Ika-dalawampu't Siyam na Biyahe

3.7K 143 5
                                    

Ika-dalawampu't Siyam na Biyahe:

Andrew's point of view:

Napanganga kaming tatlo nina Alex at Rixton sa nalaman. Hindi ko-- namin in-expect na si Patrick pala ang bagong suitor ni Brenda. Ah! Kung hindi ako nagkakamali, sinabi sa akin ni Patrick na may nakilala siya babae sa bar noong mga oras na nasaktan ko siya.

"Wait-- uhm, sorry. Hindi ko ito in-expect," ani Patrick.

"Bakit, Pat?" tanong naman ni Brenda rito. "Magkakakilala ba kayo?"

Ako na ang sumagot. "Oo. Actually, siya 'yung boss ko sa dating kumpanyang pinapasukan ko."

Nabigla pa lalo ako nang mapahagikgik siya. "Ang saya naman nito! No need for formality na pala eh!"

Hindi ko alam kung matutuwa ako sa mga nangyayari ngayon. I mean, paano ka hindi mabibigla, e 'yung dating may gusto sayo, suitor pala ng best friend mo? Hindi naman ako against sa kanila. Ang akin lang, ano'ng motibo ni Patrick at nililugawan niya ngayon si Brenda? Nakakalito, sh1t.

"Uy! Tulala ka pa rin diyan? Tara na." Napakurat na lamang ako. Hindi ko tuloy napansin na nasa dining area na sila.

"Sige, Rixton."

Alam kong awkward ang atmosphere habang kumakain. Well, wala namang alam 'yung dalawang kaklase ni Alex. Tanging tatlo lang kami ang medyo naiilang sa setting. As usual, madaldal pa rin si Brenda. Siya nga lang ang nagkukwento e. Kinukwento niya ang mga naging progress sa kanilang dalawa ni Patrick. D4mn, hindi ako mapakali. Gustong-gusto kong komprontahin si Patrick tungkol dito. Okay, alam kong ang OA ko, pero masisisi niyo ba ako? Nag-aalala lang ako kay Brenda. Hindi naman sa wala akong tiwala kay Patrick, pero mas magabda nang malaman ko mula sa kanya ang kasagutan. Malay ko ba kung panakip-butas lang pala ang best friend ko? Ayaw ko ng ganoon. Baka hindi ko makontrol ang sarili ko. Natapos ang dinner namin na wala ako sa sarili. Hindi naman nagtaka ang mga kasama namin. Agad na bumalik sina Alex sa pag-aaral. This time, doon na raw sila sa kwarto. Ako naman ay sinamahan sina Brenda sa labas. Aalis na raw sila dahil ihahatid daw nila ang mga pinamili nila sa boutique ni Tita.

"Mukha kang abno kanina, bakla. Well, mukhang may kailangan kang ikwento sa akin next time. Hahahaha! Sige, we have to go na." Sinamaan ko nga ng tingin. "Pat, tara na," baling naman niya kay Patrick.

"Mauna na kami, Andrew, Rixton," paalam naman sa akin ni Patrick.

Tumango lang ako sa kanila. Ganoon din si Rixton. Nang makaalis sila, nakatanggap naman ako ng text galing kay Patrick..

PATRICK: Sorry, Andrew. Hindi ko alam na ikaw pala ang tinutukoy ni Brenda na kaibigan niya. Pwede akong magpaliwanag sayo. Text mo lang ako kung kailan mo gusto. Sorry.

Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko, pero naisip ko rin na wala namang masama kung makikipagkita ako sa kanya. Tinext ko siya noon para sa schedule ng pagkikita namin, saka pumasok na.

"Nakakabigla 'yun, ano? Hindi ko in-expected na si Patrick pala ang kinikwento ni Brenda sa atin," kumento ni Rixton.

"Kailangan kong kausapin si Patrick regarding this. Gusto kong malaman ang intensiyon niya kay Brenda," sagot ko.

"Sabagay." Siya na ang nagbukas ng pinto. "Pero, hindi kaya, ginagamit niya si Brenda para maging panakip-butas? We all know na dating manliligaw mo 'yun?"

Hindi ko sinagot ang tanong niya. Instead, "tara na nga. Mag-ayos na tayo para makauwi ka na rin."

LUMIPAS ang ilang mga araw at dumating na nga ang araw ng pag-uusap namin ni Patrick. Sa Starbucks malapit sa SM North Edsa namin naisipang magkita. Mas maganda na rin dito, para mas convenient.

BiyaheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon