Ika-apatnapu't isang Biyahe

3.7K 121 6
                                    

Song for this chapter >> Kid In Love - Shawn Mendes. Pakinggan ninyo, bagay siya sa sitwasyon ni Alex. HAHAHA.

***

Ika-apatnapu't isang Biyahe:

Andrew's point of view:

"Congrats, Mrs. Brenda Karylle Ramirez-Umali!" masaya kong bati sa aking best friend na si Brenda.Blooming na blooming ito sa suot na simpleng gown na kulay puti. Nagpalit na ng suot ang bruha. Dobleng regalo naman kasi ang natanggap niya ngayong taon na ito.

First, two weeks ago, isinilang niya ang isang cute na cute na baby. Andrei ang ipinangalan nila rito at grabe, gustong-gusto kong iuwi sa amin ang bata! Namana kasi nito ang pagiging chubby cheeks ng nanay niya. Damn! Namumula pa ito! Sorry naman! Hay! Ewan ko ba, bigla tuloy akong nainggit sa kanilang dalawa ni Patrick.

And last, heto nga at kakakasal lang nila. Ngayon nga'y nasa reception na kami. Ako nga ang best man nila, according sa napagplanuhan nila ni Patrick.

"Salamat, bes." She hugged me afterwards.

Agad naman akong bumalik sa kinauupuan namin ni Alex. Magsisimula na raw kasi ang program. So far, ang saya ng naging wedding nila. I wonder kung sino sa kanilang dalawa ang nagplano rito. Nakikita ko rin sa mga tao sa paligid na masaya rin sila.

"Next to give message is Mr. Andrew Jay Canlas," anunsiyo ng emcee.

Hesitant man ay napapunta na rin ako sa harap para magbigay ng mensahe para sa kamilang dalawa.

"First of all, I just want to say congratulations sa ating newlyweds. King hindi po ninyo naitatanong, malapit po sa akin ang dalawang iyan. Si Brenda-- I mean, Mrs. Umali, close friend ko since college. Halos alam na nga namin ang amoy ng utot ng bawat isa e.." Natawa naman silang lahat. "While Mr. Umali, boss ko siya dati, before ako mag-decide na bumalik sa sarili naming kumpanya. Nagpapasalamat ako kasi alam kong masaya na sila ngayon sa kabila ng mga pressures na nangyayari. Uhm, yeah… that's all for now. Thank you, and best wishes to the both of you."

Naupo na ako noon matapos. Marami pang chuchus ang reception nila. Basta, natapos ang gabi na masaya.

"Una na kami, Pat at Bren. Salamat sa invitation," paalam ko sa kanila. May klase pa kasi si Alex kinabukasan kaya hindi kami pwedeng magpagabi masyado.

"Ingat, bes. Salamat sa inyo!" Niyakap naman kami ni Brenda. Oo nga pala, nagbalik na sa normal shape ang katawan niya. Nadaan naman daw sa tamang work out.

Nagpaalam na rin kami noon kay Baby Andrei at kay Patrick. Tatay na tatay ang dating niya.

"Kinakarir ang pagiging ama, ah?" asar namin ni Alex. Siyempre, kami pa!

Namula naman siya. "O-Oo naman. Salamat sa pagpunta."

***

Alex' point of view:

Papunta kami ngayon ni Andrew sa mansyon nila. Semestral break kasi namin ngayon at isa pa, kasal ni Ate Andrea at ni Gervis. 'Yung kababata ni Andrew? Lahat kami ay nagulat dahil may boyfriend pa noon si Ate. Then, all of a sudden, nabuntis siya ni Gervis. Ang alam ko pa, galit na galit noon si Papa-- este ang Dad nina Andrew kaya pinakasal sila sa isa't-isa. Nagulat lang kami kasi wala man lang daw resistance sa pagitan nila.

"Gaano na kalalim 'yang iniisip mo?"

Nahinto ako sa pag-iisip nang magsalita si Andrew. Doon ko lang napansin na wala na kami sa lungsod. Puro damuhan na ang nasa highway e.

"Adik. Hindi ko pa rin ma-absorb 'yung nangyari kina Ate Andrea at Gervis," nasabi ko na lang.

"Iyon ba?" Saglit siyang napahinto noon. "Hayaan mo na. Huwag mong gawing big deal. Isa pa, may gusto 'yang si Ate Andrea kay Kuya Gervis, kaya okay na rin ang nangyari. Ang hindi ko lang alam ay kung may gusto si Kuya sa kanya."

BiyaheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon