Wendell!" Ibinuka nito ang mga kamay at parang batang lumapit ang huli para matapik siya ni Papáng sa balikat. "Kailan pa kayo dumating ni Helena?"

Lumayo kami saglit sa mga tauhan at sila nama'y bumalik sa ginagawa. Kita kong nakaupo sa banig si Winona kasama si Aling Isang. Hindi ko maiwasang makaramdam na naman ng pait. Hindi kaya nasasakal si Simon na laging nakabantay sa kaniya ang kasintahan niya?

"Kanina lang po Tito. Hindi nakapunta si Papa dahil may inaasikaso siya."

"Senyor, dadagdagan pa po ba namin ang ilalagay sa mansiyon n'yo?" Biglang lumitaw si Rigor na pawisan at sa likod niya'y mga kalalakihan na nakita ko kanina sa labas ng bahay.

Nagawi sa kanila si Papáng. "Huwag na Rigor. Sapat na iyon sa amin."

Ginala ko ang mata at nakita ko si Simon sa pinakalikod. Nakatingin siya sa akin habang ang mukha niya'y pawisan at namumula dahil sa init ng araw. Nalipat ang mata ko kay Winona na bigla na namang sumulpot na parang kabute. Masuyo nitong pinunasan ang mukha ni Simon. Pinigil ko ang masamid.

"Lakad tayo?" Baling ko na lang sa kasama ko.

Mas nagliwanag ang kaniyang mata at tumango-tango pa. Nagpaalam kami kay Papáng at sa mga kalalakihang naroroon. Kita ko sa kanilang mukha ang pagtataka kung sino nga ba ang kasama ko pero walang nangahas na nagtanong. Iniwan namin sila roon habang kami ni Wendell ay nagsimula nang maglakad sa kahabaan ng manggahan.

Wala kaming ibang pinag-usapan maliban sa takbo ng aming kaniya-kaniyang hacienda. Mabait si Wendell. Matanda siya sa akin ng dalawang taon at isang taon na ring namamahala ng kanilang negosyo.

Patuloy lamang kami sa paglalakad, hindi inaalintana kung gaano na kaming nakalayo kila Papáng.

"You're young, beautiful and smart Cresencia," bigla na lang nitong nausal.

Nahihiya naman akong napayuko. Ang aking mga kamay ay magkahugpong sa aking likuran habang tamad na naglalakad. "S-salamat."

"You're the perfect match for me," saad pa nito na nagpamaang sa akin. "I bet, you're already aware of our parents' plan for us, right?"

Lalong hindi ko matagpo ang kaniyang mata. Napatigil ako sa paglalakad at marahan siyang inangatan ng tingin. "I... I can't do that Wendell," patukoy ko sa gusto niyang iparating. "I won't let my parents decide for me."

Wendell chuckled like there was something funny. He stopped in front of me and gazed at me thoroughly. "We can't do anything but to obey them Cresencia."

"Kung ayaw naman nating pareho, hindi matutuloy 'yan." Tinagpo ko ang kaniyang mata.

Besides, I was still young for goodness' sake!

He sighed and gently bowed his head. "But I like it." My breathing hitched. "I want you to be my wife."

Malalim akong napalunok bago napaatras ng isang hakbang patalikod. "Sorry Wendell—"

"I am telling you Cresencia, we will end up with each other as what our parents have planned." Umiling ako nang mariin bilang pagtutol. He raked his hair in a frustrated manner. "Sinasabi ko na 'to sa 'yo para maging handa ka—"

"Hinding-hindi ako magpapasunod sa kanila Wendell," mababa ngunit matigas kong turan. "Look," iminuwestra ko ang kamay sa kaniyang harapan. "Kakikita lang natin ngayon. I don't even know you that much—"

"That's not needed anymore as long as our wealth will be secured."

Natawa ako nang pagak at nagpamaywang. No, kahit pa ilang beses nang nagparinig si Mamáng sa ideyang ganito ay hindi pa rin ako papayag sa nais nilang mangyari.

I have my own life, my own preference and my own decision!

"We're too young for this, Wendell. Marami pang maaaring mangyari."

"I just want you to know and be ready for it."

I inhaled deeply before shaking my head. "Let's better go back," naiusal ko na lang at hindi na siya hinintay pang gumalaw.

Mabibilis ang hakbang ko pabalik kila Papáng. I wanted to talk to him privately. Akala ko ba kahit sinong gustuhin ko ay ayos lang basta't mahal ko ito?

"Oh? Ang bilis n'yo naman ata," bungad niya nang nakalapit na kami sa kanila.

Kita kong natigil si Simon sa pagbubuhat ng basket at tiningnan kami saglit. Si Rigor naman ay nginitian ako pero hindi ko siya magawang ngitian pabalik dahil nawala ang sigla ko dahil sa napag-usapan namin ni Wendell.

"I want to talk to you Papáng," I said lowly while looking at him.

Nabura ang ngiti niya nang makita ang kaseryosohan ko. Sinulyapan pa nito si Wendell sa aking likuran bago tumingin ulit sa akin. "Maybe later anak? They need me here."

Tumango na lang ako at bigong nilingon ang kasama ko. He fell silent as his face became serious.

"Let's go," utos ko at tumungo na sa aming kabayo.

Ramdam ko ang pagsunod ng mata ng lahat sa aming dalawa. Marahan akong sumampa kay Valir at hinawakan na ang tali. Nang makitang sumampa na rin si Wendell ay agad ko nang pinagalaw ang aking kabayo.

