Ika-tatlumpu't tatlong Biyahe

3.7K 143 15
                                    

Ika-tatlumpu't tatlong Biyahe:

Andrew's point of view:

Halos mapanganga ako sa sinabing iyon ni Alex. I mean, siya? Pinagsamantalahan ni Jaspher? Hindi ko alam kung ano'ng ire-react ko.

"T-Totoo b-ba 'yan?" halos mautal-utal kong tanong sa kanya. Nakayakap pa rin siya sa akin noong mga oras na iyon.

"Ito o.." Sabay abot sa akin ng isang gusut-gusot na papel.

Alex,

Salamat sa pagpapaunlak sa aking imbitasyon. Ang sarap mo! Sisiguraduhin kong mauulit pa ito. Mwah!

Jaspher

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na iyon -- dismaya, galit, awa. Naawa ko sa sinapit ni Alex. Oo, nandoon na tayo e. Kilala ko 'yung tao, at kailanman ay hindi siya gagawa ng bagay na ikaka-disappoint ko. Galit, kay Jaspher. Matapos ko siyang pagkatiwalaan at ituring bilang kaibigan na rin, ito pa ang igaganti niya? Worst is, rape na ang ginawa niya! Alam kong rare lang ang ganitong sitwasyon, pero isa lang ang naiisip ko ngayon -- ang ipagbigay-alam ito sa mga magulang niya. Pero, bakit nadidismaya pa rin ako? Kanino ba ako nadidismaya? At bakit ko nga ba ito nararamdaman? Ah, ewan. Parang bigla na lang akong nawalan ng gana.

"Kumain ka na at magpahinga. Mamaya na tayo gumawa ng way kung paano ka makakabawi sa ginawa ni Jaspher." Ako na ang kumalas sa pagkakayakap niya sa akin.

Agad akong nagpunta sa CR para doon ilabas ang nararamdaman ko ngayon. Ugh! Bakit ba ako nadidismaya kay Alex at sa nangyari?! Hindi ko alam pero mukha akong retarded sa inaasal ko ngayon. Sh1t lang. Bakit ganito? Maya-maya pa'y may naramdaman akong tumutulo mula sa mga mata ko. Hindi ko na napansin na umiiyak na pala ako. Alam kong mali, pero sadyang hindi ko maiwasan itong nararamdaman ko. Walang kasalanan 'yung tao, yet, sa kanya ko nabubunton ang lahat. You know what?

I hate it. I fvcking hate it.

***

Alex' point of view:

Tahimik akong pumasok sa silid ko at nagtungo sa CR. Dito, maigi kong nilinis ang sarili ko. Ganito rin ang ginagawa ko dati, noong nagko-callboy pa ako. Nandidiri ako sa sarili ko. Kaya't heto -- todo-sabon ako, lalo na sa bandang pagkalalaki ko. Kasabay ng pagbuhos ng tubig mula sa shower ay ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi man sabihin, alam kong nadismaya si Andrew sa nangyari. Fvck! Ayaw kong maramdaman niya 'yun e. Matagal ko kasing pinilit na huwag gagawa ng anumang ikaka-disappoint niya, pero sa tingin ko, hindi ko iyon nagawa. T@ngina, malalagot sa akin 'yang Jaspher na 'yan. Kailangan kong gumawa ng paraan, dahil kung hindi, baka kung ano pa ang gawin niya. Worst, baka mas higit pa sa nangyari. Nang matapos ay nagpalit na ako ng damit at nahiga na sa kama ko. Medyo masakit pa rin ang pagkalalaki ko noong mga oras na iyon. Ano bang ginawa ng tao na 'yun?

Bigla kong naisip na tawagan si Baste. After ilang rings ay sinagot na rin niya iyon.

"Oy tol! Napatawag ka?" sagot niya mula sa kabilang linya.

"Ayos pa ba kayo ng mga kasamahan natin?" tanong ko sa kanya.

"Oo, tol. Bakit, babalik ka na ba?" Bakas sa kanya ang pagtataka. Bakit nga ba ako tatawag sa kanya at magtatanong ng ganoon kung wala akong dahilan?

"Hindi. May tuturuan tayo ng leksiyon. Dating gawi ba? Kaya niyo ba?" direktang tanong ko.

"Oo naman! Game kami riyan, tol. Hindi ka namin tatanggihan diyan. Sino ba?" Napabuntong-hininga ako. Tama nga ba itong gagaawin ko?

"Jaspher Keith Lacson. Kaklase ko siya. Kailangan muna natin siyang obserbahan para maging maayos ang plano."

"Ako na ang bahala sa kasamahan natin. Basta, ikaw na ang bahala sa pang-toma namin ah?" aniya.

BiyaheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon