BE A FAN - VOTE - COMMENT =)
^o^ PUZZLEDMEMORIES ^o^
---------
Chapter 35 : gusto ko ba ? ewan ko !
(Jiro's POV)
nagulat ako sa nakikita ko, akala ko namamalik mata lang ako.
"ano yan ?" tanong ko.
"papel malamang." mataray niyang sagot.
"autograph ko ?" nakangisi kong sabi sakanya.
"pwede rin. sa may bandang baba ah, right side."
at talagang may pwesto pa siyang sinabi ah. nakakatawa talaga.
pipirmahan ko na sana kaso..
"SHANE BIANCE MADRIGAL ANO TO ?" galit na galit na tanong ko. loko.
napalingon naman siya pati narin yung mga tao sa loob ng dressing room ko.
"papel malamang. ikaw narin nagsabi na pipirmahan mo yan, osiya pirma na."
itinaas ko yung papel, sa isip-isip ko. 'ano nanaman ba plano nitong babaeng to ?'
"bakit ko naman pipirmahan yan ? may girlfriend ako at--"
di ko pa natatapos yung sasabihin ko, umepal na siya.
"ah, edi mas okay. ikaw narin nagsabi na girlfriend mo siya pero hindi asawa, edi ako rin naman ah. GIRL FRIEND mo. two words. baka pwede na yung dahilan."
"One word yun dati kaso ewan ko ba. " naiinis ako, bakit ba apektado ako babaeng to, nakakairita ang presensiya niya. ang hilig mambara. masaktan pa to mamaya ni abby pag dating, may pagka masungit pa naman yun. sus. bakit ko ba iniisip na masasaktan si shane eh wala naman na kami. tss.
"watever, pipirma ka ba o ano ?"
aba, nagawa pang manakot.
malamang alam niyo na yung pinapipirma niya sakin..
tss.
69 days contract Continuation.
This contract state that you have officially resume your duty as a accompaniment of Ms. Shane Bianca Madrigal fo a month only, failure to comply with her rule will automatically send you to the jail because of the signed paper on the first term.
"grabe, pera pera ah." sabi ko.
"pera pera jiro your face, ikaw tong mayaman pero.. di moko hinan@n#$"
huh ? ano daw hinananap ba yun ? sus.
"para saan ba to shane ?"
"gusto mo ng closure diba ? kung mahal mo talaga yang abby nayan papayag ka, kasi hindi ka mahuhulog sa iba kung mahal mo talaga yung babaeng yun, pero sa ganda kong to, natural lang ang salitang magiging cheater ka hehe."
"seryoso ka jan ? alam mo naman na loyal ako *wink*"
"mandiri ka nga jan jiro lazatin. nakakahiya dito pa wink-wink ka pa. yuck"
"asa shane. baka kinilig ka pa nga eh, so hinahamon mo ako ganon ?"
"kiligin mo pwet mo, baka dati ou pwede pa. pero nagyon, hindi na uy. pilingero mats!"
sus. ang bibig talaga, bat ko ba to nagustuhan dati ? tss. pssh.
"may gusto ka bang patunayan sa ginagawa mong to Miss. Madrigal ?"
"nope. may gusto lang akong patunayan sa sarili ko. believe it or not may mapapatunayan ka rin sa sarili mo. isang bwan lang naman eh tapos, tapos na."
"closure lang at wala ng iba. i'll discuss this first kay abby, ayokong magulat siya. "
"whatever. just make it fast"
ano bang gusto niyang patunayan ? may kailangan pa ba ?
papalakad na ako papalayo sakanya, papalabas ng dressing room kumbaga.
"jiro." tawag niya sakin, napalingon naman ako.
"gawa tayo rules ?"
huh ? ngayon na ?
"ngayon na ?"
"yep!" sagot niya.
"eh hindi pa pumapayag si abby eh."
"ano pang magagawa niya ?"
wala akong masabi, grabe talaga sa pagiging commander to, na-alala ko tuloy nung nagluto siya ng itlog, na-awa ako sa mukha niya nun kaya kinain ko eh, palusot pa akong sayang yung itlog, nakakatawa lang alalahanin, nangyari kasi. totoong nangyari.
bumalik na ako sa kinauupuan ko para pag-usapan yung rules kuno niya. ano bang trip nito ?
"oy shane" tawag ko sakanya habang naghahanap siya ng ballpen sa bag niya.
"oh ?"
"miss mo ata ako kaya mo ako pinuntahan dito eh"
"PAKYOU. ASA KA MEHN"
"HAHAHAHAHAHAHA. JEJEMON AMPUCHA"
"kapal. rule 1"
"excited shane ? teka naman."
"rule 1, bawal magselos. pwedeng mambabae at manglalaki kasi closure to, hindi para sating pagbabalikan"
tumango naman ako. okay turn ko naman sa rules ko.
"rule 2, kailangan ipaalam kung uuwi o aalis at san pupunta, kahit hindi ipaalam ang kasama basta tatawag kung gagabihin o ano"
tumango rin siya, mukhang okay to ah. wala pang angal eh.
"rule 3, kailangan meron tayon bonding every week."
"gastos naman niyan shane! every week pa talaga ? artista ako. hirap niyan, "
"daming arte gawan mo nang paraan."
"sige na sige na, rule 5 ko naman . kailangan bigyan ng privacy ang isa't-isa"
hindi ko rin alam kung pano ko napagbigyan to eh, pano ko naman magagawan ng paraan . ako ba manager sus. bahala na.
"nice! may utak ka pala jiro " nagthumbs-up pa ang asungot nato.
" at ang huli ..rule 6 , pagka may nainlove uli sating dalaw--"
"uli talaga noh ? grabe, impossible nayan, tagal kong nag-antay sayo tas ul--- ARAY NAMAN!" hampasin daw ba kasi ako ng ballpen niya.
"i repeat rule 6 , pagka may nainlove uli sating dalawa eh sasabihin sa isa't isa"
"huh ? bat naman kailangan pang sabihin , hindi ba pwedeng secret nalang ? "
"kailangan sabihin kasi..... we should end the contract immediately."
"i see, so ang pinaka rule, bawal mainlove ? ang mainlove."
"TALO." we both said in chorus.
"nadali mo" sabi ni shane.
pano ba kasi ako napapayag, kung tutuusin, kaya ko namang tumanggi eh. hindi naman kasi totoo yung paper unlike nung una, pero ewan ko parang may nagsasabi saking may masasagot sa tanong ko pag nagsama uli kami sa iisang bahay . wag kayong mag-isip ng kahalayan jan ah, taas ng respeto ko kay shane kahit na may mga pagkakamali kami dati. KAMI. kasi ang dalawang taong nasa isang relasyon eh responsible sa mangyayari kasi dalawa silang pumasok sa relasyon na yun, kaya sa pagkakamali dalawa rin ang may kasalanan tsaka isa pa dalawang taon ako nag-antay na makita uli siya, humarap sakanya na naka move on na ako. sisirain ko pa ba yung dalawang taong nasayang ko ? di oy.
napapaisip ako, sa totoo lang, hindi ko magets yung sense eh. para kasing ibinabalik niya yung mga nawala. is she trying to be friends with me ?
i guess ?
gusto ko ba nun ?
ewan ko..
parang...
nakakatakot...