A Walking Canvas (Rare Disord...

By aerasyne

161K 8.9K 1.9K

Rare Disorder Series #1 To be Published "Does my condition invalidates my right for life? Would everything be... More

A Walking Canvas
Prologue
01: Brave
02: Little One
03: Intense
04: Seat
05: Sing
06: ---
07: Accept
08: Unnameable
10: Reverie
11: Escape
12: Yogurt
13: ---
14: Lost
15: A Place with You
16: Uncertainty
17: Resurrection
18: Explanation
19: ---
20: Aggravation
21: Living Nightmare
22: Beauty
23: Insecurities
24: Never
25: Intensify
26: Special
27: Medicore
28: ---
29: In Love
30: Scared
31: ---
32: Broken
33: Exposed
34: Answer
35: Unloved
36: Things About Bliss
37: Intention
38: Forward
39: Unchosen
40: Life Threat
41: The Connection
42: The Darkness
43: The Antagonist
44: The Fight
45: The Comeback
46: Laure
47: The Finale
Epilogue
Author's Note
White in Full Colors
A Walking Canvas Book

09: Devyn

3.3K 224 47
By aerasyne

CHAPTER NINE
Devyn

"Anong mayro'n at kailangan irenovate ang auditorium?" nagtatakang tanong ko kay Isa habang pareho kaming nakatingin mga taong nagkakabit ng LCD screen sa pinakagitnang bahagi ng stage ng auditorium.

The auditorium was built in a wide fan layout. Elevated ang 500 raisin colored theater seats sa harap ng stage. Ang VIP area sa pinakaharap ng stage ay 100 seats lang. Sa second floor ay 200 seats na nahahati sa tatlong column. Habang ang natitira namang 200 seats ay nahahati rin sa apat na column sa ikatlong palapag ng auditorium.

Mayroon nilalagay ang mga tao sa gitna ng second at third floor na malaking LCD screen. Hindi naman natatakpan ang mga nasa likod no'n kung sakaling may mga manonood man. Tuloy ay nagmukhang concert hall ang auditorium imbes na simpleng auditorium lang ng isang unibersidad.

"Hindi ko nga rin alam, e," sagot ni Isa at kibit-balikat na tumalikod na.

Agad naman akong sumunod sa kanya dahil simula ng rehearsal ng org ngayong araw. "Saan ang rehearsal ngayon?" tanong ko habang nakasunod pa rin sa kanya.

"Sa gym sabi ni Gio."

"Mauna kana, Isa. Comfort room muna ako," paalam ko.

Tumango siya at nauna nang lumabas sa backstage ng auditorium. Kinuha ko ang lahat ng gamit na dala ko para dalhin sa gym. Wala naman akong masyadong dala maliban sa maliit na bag na gamit ko kanina sa klase ko.

Pagkatapos kong mag-cr na nandito rin sa Auditorium ay dumiretso na ako sa gym. Gabi na ngayon at hanggang nine pm ang rehearsal namin sa mga ganitong pagkakataon. Mabuti na lang talaga at parte ng org si Kervin at nagagawa niya akong ihatid pauwi.

Mag-isa kong binaybay ang tahimik na daan patungong gym. Wala ng araw kaya malaya akong nakakapaglakad na walang inaalalang masamang epekto ng araw sa balat ko. Ilang hakbang mula sa gym ay naririnig ko na ang batuhan ng linya ni Devyn at ni Lucy na siyang female lead namin. Base sa dialogue na binibitiwan nila sa isat-isa ay nag-aaway sila sa sitwasyon na 'yon.

"Alin ba sa ayaw ko ang hindi mo maintindihan?!" pagalit pero puno ng hinanakit na sigaw ng isang babae na narinig ko mula sa loob ng gym.

"Hindi ko kasi kayang intindihin ang babaw ng dahilan mo. Ano bang pakialam ko sa kanila? E, ikaw naman ang babaeng mahal ko at hindi sila at ang mga sinasabi nila," pagpapaintindi ng lalaki na marahil ay si Devyn.

Nahinto ako sa paglalakad nang marinig ko mula sa boses ni Devyn ang pagsusumamo at pagmamahal na niyang naipararamdam sa mga taong nakakarinig sa pagbato niya ng linya. Sa paraan kasi ng pagsasalita niya ay parang totoo ang lahat at hindi isang palabas lang. Wala ako ni katiting na ideya kung tungkol saan ang play dahil hindi nila ako sinabihan. Maging si Isa ay hindi ako binigyan ng clue.

"Ano ba,Camille?! Anong halaga kung pakikinggan ko ang sasabihin nila kung mawawala ka naman sa akin?"

Sakit. 'Yan ang nararamdaman ko sa boses ni Devyn nang sabihin niya ang linya na 'yon kay Lucy na ang pangalan ay Camile sa palabas.

Pero bakit pati ako ay kakatwang nasasaktan? Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ko ang bugso ng pinaghalong sakit at lungkot na biglang lumukob sa puso ko. Wala man akong alam sa takbo ng istorya ay hindi ko magawang iwasan na matamaan sa mga batuhan nila ng linya. Para kasing ginawa siya para sa akin.

Bumuntong hininga na lang ako at pilit na inignora ang kung ano man na nasa isip ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad papasok ng gym. At sa oras na binuksan ko ang pinto ay parang may dumaang anghel sa loob nang biglang balutin ng katahimikan ang kaninang maingay na lugar. At lahat ng mga mata nila ay nakapako sa iisang direksyon. Sa akin.

Kung ihahalintulad lang sa mga palabas ang katahimikan sa loob ay parang may mga lumilipad ng dyaryo ngayon. Tanging ang ingay lang ng apat na centralized aircon ang naririnig ko. Closed gym ang mayroon sa CIU kaya kinakailangan ng centralized aircon dahil mainit sa loob lalo na tuwing maraming tao. Nahahati sa dalawang floor ang mga bleachers. Ang sa unang apat na row sa magkabilang side ay binubuo ng mga bleacher seat na kulay mulberry. Habang ang susunod naman na apat ay gawa na sa semento at dire-diretso.

"Wrong timing ba?" Ngumiti ako ng alangan sa kanila habang nagkakamot ng ulo.

Tahimik lang silang nakatingin sa akin at tila inaanalisa ang dapat na gawain. Unang nakabawi si Devyn at agad na ngumit sa akin. Naglakad naman si Kuya Gio na mukhang nakabawi na papunta sa gawi ko at inakbayan ako. Sa pagkailang ay pasimple akong umalis mula sa pagkakaakbay niya na siyang ikinatawa niya.

"Bliss, ano kasi..." nakangiwing panimula niya na hindi na niya nasundan pa. Naguluhan ako sa kilos niya na parang kinakabahan na ewan. Malikot ang mga mata niya at napapakamot sa batok niya.

Nilingon ko si Kervin na nakaupo sa bleacher. "Ano ba 'yon?"

Bumuntong hininga naman siya at tiningnan ako. "Ililipat ka muna kasi sana namin temporarily sa props team. O kaya you can focus on editing your poem. Kung saan ka mas komportable."

Naguluhan ako. Usually, nanonood ako ng rehearsal kasama si Isa at paminsan-minsan ay nagbibigay ng insights na sa tingin ko ay mas magpapaganda. Nakakapagtaka lang na gusto nila akong mailipat ngayon sa props or simpleng gusto lang nila akong lumayo sa rehearsal pansamantala.

"Bakit?" litong tanong ko sa kanilang lahat. At sa palitan nila ng tingin, alam ko na may hindi sila sinasabi sa akin. Ako naman ngayon ang nagbuntong hininga at tumango dahil hindi ko naman puwedeng ipilit na alamin dahil baka maging dahilan lang 'yon ng delay ng rehearsal. "Sige. Doon lang ako sa dulo. Aayusin ko na lang ang draft ko."

"Thank you, Bliss," sabi niya na tila nabunutan na ng tinik.

Ngiti lang ang naisagot ko kay Kuya Gio at naglakad na palayo sa direksyon nila. Napahinto ako sa paglalakad nang mapadaan ako sa harapan ni Devyn. Gulat na napatingin ako sa kaniya na bahagya pang nanlalaki ang mga mata nang pasimpleng kinuha niya ang kamay ko at pinisil bago muling pakawalan. Isang segundo. Isang segundo lang na naglapat ang mga kamay namin pero ang puso ko ay grabe kung tumibok nang malakas at mabilis.

Magaan na nginitian niya ako na parang walang ginawa. Sinubukan kong ngumiti rin pabalik kahit na nagulat ako sa ginawa niya. Pinagpatuloy ko ang paglalakad kahit na naghalo-halo na ang kakaibang pakiramdam sa puso ko. Pilit na pinanormal ko ang tibok ng puso ko habang naglalakad sa pamamagitan ng ilang beses na paghinga ng malalim.

Umakyat ako sa pinakatass ng bleacher at doon naupo, sa sememtado na part. Humiga ako sa malamig na semento at patagilid na pinanood ko sila nang magsimula ulit sa rehearsal nila. Hindi ko sila marinig mula sa puwesto ko hindi dahil sa malayo ako, kundi dahil sadiya nilang hininaan ang mga boses nila na para bang sinasadya nila 'yon para hindi umabot sa pandinig ko. Bakit ba pakiramdam ko ay ayaw nilang malaman ko ang act na gagawin nila?

Nawawalan nang pag-asa na nagsalpak na lang ako ng earphones sa tainga ko at muling binasa ang tula na siyang itutula ko sa araw ng act namin.

Sa sandaling panahon na nagtama ang ating mga mata

Samu't saring emosyon ang parang baha na rumagasa at iyong ipinakita

Pumikit ako nang mariin nang maramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa pinaghalong kaba at takot nang basahin ang ilang linya sa tulang ginawa ko. Kinakabahan pa rin ako sa katotohanan na magtatanghal ako sa harap ng maraming tao. At natatakot sa pwedeng kahantungan ng gagawin ko.

Kaya ko ba?

"KUMUSTA?" Nilingon ko ang pamilyar na boses na narinig ko mula sa tabi ko. Devyn.

"Tapos na kayo?" tanong ko at tinanggal ang earphones na nakasalpak sa magkabilang tainga ko.

"Hindi pa. Ten minutes break." May inilapag siyang bottled water sa harapan ko ng mukha ko.

"Thanks." Alanganin ko siyang tiningnan. "Puwedeng matanong?"

"Ano 'yon?" Pinanood ko lang siyang kuhanin muli ang bottled water na inabot niya sa akin at binuksan 'yon bago inabot sa akin. "Drink."

Naupo ako pero nanatiling tuwid ang dalawang paa ko paharap. Tinanggap ko ang tubig na ibinigay niya at uminom ako ng kaunti bago nagbaba ng tingin sa kanya. Sinalubong ako ng magandang ngiti niya. Kusang naglakbay ang utak ko sa munting eksena na ginawa niya kanina. Hindi ako sigurado kung may nakakita sa ginawa niyang paghawak sa kamay ko o wala. Mas nangingibabaw kasi sa akin ang bilis ng tibok ng puso ko kanina na hindi ko na nagawang pagtuunan pa ng pansin angpaligid namin.

Sa isang natural na galaw ay sumandal siya sa bleacher na kinagigihaan ko. Huli na para makaiwas nang maramdaman ko ang ulo niya na sumandal sa tuhod ko. At hindi na ako nagulat pa nang muli na namang bumilis ang tibok ng puso ko nang dahil sa ginawa niya. Ano bang ginagawa mo sa puso ko, Devyn? Nawawalan ng pag-asang tanong ko sa saril ko.

"Tungkol saan ang act na gagawin niyo?" puno ng kuryosidad na tanong ko habang namamag-asang tumingin sa kanya pero napasimangot na lang ako nang umingling siya. "Bakit ba ayaw niyong sabihin? Lahat kayo hindi niyo sinasabi." Hindi ko naitago ang irita at inis sa boses ko. Curious lang kasi ako at wala silang intensyon na pahupain ang kuryosidad ko.

"Basta. Malalaman mo rin," makahulugang wika niya.

Sumilip siya sa phone ko na basta ko na lang ibinaba sa tabi ko nang dumating siya. "Pabasa." Inginuso niya ang direksyon ng phone ko.

At gusto ko na lang na dukutin ang puso ko at kausapin nang masinsinan ng pati ang simpleng pag-nguso lang ni Devyn ay bumibilis na ang tibok niya. Parang baliw naman kasi, e, tumitibok na lang sa mababaw na dahilan na hindi kailanman nangyari dati.

Siguro naninibago lang ako? O kung may iba pang dahilan ay hindi ko na alam. Ayaw kong pangunahan at bigyan ng kahulugan ang mga ikinikilos niya sa harapan ko. Dahil alam kong hindi pa ako handa sa bagay na puwedeng kahantungan no'n. Not that I am expecting something. Hindi ko lang maiwasang isipin na baka mayroong ibang kahulugan ang ginagawa. Lalo na kung hindi lang naman iisang beses niyang ginagawa ang mga wirdong pagkilos niya.

"Hey." Napakurap ako ng ilang bese nang iwagayway niya ang kamay niya sa mukha ko. "I have to go down," pagpapaalam niya

Tumango ako at hindi na nakapagsalita pa. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makisalamuha na siya sa iba pa naming kasama. At ilang sandali lang ay nagsimula na sila sa rehearsal nila. Hindi ko maitatanggi na mahusay nga siya na aktor. Kahit kasi malayo ako at hindi ko naririnig ang usapan nila ay nakikita at ramdam ko pa din ang emosyon na nanggagaling sa kanya base sa mga galaw ng katawan niya. At nasisiguro kong kung nasa malapit lang ako at nakikita ang ekspresyon ng mukha niya ay lubusan kong mararamdaman ang emosyong ipinapakita niya.

Pinanood ko lang sila habang nag babatuhan sila ng linya, si Devyn at Lucy ang madalas. Misan ay lumalabas si Riva at si Kervin. Hanggang sa matapos na ang rehearsal at nag-aya nang umuwi si Kuya Gio.

"Audrey, sasabay sa atin si Devyn, ha?" Ulit? Nagtataka ko siyang nilingon na tinawanan lang naman niya. "Sa amin muna kasi siya pansamantala nakatira dahil under construction pa ang bahay niya."

Kabisado niya na talaga ang takbo ng utak ko kaya kahit hindi ako magtanong ay kusa na siyang sasagot. "Okay."

"Bakit? Ayaw mo ba akong kasabay?" bulong ni Devyn.

Nanayo ang balahibo ko sa batok nang mag salita siya mula sa likod ko. Malalim at mahina ang boses niya na siyang naging dahilan nang pagtayo ng mga balahibo ko. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko ng dahil sa ginawa niya, pinapahirapan akong makahinga sa normal na paraan.

Pinilit kong maging normal ang tibok ng puso ko. Hindi siya puwedeng makahalata sa epekto niya sa akin. Isang dangkal na lang ang pagitan namin nang sabayan niya ako sa paglalakad at gano'n na lang ang pagwawala ng puso ko sa katotohanan na 'yon. Bakit ganito na lang kalakas ang epekto mo sa akin?

"Wala naman akong sinabing gano'n," nasabi ko na lang nang maalala ang sinabi niya kanina. Hindi ko pa rin matanggap na nagagawa niyang pabilisin ang tibok ng puso ko sa mga simpleng kilos lang niya.

"Mabuti naman."

Naging tahimik ang maikli naming biyahe. Siguro dahil na rin sa pare-pareho kaming pagod o sila lang pala ang pagod dahil display na naman ang ganap ko kanina.

Malayo palang kami sa bahay nila Kervin ay nakikita ko na si Tita Crisa na aligagang pinapatahan ang nagwawalang si Maxim. Namumula na ang muka niya at nasisiguro kong kanina pa ito umiiyak.

Bago ko pa man mautusan si Kervin na bilisan ay nagkusa na siya dahil wala pang isang minuto ay narating na agad niya ang bahay nila. Dire-diretso muna siyang pumasok sa bahay para maghugas ng kamay na siyang palaging una niyang ginagawa bago hawakan ang anak niya.

Bumaba ako ng sasakyan at maging si Devyn ay bumaba rin.

"Hi, Tita. Good evening po." Nag-mano ako sa kanya.

"Good evening, Audrey. Ako na lang ang maghahatid sa'yo pauwi, ha? Kanina pa nagwawala si Maxim at hinahanap si Kervin, e," taranta pa ding sabi niya dahil hindi pa rin tumitigil si Maxim sa pag-iyak.

Nagmamadaling lumapit si Kervin na may dalang feeding bottle na may lamang tubig. Kinuha niya si Maxim kay Tita at unti-unting tumahan ang bata. Hinahanap lang talaga ang presensya ng ama.

Alam kong pagod na si Kervin. Halata 'yon sa mukha niya pero dahil sa responsibilidad niya bilang ama kay Maxim ay mas inuuna niya ang anak kaysa sa sarili niya. Hindi ko mapigilan ang humanga sa katotohanan na iyon. Bibihira lang sa mga kaedaran namin ang may lakas ng loob na maging responsable sa mga bagay na katulad nito, ang maagang pagkakaroon ng anak.

Madalas ay tinatakbuhan o hindi naman ay gumagawa ng mga bagay na kikitil ng isang buhay. Masakit at malungkot ang katotohanan na iyon, pero 'yon ang totoo.

"Ako na lang po ang maghahatid kay Bliss Audrey." Tatlong pares ng mata ang tumingin sa kanya nang mag salita siya. Sa akin, kay Kervin, at kay Tita.

"Kailangan buong pangalan?" nakangising pang-aasar ni Kervin kay Devyn na ginantihan lang niya ng masamang tingin. "Sige na. Baka mas lalo lang kayong gabihin. Dalhin mo na kotse ko."

"Tara?" Anyaya niya.

Binalingan ko muna si Tita at nakipag beso sa kanya. "Good night, Tita." Binalingan ko Si Kervin na inihanda pa ang pisngi na para bang alam niya na hahalikan ko siya do'n. "Good night. Huwag mo na akong sunduin bukas. Magpapahatid na lang ako."

Humalik ako sa pisngi niya at tumalikod na bago pa man niya ako makontra. Tinawanan ko lang siya ng makita ko ang pagkontra sa mukha niya at aatungal pa sana nang di pagsang-ayon ngunit sumakay na ako sa kotse niya at hinintay na lang si Devyn na sumakay din.

Ten minutes drive ang layo ng bahay namin sa bahay nila. Dati nabibilisan ako sa tuwing si Kervin ang naghahatid sa akin. Parang hindi man lang uminit ang pwet ko sa upuan sa tuwing kami ang magkasama at nararating agad namin ang destinasyon namin. Ganoon lang kabilis para sa akin ang oras.

Pero ngayon na ibang tao ang katabi ko at nagmamaneho para sa akin, pakiramdam ko ay naging isang oras ang sampong minutong biyahe. Parang biglang bumagal ang oras ngayon na siya ang kasama ko at hindi si Kervin.

"Iliko mo d'yan tapos diretso lang hanggang dulo." Pagtuturo ko ng daan sa kanya.

"I know," nakangiting tugon niya.

"Alam mo?" naguguluhang tanong ko na tinanguhan niya bilang sagot. "Paano?"

Misteryosong ngiti lang ang nakuha ko mula sa kanya bilang sagot. Hindi na ako nangulit at tinanaw na lang ang bahay namin na malapit na naming marating.

Bahay namin ang isa sa tatlong properties na nadoon sa pinakadulo ng subdivision. Ang nasa kanan ay under construction at ang isa naman sa harapan namin ay hindi ko kilala ang mga nakatira. Huminto siya sa eksaktong tapat ng gate ng bahay namin, isang bagay na hindi ko inaasahan.

Hindi ko sinabi kung alin sa mga bahay sa gawing ito ang sa pag-aari ng pamilya namin. Ang sinabi ko lang ay sa dulong parte ang amin. Nalilito at naguguluhan na ako sa mga ipinapakita niya lalo pa at nadagdagan 'yon ng mga bagay na hindi ko alam kung bakit alam niya.

Pinanood ko siyang lumabas at umikot sa gawi ko para pagbuksan ako ng pinto. Iniharang niya pa ang palad niya sa uluhang bahagi ng sasakyan para hindi ako mauntog. He really is a gentleman.

"Thank you," nahihiyang pasasalamat ko.

Napataas ang dalawa kong kilay ng itapat niya paharap sa akin ang palad niya. Naguguluhan ko siyang tiningnan at hayan na naman ang magandang ngiti niya na binubulabog ang puso ko.

Bumaba ang mga mata ko sa mapula at may kakapalan niyang labi na binibigyan ako ng magandang ngiti. Napalunok ako nang halos marinig ko na ang sariling tibok ng puso sa sobrang lakas no'n na para bang nasa tapat lang 'yon ng tainga ko.

"Ano 'yan?" mahinang tanong ko sa kanya, pilit nilalabanan na huwag mautal.

"High five?" nakangising sabi niya. Gusto kong maniwala na totoo ang sinasabi niya pero ang mapaglarong ngisi mula sa labi niya ay kinokontra ang lumabas sa bibig niya. "Come on."

Bumuntong hininga ako at inilapat ang kamay ko sa kamay niya. Saglit ko lang sanang gagawin 'yon at mabilis na babawiin rin nang hulihin niya ang kamay ko at ikinulong gamit ang mga daliri niya. Our hands are now intertwined with one another. And if my counting is right, this is the third time he held my hand.

Napatitig ako roon at nagulat ng may mas ibibilis pa pala ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya. Pinigilan ko ang sarili ko na hawakan ang dibdib ko sa takot na baka mahalata niya ang kakaibang epektong dulot niya sa puso ko.

Hindi ito ang unang beses na nahawakan niya ang kamay ko, nagawa na namin 'yon noong huling activity namin at ginawa niya iyon kanina. Pero kakaiba ang ngayon dahil intensyon niyang hawakan ang kamay ko nang matagal.

Napatingin ako sa kanya sa pagbabakasakali na malilinawan ang pag-iisip ko sa ginawa niya. Hindi ko mabasa ang mga naglalarong emosyon sa mukha niya. Masyadong marami na hindi ko kayang pangalanan maski isa. Nalulunod ako sa mga emosyon na ipinapakita niya.

"Good night, schön," he said looking directly at my eyes.

Nawala ang atensyon ko sa mga mata niya nang marinig ko ang tinawag niya sa akin. "Anong ibig sabihin ng salita na 'yon? Palagi mo akong tinatawag sa gano'ng paraan pero hindi ko naman alam ang ibig sabihin."

Pinilit kong bawiin ang kamay ko sa kanya ng hindi niya nahahalata pero mas hinigpitan lang niya ang pagkakahawak niya roon.

"You'll know when the right time comes." Pinisil niya sa huling pagkakataon ang kamay ko bago 'yon bitawan. Tinungo niya ang driver's seat bago ako muling tiningnan.

"Good night, Bliss Audrey. Dream of me," he said then he winked at me before entering the car.

He winked at me! Napahawak ako sa dibdib ko nang muling bumisita ang dalawang dosenang kuting sa puso ko at doong napiling magrambulan, na naman. Triple ang bilis ng tibok ng puso ko kaysa sa normal dahil sa huli niyang ginawa.

KATULAD kahapon ay hindi ulit nila ako pinayagan na manood ng rehearsal nila. Sumama na lang tuloy ako sa grupo ng mga props at nakitulong kahit na ayaw sa akin ng arts. Nandito kami sa sahig ng gym mga kapuwa nakaupo at kasalukuyang gumagawa ng mga bulaklak na papel.

Tahimik lang sila na gumagawa ng props pero pulido at maganda ang pagkakagawa. At makikita mo na nag-enjoy sila sa ginagawa nila. Tagagupit lang ako ng mga japanese paper na gagamitin namin para sa festival vibe sa isang scene. Katulong ko si Jen habang ang iba ay focus sa mga bulaklak at sa bahay.

Nilingon ko ang mga lalaki na kasalukuyang tulungan sa pagbuo ng magigung bahay ni Lucy sa palabas. Front ng bahay lang 'yon na nilagyan ng stand sa likod

"Bliss, wala ka na bang problema sa piece mo?" Binalingan ko si Jen na katabi ko na siyang nagtanong.. Umiling ako bilang sagot at nagbaba ng tingin sa mga papel na kasalukuyang ginugupit ko.

"Ako na lang talaga ang problema." Sinundan ko 'yon ng tawa pero hindi naman sila natawa. Tumkhim ako dahil seryoso lang nila akong tiningnan. Nagpakawala ako ng maliit na ngiti. "Normal naman 'yon. Ni minsan hindi sumagi sa isip ko na gagawin ko ang bagay na 'to kaya natural na mas pangunahan ako ng kaba," mahina pero totoong sabi ko.

Sino bang mag-aakala na ang dating tinatakbuhan ko ay gagawin ko na sa loob ng isang buwan. Naalala ko bigla ang usapan namin ni Isa noong nakaraang linggo, pinasasali niya ako noon sa mga spoken poetry competition at paulit-ulit akong humihindi sa kanya.

Pero sino bang mag-aakala na aabot ako sa ganito. Na papayag akong magtanghal sa harap ng maraming tao. Puno ng takot ang puso ko sa puwedeng mangyari sa araw na 'yon. Gabi-gabi ipinagdadasal ko na sana sa araw na 'yon ay makatanggap ako nang suporta mula sa kanila. Katulad nang suporta na binigay nila sa akin para kumbinsihin ako na pumayag.

