A/N: This story is purely experimental. Gusto ko lang lumabas sa nakasanayan ko. Haha. Don't worry, reader-friendly pa rin naman ito. So yeah, enjoy reading.

PS: Boyxboy/Yaoi/Bromance po ito. Ayan, I'm warning you.:)

PPS: Nainspire lang ako gumawa ng ganito dahil kay Onomatopoeia/elusive_chanteuse. Try niyo ring basahin yung Ang Multo sa Manhole. Ang ganda. PRAMIS.:D

READ | VOTE | COMMENT

***

Biyahe

by: Shino

P R O L O G U E

Sa bawat daang tinatahak natin, may mga natatagong istorya. Marahil, hindi natin ito agad makikita o malalaman. Kailangan pa nating huminto para lamang kilalanin at alamin ang mga nakatagong istorya rito.

Minsan, nagtataka pa rin ako. Bakit ko nga ba pinipiling mapadpad sa lugar na ito at araw-araw tahakin patungo sa paroroonan ko? Wala namang espesyal dito? Isa pa, mababakas ang kahirapan sa lugar na ito?

Kayo ba? Alam niyo kung bakit?

Dahil iyon sa kanya.

Ewan ko ba kung paano nangyari. Basta, isang araw, bigla na lang siyang lumapit sa akin. Nagmakaawa na pag-aralin ko siya. Nakakatawa lang, 'no? Ang lakas ng loob niyang magmakaawa sa akin.

Pero, nagpaawa naman ako.

Pumayag akong pag-aralin siya, kapalit ng isang bagay..

At iyo ay magiging akin siya. Magiging alipin ko siya. Tagabantay ng bahay, habang nasa trabaho ako. Tagalinis. Tagaluto. Yun lang.

Yun lang.. sa simula.

Ako nga pala si Andrew Jay Canlas. Tara, sama ka na sa kakaibang biyahe ng aking buhay.

BiyaheBasahin ang storyang ito ng LIBRE!