Slaughter High 2 : Terror Nev...

By Serialsleeper

3.4M 106K 59K

[REVISED] They thought it was over, little do they know, it was only the beginning. More

Author's Note
Prologue
Chapter 1 : Battle scars
Chapter 2 : The Restless Lover
Chapter 3 : Trapped
Chapter 4 : Punishments
Chapter 5 : Hear my voice
Chapter 6 : The blame game
Chapter 7 : The call of death
Chapter 8 : The man with the plan
Chapter 9 : Project Slaughter
Chapter 10 : Portrayal of Murder
Chapter 11 : The Brotherhood
Chapter 12 : He from her past
Chapter 13 : Freakshow
Chapter 14 : A night of Terror
Chapter 15 : String of Slaughter
Chapter 16 : Light of my darkness
Chapter 17 : Goodbye, Erin
Chapter 18 : The Devil he became
Chapter 19 : Team Timang
Chapter 20 : Stop the feels
Chapter 21 : Darren
Chapter 22 : Welcome to Slaughter
Chapter 23 : Take One
Chapter 24 : Hear Me Out
Chapter 25 : Hormones and Heartaches
Chapter 27 : Lights, Camera, Slaughter
Chapter 28 : When things go boom
Chapter 29 : Play by the rules
Chapter 30 : Pool of Suspects
Chapter 31 : Captured
Chapter 32 : Together Forever
Chapter 33 : Perfect Storm
Chapter 34 : Raising the white flag
Chapter 35 : The face of evil
Chapter 36 : Pretensions of a Psychopath
Chapter 37 : Her Script
Chapter 38 : Forgotten Rule
Chapter 39 : His Script
Chapter 40 : The final act
Game Over
Epilogue

Chapter 26 : Here goes the past

68.1K 2.2K 1.4K
By Serialsleeper

26.

Here goes the past

Erin's Point of View

“Ha? Anong ibig mong sabihing darating ka?” Nagulat ako sa sinabi ni Kuya Dominic. Medyo malabo ang reception ng call kaya hindi ko alam kung talagang iyon nga ang ibig sabihin ni Kuya.

“Kuya? Hoy?—“ Hindi ko alam kung binabaan niya ba ako ng tawag o sadyang naputol lang dahil sa hina ng signal.

“Erin? Anong ginagawa mo diyan sa ibabaw ng puno?! Baka malaglag ka!” Narinig kong may sumigaw mula sa baba kaya humawak ako ng mahigpit sa sangang kinauupuan ko at dumungaw sa baba.

Nakita ko si Robbie kaya dahan-dahan akong bumaba.

“Si Dominic ba yung kausap mo?” Tanong niya habang inaalalayan ako.

“Oo. Sabi niya pupunta raw sila ni Ate Carly dito mamaya.” Sagot ko habang tinatanggal ang mga dahon at duming dumikit sa damit at buhok ko.

“Bakit?” Kunot-noong sambit ni Robbie.

“Malay ko. Nga pala anong ginagawa mo rito? Naghahanap ka ng signal no? Kung ako sayo umakyat ka sa punong ‘yan.” Suhestyon ko at agad naman siyang napangiwi.

“You have got to be kidding me.” Aniya.

“I am not kidding. Go higher and find glory.” Biro ko sabay tulak sa kanya.

Nakakaawa si Robbie, halata kasing hindi niya alam paano umakyat ng puno kaya inalalayan ko nalang muna siya sa pag-akyat.

Nakakatawa siyang tingnan, mukha siyang koala na nakayakap sa puno habang nakatayo sa sangang tinatambayan ko kanina. Iniangat niya ang cellphone sa ere habang naghahanap ng signal. Ilang sandali pa ay naririnig ko na siyang may kinakausap.