At sana, makatanggap ako nang pag-intindi mula sa mga tao na maaaring makapanood at makasaksi sa magiging pagtatanghal ko. Kahit hindi na pagtanggap sa kung ano ako, kahit ang pag-intindi na lang. Kahit 'yon lang ay maibigay nila.

"Bliss, wala namang mali sa'yo," seryoso ang pagkakatingin sa akin ni Nikko na huminto sa paggawa ng stand ng bahay.

"Alam ko naman 'yon," pagsang-ayon ko.

Alam ko 'yon pero hindi ko maiaalis ng basta-basta ang lungkot na hindi ko magawang makipagsabayan sa iba sa takot na puwede ko silang maapektuhan sa mga gagawin ko. Simpleng paglabas nga lang ng bahay kailangan ko pang palakasin ang loob ko para magawa kong magpatay-malisya sa mga maririnig kong pang-iinsulto. Mga insulto na paulit-ulit sumusugat sa puso ko.

"Sila ang mali dahil hindi nila kayang intindihin ang kaibahan mo sa nakararami." Ngumiti sa akin ng tunay si Jen.

Simula nang pumasok ako sa org na ito, doon ko lang maramdaman ang pagtanggap ng mga tao na hindi miyembro ng pamilya ko at pamilya ni Kervin. Pinaramdam nila sa akin na wala namang mali kung naiiba ako.

Kung tutuusin ay paulit-ulit lang ang mga salita na naririnig ko mula sa mga tao sa paligid ko. Dapat nga by now ay sapat na ang kumpiyansa na mayroon ako para humarap sa maraming tao. Pero hindi kasi madali. Madaling sabihin pero napakahirap gawin. Lalo na kung ako mismo ay walang tiwala sa sarili ko at ako mismo ay kinakaawaan ang sarili ko. Kung ako mismo ay hindi ko mapaniwalaan ang mga kakayahan ko na sinasabi nilang mayroon ako. Dahil buong buhay ko wala naman na akong ibang narinig mula sa mga tao kung hindi panghuhusga at awa.

Life was never easy for me from the moment that I was exposed to the world. I've experienced bad things more than the good things that people deprived me from having. Buong buhay ko walang pagkakataon na hindi ko naranasan ang masaktan sa berbal at pisikal na paraan mula sa mga kamay ng taong nasa paligid ko. To say that I was not happy is an understatement to what my life has been. Because there was no moment in my life that I felt the warm embrace of acceptance of the society.

"You are enough, Bliss Audrey. You deserve the same amount of love and respect that everyone should have. Hindi dahilan ang pagiging kakaiba mo para i-justify ang mga naranasan mo."

At siya, gamit ang mga simpleng salita ay napapaniwala niya ako sa mga bagay na kailanman ay hindi ko magawang paniwalaan. Mga salita na kahit manggaling sa pamilya hindi nagawang alisin ang pangamba sa puso ko. Pero bakit sa lahat ng tao ay siya pa? Ano bang mayroon siya na wala sa iba at nagagawa ng buong pagkatao kong maniwala sa kaniya.

"Believe me when I say that nothing is wrong with you." Naramdaman ko siyang nakatayo sa likod ko pero hindi ko magawang lumingon. Natatakot ako sa magiging reaksyon ng puso ko sa oras na lingunin ko siya. "Kung hindi mo kayang paniwalaan ang sarili mo, ako ang paniwalaan mo. Kasi nagsasabi ako ng totoo."

Devyn.

Continue Reading

You'll Also Like

9.2K 217 36
Milan Nathalie Parker x Travis Avellaneda LAST INSTALLMENT FOR VARSITIES SERIES DATE STARTED: January 11, 2022. 8:47 PM DATE ENDED: April 16, 2022. 6...
981K 31.3K 41
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
52.9K 2.9K 45
[epistolary] It all started with wrong sent messages from Shiela, leaving no choice for Zeke but to fell in with. ↻ sᴏᴜʀɢᴇᴏɴ, 2018
47.6K 2.6K 26
𝐼 | The pleasing waves at the shore, fresh air around the trees, calming moon at every peaceful night, summer breeze through the beach... Euphie Rai...