Ika-dalawampu't Limang Biyahe

4.5K 135 17
                                    

Ika-dalawampu’t Limang Biyahe:

Andrew’s point of view:

“Hindi pa ba sapat na hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataon na mahalin ka? Bakit napaka-unfair mo, Andrew? Ha? Ito na nga lang ang pinanghahawakan ko e. Bakit kailangan mo pang ipagkait?”

Hindi ako makapagsalita noong mga oras na iyon. Ni hindi ko nga magawang depensahan ang sarili ko e. Hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong maramdaman – kung magagalit ba ulit ako kay Patrick, o maaawa? Hindi ko alam. Kahit ako mismo, naguguluhan. Itinuring ko kasi siyang kaibigan, kaya ako nahihirapan sa sitwasyon.

“Bakit ayaw mong magsalita? Dahil ba tama ang lahat ng sinabi ko, at hindi mo na kailangan pang magpaliwanag?” dagdag pa niya.

Bumuntong-hininga muna ako bago magsalita. “H-Hindi sa g-ganoon, Sir—I mean, Patrick. Kailangan ko i-itong gawin kasi—“

Inunahan na naman niya ako. “Kasi ano?! Pvtang ina naman, Andrew!”

“May sakit si Papa kaya kailangan kong mag-resign at humalili sa kanya sa kumpanya namin!” Lumabas na lahat ng kinikimkim ko. “Hindi ko ito ginagawa dahil sa mga nangyari noong team building, Patrick. Ginagawa ko ‘to para sa Papa ko! Ginagawa ko ‘to para tuluyan na niya akong tanggapin, bilang anak! Hindi mo alam kung gaano ako nahirapang mag-decide sa bagay na ‘to dahil unang-una, napamahal na ang kumpanya mo sa akin. Dito sa kumpanya mo, nakita ko ang capacities ko; lahat ng mga pwede kong gawin. Nahihirapan din ako, Patrick, pero wala akong magagawa. Mas mahalaga sa akin ang pamilya ko. Ganito rin ang gagawin mo kapag pamilya mo na ang nakataya,” paliwanag ko sa kanya. Naluluha na rin ako noong mga oras na iyon. Totoo naman kasi, hindi ko kayang iwan ang kumpanya niya.

Wala akong magagawa. May mga bagay lang talaga na mas mahalaga sa isa pang bagay. At kapag dumating na ang puntong isa lang ang pwede mong piliin, wala kang choice but to sacrifice the other one. Ganoon ang naramdaman ko noong una. Pero naisip ko, kung ang paghalili ko sa kumpanya ang tanging paraan para tuluyan na akong matanggap ni Papa, gagawin ko. Anak lang din ako, na naghahanap ng pagtanggap mula sa kanyang magulang.

Hindi siya nakapagsalita.

“Patrick, nagpapasalamat ako dahil naging mabuti ka sa akin. Nagpapasalamat ako dahil naramdaman kong pinahahalagahan mo ako at ang pagiging magkaibigan natin. Pero look, wala akong magagawa. Kailangan ko itong gawin, pero it doesn’t mean na urgent naman ang pagre-resign ko. Hanggang katapusan pa ako ng Mayo rito, kaya makakapaghanda pa ang kumpanya para sa papalit sa position ko,” dagdag ko pa.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago magsalita. “Sorry, Andrew. Sorry.”

Nabigla na lang ako nang lapitan niya ako at lumuhod sa harap ko. Kasabay niyon ang paghagulgol niya. Ramdam ko ang kalungkutan niya; na kahit ako’y nasasaktan din. Patrick, bakit ako pa kasi? tanong ko sa sarili. Bakit kailangan pang humantong sa ganito ang pagkakaibigan namin? Kasalanan ko ang lahat ng ito.

Pilit ko siyang inaalalayan para tumayo. Nasasaktan kasi ako sa nakikita ko.

“Patrick, okay na. Pinapatawad na kita. Hindi naman ako galit sayo. It’s just that, hindi ko lang matanggap na nagawa mong sabihin ang lahat ng bagay na iyon kay Alex. Mahal ko kasi ‘yung batang ‘yun e.” Huli na nang ma-realize ko ang sinabi ko. Sh!t? Ba’t ako nag-confess sa kanya?

Nabigla naman siya sa sinabi ko. “Mahal mo siya?”

Dahil no choice na ako, “y-yes.”

Napangiti na lang siya sa sinabi ko. “Iba ka talaga, Andrew. Now I know.”

“Sorry,” sabi ko. Para kasing may nasabi akong mali.

“No worries, I guess, kailangan ko nang tanggapin na hindi talaga tayo para sa isa’t-isa. Isa pa, makakapag-move on naman ako, since may nakilala rin akong babae sa bar weeks ago,” nakangiti niyang sabi. This time, alam kong totoo na iyon.

BiyaheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon