One-Week Date Project

By CFVicente

62K 1.9K 89

Nang ma-"reject" ang romance novel ni Pia sa ikalimang pagkakataon ay nagdesisyon na siyang kausapin ang head... More

Author's Note
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen

Chapter Eleven

2.6K 91 2
By CFVicente

Na-bo-bore si Pia habang hawak ang remote at pinaglilipat-lipat ang channel sa TV. Nang walang mapanood ay nagsalang siya ng pelikula. It was already 11PM at hindi pa rin siya makatulog. Si Trisha naman ay hindi pa rin dumadating ng bahay.

Naiinis pa rin siya simula nung mahuli si France na may kahalikang babae. She was supposed to be with France dahil ikatlong araw na ng date, pero nawawala ito. Siguro ay hindi na nakatiis at sumama na sa mga babae nito.

"At ang kapal, ha. Sa labas pa talaga ng mall nakipaglandian ang bruho." Naalala na naman ang eksenang inabutan kasama ng magandang babae. "Kinakapatid daw. Napaka-sinungaling talaga. Ugh!"

At ang lalo pa kasi niyang ikinaiinis ay ang kaalamang naaapektuhan siya. Hindi naman siya dati affected ni France kahit na kalat na kalat na ang reputasyon nito bilang palikero. Akala niya kasi ay may nagbago na dito. Asa pa siya.

Nasa gano'n siyang pag-iisip nang may bumusina sa harap ng apartment. Hindi naman siguro sa kanila 'yon dahil gabing-gabi na. Inignora lang niya ito. Pero makalipas ang saglit ay bumusina na naman ang sasakyan. This time, sunod-sunod pa.

Dali-dali niyang binuksan ang front door. Nakahanda na ang dila niya na tarayan ang may-ari na nambu-bwiset pa ng tao gayong gabing-gabi na.

"Will you stop tha—France! Ano'ng ginagawa mo dito?"

Bumaba si France ng sasakyan. May dala-dala itong kumot.

"Kumuha ka ng unan," utos nito sa kanya.

Inilatag nito ang kumot sa ibabaw ng hood ng kotse nito. Nang mapansin siguro nito na hindi siya kumikilos ay ipinagkrus nito ang mga kamay sa dibdib.

"Do you want to continue with the project or not?"

Pagkarinig sa salitang 'project' ay saka pa lang siya parang natauhan. She ran to the bedroom and picked two beaded pillows. Lumapit siya kay France at ibinigay iyon.

Pia watched him as he arranged the pillows on top of the hood. Pagkatapos ay sumampa ito sa hood at humiga sa kumot. He looked at her.

"What are you still doing? Come up here and lie with me."

Naghihinalang tiningnan niya ito. Humalukipkip siya. "Ano'ng balak mo'ng gawin sakin, ha?"

Walang salitang bumangon si France at hinila siya palapit dito. She ended up in his arms habang nakasandal siya sa dibdib nito. She could feel the lean muscles on his chest and the beating of his heart against her ears.

Tumingala siya. She saw him looking at her eyes with something indefinable. Napalunok siya. Whenever he looked at her, it seemed like there was always a giant force that trapped her inside his eyes. Ang pakiramdam niya ay para siyang laging naliligaw kapag tumitingin ito sa mga mata niya. Sigurado ay sanay itong ginagawa iyon sa lahat ng babae dahil ilang beses na siya nitong nagagamitan no'n. She had no power to counter the effect of those eyes.

Sa sobrang inis niya dahil nahihirapan siyang labanan ito sa titigan ay dinutdot niya ang mga mata nito. Dahil doon ay nabitawan siya ni France at sinapo ang mga mata.

"Aww! Pia! What did you do that for?" angil nito, pilit iminumulat ang mga mata.

Binelatan niya ito. "Dapat lang iyan sa'yo. Ginagamitan mo na naman ako ng alas mo dahil alam mo'ng inis pa rin ako sa'yo."

"That's unfair. I didn't even do anything." Nakita niya na bumaba ito ng hood at tinangkang lumapit sa kanya. Mukhang gaganti pa.

Nanakbo siya pabalik ng apartment. Kinuha niya ang walis-tingting na nasa tabi ng pinto. Iniharang niya iyon sa mukha nito.

"Sige, sige. Lumapit ka. I will wipe that beautiful face of yours off your head."

Pero hindi natinag si France at lumapit pa rin. There was a mischievous glint in his eyes. Hinaklit nito ang walis at pilit inaalis iyon sa harap niya. Hindi siya nagpatinag. Hinigpitan pa niya lalo ang kapit doon. Pero dahil malakas si France ay nabitawan niya nang tuluyan ang walis na hawak. Tumili siya at itinakip ang mga kamay sa mukha.

"Sorry na, France! Joke lang! Sorry na!"

