Biyahe

Oleh shinomatic

283K 7.3K 674

[COMPLETE] Sasama ka ba sa kakaibang biyahe ng isang Andrew Jay Canlas? © 2014 Lebih Banyak

Biyahe [Boyxboy]
Unang Biyahe
Ikalawang Biyahe
Ikatlong Biyahe
Ikaapat na Biyahe
Ikaanim na Biyahe
Ikapitong Biyahe
Ikawalong Biyahe
Ikasiyam na Biyahe
Ikasampung Biyahe
Ikalabing-isang Biyahe:
Ikalabindalawang Biyahe
Ikalabintatlong Biyahe:
Ikalabing-apat na Biyahe
Ikalabinlimang Biyahe:
Ikalabing-anim na Biyahe
Ika-labingpitong Biyahe
Ika-labingwalong Biyahe
Ika-labingsiyam na Biyahe
Ika-dalawampung Biyahe
Ika-dalawampu't isang Biyahe
Ika-dalawampu't dalawang Biyahe
Ika-dalawampu't tatlong Biyahe
Ika-dalawampu't apat na Biyahe
Ika-dalawampu't Limang Biyahe
Ika-dalawampu't Anim na Biyahe
Ika-dalawampu't Pitong Biyahe
Ika-dalawampu't Walong Biyahe
Ika-dalawampu't Siyam na Biyahe
STOP OVER!
Ika-tatlumpung Biyahe
Ika-tatlumpu't isang Biyahe
Ika-tatlumpu't dalawang Biyahe
Ika-tatlumpu't tatlong Biyahe
Ika-tatlumpu't Apat na Biyahe
Ika-tatlumpu't Limang Biyahe
Ika-tatlumpu't Anim na Biyahe
STOP OVER!
Ika-tatlumpu't Pitong Biyahe
Ika-tatlumpu't Walong Biyahe
Ika-tatlumpu't Siyam na Biyahe
Ika-apatnapung Biyahe
STOP OVER!
Ika-apatnapu't isang Biyahe
Ika-apatnapu't Dalawang Biyahe
Ika-apatnapu't Tatlong Biyahe
Ika-apatnapu't Apat na Biyahe
Ika-apatnapu't Limang Biyahe
Huling Biyahe
WHAT'S NEW?

Ikalimang Biyahe

8K 187 17
Oleh shinomatic

A/N: Pasensya na talaga sa delayed update. Ang dami lang kasing ginagawa sa OJT e. Idagdag pa na kaliwa't kanan ang mga parties. LMAO.

PS: More on #AndRick moments 'to. Maaari na kayong magalit sa akin. HAHAHA.

PPS: Dedicated s kanya. Binabasa ko kasi yung Ang Bakulaw sa Manhole niya. WTF, ang epic lang ng story! HAHA.:D

***

Ikalimang Biyahe

Patrick's point of view:

Shit. Hindi ko in-expect na magagawa kong halikan si Andrew sa labi. Kanina pa kasi ako nate-tempt e. Hindi niyo ako masisisi. Isang malaking temptation ang mga mapupula niyang labi. Aminin ko man o hindi, nasarapan ako sa paghalik sa kanya. Ang lambot pala nito at manamis-namis. Kahit ako, nawala sa sarili. Shit lang.

"S-Sorry." Ako na rin ang naunang pumutol niyon. Ayaw kong magkalabuan ulit kami, kung maaari.

Dali-dali akong pumunta sa CR niya dahil na rin sa ginawa ko, though wala naman akong pinagsisisihan doon. Solid, ang sarap talaga ng labi niya! Halos limang minuto rin ang nilagi ko sa loob ng CR, tila nire-reminisce ang mga nangyari kanina. Pagkalabas ay naabutan ko siya sa kusina na nananalamin. Hawak-hawak nito ang kanyang labi at tulala lang doon.

"A-Andrew," tawag ko sa kanya. Para naman siyang nabigla.

"A-Ah! Tapos ka na?" Ah, nagka-cram siya.

"Sorry, Andrew," paghingi ko ng tawad.

"O-Okay lang," tanging sagot niya. Naglakad siya papunta sa CR. Marahil ay para mahimasmasan.

Dahil na rin sa awkwardness sa paligid, naisipan ko na lang na magpatugtog. Hindi naman niya ako siguro pagbabawalan kung pakikialamanan ko muna ang player niya rito at ang mga CD's niya. Hindi ko akalain na may pagka-party animal itong si Andrew. Paano, puro mga EDM/Pop-inspired ang mga nasa rack niya. Isa ito sa pagkakaiba namin. Ako kasi, puro alternative rock ang genre ko. LOL. Napili kong patugtugin ang album ni Tiësto. Maya-maya lang, lumabas na rin siya sa CR. Mukhang kakaligo lang niya.

"Magbibihis lang ako. Sasapakin kita 'pag sumunod ka," natatawa niyang banta.

Okay, ang bilis niyang makapag-move on.

Natawa na rin ako para 'di niya maramdaman na 'di pa rin ako nakakapag-move on.

"Sige lang. 'Pag naisipan ko, baka sundan kita," natatawa kong sagot. Natatawa na lang niya akong iniwan muna roon.

Dahil na rin sa walang magawa, naisipan kong maglinis sa living room niya. Hindi naman ito masyadong marumi, pero naisipan ko ulit walisan. Nang matapos ay mga magazines naman ang inatupag ko. Wala man lang siyang FHM? Hindi, biro lang. Puro kasi mga business o sport-related ang mga magazines niya. Patapos na ako roon nang magsalita siya.

"Gusto mong sumama? Pupunta muna ako sa grocery store para bumili ng supplies ko para next week. Kung gusto mo, dito ka na rin mag-overnight," aniya. Simpleng shirt at short lang ang suot niya -- na siyang nagpagwapo sa kanya.

Tumango naman ako. "Maganda 'yan, Andrew. Kaso wala akong damit."

"Pahihiramin na lang kita. Parehas lang naman ang body built natin e," sagot niya habang nananalamin.

Ganun na nga ang nangyari. Sinamahan ko siya sa 'di kalayuang grocery store. Dahil na rin sa abiso ni Andrew, pinasok ko ang aking kotse sa garahe ng apartment niya. Pinagtitinginan naman kami ng mga kapitbahay niya nang makalabas kami. May narinig pa nga akong nag-uusap e. May relasyon daw kami. Lul!

Pero sana, mayroon na lang. LOL. Biro lang.

"Huy! Para kang t@nga," Andrew hissed.

"Ang sakit magsalita." Kunwari, nasaktan ako.

Ngumisi lang siya at tinuro ang grocery store na tinutukoy niya. "We're here."

Tama nga siya. Lalabas ka lang sa subdivision nila para makarating doon. Hindi naman ito gaanong malaki pero tama lang para mabili ang lahat ng kailangan mo. Agad na rin kaming pumasok para bumili ng supplies niya.

"Teka, hiwalay muna ako," sabi ko sa kanya. Plano ko na ring bumili ng mga supplies ko para sa susunod na linggo.

"Oh. Okay."

Matapos makapamili ay inabisuhan ko na rin siya na uuwi muna ako. Kukuha na rin ako ng mga damit para mamaya. Hindi naman sa nagyayabang pero mas malaki ang katawan ko sa kanya. Actually, slim fit ang kanya. Yung akin, malaki talaga. Hindi naman yung malaking malaki. Bachelor body lang, kumbaga. LOL. Hindi ko na rin dinala ang kotse ko at naisipan na lang mag-cab.

"Una muna ako, Andrew," paalam ko sa kanya.

"Oh. Okay, ako na'ng bahala sa kotse mo," nakangiti niyang sabi. Shit lang, ang ganda talaga ng mga ngiti niya.

Nginitian ko rin siya. "Oh, una ako. Kitakits!"

Nanlaki bigla ang mata niya. May nasabi ba akong mali?

"Bakit, Andrew?" buong-pagtataka kong tanong.

"W-Wala. Nakakapanibago ka lang kasi e. Ngayon lang kita narinig magsalita nang pabalbal," aniya.

"Ano yung pabalbal?"

"Yung kitakits. Parang, bago lang sa pandinig ko?" Natawa na lang kami pareho. Parang ewan talaga 'tong si Andrew.

After that conversation ay nag-abang na ako ng cab. Hindi naman katagalan ang paghihintay na ginawa ko dahil may huminto na agad na taxi. Hindi ko napansin na napapangiti na lang ako. To be honest, ang saya ko sa nangyayari ngayon. Ugh, nababading na talaga ako kay Andrew. Dati, sigurado naman ako sa sexual preference ko. Mukhang kailangan kong ma-confuse. Hindi, biro lang. Sa kanya lang naman ako nagkakaganito e. And speaking of that kiss. Wala akong pinagsisisihan sa paghalik ko sa kanya. Sana nga maulit e. No, kidding. Nirerespeto ko naman siya kaya 'di na mauulit yun.

Well, unless, with his permission.

Paakyat na ako sa unit ko nang..

"Buti naman at dumating ka na rin."

Muntikan ko nang mabitawan ang hawak. P-Paano niya nalaman na dito ako nakatira?

Boses pa lang niya, kilalang-kilala ko na.

---

AJ's point of view:

Nabigla ako sa ginawa ni Patrick sa akin. D@mn. Hinalikan niya ako. Agad nga akong napapunta sa banyo e. Shit, bakit hindi man lang ako nanlaban?! Wala na. Yung pinakaiingatan kong first kiss, nakuha na niya. Oo na, ako na ang NO RELATIONSHIP SINCE BIRTH.

Hindi. Okay lang yun. Hindi pa naman iyon yung talagang first kiss ko e. Aksidente lang naman yun. Tama, aksidente lang.

Sige, AJ. Lokohin mo ang sarili mo. Ikaw din, magmumukha kang timang diyan sa ginagawa mo.

Ugh! Nakakainis naman!

Para mawala ang awkwardness sa paligid, inanyaya ko na lang siya sa grocery. Ayaw ko naman siyang iwan dito, 'no. That's rude. Dahil ata sa nangyari kanina, naging lutang ako. Kung anu-ano na lang ang nasasabi ko! Ultimo pag-anyaya sa kanya na mag-over night sa apartment ko, nasabi ko! T@ngina talaga. Kaysa naman bawiin ko, pinush ko na lang.

Matapos makapamili ay mag-isa na lang akong bumalik sa apartment. Uuwi raw muna siya sa unit niya para manguha ng mga damit na gagamitin niya mamaya, at saka para na rin daw mailagay ang ilang items na pinamili niya. Naiinis lang ako sa mga kapitbahay ko na walang ibang ginawa kung hindi ang pagtsismisan ang pagpunta ni Patrick dito. T@ngina lang, porket may bisita akong lalaki, kalaguyo ko na. Ang malala pa, parang sinasadya pang iparinig sa akin ang bagay na yun?

Kaysa ma-stress ay pinili ko na lang ipainit ang sinigang na dala ni Patrick kanina. Ito na lang siguro ang tanghalian namin. Isa pa, may natira pang paella kanina. Marahil ay sapat na iyon para sa amin.

TIME CHECK: 1:05 PM. Ang tagal naman ng lalaking yun? Halos dalawang oras na ang nakalipas nung umalis siya e. Dahil nagugutom na rin ako ay sinimulan ko nang kumain. Lumalamig na rin ang sabaw.

Pero, natapos na ako't lahat, wala pa ring Patrick na kumakatok. Ugh, hindi ko tuloy maiwasang mag-alala sa kanya.

O, huwag advance mag-isip. Pag-aalala ng isang kaibigan ang tinutukoy ko.

Lumipas pa ang ilang minuto ay naisipan ko na talaga siyang tawagan. Baka kasi napaano na yun e. Kargo de konsensya ko pa naman yun. Pipindutin ko na sana ang call button nang biglang may nag-doorbell. Napabuntong-hininga na lang ako nang maaninag na si Patrick na nga iyon. Dali-dali naman akong naglakad palabas para pagbuksan siya ng gate.

"What took you so long?" pambungad ko sa kanya.

"W-Wala. Natrapik lang." Ngumiti nga siya sa akin, halata namang pilit.

Hmm, parang may nangyari sa kanya. Matanong nga siya mamaya.

"Kumain ka muna. Teka, dalhin ko na sa kwarto 'yang bag mo." Agad kong kinuha iyon sa kanya.

"Salamat."

Nagpalit na rin ako ng damit nun. Simpleng polo shirt lang at maong pants ang naisipan kong isuot. Nang matapos ay sinamahan ko na siya sa hapag.

"Ang bilis mo namang magbihis," sabi niya habang kumakain.

"Kanina pa ako naligo nung wala ka pa kaya nagpalit na lang ako. Teka, kumain ka muna. Okay lang ako." Natawa naman siya.

Nang matapos ay nag-volunteer pa siyang maghugas ng mga pinagkainan. Ugh, parang ewan talaga. Sinabihan ko naman siya na mamaya na 'yan pagkauwi namin. Buti naman at nakinig siya. In no time ay ready na rin siya. Napili naming huwag gamitin ang kotse niya. Mas matatrapik lang kasi kami kapag nagkotse pa kami. Isa pa, gusto ko ring maranasan niya ang sumakay sa jeep. Base kasi sa kwento niya dati, ayaw na ayaw daw ng Mama niya na sumakay siya roon dahil marumi raw. D@mn, para talaga siyang pinagkaitan ng kabataan. Seryoso.

"Ayan ah? Mararanasan mo na rin sa wakas na makasakay sa jeep. Huwag kang mag-alala, 'di ka naman magkakasakit kapag sumakay ka riyan," biro ko sa kanya.

"G@go." Nagtawanan na lang kami.

Gaya nga ng sabi ko, buti na lang at nag-jeep lang kami. Usad-pagong din kasi ang daloy ng trapiko e. Kaya nga nung medyo malapit na kami sa mall ay inanyaya ko na siyang bumaba at lakarin na lamang iyon.

"Tignan mo na. Kung nagkotse tayo, gabi na tayo makakarating sa mall," natatawa kong sabi sa kanya. Nginisian naman niya ako.

Marami pala siyang planong gawin for today. Una nga roon ang pag-iikot sa mga clothing store. Naisipan ko na ring bumili ng pabango, since paubos na rin iyon. Siya naman ay bumili ng isang slacks at isang long sleeve na polo. Okay, siya na talaga ang boss.

"What's next?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti naman siya. "You pick."

"Adik. Ikaw nagyaya rito kaya ikaw ang mamili." Inirapan ko nga.

"Okay, ganito na lang. Nood muna tayo ng sine para naman mawala ang mga problema natin," nakangisi niyang sabi.

Ako lang ba o talagang may nangyari talaga sa kanya kanina? I mean, oo, nakangiti siya, pero, halata namang pilit. Kahit paano naman, alam ko na ang totoo niyang ngiti. Hmm, ano pa nga ba ang gagawin ko? Pipilitin ko na lang siyang magkwento mamaya. Magbabaka sakali lang na makatulong.

In the end, nanuod na lang muna kami ng sine. Hunger Games: Mockingjay Part 1 ang napili naming panuorin. Napanuod na raw kasi niya yung mga naunang parts ng movie. So ganun? Hahayaan niya ako roon na 'di maintindihan ang pinapanuod namin? Hindi, biro lang. Napanuod ko na rin yun, 'no! Sadyang 'di ko lang gets yung kwento.

"Hay! Sa wakas, mapapanuod ko na rin ito!" kumento niya nang makaupo kami. Pinili naming pumwesto sa upper part ng sinehan. Hindi ko rin keri yung sobrang lapit e.

"Para kang timang diyan," bulong ko sa kanya. Makasigaw kasi ito e.

Ngumisi naman siya. "Pakialam nila sa akin? Alam mo, minsan ka lang mabubuhay sa mundo. Sulitin mo na ang bawat pagkakataon habang nandiyan pa. Baka mamaya, magsisi ka sa huli."

Ang adik nito! Akala naman niya, 'di ko ini-enjoy ang buhay ko? E sobrang enjoy nga ako e. Yung walang kumo-control sa akin? Yung walang nagdidikta sa akin ng mga dapat at 'di ko dapat gawin? Yung nagagawa mo lahat ng gusto mong naisin? Yun ang ini-enjoy ko ngayon.

Nang matapos ang movie ay tinuloy na ulit namin ang paglalakad. This time, sa mga phone shops naman kami.

"Pasayahin mo naman ako, Andrew." Nag-pout pa ang g@go. Ugh, hindi ba niya alam na nasa public place kami?

Sinuntok ko nga sa braso. "G@go ka talaga. Nasa public place po tayo, kung hindi po ninyo alam."

"Sorry na. Ito naman, parang 'di malambing."

Alam ko naman ang ibig niyang sabihin. Yun nga ang gumugulo sa isip ko e. Since mabait naman ako..

"Gusto mong sumaya?" tanong ko sa kanya. Pabulong lang, since marami ngang tao. Good thing is, they're busy in their own businesses.

"Yep!" Todo-ngiti pa siya.

"Tara. Mag-arcade tayo!" Ngumisi ako.

Tumango naman siya at nilapitan na ako. Umakbay pa ang g@go sa akin.

"Pasimpleng tsansing ka, pare," pasimple kong sabi -- enough lang para kaming dalawa lang ang makarinig.

"Adik." Hinigpitan pa niya lalo ang pagkakaakbay. Siya? Cool lang sa paglalakad. Ako? Heto at medyo namumula. May mangilan-ngilan kasing napapatingin sa amin. Akala ata, magsyota kami. Pakiramdam ko, sinusumpa na ako ng iba. Ang pogi nga naman kasi nitong kasama ko.

Pero, sa kanila na. Hindi talaga ako attracted kay Patrick. Hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya, kahit minsan ay nagagwapuhan ako sa kanya.

Nang makarating sa arcade ay bumili ako ng tokens. Tig-kalahati kami.

"Tara! Dun tayo sa shooting!" anyaya niya sa akin.

Sumunod naman ako sa kanya kahit labag sa kalooban ko. Malapit ko na kasing makuha yung stuffed toy na minion e! Plano ko pa namang ibigay sa bae kong si Brenda. Hindi man lang yun nagpapakita sa akin. Mukhang busy sa boyfriend niya.

Since wala na nga akong nagawa, tumabi na lang din ako sa kanya para maglaro din. Oo, nagbabasketball ako during HS days. Hininto ko lang before akong grumadweyt ng college.

"Hustler ka pala, Andrew! Bakit ngayon ko lang nalaman?" kumento niya. Paano, puro shoot ang mga bola. Marami-raming tickets din ito.

Ngumisi ako. "Tingin mo sa akin? Dude, MVP ata 'to!" Biro lang naman yun. Oo nga, hilig ko ang paglalaro ng basketball, pero never pa akong sumali sa mga games sa school.

Ngumisi rin siya. So far, marami-rami rin kaming nakuhang mga tickets. Maya-maya pa'y binalikan ko ulit ang crane kung saan pilit kong kinukuha ang kahit isa sa mga minion stuff toys na nandito. Ang cute kasi e. Bagay na bagay ibigay kay Brenda.

"Nandyan ka lang pala." Si Patrick. Hindi ako sumagot dahil concentrated nga ako sa pagkuha ng stuff toy.

Maya-maya pa,

"Oh sh!t!" I shouted at frustration. Bwisit. Malapit na sa butas e! Konti na lang at mahuhulog na yun.

"Huy! Pinagtitinginan ka nila o?" sita sa akin ni Patrick. Another sh!t. Hindi ako aware na pinagtitinginan ako ng ilang malapit sa pwesto namin. Umayos na ako para 'di na nila pagtinginan pa.

"May token ka pa?" tanong ko sa katabi kong kanina pa natatawa sa akin. E kung sinapak ko kaya 'to?

"Tsk." Umiling-iling pa siya. "Tabi ka. Ako naman ang susubok. Teka nga, bakit ba pursigido kang makuha 'yan?" tanong pa niya.

"Plano ko kasing ibigay yung makukuha ko sa kaibigan ko. Knowing her, mahilig yun sa mga ganitong stuff toy." Sabay alis sa pwesto ko.

Tumango-tango naman siya. "Okay. Sige, ako naman ang susubok para sure win na."

"Yabang." Mahina lang ang pagkakasabi ko, pero narinig pa niya.

Nasabi ko ba sa inyong may maipagyayabang talaga siya? Nakuha lang naman namin-- niya, yung kanina ko pang kinukuhang stuff toy? Ngayon nga'y hawak-hawak ko na ito. Ugh, for sure, magugustuhan 'to ni Brenda.

"May tatlo pa akong token. Ano pa'ng gusto mong gawin?" tanong niya sa akin. Nagtingin-tingin naman ako sa paligid, then nakita ko yung isa pang crane, pero mga plants naman sa Plants vs Zombies ang mga stuff toys. Agad ko iyong tinuro sa kanya.

"Dun tayo!" Napatingin naman siya sa tinuro ko. After that, tumango siya at pinuntahan na namin yun. Sakto naman at may isang stuff toy na malapit nang mahulog dun. Ang cute pa naman, kasi yung sili iyon.

Sa ikalawang pagkakataon ay nakuha na naman niya iyon. Sh!t lang, bakit ang swerte niya sa ganyan? Nanlumo tuloy ako.

"Try mo," sabi niya saka inabot sa akin ang dalawang natitirang token. Agad akong nag-obserba sa mga stuff toys na nandun, then may nakita akong pumpkin na malapit na sa butas. Mukhang bagay 'to kay Patrick. HAHA.

"Adik," natatawa niyang sabi. Paano, hinipan ko pa talaga yung natitirang isang token, na as if, may magic ang pag-ihip ko.

"Huwag kang makialam. Walang basagan ng trip." Inirapan ko nga. Aware din ako na may mangilan-ngilang mga tao na nanunuod sa gagawin ko. Ugh, nawawala ako sa focus.

Naghanda na ako nang maihulog ko ang huling token. Dahan-dahan kong ginalaw ang crane at tinutok sa target. Shoot! Sumakto siya! Pigil-hininga ako habang tumataas ang crane; nananalangin na sana'y huwag itong mahulog. At yun! Naihulog ko siya sa butas!

"Yes!" Oo na, ako na ang masaya.

"Ang astig nun!" kumento ni Patrick.

Matapos niyon ay naisipan na naming kumain. Napili namin sa Shakey's, para naman makapag-take out pa kami. As usual, nagyayaya na naman itong . . . . uminom ng alak.

Yun lang. Wala nang mas higit pa roon.

Matapos kumain ay napagdesisyunan na naming umuwi. Pagod na rin ako e. Ang dami naming nagawa ngayong araw. Pagtingin ko sa oras, alas-sais y media na ng gabi. Tama lang para makauwi kami nang maaga. Panigurado, trapik sa daan niyan. Disyembre na rin kasi at ilang araw na lang, christmas na.

"Tara. Dito na tayo dumaan," sabi ko sa kanya. Mas shortcut kasi para makauwi kami nang maaga. Yung overpass kung saan kami nagkita ni Alex? Ilang lakad lang naman ang gagawin at nandun na kami e.

"Gala ka ba rito?" tanong niya sa akin habang tinatahak namin ang kalye. Base sa hitsura niya, mukhang naninibago siya. Paano, parang squatter's area ang lugar. Mukhang hindi ganito ang nakasanayan niyang environment.

"Hindi naman. Dito lang ako dumadaan kapag pauwi na galing ng mall," sagot ko. "Don't worry, wala namang masasamang-loob dito."

Tumango naman siya. Sa paglalakad namin, may nakasalubong kami. Isang lalaki na bugbog-sarado. Hindi ko siya mamukhaan dahil nakayuko ang ulo niya. Nakakaawa ang hitsura niya. Kahit madilim na noong mga oras na iyon, mababakas pa rin ang mga pasa sa kanyang braso.

Mukhang napansin naman niya ang pag-oobserba ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin. Sh!t! Nanlaki ang mga mata ko. Kahit siya, ganun din ang reaksyon.

"A-Alex?"

[Itutuloy..]

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

125K 5.3K 11
STAND-ALONE SHORT STORY Will you ever love someone that is way out of your league, someone that is ugly, someone that doesn't fit on the high expecta...
101K 8.6K 42
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
203K 9.8K 60
Pano kung may isang tao na nag pagulo sa tahimik mong buhay na bigla na lang isasabing mahal kita na ang gagawin sayo na ihahatid ka pauwi sa bahay n...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...