Trapped (Completed)

By Mikays14

37.5K 1K 82

"I've been wanting to escape everything but I don't know how and I just can't. It feels like my whole life wo... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
A/N

Chapter 24

395 12 0
By Mikays14

Chapter 24 : Someone like you

Dennise.

Months have passed....

Ever since I passed my first mission, Sir James have learned to trust me. He welcomed me to his family and treated me the same as how he treats Ly and Greta. And of course, Greta is still an evil who thinks she can defeat me. Nothing has changed. She became more envious of me since I can now handle missions from Sir James.

Sir James is nice naman pala... sometimes. Ly would tell me na naging better ang mansion noong nagstay ako ron. Parang nabawasan daw ang kasamaan ng tatay niya.

Nang makabalik ako sa Laneo after my first mission... sobrang ni-welcome ako ni Ella and Ponggay... pati na rin ng Agila at Archers. They missed me so much daw. Then... naging normal na rin ang mga sumunod pang araw.

Agila and Archers ay rivals pa rin... Naging leader ng Archers si Vic. Samantalang nabawasan din ng member ang Eagles dahil kailangan ni Amy bumalik sa ibang bansa... roon na niya itutuloy ang pag-aaral niya dahil kailangan siya ng family niya ron.

Ang daming nagbago... pero habang sinasabayan lang namin ang agos ng buhay... parang nagiging normal na ulit ang buhay sa Laneo. Marami pa ring gang wars.

Katulad mamayang gabi... maglalaban ulit ang Archers at Eagles. At pinangako sa amin ni Sir James na hindi siya manghihimasok sa kahit anong laban ni Ly....

Malapit na rin ang graduation namin... in fact, malapit na nag grad ball... ayoko pa munang isipin dahil naiiyak ako at nalulungkot sa tuwing maiisip kong malapit nang magtapos ang buhay estudyante ko rito sa Laneo.

This school really taught me how to be tough. How to be independent... or sila Ly ang nagturo sa akin non? Or yung experience ko? Well, kung alin man sa kanila... I'm thankful.

"Tulala ka na naman, Den." Puna sa akin ni Mika. Nandito kasi ako sa gym na pinag-e-ensayuhan nila para sa laban mamaya.

Nagpaalam ako kay Ly na rito muna ako sa Archers dahil during the match naman eh sa kanya ang suporta ko. Pumayag naman siya and she understands me dahil mga kaibigan ko naman ang Archers. Wag lang daw ako lalapit sa ex kong si Vic. Hmmp! Selosa! Eh matagal naman na kaming wala. Haha.

"Eh iniisip ko kasi malapit na graduation natin."

"Oo nga eh tapos sa gang war na 'to di mo manlang kami masuportahan." Nagtatampong saad ni Mika.

"Ehhh ano? Hatiin ko katawan ko?"

"Pwede rin."

Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya natawa siya sabay peace.

Pinanuod ko na sila mag-practice... after nun ay pumunta kaming lahat sa cafeteria para kumain. Libre ko sila.

May bagong padala na allowance kasi ako.

"Grabe! ang sarap talaga pag libre!" Sabi ni Eli.

"Kaya gusto namin pag nandito ka Den eh." Sabi naman ni Cyd.

"Ewan ko sa inyo! Basta magpakabusog kayo." Sabi ko sa kanila.

"Tagal niyo na ni Ly noh, Den? Baka pwede ako naman." Pang-aasar ni Mika.

"Sorry... di ko na iiwan yun." Sabi ko sabay belat kay Mika.

"Mahina ka talaga Miks." Sabi ni Vic.

"Mas mahina ka. Di mo nga napabalik si Den sayo eh." -Mika to Vic

"May mga bagay kasing pag tapos na, tapos na. Di ba, Den?" - Vic

Tumango ako. "At pareho na kaming masaya."

"Tss. Mangbababae na lang nga ko mamaya sa party." Sabi ni Mika kaya nagtawanan kami.

Attractive naman si Mika kaso maharot masyado kaya karamihan dito sa Laneo eh takot na jowain siya. Ang mga nilalandi pa naman niya eh matitinong babae. Pihikan kasi. Ayaw niya sa kasing harot niya. Ewan ba jan!

After namin kumain... iniwan ko na sila at bumalik sa dorm. May two hours pa bago magstart ang gang war. Kaya may time pa ako to rest.

Pagbalik ko sa room namin nila Ella. Mga nakaligo na sila... tapos namimili ng isusuot.

"Ang aga niyo naman magprep!" Sabi ko.

"Eh ikaw lang naman 'tong mabagal noh!"

"Tulog muna ako." Sabi ko sa kanila.

"Hoy! Jowa mo lalaban ngayon. Tamad na tamad?" Sabi ni Ella.

"Ehhh idlip lang naman eh."

At dahil hindi nila ako hinayaan na umidlip dahil baka raw ma-late kami at walang maupuan. Naligo na ako... at nag-ayos.

Nakasuot ako ng black romper at nag messy bun. Naglagay din ako ng light make up.

"Grabe. Mai-inspired lalo si Ly niyan. Ganda mo Den!" - Ella

"Oo nga Ate! Ganda!" Sabi ni Ponggay.

At kahit 30 minutes early pa... umalis na kami ng dorm. Marami kasing estudyante ang may gustong makita ulit ang pagtutuos ng dalawang grupo.

Nakarating na kami sa venue nila Ella. Marami-rami na ring tao. Sa bandang gitna kami naupo nila Ella.

Maya-maya pa dumating ang Eagles. Himala at nauna silang dumating ngayon. Pero kulang sila... Wala si Ly.

"Wow! First time ang aga nila!"

"Sana manalo Archers!"

"Sure yan. Panalo Archers di na makikialam mafia nila Aly eh."

"Asan kaya lider ng Agila?"

Ilan lang yan sa mga bulong-bulungan na naririnig ko. Naghintay muna ako ng ilang minuto para tignan kung dadating si Ly... Baka kasi nahuli lang. Pero wala pa rin kasi.

"Den tawagan mo kaya si Ly." Sabi sa akin ni Ella.

"Di ko dala phone ko." Sabi ko.

Maya-maya pa dumating na si Ly. Saktong dumating na rin ang Archers kaya nagtilian na naman ang mga kababaehan dito sa gym.

Pinagmasdan ko lang si Ly. Parang wala siya sa mood. Well, lagi namang seryoso face niya. Pero kasi iba ngayon... Parang may mali sa kanya.

Nilapitan siya ni Bea. Mukhang seryoso yung pag-uusap nila.

Maya-maya pa, nag warm up na sila. Nakakapagtaka dahil first time kong nakita si Ly na sumabay sa warm up ng mga Agila.

Sa sobrang yabang kasi ng girlfriend ko na yan, hinahayaan niya lang mag warm up teammates niya. Confident siya masyado. Pero ngayon... Hmm... Nababahala ba siya dahil baka matalo sila? Eh ang lakas lakas kaya niya!

Gusto ko sanang lapitan si Ly dahil hindi pa kami nagkakasama buong araw ngayon. Galing din kasi siyang mansion. Pero bawal na silang lapitan.

Maya-maya lang, sinabi na nung announcer na malapit na magstart ang event.

"Good evening, students! Tonight we'll witness again the battle of the rivals! Are you ready?"

Nagsigawan naman ang mga tao. At kanya-kanyang cheer sa gang na gusto nila.

Napatingin ulit ako kay Ly. Saktong nakatingin siya sa akin. I smiled at her. She gave me a weak smile. Haay. Ano bang nangyayari sa kanya? I'm worried!

Nagsimula na ang battle. Unang maglalaban ay ang parehong lider ng bawat grupo.

So Ly vs. Vic.

Nagstart na sila... unang nagpakawala ng suntok ay si Ly. Which is so new. Hindi naman ganyan ang style niya.

Gumanti naman si Vic at sunod-sunod na ang pagbibigay nila ng sakit sa katawan. Geez! These gangsters!

Patuloy lang ang laban nang biglang natumba si Ly.

Napatayo ako nang makita si Ly na natumba. Maya-maya pa pumasok na ang ibang members ng dalawang grupo at tinuloy ang laban.

Tumayo ulit si Ly tapos ay nakipagbasag ulo ulit.

Ilang ganti ng suntok pa ang pinakawalan niya kay Vic. Hanggang sa si Mika na ang nakalaban niya.

Isang tumba na lang sa Agila... Mananalo na ang Archers.

Natumbang muli si Alyssa... Kaya naman tumigil ang laban. And nanalo ang Archers. Maraming masaya. Marami ring nagtataka sa kung bakit ganon si Ly.

Kabilang na ako ron. After the match. Iniwan ko sila Ella at lumapit kila Ly. Nagsipuntahan na rin sa students' night out yung iba na ginaganap sa building ng mga archers.

Nakasalubong ko pa ang Archers at nag congrats sa kanila. Pero naintindihan din naman nilang nagmamadali ako makalapit kay Ly.

Ito ang unang pagkakataon na natalo ng Archers ang Agila... Ngayon pang hindi nakialam si Sir James sa gang war.

"Ly." Sabi ko nang makalapit kay Ly na ngayon ay tahimik na nakaupo sa bench.

"Sabi kasi sayo Ly wag ka nang sumali eh." Sabi ni Bea.

"Bakit?" Tanong ko.

"She's sick." Sabi ni Bea sa akin.

Tumayo naman si Ly at lumapit sa akin. Gosh. May mga cut siya sa mukha... mga nagdudugo pa rin.

Bigla naman niya akong niyakap nang mahigpit.

Hinimas-himas ko naman ang leeg niya or kahit anong part ng katawan niya at ang init niya nga. Damn!

"Ly naman eh! May sakit ka na't lahat gang war pa rin? Lika na nga! Gagamutin kita!" Sabi ko at hihiwalay sana sa yakap niya pero mas lalo niyang hinigpitan.

"Daldal mo. I'm fine."

"Bumalik na tayo sa dorm mo. Dali na! Aalagaan kita."

Humiwalay naman siya sa yakap at hinawakan ang kamay ko.

"Clingy mo ngayon ha. Pag may sakit ka talaga clingy ka noh. Pero pag wala..."

"Daldal."

Hmmp! Gusto ko siya kaltukan eh! Kainis kasi.

Nakarating na kami agad sa room niya. Pinaupo ko na siya sa couch at inihanda yung mga gagamitin ko pang gamot sa kanya.

Ginamot ko naman agad yung mga cut sa mukha niya.

"Ouch! Dahan-dahan naman!" Inis na sabi niya.

"Dahan-dahan? Eh sino ba kasing may kasalanan dyan? May sakit ka na tapos makikipagbasag ulo ka pa!"

Hindi naman siya sumagot. Nanahimik lang so ginamot ko ulit siya...

"F*ck! Ang sakit kaya, Love!" Sabi niya habang pilit kinakalma sarili niya.

"Pero kapag nakikipagbugbugan ka hindi? Tiisin mo yan!"

No choice naman siya...kaya tumahimik na lang ulit. Napapangiwi siya minsan pero ginaanan ko na kamay ko at pagdampi ng cotton sa mukha niya. Kawawa naman kasi eh.

Gangster na umaaray sa alchohol. Hmmp.

Nang matapos ko siyang gamutin... iniwan ko muna siya sa couch at nilutuan siya ng corn soup na nakita ko sa mini kitchen niya.

Tinitignan-tignan ko siya... ginagamot niya yung part sa kamay niya na cut. Nalimutan ko ata yung part na yun.

Tahimik lang siya.

"Ly magpalit ka na rin ng damit mo para diretso tulog ka later."

Tumango naman siya tapos ay pumunta sa kwarto niya. Nagpalit din siya agad. Naglinis na rin siguro ng katawan dahil medyo natagalan siya.

Nang matapos kong ihanda corn soup niya pati tubig at gamot... saktong lumabas siya ng kwarto.

Naka pajama siya at tshirt na puti.

Ang tamlay pa niya.

"Lika na... Kumain ka na."

Naupo siya sa tabi ko... At dahil nagpapababy ang gangster. Sinubuan ko siya ng soup.

"Sarap ng soup. Pwede na kita maging chef." Pang-aasar niya.

"Kahit may sakit ka talagang trip mo ko noh?"

She smiled naman. "Thanks for taking care of me."

"No worries. Sige na kain pa oh."

Nang maubos niya yung soup. Pinainom ko na siya ng gamot. Tumungo siya sa kwarto niya after dahil sinabihan ko siyang matulog na.

"Den siguraduhin mong dito ka matutulog ha!" Sigaw niya mula sa kwarto.

"Opo!! Maglilinis lang ako rito!!"

Siguristang clingy kasi yung gangster na yun kapag may sakit.

After ko maglinis sumunod na ako sa kwarto niya.

Nakita ko siyang nakahiga habang nakapikit.

"Thanks..Love...."

"Wala yun. Basta magpagaling ka ha."

"Yes po. Stay here please but let's keep some distance. Ayokong mahawa ka."

"Okay baby. Sige na sleep na."

"I feel so weak, Den. I wanna hold your hand."

Sabi niya habang nakapikit. Natatawa ako sa kanya. Ang cute niya eh. Para siyang bata. Pero kung makipagbasag ulo naman.

Pag sa iba napakatapang niya.

Hinawakan ko naman kamay niya. Kaya napangiti siya...

Maya-maya pa nakatulog na rin ang baby gangster ko.

Pag magaling na ulit 'to for sure mayabang na naman siya. Hmmp!

Pero sana gumaling siya agad... Malapit na pa naman ang seniors' ball....






* *

A/N: 4 chapters left...

Continue Reading

You'll Also Like

1M 41.5K 48
Allyson Gotham, a bitch in the campus. Kilalang-kilala na patay na patay sya kay Axle Cooper, ang kilalang playboy sa kanilang campus. Mas lalong umi...
42.5K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
221K 13.3K 10
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
382K 11.6K 70
What if your student has an affair with you and you fall for her but you find out who she really is and you find out that she obsesses over you becau...