If Happy Ever After Exist (WM...

By babaengfragile

14.5K 248 283

People change. Everyone does. Paano kung yung dating lumalaban para sa pag-ibig niyo ang taong sumuko this ti... More

IHEAE (WMCMMTG Book 2)
Prologue (REVISED)
Chapter 1: Trouble Already?
Chapter 2: Italy?
Chapter 3: Fast Forward.
Chapter 4: His Classmate? Or His Mistress?
Chapter 5: Class Resumes.
Chapter 6: Meanwhile in Italy.
Chapter 7: Detention.
Chapter 8: August Rush (Part 1)
Chapter 9: August Rush (Part 2)
Chapter 10: Homecoming
Chapter 11: Ditching Classes 101
Chapter 12: Switch World.
Chapter 13: Madrigals in Trouble.
Chapter 14: Revelation #1: Saab's Missing.
Chapter 15: Immersion.
Chapter 16: Pagudpud Escapade (Part 1).
Chapter 17: Pagudpud Escapade (Part 2).
Chapter 18: Revelation #2: Lies and Secrets
Chapter 18.5: A Gift of Love.
Chapter 19: New member of the family?
Chapter 20: Revelation # 3: The Lovers from the Past.
Chapter 20.5: Ashley's POV
Chapter 21: The Great Kate.
Chapter 22: Old Woman.
Chapter 23: Sweetest Downfall.
Chapter 24: Haunted Night.
Chapter 25: Truth Hurts.
Chapter 26: Last Date.
Chapter 27: Tres Marias.
Chapter 28: TO DO LIST.
Chapter 29: Preparations.
Chapter 30: Surprise.
Epi--charchar :3
Chapter 31: Love Drunk.
Chapter 32: Last Task.
Chapter 34: New Life.
Chapter 35: Same Old Issues.
Chapter 36: New Girlfriend.
Chapter 37: Soft Opening.
Chapter 38: Still hurts.
Chapter 39: Cheers to Broken Hearts.
Chapter 40: Shit just got real.

Chapter 33: His Family

62 1 0
By babaengfragile

Carl's POV

Isang buwan na ang nakalipas nung nakipagbreak si Ysh sakin. Araw-araw pumupunta pa rin ako sa kanila at nagbabaka sakaling makita siya dun.

"Carl" tumingala ako para tignan kung sino ang nagsalita.

"Carl 'di na uuwi si Ysh dito. Mahirap hanapin ang taong ayaw naman talaga magpakita" sabi ni Ate Ashley at umupo siya sa gutter kung saan ako nakaupo.

"Ate 'di mo ba talaga alam kung nasaan siya?" Desperado na kong makausap si Ysh. Gustong-gusto ko siya makita kahit hindi ko alam kung nasaang lupalop siya.

"Carl nahihirapan akong nagkakaganyan kayong dalawa. I really wanted to help but honestly I don't know how and where to start. I'm really sorry." Nabigla ako nung bigla siyang umiyak.

Shit. Hindi kasi talaga ako naniniwala sa sinabi ni Ysh that night.

Nagsimula na silang umalis. "Guys please no fighting just talk." Paalala ni Bela. Kalmado na rin ako pero hindi ko pa rin maintindihan ang nangyayari.

"Carl I need to rest umuwi ka na," sabi niya ng hindi man lang ako tinitignan.

"Tam mag-usap tayo. Nahihirapan akong intindihin eh! Sabihin mo sakin anong mali? Bakit umabot sa ganito? Anong problema? Tam ipaintindi mo sakin!" Pagmamakaawa ko sa kanya habang hawak ko ang mga kamay niya.

"Don't shout at her Carl" andito pa rin pala si Andrei.

"Dada I can handle umuwi ka na. We'll talk tomorrow." Gusto kong harapin si Andrei pero biglang hinawakan ni Ysh ang pisngi ko.

Naramdaman ko ang malambot at mainit niyang kamay sa pisngi ko. Lalong nadudurog puso ko.

"Carl walang mali sa'yo I just need some time. Hindi ko lang talaga kaya pagsabayin lahat." Yumuko siya at nagsimula na ring humikbi.

"Tam tahan na. Magpahinga ka na. Sorry, bukas na lang tayo mag-usap. Ayoko ng break. Ayoko ng may aalis. Nasasakal ka lang siguro. I'll leave. Take a rest." Nilapit ko ang ulo niya sa dibdib ko at hinaplos ang buhok niya.

"Sssshhh tahan na," hinalikan ko ang noo niya,

Nabigla lang siya kanina. Kailangan lang niya ng pahinga.

Kumalas ako sa pagkakayapos sa kanya at paalis na ng bigla siyang nagsalita "T-t-tam can you stay just for tonight?" Napaluwa ang mata ko sa sinabi niya.

Napatunganga pa ako ng saglit saka nakapagsalita "Uuwi rin ako pag tulog ka na" halos pagpawisan ako nang nagsimulang lumakbay ang isip ko.

Pucha pasensya na pero lalaki ako!

"Carl maawa ka sa sarili mo umuwi ka na tatawagan agad kita kung may mabalitaan ako sa kanya." Pilit na ngumiti si Ate Ashley at ginulo niya 'yung buhok ko.

Para na rin siyang nakakatandang kapatid sakin. Kahit hindi kami naging okay nung una.

Tumayo na ako at sumakay sa kotse. Kumatok si Ate Ashley kaya binababa ko 'yung bintana "Carl I'm still your Ate call me anytime lalo na kung kailangan mo ng kausap" naramdaman ko 'yung sinseridad sa sinabi niya.

"Opo Ate" sagot ko sa kanya.

Hindi ko alam saan ako pupunta. Naubusan na ako ng ideya sa gagawin. Napatingin ako sa rear view mirror at napaisip. Shit. Pumangit ba ako sa paningin niya?!

Nagvibrate ang phone ko kaya tumigil ako sa pagdadrive at tumabi sa kalsada

"Oh Lewis bakit?"

(Umalis na siya pa France kasama si Kuya)

"Anong kalokohan na naman 'yan Lewis?" Iritable kong sabi sa kanya.

(Carl gumising ka sa kahibangan mo. Kung gusto mo malaman ang totoo bakit 'di mo puntahan tatay ni Ysh) sumakit ang tenga ko sa pagbaba niya ng phone.

Hah! Kasama si Andrei? Tsss. This is bullshit. Alam kong humanap lang ng excuses si Ysh.

I started driving at dumating rin ako sa building ng opisina ng mga Lim. The first time I went here was when I was asking for his approval and now pupunta ulit ako dahil gusto kong makita ulit ang anak niya.

Pinaliligiran ng mga pulis ang buong building. Nakakapagtaka anong meron? Halos ayaw pa akong papasukin "Saan po kayo Sir?"sabay hawak sa braso ko ng isang security "Kay Mr. Lim." Nairita ako sa paghawak ng mahigpit. Tumawag pa sa secretary para ipaalam ako na papasok. Seryoso ba sila?

"Pakisabi si Carl Marcus Sevilla" Mariin kong sabi. Ano bang nangyayari sa mga tao praning eh.

Limang minuto ang lumipas at nainip na ko "Matagal pa ba? Kilala naman ni--" naputol ang sasabihin ko ng makita ko ang tatay ni Ysh "Hijo anong maipaglilingkod ko sa'yo?" Sinalubong niya ako ng ngiti.

"Tito I know how busy you are with your business but I really need to talk to you" napakunot ang noo niya sa sinabi ko "It's about your daughter, Ysh, Sir" laking gulat niya nang banggitin ko ang pangalan ni Ysh. "Hijo let's talk somewhere." Napagdesisyonan naming kumain sa labas.

Saka ko lang naalala na hindi pa pala ako nakakakain. Saka ko lang napagtanto na gutom na rin ako.

Hindi ko alam saan ko sisimulan ang pakikipag-usap ko sa kanya. "Kamusta ang Lola mo Carl?" Tanong niya sakin. "Mabuti naman po." Bumuntong hininga ako at bumwelo sa pagsasalita "Alam niyo po ba kung nasaan si Ysh?" Natigilan ako saglit saka nagpatuloy "Sir mahal na mahal ko po ang anak niyo."

Naghahalo na ang nararamdaman ko pero pinipigil ko ang emosyon ko "Carl the first time we met I really know that you're a good man. I know na hindi mapapasama ang anak ko at aalagaan mo siya. Ni minsan hindi ako nakialam sa buhay pag-ibig ng mga anak ko." Natuwa ako sa papuri niya. Pakiramdam ko nakahanap ako ng bagong kakampi.

Binitawan niya ang tinidor at kutsilyong hawak niya "They have the freedom to choose whoever guy they love pero Hijo kapag nakita ko na silang umiyak ibang usapan na 'yun," nabigla ako sa sinabi ni Tito. Ibig niya bang sabihin umiiyak si Ysh dahil sakin pero bakit?!

"Carl kung mahal mo talaga ang anak ko maiintindihan mo ko" magsasalita pa sana ako pero tumayo na siya "Let Irish go. Let her be happy with Andrei. Don't come near her. Never come near my daughter." Umalis siya at iniwan akong tulala.

Kinabukasan nagising akong nasa kama ako at napabangon ako ng napagtanto kong hindi ko iyon kwarto.

Inikot ko ang buong mata ko shit nasaan ako! "Tito Carl!!!!" Lalo akong nagulat ng nakita ko si Joshen.

"Tito are you alright? Mommy told me to wake you up so we can have breakfast" ngumisi siya sakin.

Lalo kong namiss si Ysh. Pareho kasi sila ng mata. Hila-hila ako ng bata hanggang sa dining table.

"Nakatulog ka ba ng maayos?" Ngumiti agad sakin si Ate Ashley. Wala akong maalala kagabi hindi ko alam bakit ako andito "Litong-lito 'yang itsura mo." Tumawa siya. "Ate 'di ko maalala anong nangyari" napahawak ako sa ulo kong lalong sumasakit habang sinusubukan kong alalahanin 'yung nangyari.

"Lasing ka at sinugod mo bahay namin. Baliw ka ba? Buti na lang hindi ka inano ng mga body guards ni Papa. Wala namang tao sa inyo kagabi kaya diniretso na kita dito." Paliwanag niya sakin.

Nilagyan niya ng pagkain 'yung plato ko. Weird sa pakiramdam dahil pinalayo ako ng tatay nila pero tinutulungan ako ni Ate Ashley.

Natapos kaming kumain at pinakilala niya rin ako sa Tatay ni Joshen.

"Ate Ashley maraming salamat at pasensya na rin sa abala" nakaramdam ako ng hiya bigla.

Umalis na ako nung nakapagpaalam. Dadaan ako kina Zharm kasi may usapan kaming mag-eenroll ngayon.

Umuwi muna ako sa bahay at naabutan ko si mommy na abala sa kusina "Mommy alis po ulit ako mag-eenroll lang ako."

Nagmadali akong maligo at magbihis. Bumaba agad ako nung matapos akong mag-ayos. "Hijo dahan-dahan baka madapa ka kakamadali mo" paalala sakin ni Mommy. "Nga pala Hijo be home before 8 we'll have dinner with someone special" 'di maalis ang ngiti ni mommy sa labi niya.

Everyone's really weird.

Dumiretso agad kina Zharm. Tinawagan ko siya para ipaalam na nasa labas na ko ng bahay nila.

"Hey" bati niya. Ngumiti lang ako. "Anong balita kay Ate Ysh?" Kinapitan kong maigi ang manibela "Wala pa rin eh" ayan na naman. Naalala ko na naman si Ysh.

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa school. "Si Lewis" sabay turo ni Zharm kay Lewis at Bela na kasalubong namin. Kakausapin ko sana siya pero dumiretso lang silang dalawa. Sabagay kapatid niya pa rin si Andrei.

"Di pa rin ba kayo nag-uusap?" Tanong sakin ni Zharm habang nagfifill-up kami ng form para sa enrollment.

"Di ko maintindihan Zharm e bestfriend ko pa ba siya o mas iniisip niya 'yung Kuya niya kaya niya ko pinapatigil sa paghahanap kay Ysh." Napabuntong hininga si Zharm at 'di na nagsalita.

Naiintindihan ko naman 'yung point ni Lewis but I know what I'm doing. I'm aware of it.

Ilang oras ang nakalipas at nakatapos na rin kami sa pag-eenroll.

Alas siete pasado na nung maihatid ko si Zharm sa kanila. Napansin kong naiwan niya 'yung grades niya sa kotse "Zharm! 'Yung grades mo!" Nilingon niya agad ako.

"Carl salamat." Babalik na ako sa kotse nung nagsalita ulit siya "Carl think about it. Everyone's just concern sa'yo. Kung gusto ni Ate Ysh bumalik babalik siya pero hindi habang buhay dapat maghintay ka. Carl accept the fact na hanggang dito na lang kayo." Halos mabingi ako sa sampal niya "Ni let go ka na niya Carl. Maybe you need to let her go too."

Ayoko na marinig kung ano pang sasabihin niya.

Kung napagod na lahat kayo maghintay, ako hindi. I don't need your stupid advices.

Dumiretso na ako sa bahay.

Ang daming nakahain sa mesa. Madami bang bisita? "My marami ka bang bisita?" Tumingin sakin si Mommy "Not really son just someone special"

Sino bang someone special? -.-

"Ma'am andito na po ang bisita niyo." Bungad ni Manang. "Lika Carl salubungin natin sila." Hinigit ako ni Mommy palabas ng bahay. Nahulog ang panga ko ng nakita ko si Ate Ashley. Anong ginagawa niya dito?

"Carl this is Hannah," natawa ako "My naman kilala ko na siya si Ate Ashley 'yan --" naputol ang pagsasalita ko ng nagsalita si Daddy "She's Hannah, Carl, your sister."

Continue Reading

You'll Also Like

917K 31.4K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
135K 5.7K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
26.1M 787K 48
Jesusa, a homeless girl in Quiapo, Manila, luckily caught the eyes of Damon Montemayor, a young boy who happens to be from a prestigious family. Her...