Stuck Between Two Hearts

By firefox_Angel

594 79 62

A girl name Vanilla Rose A. Xavier. She has a very long time ultimate crush. And a boy name Sage William Vasq... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
IMPORTANT ANNOUNCEMENT!!!
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21

Chapter 22

7 1 0
By firefox_Angel

CONFESSION

Vanilla Pov*

Hindi ko na alam kung saan na ako napadpad o kung ilang oras na akong tumatakbo para lamang makalayo muna sa bahay. Napatingin na lang ako sa paligid ko at napabuntong-hininga. Siguro, okay na itong lugar na ito para mabuhos ko lahat ng galit ko sa araw na ito.

Hindi ko na talaga mapigilan...

"BAKIT?!!! PAANO NIYO NAGAWA IYON SAAKIN?!!!"


"GANON NA LANG BA AKO KADALING LOKOHIN? AKALA KO KAIBIGAN KO KAYO!!!"


"ANG SAKIT NG PINARAMDAM NIYO! MGA P*TANG*NA NIYO!!!"


Bumuhos ang mga luha kong gustong-gusto nang kumawala. Hindi ko alam kung saan ako nagkamali. Hindi ko alam kung may nagawa akong kasalanan sakanila para gawin nila iyon saakin. Ang sakit sakit! Akala ko hindi ko ito mararamdaman. Maganda na ang buhay ko eh kahit na may mga ups and downs kasi alam kong kaya ko naman iyon. Pero ang betrayal na naramdaman ko sa ginawa nila Troy at Sage? Hindi ko nakayanan.


"Bakit naman ganon... Sana sinabi niyo na lang saakin.... Oh baka wala kayong balak na sabihin saakin? Grabe ang sakit ng pinaramdam niyo..." pabulong kong sabi dahil wala na akong lakas para sumigaw.

Ang sakit ng ginawa nila. Nilaro nila ang damdamin ko.


Pinupunasan ko ang leeg ko nang maramdaman ko ang kwintas. Iyong kwintas na binigay saakin ni Sage sa may kweba noon.


Hinawakan ko ito at mabilis na tinanggal sa leeg ko. Wala na akong pakialam kung naputol ko dahil wala din namang saysay iyon. Props lang ito sa pagpapanggap nila. Kaya pala sabi niya saakin noon na kahit anong mangyari ay huwag ko daw tatanggalin itong kwintas na bigay niya. Tinutukoy pala niya iyong katarantaduhan nila ni Troy.


Kitang-kita ko ang pagkislap ng kwintas na nasa kamay ko na ngayon. Maganda na sana pero naalala ko ang ginawa ng nagbigay kaya tumayo ako at itinapon iyon.


"I HATE YOU SAGE!!!" Sigaw ko kasabay ng pagtapon ko sa kwintas. I don't need it anymore.


Tinapon ko ng malayong-malayo na hindi ko alam kung may makakakita pa ba. At bumalik ako sa pagkaupo at nilagay ko ang ulo ko sa tuhod ko.


And there, I started crying and crying and crying. Naiisip ko lahat ng mga magagandang alaala ko kasama sila at imbes na matuwa sana ako ay mas lalo akong naiyak dahil lahat ng iyon ay purong pagpapanggap lamang. Hindi ko kailangan ang panghingi nila ng tawad dahil alam ko sa mga sandali na ito ay hindi ko iyon maibibigay.


I cried till I run out of tears at natuyo na lang sila. I felt weak, physically and mentally kaya hindi ko alam kung paano ako uuwi. I think I drained all of my energy sa pagtakbo kanina.



And then when I thought wala akong kasama ay may bigla na lang yumakap saakin. At kahit hindi ko pa nakikita ang mukha ay kilala ko na kung sino. At dahil sa ginawa niya ay napaiyak nanaman ulit ako.


"Shhhhh, my princess. Don't cry... Your king will be sad if you continue doing that." Sabi niya at hinahaplos-haplos ang buhok ko.


"Wala na akong king, Thorn... Nagsinungaling siya saakin. I can't believe it." pabulong na sabi ko dahil pati boses ko ay nanghihina na.


Dinamdam ko ang yakap niya saakin dahil sa ngayon iyon ang pinaka-kailangan ko sa mga sandaling ito. I'm very thankful dahil andito siya ngayon sa tabi ko. Hindi ko na kasi alam kung ano ang magagawa ko kapag wala akong karamay.

Pero nagkalamat na din ang tiwala ko. Nasira ang tiwala ko dahil sa ginawa ni Troy at Sage. Pero I think wala naman gagawin saakin si Thorn dahil alam kong hindi niya iyon kaya. Sana tama ako...


"Mayroon pa naman ako eh so don't cry, Van... You know how it breaks my heart when I hear or see you cry..."


" I c-c-can't he-help it." nahihirapan kong sabi.


Hindi naman kasi madali. Ang hirap iproseso ang mga nangyari kanina. Hindi din ako makapaniwala. What a great day!


"Alam kong kailangan mong mapag-isa ngayon pero hindi ko na natiis. I hate seeing you cry! Kaya sinundan kita kanina pa pero hindi muna ako lumapit. I just watch you from a far pero hindi ko talaga kaya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko." Sabi niya habang yakap-yakap parin ako.


" I just want to hug you. I can't bear to watch you cry, Xavier and you knew I don't want my princess doing that kind of shit."


"Pero sa ngayon, huwag mo munang isipin 'yong nangyari. Just clear your mind from it."


" I can't do-oo th-that." sabi ko sa pagitan ng pag-iyak ko. Basang-basa na din ang damit niya dahil sa iyak ko. At alam kong mukha na akong ewan sa itsura ko ngayon.


"I'm sorry." sabi ko.


" Hushh... Bakit ka nagsosorry?" nagtatakang sabi niya at hinawakan ang mukha ko para matignan niya. Naglabas siya ng wipes at unti-unting binura 'yong mga make-up na nasa mukha ko.


Aasarin ko pa sana siya dahil sa pagka-girl scout niya. Laging handa. Pero hinayaan ko na lang siya burahin lahat ng kung ano man ang nasa mukha ko. Dahil mas gugustuhin ko pang bare face akong makita ng tao kaysa naman sa hindi maayos na make-up.


"I feel like I need to say that." sabi ko naman. Oo feeling ko kailangan kong magsorry sakaniya kahit hindi ko naman alam kung bakit at para saan.


Napabuntong-hininga na lang siya at niyakap na lang ako ulit. Kaya niyakap ko din siya pabalik and we stayed like that for a while. Dinadamdam namin ang yakap ng isa't-isa at ang pintig ng mga puso namin na tumitibok.


Walang nangsalita saamin at pabor naman iyon saakin dahil wala na talaga akong lakas para magsalita or even moving my body. Feeling ko any minute ay babagsak na ako. We cuddled like that for as long as I can remember. At noong nakuha ko na ang lakas ko ay umalis na ako sa yakap niya.


"I'm tired, Thorn..." mahinahon kong sabi at tumingin sa mga mata niya.


Tumango naman siya saakin at inilahad ang kamay niya kaya nagtaka ako.


"Here." sabi niya. Nagulat ako nang nakita kong hawak-hawak niya 'yung kwintas na bigay ni Sage saakin noon. Nagtataka akong tumingin sakaniya. At naintindihan naman niya iyon kaya nagsalita siya.


"Pinulot ko kanina habang nakayuko ka and crying your heart out." pag-eexplain niya.


"But I don't need that anymore." mapait kong sabi sakaniya at napaiwas ng tingin. Ayaw kong maalala iyong taong nagbigay no'n saakin kaya ko tinapon.


"For now. Pero alam kong mahalaga pa rin ito sayo." sabi naman niya. Kaya kinuha ko na lang iyong kwintas para wala na siyang masabi. Hindi ko na kayang makipagtalo sakaniya. Wala na akong lakas para labanan pa siya.


"I know you're tired but I need to tell you something."


At sa mga segundong ito hindi ko alam kung bakit bumilis bigla iyong tibok ng puso ko. Hindi ko naman alam kung bakit. At bakit bigla din akong kinabahan sa sasabihin niya. Bakit ganon?


Napayuko ako saglit dahil hindi ko siya matignan sa mga mata. Nailang ako bigla. Myghad! Hindi ako ito! Bakit ganito nararamdaman ko?


"Tumingin ka saakin." sabi niya pero hindi pa rin ako gumalaw kaya siya na mismo ang nag-angat sa mukha ko para magkatitigan kami.


"Anong sasabihin mo?" Kinakabahan kong sabi.


"But first, I need you to drink this." sabi niya at may nilabas siyang maliit na bottle. Kulay asul ang nasa loob. " For what?" sabi ko naman. Pero hindi na siya nagsalita bagkus binigay niya saakin iyong bote. Kaya kahit nagtataka ako ay kinuha ko pa rin iyon at unti-unting ininom.


May pagkamint ang lasa ng pinainom niya saakin at feeling ko parang naramdaman kong dumaloy sa katawan ko ang likido na binigay niya saakin. Iyong feeling na naramdaman kong bumaba ang likido na iyon at pumunta sa iba't- ibang parte ng katawan ko at higit sa lahat ay naramdaman kong umakyat din ito sa ulo ko. Ang weird.


Tinignan niya ang relo niya at hindi ko alam kung bakit.


" I only have 2 minutes. " malungkot niyang sabi. Napakunot naman ako ng noo dahil hindi ko siya maintindihan.


"What? Anong nangyayari sayo, Thorn?" naguguluhan kong sabi.