Sa buong durasyon pabalik sa mansyon ay hindi na ako umimik. Nag-aalab sa inis ang aking damdamin. Just the thought of marriage with some other guy wanted me to puke. Hinding-hindi ako papayag! Our hacienda was already good enough without them. Ano pang silbing pinag-aral ako kung ipapahawak din lang ito sa iba?

"Cresencia—"

"I want to be alone Wendell," putol ko at agad iniwanan si Valir sa isang tauhan sa labas ng bahay.

Pagpasok ko ay kita kong nasa kusina na si Mamáng kasama si Tita Helena pero nagdire-diretso lang ako paakyat sa itaas. Tumungo ako ng aking kuwarto at agad iyong isinarado. Wala akong panahon makipagplastikan kay Tita Helena at Mamáng, lalong-lalo na kay Wendell.

I went to my bed and sank myself in. I hugged my pillow and rested my cheeks on top of it. Thoughts about what Wendell said earlier rang inside of my head. Inis kong tinabunan ang mukha at pumikit nang mariin.

Malalakas na katok ang nagpagising sa akin. Napahikab ako bago bagot na nilingon ang pintong patuloy na kinakalampag ni Mamáng.

"Open this door Cresencia Milan! Kanina ka pa!" I could imagine her angry face.

Inis akong bumangon at napakamot sa buhok nang makitang nakatulog ako nang hindi man lang nakapagpalit ng damit. Tamad kong binuksan ang pintuan at tama nga ang hinala ko.

Mamáng's dagger eyes looked at me. "Why did you lock your door? Hindi ka na rin lumabas maghapon! Nakakahiya kina Helena!" She almost screamed in front me.

My eyes settled on the floor. "Sorry, Mamáng..."

"My goodness! I told you to don't disappoint us!"

"Why? Because you want me to marry Wendell?" The pain was laced in my voice. "Mamáng, you knew how much I hate people deciding for me." I made sure that hurt was visible on my face.

Mamáng mouth fell for a few seconds before she unbelievably composed herself. "We are not just people you're talking about Cresencia." Tumalim ang kaniyang boses maging ang titig sa akin. "We are your parents!"

I clenched my jaw, restraining myself to talk back. "I'm not going to marry him—"

"You will," she interrupted me. She held her head high before crossing her arms over her chest. "It's dinner time. Bumaba na tayo," she announced in a dismissive tone.

Tahimik lamang kami sa hapag. Tanging tunog na lang ng aming pinagkakainan ang umaalingawngaw sa kapaligiran. Papáng threw me glances but never asked me if there was something wrong.

After ten minutes, Mamáng cleared her throat. Maarte niyang pinunasan ang bibig gamit ang table napkin bago tinagpo ang aking titig.

"About Wendell..."

"We should talk about it after dinner Celistina," Papáng muttered.

Tahimik kong ibinaba ang baso at tiningnan silang dalawa. "We can discuss it now." I said, trying to calm my nerves again.

Gumalaw sina Babet para ligpitin ang aming pinagkainan at naglagay ng panghimagas bilang kapalit. Wala munang nagsalita ni isa sa amin hangga't hindi pa napapaalis ang mga tauhang nakabantay sa aming gilid. Nang tuluyan na silang pinaalis ni Mamáng ay napatitig na lang ako sa aking mga kamay na nasa kandungan.

"So Wendell already told you about it," Mamáng's voice echoed.

I lifted my face and looked at her. "Ayaw ko Mamáng."

"You must obey it Cresencia. It's for the sake of our hacienda."

I painfully looked at Papáng. I knew he would not agree with this! "Papáng..." my voice shook.

He slowly bowed his head then defeatedly shook it afterwards. I gritted my teeth as my fingers formed into a fist.

"Cresencia, it's our tradition. Para ito sa ikabubuti at ikagaganda ng ating hacienda."

Umiling ako nang paulit-ulit bilang hindi pagpayag sa narinig kay Mamáng. "Tuturuan n'yo naman akong humawak ng hacienda, kaya bakit?" Napapaos kong tinig.

Tinitigan ko si Papáng at nang magtagpo ang aming mata ay agad siyang nag-iwas. "Hindi naman kayo ikakasal agad anak," he said lowly.

I gasped as pain pierced through me. Akala ko ba ay kakampihan niya ako sa bagay na 'to? Dang it, it was my future we were talking about!

"P-Papáng... I thought..."

"You can handle our hacienda but Wendell can handle it better. Kahit pagbali-baliktarin, mas mabuting lalaki ang maghawak ng ating hacienda," Mamáng's voice became stern.

Ikinaiinis ko ang pananahimik ni Papáng. Bakit hindi niya kontrahin si Mamáng?!

"I will not marry him and that's final," dumiin ang pagkuyom ng aking kamao.

"Anak..." I looked at Papáng's hopeless face. "You will not marry him that fast. We'll give you three years to know him more," aniya na para bang makakagaan iyon sa aking pakiramdam.

Matigas akong umiling bago pabiglang tumayo, ang damdamin ay nagsisimulang umalab. "I can't believe you," naiiyak kong sambit at tumakbo palabas.

I heard Mamáng calling out my name but I acted deaf as I came out of the house. It was suffocating me. I wanted to breathe fresh air and I couldn't find it inside of our house.

Continue Reading

You'll Also Like

4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
11.5K 459 31
Hacienda Series II Winona
43K 636 44
Adelyn Eliza Belardo is a talented, smart, wild, and naughty girl. She's the daughter of a foreman for a renovation project at Coast Point Hotel, eng...
35.4K 1.7K 34
Devil, from the root word evil. A person who is doing or done bad and pure of evilness, darkness and wickedness. Mask, for covering all or part of t...