“Detective Andromedas, Si Robbie Chen ‘to. Makinig ka, nandito kami ngayon sa Provident High. Kung hindi ako tatawag sayo bukas ng umaga, alas-sais, marahil may nangyari ng masama sa amin. Utang na loob pumunta kayo ng Provident High kung sa pagsapit ng alas-sais ng umaga ay hindi pa ako tumatawag. Malakas ang loob kong andito si—“

Narinig kong biglang tumunog ang walkie talkie na bigay samin ni Ms. Marie. Mahirap kasing makahagilap ng cellphone signal dito kaya nakakapag-communicate kami sa pamamagitan nito.

“Erin nasaan ka? Magkasama ba kayo ni Robbie? Bumalik na kayo rito, we’ll begin shooting after an hour.” Narinig ko si Ms. Marie.

“Opo papunta na po.” Pagtatapos ko sa usapan at muling itinago ang walkie talkie sa loob ng jacket ko. Umagang-umaga ang lamig na agad dito.

Muli akong tumingala at nakita kong pababa na si Robbie sa puno kaya siya naman ang inalalayan ko.

“Sino yung kausap mo? Kakakilabot ang pinagsasabi mo.” Bulalas ko.

“Wala. Safetey precaution lang.” Pagmamalaki niya at ngumisi. Kahit kalian ang weird talaga niya. Siguro part nato ng post-traumatic stress disorder niya.

*****

 “Hey has anyone seen KC? Kahapon ko pa siya hindi nakikita ah?” Tanong ni Zoey habang nag-aayos at naghahanda kaming lahat para sa pangatlong araw ng shooting.

“Si Sir Guzman din di ko pa nakikita since kahapon.” Sabi pa ni Avery kaya natigil kaming lahat sa ginagawa at nagkatinginan.

“Alam na this. Kamandag nga naman ni Sir Guzman.” Nakangising sambit ni James.

“Nakakainis! Lahat tayo nagpapakahirap tapos silang dalawa nagpapakasarap?!” Nagdabog pa si Kitty sa sobrang inis.

Imbes na mainis gaya nila, ibinalik ko nalang ulit ang atensyon ko sa script na kanina ko pa mine-memorize. Mas pinili kong maupo sa isang nakatumbang kahoy na malayo sa kumpulan nila. And besides, ayoko munang lumapit kay Curt o kay Hiro. Medyo awkward pa eh.

“Erin sayo to diba?” Bigang lumapit sakin si James at nagtaka ako nang makita kong may hawak siyang isang dogtog. Napahawak ako sa dibdib ko at nagulat ako kasi wala na akong suot na dogtag—Erin ang tanga mo talaga!

“Thank James. Akin na.” Inilahad ko ang kamay ko.

“Pahiram muna.” Aniya habang nakangisi kaya agad akong napahawak sa magkabila kong bewang.

“Alam kong mukha kang dog pero di bagay sayo ang dogtag, collar ang bagay sayo, collar!” Biro ko at aagawin na sana mula sa kanya ang dogtag pero pilit niya itong itinataas at inilalayo mula sakin at heto naman ako walang kalaban-laban kasi di hamak na mas matangkad at mas malaki ang ungas kesa sakin. #HeightProblems

“Pahiram nga muna, pangako hindi ko ‘to iwawala. And besides diba may fight scenes kayo mamaya? Nonstop takbuhan at balibagan ‘yon, kahit nga walang takbuhan naiwawala mo ang dogtag, ano nalang kaya mamaya sa shooting?” Giit ni James kaya tumigil ako sa pangungulit sa kanya’t napabuntong hininga na lamang. As much as I hate James, may point siya.

“Nakakainis, ba’t ba parating nawawala ang dogtag na yan sa leeg ko?” Napangiwi na lamang ako.

“Kasi manhid ka.” Walang emosyong sambit ni James kaya nakunot ang noo ko. Ewan ko ba pero para bang may iba siyang pinapahiwatig sa sinabi niya.

“And what the heck do you mean by that you perverted eating machine?”

“Wala.” Aniya at ngumisi, “Mag-memorize ka na diyan.”