Lalo lang siyang napatili nang bale-walang buhatin siya ni France at isinampay sa balikat nito.

"Ibaba mo ako!"

Pilit niyang inihahampas ang mga kamao niya sa likod nito. But France continued ignoring her. Inilapag siya nito sa kumot at tumabi sa kanya.

Nakatingala siya at pinagmamasdan ang langit na nalalatagan ng mga bituin. Bahagya siyang nangaligkig nang maramdaman ang lamig ng hangin. Hinubad ni France ang suot na jacket at itinakip paharap sa kaniya.

"Huwag na. Ayan lang ang bahay ko, oh. Kukuha na lang ako."

"Stay still, Sophie. You wouldn't be able to see it."

"Ang alin ba?"

Hinawakan nito ang mukha niya at iniharap siya sa langit. Kumunot ang noo niya. Wala naman siyang makita. Tumingin siya ulit dito.

"Ano bang dapat ko'ng maki—"

"Huwag kang lumingon sa'kin. Look."

Then she saw it. Una ay isa lang. Pagkatapos ay sunod-sunod na maliliit na ilaw ang nakikita niyang gumuguhit sa kalangitan. Saglit lang ang mga iyon at nawawala rin kaagad. Pagkatapos ay mapapalitan ulit ng iba pa ulit na maliliit na guhit.

Fascinated, she looked at France. Nanlalaki ang mga mata.

"Is this--?"

He beamed at her. "Meteor shower."

Namamangha pa rin na tumingin si Pia pabalik sa kalangitan. Ngayon lang siya nakapanood ng meteor shower dahil tuwina ay nakakatulugan niya ang paghihintay do'n. And France had given her her first meteor shower viewing experience.

Wala silang imikan habang pinapanood nila ang mga bituin na paulit-ulit na gumuguhit sa kalangitan. It looked so surreal. Para lang siyang nanonood ng pelikula. There was one star that was too close and too big that slowly passed in front of her.

"That's your star, Sophie," France whispered in her ear.

Nilingon niya ito. Naligalig siya ng mukha nito na kay lapit-lapit lang sa kanya. His eyes searched her face as if he was memorizing every details of it. Here she was just thinking about him and he appeared in front of her like magic. As if he heard her wishes and came rushing to her to grant it.

Wala sa loob na itinaas ni Pia ang mga kamay at dinama ang pisngi nito. She saw his eyes widened a little. Pero walang ginawa si France para tanggalin iyon. It was all the encouragement she needed. She didn't know what pushed her to do it. But she leaned closer and brushed her lips to his. Sobrang gaan lang na animo pakpak ng paro-paro ang malalambot na mga labi nito.

Narinig ni Pia nang umungol si France. Then, she felt his right hand move up to her nape. His other hand curled around her waist in an intimate embrace. He pulled her towards him all the more as he started claiming her lips in a thorough kiss. His lips were firm but very gentle. And he was tasting every delicious inch of hers like there was no tomorrow.

Hindi na alam ni Pia ang mga nangyayari at nagpapaubaya siya. Umiikot ang utak niya at ang tanging nararamdaman niya ay ang higpit ng mga braso ito na nakapalupot sa baywang niya. This was her first kiss, and he was giving her more than she bargained for.

Makalipas ang ilang sandali ay naramdaman niyang lumuwag ang kapit nito habang unti-unti siyang pinapakawalan. Humihingal si France habang hindi inihihiwalay ang tingin sa kanya. There was a visible frown on his forehead.

Shit! Confrontation na!

"It was your first kiss." It was a statement.

He knew it. At hindi alam ni Pia ang isasagot doon. So that was what a kiss should be like.

Parang libo-libong boltahe ng kuryente ang pumaloob sa kanya. She was melting into jelly. Pero hindi niya magawang umalis sa mga yakap nito. Pakiramdam niya ay malulunod siya sa iba't-ibang sensasyong dulot ng halik nito. She didn't even know what made her so bold as to initiate the first move. It must really be the moment and the fact that he was right there beside her that gave her the courage.

Sinisikap niyang pagawing normal ang hininga niya. Ito siya na inis na inis dito pero biglang siya naman ang hahalik dito ngayon. Ipinilig niya ang ulo. Ano ba kasing pumasok sa kukote niya?

"A-ano.. kasi.." Pinilit niyang pagtagpi-tagpiin ang nagkalusaw-lusaw na niyang IQ para humanap ng magandang palusot nang mapansin niyang hinihintay siya ni France magsalita. "Ano... sa...p-project... Right! For the project!" She hoped she sounded convincing.

Lalong lumalim ang gitla sa noo ni France.

"So, you kissed me because of the project?"

"P-parang gano'n na nga..." Ata? Siguro?

Tumango-tango lang ito, pagkatapos ay tumingala ulit. Siya naman ay gusto nang malusaw sa kahihiyan. Kasalanan ni France ang lahat.

Sino ba naman kasing kayang paulit-ulit na iresist ito pag tumititig na? Depensa niya sa sarili.

"Argh!" hindi niya mapigilang sumigaw. Nakalimutan na kasama pa niya ang pinagsisentiran niya.

Napaigtad si France sa tabi niya, halatang nagulat ito. "Bakit ka sumisigaw?"

Tinitigan niya ito nang matalim. "Wala lang iyon ha? 'Wag kang feeling! Ginagawa ko lang iyon para sa project."

"Oo nga. May sinabi ba ako?"

Oo nga naman. Hindi naman ito kumokontra sa sinabi niya. Nag-concentrate na lang siya sa panonood ng meteor shower. Maya-maya ay nagsalita si France.

"Pia, can I ask you something?"

Kinabahan siya bigla. Hindi pa ba tapos ang hatol?

"Shoot..."

"Bakit hindi ka pa nai-in-love?"

She sighed in relief. Buti naman at nakahalata na ito na ayaw niyang pag-usapan iyong nangyari kani-kanina lang. Inigusan niya ito at humiga sa kumot.

"Sino'ng may sabi sa'yo na hindi?"

"Then why don't you have a boyfriend?"

"Dahil ba walang boyfriend, hindi pa na-i-inlove?"

His face was serious as he looked at her. "Then, who broke your heart? Bakit ayaw mo'ng ma-inlove ulit?"

Bumuntong-hininga siya. "Sagabal lang 'yon. I told you, love's not meant for everybody. Hindi para sa'kin yon."

Marahas na nilingon siya nito. "Who made you believe in that?"

"Si Brian. Schoolmate ko nung high school. He was a year older than me nung ligawan niya ako nung 3rd year. He was the school prince, and he was everything a girl could hope for a guy. While I was a nobody. I fell in love with him. Who wouldn't? But I was too naive to think that the prince will fall in love with an ugly duckling."

"You are not an ugly duckling, Pia," mariin nitong sabi.

Kahit paano ay napangiti siya do'n. "Thank you. But back then, in everyone's standard, I was. Anyway, to make the long story short, I found out na pinagpustahan lang ako ng barkada nila. They also made it a point na ipahiya ako sa harap ng maraming tao kasama no'ng current girlfriend ni Brian. Simula noon, I promised myself not to be bothered by guys anymore."

Ilang gabi niyang iniyakan iyon. Pagkatapos ng eksena na iyon, mas lalo siyang naging ilang sa mga lalake. Ang tingin niya sa mga ito ay pare-pareho lang. She couldn't risk another heartbreak

France smirked. "That guy's a bastard. It's stupid to stop believing in love because of an ass."

Umirap siya. "Well, siguro para sa'yo, stupid iyon. But it was my first heartbreak. You wouldn't even know what it feels like to have the one you love break your heart into pieces. Kali-kaliwa girlfriends mo, eh."

"That's where you're wrong. Someone broke my heart, toonot too long ago."

Naintriga siya. "Ows? Ikaw? C'mon! Wag ka ngang gaya-gaya diyan."

"I'm not kidding. I liked her the first moment I laid eyes on her. She chose to pretend I didn't exist. Pero hindi ko siya nakalimutan sa paglipas ng panahon. When I saw her again after many years, I promised myself I'd do anything to make her mine." There was a hint of determination in his voice as he talked about the girl.

Iniwas ni Pia ang tingin dito. She didn't know why she didn't want to hear him talk about the girl he fell in love with. Para bang dahan-dahan siya nitong inaalisan ng hininga.

Nanatiling tikom ang bibig niya habang nakatingin sa langit. Kung pwede lang humiling sa lahat ng bituing nalalaglag, iisa lang ang hihilingin niya. And that was to freeze this moment with France for the rest of her life.

Continue Reading

You'll Also Like

159K 3.2K 25
"Kapag nagmahal ka, kakapit ka sa kakapiranggot na pag-asang matutumbasan ang nararamdaman mo." Dahil sa kalokohan ng mga kapatid at sa pakikialam na...
95.6K 1.8K 10
Plano ni Jeena na Huwag magtagal sa Quiñones Publishing Company. Kailangan lang niya ng work experience para makapag-apply siya sa mas malaking publi...
199K 3.4K 27
Dahil sa sakit na dulot ng unang pag-ibig ay pinili ni Katelyn na maging loner. Inabala niya ang sarili sa pagtatrabaho bilang interior designer kays...
101K 2.1K 12
Gumuho ang mundo ni Cyrene nang mahuli niya ang boyfriend niyang may kaniig na babae sa kama nito. Sa sobrang sakit na naramdaman ay sa pagkain niya...