"I'm sorry, Van..."


Mas bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang mga katagang binitawan niya. It was just three words pero bakit ang sakit ng dating saakin.


"F-oor w-what?" nauutal kong sabi. Pati dila ko tabingi-tabingi na. Ano ba, Van!





"Because what I'm about to say is... probably the most selfish thing I've ever said in my whole life..."




"Don't go there, Thorn..."



At tinignan ko din siya sa mga mata niya. Napatango siya saakin at ngumiti ng malungkot. And that shit broke my heart. I never wanted to hurt him like ever.


"Look... you just need to hear it and I will just say it once..." Malungkot niyang sabi pero nakangiti pa rin saakin. Pero kilalang-kilala ko siya dahil that smile isn't a genuine smile.











" I love you, Vanilla."






Napanganga ako at doon na ako nagulat. Hindi ko alam ang sasabihin ko. At parang hindi ko rin maramdaman ang katawan ko sa mga sandaling ito. Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. I never expected to hear it from him. Hindi ako nakareact sa sinabi niya at mabuti na lang ay nagsalita ulit siya.



"And just because I love you... I can't be selfish with you."





"That's why you can't know this... Hindi mo dapat ito maalala...." sabi niya habang umiling at yumuko.


"What do you mean?" I nervously asked. Dahil parang alam ko na kung para saan iyong pinainom niya saakin. Is that what I think it is?




Tumingin siya ulit saakin.



"I don't deserve you..."






"But my brother does. Kahit na may ginawa siyang mali sayo."




At doon tumulo ang luha niya na mabilis din niyang pinunasan at ngumiti na naman saakin. He was trying hard not to cry kasi kitang-kita ko ang mukha niya at kung paano kumislap ang mata niya bago tumulo ang luha niya. Tumulo na din ang luha kong akala ko ubos na dahil sa kakaiyak ko kanina. Mayroon pa palang pahabol.

"Pero this is the last time that I will let it slide. Iyong pagkakamali niya. Dahil sa susunod na may gawin ulit siya sayo?..."

"Patawarin mo 'ko pero alam mong masama ako magalit. Ako na mismo ang makakalaban niya at aagawin kita sakaniya. I swear!"


"So be happy,Van. Don't let your emotions clouds your judgement."


Lumapit siya saakin at hindi ako nakagalaw. Hinawakan niya ang pisngi ko habang paunti-unti siyang lumalapit saakin. Nanigas ako sa pwesto ko kaya hindi ako nakagalaw.


And there he kissed me, on my forehead.


"God! How I wish you wouldn't have to forget all of this." Nahihirapan niyang sabi. And that confirms my hinala sa pinainom niya saakin kanina.


"Dahil iyon sa pinainom mo saakin, right?" sabi ko sakaniya. Bakit niya iyon ginawa? Is he also betraying me? I had enough for one day!  Hindi ba sila naaawa saakin? Natatakot ba siyang malaman ko at mareject siya o layuan ganon o baka—shet naman. Bakit mo kailangan gawin iyon, Thorn! You just have to say it pero napaisip din ako. Kaibigan din pa ang turing ko sakaniya o baka higit pa?

Hindi ko na alam! Naguguluhan na ako sa nangyayari sa buhay ko. Gusto ko na lang magpahinga. Dahil that's the only thing that I can think of para makalayo ako even just for a bit. Gusto ko lang ng fresh mind para maprocess lahat.


"Yes. It was a potion but not like a love potion if yon ang iniisip mo but a forgetting potion." Tumatangong sabi niya. And hug me for the last time. How in the world in this modern time na makakahanap sila ng mga bagay na ganiyan?!!

Totoo ba iyon?! Sabagay nanggaling na nga kay Miss Mylhar. Kwinento na din niya saakin ang nangyari.


Noong una love potion na ginamit ng Mommy ni Anita kay Sir Kingston tapos ngayon naman forgetting potion. Is there some kind of witch na gumagawa ng ganon?


At bago ako mawalan ng malay dahil alam ko nang malapit na kasi nanlalabo na ang paningin ko, I heard him say it again,




" I love you Vanilla Rose Xavier."


——————

A/N:
Intense ba? Anong masasabi niyo sa chap na ito? Nagulat din ba kayo sa sinabi ni Thorn o may hinala na din kayo noon tungkol sa nararamdaman niya?


Just Comment whatever you want to say about this chapter dahil sigurado akong babasahin ko ito.

At pasensya na din dahil ang tagal kong hindi nakapag-update. Sorry po talaga. Hayaan niyo po babawi ako : )

LOVELOTSSS....

Continue Reading

You'll Also Like

52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
8.7K 112 20
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
19.5M 535K 62
A good girl who will break all her rules for the bad boy who will break all his rules for her, too. Teen Fiction ❤️