“Ibalik mo yan sakin at ingatan mo yan. Humanda ka talaga James pag may nangyaring masama diyan.” Banta ko.

“Mapagmatyag, mapanuri, at mapangahas yata to.” Pagmamayabang niya kaya lalo akong napangiwi. Kahit kalian wala talaga siyang kwentang kausap. Buti nalang at di nahawa sa kanya si Curt, si Robbie lang.

“Erin, may ipapakita ako sayo.” Lumapit sakin si Sophie dala ang isang maliit na kahon at may napakalapad na ngiti sa kanyang labi. Sophie is such a nice girl, kahit di magsalita, I can sense it.

“Anong laman niyan?” Tanong ko at inilabas niya mula rito ang isang maliit na kutsilyong may malapad na handle.

Sophie is too pretty to hold a knife, sa sobrang angelic ng mukha niya, kahit kutsilyo nagmumukhang mabait—Wait, nahawa na ako kay James. Kung ano-ano na tuloy nasasabi ko sa isip ko.

“I need to brief you first on how this knife works. See this button sa gilid ng handle, everytime you push it may nag-oopen ang latch ilalim handle at automatic na uurong ang blade at magtatago sa handle. Careful ka dapat Erin, before you stab your co-star, make sure you push the button dahil pag hindi, naku, for real kang makakasaksak.” Paliwanag niya kaya agad nakunot ang noo ko habang hawak ito.

“Wait totoong blade ba talaga? Sophie nakakatakot naman to. Yung classic plastic knife nalang sakin please.” Pakiusap ko at agad naman niya itong binigay sakin.

“Patingin naman niyan!” Hindi ko namalayang lumapit rin pala sina Ria at Kitty samin. Kapwa nila tiningnan ang laman ng kahong dala ni Sophie.

“Teka ano to?” Napatingin kaming lahat kay Kitty nang bigla niyang itinaas ang isang maliit na cellophane na naglalaman ng isang kulay pulang pill.

“Don’t tell KC. Sa kanya kasi yan. Noong nasa university pa tayo, naririnig ko siyang nagmamayabang tungkol sa pill nato. She says this is her future suicide pill. Isang tablet lang, in a matter of minutes mamamatay agad ang iinom nito dahil sa kakapusan ng hininga. Ayokong mag-suicide si KC if ever she feels depressed kaya kinuha ko mula sa kanya. Secret lang natin to ha?”

Nagkatinginan kaming tatlo nila Ria at Kitty sa gulat. We know KC’s an emo kid, pero di kami aware na may suicidal tendencies pala siya. I don’t want to be a hypocrite kasi maging ako, I once attempted to kill myself pero pinagsisisihan ko na ito ngayon. Akala ko kasi noon, ito ang magiging solusyon sa mga problema ko pero hindi pa pala. Buti nalang talaga at natauhan ako. Kung tinuloy ko ‘yon, malamang di ko makikilala ang Team Timang.

“Sophie patulong naman oh!” Tawag ni Ms. Marie kay Sophie at dali-dali naman itong umalis sa harapan namin.

“Sophie sandali—“ Masyadong aligaga si Sophie kaya naiwan kay Kitty ang suicide pill. No choice siya kundi ilagay nalang muna ito sa bulsa niya. Pati ang kutsilyong may real blade, naiwan rin pala sakin. May lahi ata tong ninja si Sophie, bilis kumilos.

“Kitty ano nga ulit ang apelyido mo?” Biglang lumapit samin si Robbie na naglilista ng mga pangalan para sa paperworks.

“Torres.” Sagot ni Kitty at napatingin kay Ria, “Tara kain tayo dun. Ikaw Erin?” Tanong pa ni Kitty.

“Pass. Magmemorize pa ako.” Giit ko kaya agad silang nagtakbuhan palayo kaya naiwan kaming magkasama ni Robbie. Pero teka, anyare dito kay Robbie? Ba’t nakatulala to habang nakatitig sa papel.

“You okay there big guy?” Biro ko.

“Torres. Kitty Torres. Miki Torres.” Mahinang sambit ni Robbie kaya ngumiti na lamang ako. Di niya siguro alam ang koneksyon ni Kitty kay Miki. Ako nga eh, last month ko lang nalaman.

“Miki Torres. Bestfriend ni Ate Parker. Grabe ang coincidence no? Relative pala ni Kitty si Miki.” Paliwanag ko at nagtaka ako nang manlaki ang mga mata ni Robbie.

“James!” Bigla niyang sigaw kaya kuno’t noong lumapit samin si James. Ano bang problema nitong si Robbie? Ba’t apurado?

“Miss mo na ako agad?” Biro ni James pero hindi tumawa si Robbie.

“James Antonio at Kevin Antonio. Noon ka pa napapansing pamilyar ka, sabihin mo sakin, ano ang koneksyon mo kay Kevin?” Seryosong saad ni Robbie kaya agad nawala ang ngiti sa mukha ni James at kahit ako ay bigla ring nakaramdam ng kaba.

Magka-apelyido sila edi maaring—

“H-he’s stepbrother.” Nauutal na sambit ni James na tila ba ayaw niyang may makarinig sa kanya. Ni-hindi nga niya makatingin sakin ng deretso.

“Oh my God, why didn’t you tell us?” This is explains why I always see them arguing.

“Magkaiba kami ni Kuya. Matagal na kaming may iringan mula ng magpakasal ang mga magulang namin. Hindi ko rin sinabi sa inyo kasi baka akalain niyong mamamatay tao rin ako gaya niya.” Nag-aalinlangan niyang sambit. “Alam kong galit kayo sa kanya dahil sa ginawa niya kay Erin, natakot akong baka ayaw niyo na akong maging kaibigan dahil kapatid ko siya.”

Awang-awa ako kay James lalo nang makita ko ang sensiridad sa mukha niya. Akala ko noon isa lang siyang typical na gago na pachill-chill lang, di ko inakalang mahalaga rin pala sa kanya ang pagkakaibigan namin.

“Siguradong galit kayo sakin ngayon.” Nanlulumo niyang sambit kaya nagkatingan kami ni Robbie at kapwa napabuntong hininga.

“Ulol.” Nakangiwing sambit ni Robbie at bigla na lamang binatukan si James.

“Super ulol.” Gatong ko pa at binatukan ko rin siya.

“Aray naman!” Reklamo niya habang hinihimas ang batok niya, ngumiti na lamang ako’t niyakap siya ng mahigpit bilang tanda na wala akong kinikimkim na ni katiting na sama ng loob.

*****

“Cut!”

“Erin don’t forget your lines!” Paalala sakin ni Direk kaya tumango-tango ako at umupo sa sahig dahil wala na akong ibang mahanap na upuan.

Pagod na pagod na ako. Buong araw wala kaming ibang ginawa kundi mag-shoot. Well hindi lang naman ako ang pagod kundi kaming lahat.

“You okay?” Inabot sakin ni Hiro ang isang bottled water. Kaya agad ko itong tinanggap at nagpasalamat.

Umupo siya sa tabi ko at kinamusta ako. Buti pa si Hiro may pakialam, yung ungas kasing si Curt, ni ha, ni ho, wala. Parati lang niyang inaatupag ang camera equipment. Ni ngumiti sakin di niya magawa. Ungas talaga.

“Guys, lets gather around!” Pumalakpak si Direk kaya nagsilapitan kaming lahat sa kanya sa kabila ng pagod at abala.

“Most of the scenes we need should be shot at night out the forest. We can’t waste any minute so to make the most of our one week here, kailangan nating maghiwalay ulit into two separate teams. Team A would be shooting a scene in the forest. Team A would consist of James, Avery, Paul, and Ms. Marie total 3 scenes lang nalang ang isho-shoot niyo. The rest stays here and continue our scene.” Ma-otoridad na saad ni Direk kaya wala kaming magawa kundi pumayag. No choice, the dude calls the shots.

Napasulyap ako sa relo ko at nakita kong mag-aalas diyes na ng gabi kaya naisipan kong lumabas muna saglit upang makausap si Kuya Dominic.

Hindi naman ako natatakot magpunta sa kakahuyan ng mag-isa, may dala naman akong flashlight and besides, hindi na ako takot sa multo kasi natutunan kong higit na mas nakakatakot ang tao kasi sila, kaya nilang pumatay.

 Ika nga ni Robbie, matakot ka sa buhay, wag sa patay.

Nang makaakyat sa puno ay inilagay ko ang dulo ng flashlight sa bibig ko, ang kaliwang kamay ko kasi ay nakahawak sa puno samantalang ang isa naman ay nakahawak sa cellphone.

Minutes passed pero wala parin akong nahahagilap na signal. Zero. As in. Nakakainis! Ba’t biglang nawala?! Meron naman to kanina ah?!

“Would you please get down? You could hurt yourself!” Narinig kong may sumigaw mula sa baba. Kahit madilim at hindi ko makita ang mukha niya, narinig ko lang ang boses niya ay kilalang-kilala ko na ito.

“As if you care.” Bulong ko sa sarili ko. “Get lost Curtis. I’ll be okay!” Sigaw ko habang naghahagilap parin ng signal. Kailangan kong makausap sina Kuya ngayon. Gusto kong kumpirmahin kung darating ba talaga sila.

“Erin stop being stubborn! You’re going to hurt yourself!” Aniya kaya napairap na lamang ako.

I know Curt. He’s persistent. Walang saysay ang pakikipagtalo sa kanya kaya bumaba na lamang ako.

“Easy!” Paalala niya. Kung si Robbie kanina tahimik lang habang inaalalayan ako, siya hindi.

“Erin dahan-dahan lang, wag kang mag madali.” Aniya.

“Oo alam ko!” Giit ko habang dahan-dahang naglilipat ng hawak at hakbang sa magaspang na puno.

Nang pakiramdam ko ay malapit na ako sa lupa ay muli kong ipinatong ang paa ko sa sanga ngunit laking gulat ko nang bigla na lamang itong nabali. Next thing I know bumagsak na ako sa lupa.

“Shit! Erin!” Narinig kong sumigaw si Curt at agad akong inalalayan sa pag-upo. Masakit ang braso at paa ko pero hindi ko parin mapigilang matawa. Sayang, sana may video ng pagkalaglag ko, for sure nakakatawa ‘yun.

“Wag ka ngang tumawa! Ano? May masakit ba sayo?” Tanong niya habang tinututok sa mga braso ko ang flashlight.

“I’m okay, galos lang ‘to. Mababaw lang naman.” Tawa ako ng tawa.

“Its not okay! You could’ve hurt yourself! And would you please stop laughing!” Aniya kaya natahimik ako’t pinagmasdan siya habang nilalapat ang panyo niya sa tuhod kong dumudugo na.

“Curtis I’m okay.” Gaya niya ay hindi narin ako nakangiti.

“Lets go. May first aid kit dun.” Aniya at akmang kakargahin ako kaya agad akong umiwas.

“Would you stop that Curt!” Hindi ko na napigilang mapasigaw. Natameme siya, nagulat sa naging reaksyon ko. “Why are you like that?!”

“Bakit? Anong ginawa ko?” Naguguluhan niyang sambit.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko dahil ito sa inis pero parang hindi naman kasi ganitong-ganito ang parati kong nararamdaman sa tuwing malapit siya. Akala ko noon gusto ko lang siya pero ngayon parang iba na… Parang mahal ko na yata talaga siya. Nakakainis!

“Stop playing with my feelings will you! One minute you were sweet and caring, and then you turn to this cold prick who wouldn’t even talk to me! Curtis ‘wag mo naman akong tratuhin gaya ng mga babae mo!” Hindi ko na napigilan ang sarili kong maglabas ng hinanakit. Mas mabuti nga sigurong magkaalaman na at matapos na ang dapat matapos dahil kung mas patatagalin, mas sasama ang sitwasyon at mas marami ang masisira.

“Playing?!” Napasinghal siya’t humakbang palapit sakin, “I’m not playing! I’m pissed! Mahal na mahal kita noon pa, tiniis kong maging bestfriend mo kasi ito lang ang alam kong paraan para mas lalo tayong maging malapit sa isa’t-isa! Pero biglang dumating yang lecheng si Hiro!” Sigaw niya at dinuro ang direksyon ng school building kung saan sila naroroon.

Nalaglag ang panga ko sa narinig. Sa isang iglap nagsibalikan ang mga paru-paro sa tiyan ko lalo na nang marinig ko ang M-word.

“Y-you said the M-word.” Nauutal kong sambit habang pinipigilan ang sarili kong ngumiti na parang timang.

“Of course I said the M word! Matagal ko na ‘tong gustong sabihin sayo! Erin you heard it, Mahal kita. Mahal na mahal kita noon pa!” Giit niya.

“Dude stop shouting! My ears are bleeding!” Biro ko na lamang at hindi ko na napigilan pang ngumiti.

“You evil girl, how could you even smile. Do I really look like a fool to you?” Mahina niyang sambit kaya tuluyan akong natawa.

Huminga ako ng malalim at tiningnan siya sa mga mata, “Curtis listen to me, Hiro and I had a wonderful memory. But it’s just a memory and not a feeling. He is just a friend. Nothing more, nothing less. I’m already inlove with someone so how could I even bother to like Hiro?”

“M-mahal ka na?” Nauutal niyang sambit na para bang nanlulumo, “Sino?” Dagdag pa niya.

Ngumiti ako at humakbang palapit sa kanya, I pointed his forehead, close enough to touch it.

“You have got to be kidding me.” Aniya habang nakakunot ang noo at para bang gulat na gulat.

“Ayaw mong maniwala?” Biro ko.

“Prove it.” Walang emosyon niyang paghamon.

“You’re a playboy, I wont. I’m afraid you’ll break my heart.” Pag-amin ko sa matagal ko ng kinatatakutang mangyari.

“Playboy? Where the fuck did you get that?” Nakangiwi niyang sambit.

“From James. Duh.” Sarcastic kong sambit.

“Fuck.” Biglang nasapo ni Curt ang kanyang ulo’t huminga ng malalim. “Damn it James.” Mahina nitong sambit.

“Don’t be mad at James. He’s just being honest.” Giit ko.

“No, its not that.” Biglang ngumisi si Curt at tiningnan ako sa mga mata, “James always had this crazy theory that girls are inlove with bad boys, including playboys. I’m not a playboy Erin, I can’t even confess when the girl I love has always been right beside me.” Paliwanag niya kaya’t naisalampak ko na lamang ang palad sa pisngi ko.

“Damn it James!” Kapwa kami napasigaw at namalayan ko na lamang na kapwa kami nagtatawanan.

“Well this is awkward.” Pag-amin ko.

“It isn’t.” Aniya at hinawakan ang baba ko. Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sakin kaya’t napapikit na lamang ako hanggang sa unti-unting naglapat ang labi namin sa isa’t-isa.

END OF CHAPTER 26.

THANKS FOR READING.

VOTE AND COMMENT <3

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 103K 33
Sampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbabalatkayo? Sino ang hunyango? (Watty Awar...
9.3M 392K 86
"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila ta...
2.4M 88K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016
669K 47.3K 73
During the spread of the deadliest virus in 2054 Philippines, Santhy Gozon struggles to survive to reach the last quarantine. *** A sixteen-year-old...