Because We're Having a Baby (...

Por Koolkaticles

2.5M 40.8K 3.9K

What if you will have a Baby in an instant? What if you will have a Baby to someone you're not even having a... Mais

Because We're Having a Baby
Introduction: Cleorisse Eminoethe Ackerman
Travis Marlakch Markovska
Night at the Bar
Night at the Bar II
My Knight in Shining.... ★?
School Life
First Impression Lasts
A Wide Awake
Who the hell is He/She?
Their Choices
Forgetting Isn't Bad at all
So its You?
So its You? II
Sudden Realization
An inch of smile
A Long Wait
You RACE me up!
Meanwhile At Home
Let's Finish it!
Let's Finish it! II
Don't Fall, It's a Trap ❣
Don't Fall Again, It's a Trap ❣
Falling and get Trapped ❣
And Now You're Trapped ❣
Broken to Broken Talk
What Broken Hearts Do?
Sweet Dreams or Beautiful Nightmare
And This Sh*t Happens
The Nightmare Before Christmas
Life Will Never Ever Be The Same Again
Innocent No More
Other Side Of Crime ❀
Life Resumes.....With Him
I'll Stop The World, And Melt With You
Trick or Treat Part I
Trick Or Treat ? Part II
A Friend Or A Rival
When Jealousy Strikes
The Rehearsaster!
First Sign
Dare To Compete
The Way and The Moves❀
Make It To Your Heart
Of All The Thoughts
Finding Out
Facing Consequence
Admitting The Fact
Depend On You
Unexpected Guests
Awkward Revelation
Family Feud
Helping Two Hearts
Helping Two Hearts II
Rumor Has It
Solemnly Ceremony
Affiance Affection
Moving Closer
Closer to Home
Entourage
*A Whole New Year*
Pre-nup Pressures
The Back-up Plan
Nuptials
Nuptials II
The Celebration
The Celebration II
Sweet Escapade
Sweet Escapade II
Sweet Come Back
❀ Stupid Cupid! ❀
❀ Stupid Cupid II ❀
No Ordinary Love
Birthday Bash -- er?
The Torn
Caught Between
Torn Between
Torn Between II
Doubts
The Ideal Date
Unwelcoming
She Will Be Loved
Clairvoyance
A Pitiful Love
Loved and Lost
Unconditionally
Unconscious Mind
Pretending
Tear Apart
When Heart Speaks
Changing Minds
Who Owns My Heart
Love and Confusions
Love and Confusions II
Same Old Love
If I Let You Go
A Little Too Late
Have You Ever
How I started
One More Day
One Last Time
FULL VERSION OF THE STORY

***Yuletide Romance***

24.2K 344 18
Por Koolkaticles

* A Special Christmas Chapter *

(Let's go back to the chapter were the characters are not yet aware that Cleo was pregnant. It was after the party that something happened to them and the day that Travis's closeness began. Enjoy!)


Wanna read the full version of this story?

Click the external link or go to the site (Dreame.com) and search for Because We're Having a Baby story. Enjoy! Love lots!

-------------------------------------------------- ---------

CLEO's POV ~

"Honey, can you get the salad? Its in the kitchen table." - Mamu's uncle told Clarence.

"Aye-aye madam!" - kuya replied.

We're eating lunch. And hell yeah. Its Christmas!

I'm sorry if I didn't have anything to live for. I don't feel like I'm in the mood.

What happened ?! Who's waiting?

"Baby? Are you okay ?!" - Mamu asked me to ask if I was in front of her.

"Ah .. Yes .." - He noticed that I was still mute. Shemay!

"You sure ?! You're still dumb and quiet there. Is there something bothering you?" - Mamu's worried question ..

Of course! My life will never ever be the same again!

"Ahm .. Yeah .. I .. I just miss Vana already." - I smiled.

"Oh? She's out of the country again, right?" - asked mamu and grinned.

I just nod and focus on what I eat.

We just ate the quiet again .. Actually, I'm just the quiet one.

"I am so sorry honey, but I need to go." - papu pleads with mamu.

"Do I have a choice? Whether, I like it or not, you're still gonna go to the hospital." - Explicitly contributing to mamu's voice.

"We're so sorry mamu."-Pagsusumamo din ni kuya Clifford kay mamu. Pareho pa silang nakaluhod sa harapan ni mamu na tila mga batang nanghihingi ng candy. Tapos si mamu nakapaikot pa ang mga kamay sa harapan.

Pareho kasi sila ni papu na pinapatawag ngayon sa ospital namin dahil may emergency. It's in their duty to fulfill it. They are doctors. At  hindi nila hawak ang oras nila.

"All right then, be right back ha? Both of you!"-Sa wakas ay pumanatag na si mamu.

Numero unong tampururot ito eh. Kahit pa natatawa-tawa ako sa eksena nila, hindi ko pa rin magawang hindi malungkot. Hays.

"Sure mamu thank you."-Natutuwang sabi ni kuya at tumayo na.

"I love you, honey.."-Tumayo na rin siya at hinalikan pa si mamu sa pisngi.

Umalis na sina kuya at papu, I think naghahanda na sila para magpunta ng ospital.

Huminga muna ng malalim si mamu na parang nakaraos sa matinding desisyon. "Who wants to watch in cinema?"-Masayang tanong ni mamu sa amin..(Kuya Clarence, Cloude and me)

"I want!"-Pagtugon ni kuya Clarence.

Nagtaas naman na ng kamay si Cloude at napatingin si mamu sa akin.

"Of course!"-Sagot ko nalang.

Pagkaakyat ko sa kwarto ay marami akong natanggap na messages mula kay Vana sa Facebook at voice mails sa phone ko sa kwarto.

Puro pagbati niya ng Merry Christmas and laman ng messages at syempre mga pagbabanta kapag hindi ako inamin sa kanya ang lahat-lahat,  talagang mananagot ako!

Sumagot din naman ako ko ng Merry Christmas at sinuguradong sasabihin naman sa kanya ang lahat.

*Kriiing... Kriiing...*

Nabasa niya kaagad ang message ko? Tumatawag yata siya eh.

"Hello sis!"-Pagsagot ko kaagad.

(Ahh. Sorry. Not your sis.)

Oh-oh?!

Was it him?!

Shemay! Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba at pagkabigla.

"Oh.. Hi.."-Bati ko nalang.

(Sorry, na-naistorbo ba kita?)

Halatang nahihiyang tanong niya.

"Ahm. No.. Not at all.."-Oh goshness! Bakit hindi mawala talaga ang kaba ko kahit kausap ko lang siya sa phone?!

(Ahm..)

Parang nagaalangan pa siya ah.

"Merry Christmas.."-Pambasag awkwardness ko.

(Ugh! Mer-merry Christmas too. Yeah. I call to say that.)

Halata pa rin sa boses niya na parang nagaalangan siya.

Syemay! Bakit parang gusto kong mamilipit!?

"All right.. Thanks."-Parang ako naman ang nagaalangan.

(Ahm.. I just wo-wondering.. If you have something to do or...somewhere to go?)

Oh my! Is he asking me out?! Agad-agad?!

"Ahm.. Actually, yes.. We're going to watch a movie.. With my family."-Takte! Wag na kaya akong sumama kina mamu?! Naman oh?!

Te-teka?! Ibig sabihin ba gusto ko siyang kasama?!

Hindi naman ah?!

(Oh? Ahm.. I see..)

Takte! Ang awkward talaga!

Dapat hindi ba maging friends na kami?! Paano kaya maiaalis ang awkwardness na ito?!

"Ahm... Re-regalo ko ha?"-Pagaalangan kong tanong.

(Ha? Regalo mo?)

Mukhang nabawasan ang pagka-husky sa boses niya.

"Oo! Di ba dapat regaluhan mo ako?!"-Pangaasar ko nalang. As if namang bigyan nga niya ako ng regalo.

(All right.. Where's mine first?)

Oh shoot! Is he taking it seriously?

"Ah, ha? Wala pa nga yung akin, iyo kaagad?"

(Sabagay.. Eh di bili tayo?)

Oh shoot again!

"Sorry, may lakad nga kami."

(Saang mall ba kayo pupunta?)

Why does he want to know?

Sinabi ko nalang kung saang mall kami pupunta para makapagpaalam na ako at makapagayos ng sarili para umalis.

Grabe! Hanggang ngayon hindi pa rin mawala-wala ang malakas na kabog sa dibdib ko na parang gustong kumawala!

*Jingle bell, jingle bell, Jingle bell rock!
Jingle bells swing..
And jingle bells ring..
Snowing and blowing up bushels of fun,
Now the jingle bell hop has begun..
Jingle bell, jingle bell, Jingle bell rock!
Jingle bells chime in jingle bells time,
Dancing and prancing in jigle bell square
In frosty air..*

Nasa mall na kami ngayon nila mamu, kuya Clarence at Cloude.

Grabe din dami ng tao! Parang hindi mahulugang karayom! Talagang paskong-pasko dito sa labas palang ng mall.

"I hate malls."-Cloude mumbled.

"Its okay my baby. You're still gonna enjoy here."-Mamu assured.

Nagpunta kaagad kami ng Director's Club at nakipila sa mga movie. Medyo mahaba ang pila pero okay lang. Nandito na eh.

"Here we go!"-Nagpapapasok na kasi sa sine ng papanuoran namin.

"I'll buy our popcorn!"-I offered.

"The huge one baby!"-Kuya said.

Nananakit na rin kasi ang tuhod ko kasi nakatayo lang ako. Baka kailangan kong maglakad-lakad.

"Miss four giant size popcorn, four soda in can... At saka... Limang piatos!"-Pag-order ko sa snack bar dito sa may sinehan.

"Here mam.. 751 pesos po."-Nakangiting sabi naman ng kahera.

Nagabot ako ng 1000 pesos, since may butal.. Dumukot ulit ako ng piso para naman hindi mahirapan yung kahera magsukli.

"Eto po miss piso."-Pero pagkaabot ko ay kapos ang kuha nung kahera. Botcha lang! Butas kamay?

Nahulog yung piso sa sahig. At wala akong choice kundi kunin yun!

"I'm sorry mam."

"Its okay.."-Pumuwesto ako para damputin ang piso pero...

Susginoo!

Ang sakit!

Shemay! Ang sakit pa rin pala!

My down there still in soreness!

I can't move back to stand. I stay like this for a seconds.

"Mam? Are you okay?"-Tanong na nung kahera.. Oh god!

"Yeah. I'm fine."-I assured.. Dinampot ko na ang piso at tumayo ng maayos kahit para akong naipitan ng ugat banda dun.

Potek! May aftershock pa rin!

Pagkakuha ko ng mga pagkain ay naglakad na ako papuntang sinehan pero wala na sina mamu sa pila. Nakapasok na siguro sila.

"Need help?!"

"Ay kabayo!"

Oh Mother Gothel! He's so scary doing that!

"I'm sorry.. Pfft.."-At talagang gusto pa akong pagtawanan sa panggugulat niya?!

"Darn you! You scared me!"-Saad ko. Bigla ba namang sumulpot sa harapan ko?! Muntik ko na talagang mabitawan yung mga popcorn.

"I'm sorry.. Let me help you."-Hindi pa naman ako pumapayag ay kinuha  na niya ang mga dala kong popcorn at soda. Ako na naghawak nung mga piatos.

"Where's your movie?"-He ask.

"Right there.. Wait? You'll gonna watch too?"-I confusingly ask.

"Nope.."

Hindi ko alam kung matutuwa ako o manghihinayang eh.

"See you then?"

"What?"

"Pagkatapos niyong manuod."-Napapakamot pa siya ng ulo.

"What? Kasama ko sina mamu!"-Baliw ba siya?!

"All right.. I have something for you pa naman."-He teased.

Bakit ganito?!

Parang nate-tempt akong sumama sa kanya?! Dammit!

"Fine! Wait me up."-Nasagot ko nalang sa kanya bago pumasok ng sinehan.

Nako naman oh!

Pagkapasok ko ay mabuti't nasa may unahan lang sina mamu sa itaas na banda ng mga upuan.

"Hey! Have a seat! I can't see!."-Sabi ni kuya Clarence. Pagkakuha niya sa akin ng popcorn, pinapaalis kaagad ako sa kinakatayuan ko.  Salamat ah? Di man lang ako tinulungan sa mga dala ko.

Sinamaan ko lang siya ng tingin kasi pinapaalis kaagad ako sa may harapan niya.

"Trailer palang! Wag kang atat!"-Medyo inis kong sagot.

Naupo na ako sa dulo. Si mamu ang katabi ko lang.

All right. Trailer palang, kalahati na ang nakakain ko sa popcorn ko! Eto daw talaga yung movie eh, climax na yung showing. Tss.

Usod dito.
Usod doon.

"You okay?"-Mamu ask me.

"Yeah."-Sabay ngiti ko ng matipid.

Kanina pa kasi ako galaw ng galaw sa upuan ko. Hindi naman makati ang pwet ko, pero hindi talaga ako mapakali!

Ano bang problema ko? Bakit parang hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko?

Is he still waiting for me outside?

Oh takte!

Am I really concern to him?!

Eh ano naman kung mag-antay siya doon? Sinabi ko bang intayin niya talaga ako dun?!

"Fine! Wait me up!"

Ay oo nga pala! Sinabi ko pala yun. Hehe.

"Mamu, restroom lang po ako."-Pagpapaalam ko kay mamu sabay tayo na.

"All right. The movie will start in couple of minutes.."

Dumaan ulit ako sa may harapan nilang tatlo.

"Fat ass, get out!"-Pangaasar ni kuya Clarence sabay palo ng pwet ko!

Ouch! To the 13th hell!

If he knows how soreness I have been through right now! Dammit!

"Hey!"-I hissed.

Pinigilan ko nalang na mag-react pero sobrang sakit talaga eh! Kaya nagmadali nalang akong makaalis doon.

Nagmadali akong makalabas ng sinehan para i-check sana si pader pero wala na siya.

Sabi na eh. Hindi naman talaga mag-iintay yun para sa akin..

Eh teka?! Ano naman?!

Hindi ako nanghihinayang noh!

Tumalikod na ako at pabalik na ng upuan namin.

"Hoy tigre!"

Rinig ko sigaw sa hindi kalayuan.

Hindi ko alam pero talagang nabuhayan ako sa narinig ko.

Hinarap ko kaagad siya at nakita ko siyang nakatayo sa may gate pass papasok mismo dito sa sinehan.

"I thought, you left?"-I ask.

"You thought it wrong.."-Sabay ngiti niya ng bahagya.

Shemay! Bakit ang tamis niyang makangiti?! Panghimagas na!

Nilapitan ko siya at ngayo'y magkaharap na kami. Ang tanging pagitan namin ay yung gate pass.

"Come with me.."-Walang pakundangang hinigit niya ako papalabas ng gate pass.

"Te-te-teka lang! Saan tayo pupunta?"-Pagpigil ko sa kanya at nahinto naman kami.

"Basta!"

"Teka lang!"-Lumapit ako dun sa bantay ng sinehan habang hawak niya pa rin ang braso ko kaya nadala ko siya.. "Kuya, lalabas lang po ako saglit."-Then tinatakan niya ako sa may kamay ko ng stamp..

Pagkalabas ko ng tuluyan ay nalalakad na kami ngayon dito sa mall.

"Huy! Saan ba tayo pupunta ha?"-Tanong ko sa kanya.

"Ibibili ka ng regalo.. Ayaw mo ba?"-Seryosong sagot niya lang.

Moody?

Pero parang na-excite naman ako. Kahit parang bata lang ako, okay lang. I like presents!

"Talaga? Anong regalo?"-Medyo natutuwa ko ng tanong.

He look at me first then back to our way.. "Secret.."

Nag-make face nalang ako sabay pout.

Pa-secret secret pa ang unggoy na ito!

Takte naman oh?!

Kanina pa itong lakas ng kabog sa dibdib ko! Para bang may hindi mapakaling daga loob! Tsk!

Sa palalakad ay napansin ko nalang na nasa may Apple Store na pala kami.

Titingin pa ba talaga siya ng phone?

"Akala ko ba bibili mo ako ng regalo?"-Takang tanong ko sa kanya.

Nilingon niya ulit ako tapos hinigit na ako papunta sa loob.

"Good afternoon sir, mam.."-Bati sa amin ng lalaki, I think siya yung nag-assist dito.

"Iphone7?"-Mabilis niyang tanong.

Ngumiti naman yung lalaki. "This way sir."-At hinaya kami sa daan.

Pinakita niya sa amin ang pinaka-latest model ng mga iphones.

I'm not that materialistic, although the phone I'd lost was also an iphone model too.

Cellphone ko kaya yun since 2nd year college. Hindi naman ako nagpapalit kapag okay pa ang phone o hindi nawawala.

"Choose yours."-Utos niya sa akin at napaglakihan ko lang siya ng mata sa pagkabigla.

"Seriously?"-Takang tanong ko nalang. Is he going to buy me one of these?! Ganito siya kagalante?!

Nag-nod lang siya na parang bata at mabilis na inilihis ang tingin sa akin.

"I told you I'll buy you a gift. Since its my fault that you've lost your phone, I'll buy you a replacement."

"Sir, since its christmas today, we have a promo.. For every purchase of any apple phones, you'll get free iphone casing."-Nakangising sabat pa nung lalaki.

"Really? Interesting.."-Sagot lang ni pader.

"'Lika nga!"-Hinatak ko siya palayo saglit dun sa lalaki.

"Bibili ka talaga niyan? Wag na kaya? Ang mahal pa ng mga yan noh!"-Bulong ko.

"*smirk!* Its okay.. Its my gift to you."-Pagpupumilit pa niya.

"Wag na sabi eh.. Iba nalang! Wag yan!"-Pagpupumilit ko rin.

"Kapag hindi mo tinanggap yan..."-Nag-pause muna siya at tila nagiintay ako ng sasabihin niya pa.. "Basta! Tanggapin mo nalang!"-Medyo inis niyang sabi pa.

At hinigit na niya ako paharap dun sa lalaki.

"I'll take one!"-Sabi niyang bigla sa lalaki.

"Iphone7 po ba?"

"No! 6! Iphone6 lang."-Sabat ko at tumugon naman yung lalaki bago umalis.

"Iphone 6 lang talaga? Ang hina mong mag-request ah.."

"Tss.."-Sabay irap ko nalang.

"Make it 6splus."-Sabi pa niya sa sales man. Hindi nalang din ako nagreklamo pa.

Pagkadating ng order niya ay binayaran niya kaagad sa counter.

"Sir, please chooce any color and design for your new iphone."-Tapos inilapag nung nasa counter ang mga phone cases.

Madaming pagpipilian, iba-ibang kulay at design. Magaganda naman silang lahat, pero gusto ko kasi simple lang.

"Miss, ito nalang--"-Pagturo ko pa sa napili kong simple black case pero mukhang kahit tumambling ako dito, hindi ako mapapansin ng haliparot na kahera.

Kulang nalang din yata tumambling siya sabay split para lang mapansin ni pader!

Parang biglang nag-init ang ulo at gusto kong manunog ng tao!

"Ah.. Ehem! Ehem!"-Literal kong pagpapansin.

Nilingon naman niya ako, pero mukhang wala pa siya sa katinuan kasi nakangisi pa rin at nakapangalumbaba gamit ang dalawang kamay sa harap ni pader! Potcha! Ano? Pa-cute?!

Etong unggoy naman, dedma lang!

Hindi ko alam kung ine-enjoy niya pa yung pagpapa-cute sa kanya o ano eh!

Lalo tuloy nag-init ang ulo ko! Gusto ko ng silang sunugin!

Humawak pa sa may baba niya si pader na tila namimili pa rin. Sus!

"Miss, eto nalang kukunin ko!"-Inis kong sabi at medyo nilakasan ko na ang boses ko para naman mapansin na ako ng pa-cute na butete.

Napatingin naman sila sa akin, yung kahera walang paki kahit pa tinatarayan ko na pero si pader maang-maangan pa ang animal! Bwisit ah?!

Iaabot ko na sana ang case ng phone sa butete pero bigla niyang hinarang.

"No.. This one.."-Pagabot niya sa butete ng parang pink case na... Na animal print.

"Huy! Bakit pink?! Pambakla?!"-Inis kong saad.

"Why? It suits you.. Tigre pa yung design oh? Look!"-Simpleng sagot niya lang..

"Eh bakit hindi ikaw ang gumamit?! It more suits you!"-Sarcastic kong sagot sabay irap sa kanya.

"Here sir.. Nakabit na rin po namin diyan yung case."-Inabot na sa kanya ng butete yung paper bag ng phone.

Nagpapa-cute pa rin ampotek! Susuntukin ko na talaga ito eh!

Hindi ako nagseselos hah! Naiinis lang ako kasi masyado siyang obvious! Tapos itong isa naman, mukhang gustong-gusto pa! Kadiri!

Napatingin sa akin si pader at mukhang nahahalata na niya ang pagmamaktol ko.

"Hey? Why you look at the cashier like that?"-Bulong pa ng unggoy. Painosente?!

"Shut up!"-Sagot ko lang.

Umayos siya ng tayo at inabot na ang paper bag sa kaherang kita gilagid kung makangiti. Wagas na wagas!

"Thank you sir. Come again. Merry christmas!"-Kulang nalang talaga mag-ispageti pababa at pataas ito sa kilig.

Ano bang meron sa unggoy nito at mukhang type ng lahat?! The hell?!

Teka?! Affected ba ako?! Ngih!

Teka nga! Nakaisip ako kung paano gaganti sa mga ito!

"Thanks.."-Ngumiti ako sa kahera at kinuha then tumingin kay pader na abot tainga ang ngiti ko. Tiningnan lang niya ako ng nakakapagtaka.

"Thanks baby, you're the sweetest!"-Malambing kong sabi sa kanya at sabay kiss sa pisngi niya! Yuck!

At tumingin ako sa kahera na tila nangaasar pa. Hahaha!

Yung mukha ng butete, hindi maipinta sa inis at pagkabigla! Baka sinusumpa na niya ako ngayon sa inggit. Hahahaha!

"Yo-you're... You're.. Wel-come...baby.."-Parang robot naman niya sagot. Nakatulala lang sa akin na tila napako na sa kinakatayuan.

Hahaha! Epic!

Akala niya ah! Manigas siya diyan! Gustong-gusto pang nilalandi ng iba. TSE!!!

"L-let's..go.."-Sabi pa niya sabay hawak sa kaliwang kamay ko palabas ng store.

Pagkalabas namin ng store, hindi ko na talaga mapigilang tumawa ng tumawa!

"Pfft! Whahahahahaha! Kita... Kita mo yung mukha ng kahera?!  Hahahaha.. Ang epic! Gulat na gulat eh! Hahahaha!"-Tuwang-tuwang saad ko habang naglalakad kami.

Tiningnan lang niya ako ng medyo masama.

"So, its just for a show?!"-Parang inis niya tanong.

"Hahaha.. Oo! Iniinis ko lang yung kahera kasi hindi ako pinapansin. Puro ikaw nalang! Para namang wala kang kasama.. Hehehe.."

"Tss.. Don't use me again for your silly plans.."-Sabi niya pero hindi ko na pinansin at tumawa nalang ulit ako.
"Hey! Where's my gift?"-Pambasag niya ng kasiyahan ko.

Natahimik naman ako at nag-isip..

Oo nga pala! Ano naman kayang ireregalo ko?!

"Why don't you kiss me again?!"

Oh goosebumps!

Parang lahat ng balahibo nagtaasan. Pati mga organs sa katawan ko, nag-harlem shake sa nginig!

Biglang kumabog na naman ang dibdib ko at parang gustong sumabog sa init ng pakiramdam ko!

Darn it!

Natulala lang ako ng ilang sandali.

How could he teased me like this?!

"You silly! How could you say that?!"-Inis-inisan kong sabi. Shemay! Hindi niya dapat makitang namumula na ako hiya!

"Then, how could you do that?!"-Medyo sarcastic niyang sagot.

Whoa! Jusmiyo! Balik karma?!

Inirapan ko lang siya at bumusangot habang naglalakad. Bwisit! Nadali ako dun ah?!

"I told you, inaasar ko lang yung kahera! Bakit hindi ka dun magpahalik?! Baka hindi lang halik ang ibigay sa'yo!"-Sarcastic ko rin  sabi.

"Ayoko nga! Gahasain pa ako nun noh! Sayang naman virginity ko!"

Hanudaw?! Virginity niya?!

"Pfft! Hahaha.. Meron ka pa rin nun?! Hahaha.."-Hindi ko mapigilang matawa kahit pa nababanas ako.

"Ay! I almost forgot! You already took it!"

Shit!

"Ugh!"-Napatingin ako sa kanya na talagang hindi makapaniwala! "I hate you!"-Saad ko pa.

At nginitian lang ang ng gago na halatang nangaasar pa! Takte!

Bwisit naman oh! Nag-bounce back kaagad ang karma sa akin! Leshe!

"Hey! I have to go back!"-Seryosong sabi ko sa kanya.

"Not that easy.. Wala ka pa ngang gift sa akin eh.."-Halatang nangaasar pa ang animal!

"Ano bang gusto mong gift?! Anything! Wag lang sex o kiss!"-Diretso kong sabi na may pagkabwisit na talaga.

"Pfft!"-Mukhang matatawa pa ang ugok sa sinabi ko.. "What would you think that I want those from you?!"-Natatawang tanong pa!

"Whatever jerk! Just tell me what do you want?!"-Sarcastic kong sagot. Takteng ito!

"Hmm... Ayokong ako ang mamili eh.. Dapat yung taos sa puso mong bigay.."-Sabay ngiti niya pa.

Oh shemay! Bakit yata wala ng aircon ang mall?! Umiinit bigla eh!

On the other hand, may point nga din naman siya. Dapat talaga taos sa puso ang pagbibigay.

"Fine! Come on!"-Kinaladkad ko nalang siya papunta sa stuff toy shop.

Wala eh! Wala akong maisip!

--------------------------------------------------------------------------

TRAVIS's POV~

Nakaka-badtrip naman.

Akala ko pa naman good vibes na ako kanina pagkalabas ng iPhone store. Akala ko pa naman, sulit na ang ilang libong binayad ko. Hindi pala!

Pagkapasok namin ni tigre sa isang store, tumingin-tingin kaagad siya ng mga stuff toys.

"Hi mam, merry christmas! Welcome!"-Pagharang sa kanya nung lalaking nagaassist yata dito.

Grabe makatingin at makangiti yung lalaki. Parang kakainin si tigre. Tss.

"Eto po mam oh! Cute na cute na husky puppy stuff toys."-Pagabot niya pa ng isang asong laruan. Tss.

"Ahm.. Teka lang kuya ah? Mamimili pa po ako."-Magalang niyang sabi sa lalaki at natahimik naman.

"Sige lang po mam."-Buti nga! Pabibo kasi masyado!

Tumingin-tingin pa si tigre ng mga stuff toys at nagpaiwan nalang ako banda dito sa may entrance.

Ang totoo, wala naman talaga akong paki kung may makukuha akong  regalo o wala. Pero gusto ko talaga yung galing sa kanya. Hindi sa nanghihingi ako ng kapalit, pero basta!

Maya-maya pa ay nilapitan ulit siya nung lalaking pabibo at inalok ulit ng laruan.

Mukhang type pa yata siya nito ah? Nakakapang-init lalo ng ulo ang kakulitan nung gago.

Kahit halatang tinatanggahan niya yung inaalok nung lalaki, pilit pa rin itong sumusunod sa kanya at inaalok pa rin ng kung anu-ano.

Ipakain ko kaya sa kanya ang lahat ng laruan dito?!

Tumatagal pa lalo ang pagpili ni tigre eh! Tsk!

Lumapit na ako sa kanya na nakatalikod sa akin.

Napatingin ako sa lalaki at gayun din siya sa akin pero mukhang hindi ako pinansin. Gago toh ah!

"Baby, you done?"-Sabi ko kay tigre na pinarinig ko pa talaga sa ungas! Tapos pumayakap ako sa kanyang beywang at hinalikan ang ulo niya habang nakatingin sa lalaking mukhang napahiya. Akala niya ah! Papansin masyado eh!

"N-no... N-n-not y-yet.."-Parang nauutal na sagot naman ni tigre.  Nakatalikod pa rin siya sa akin at pumipili-pili. Ganito pala ang  pakiramdam din siguro niya kanina nung hinalikan niya ako sa pisngi doon sa harap ng kahera.

Tumingin-tingin na ako sa mga display, mukhang nahihirapan na yata siyang mamili.

"Eto! E-eto nalang.."-Parang ang awkward niyang kumilos?

Inabot niya sa lalaki yung isang malaking pandang laruan.

Tamang-tama namang may nakita akong mas maganda.

"Eto gusto ko!"-Sabay abot ko sa lalaking papansin yung malaking tiger na laruan.

"Bakit yan?"-Takang tanong naman niya.

"Eh gusto ko ito eh.."-Simpleng sagot ko nalang at kinuha na nung lalaki ang laruan.

"Baby? Kadiri ka! Tss!"-Medyo inis niyang sabi.

"Ikaw ang nauna, may kiss pa! Tss!"-Sarcastic kong sagot.

"Hoy! Jo-joke lang yun!"-Depensa pa niya na halatang  nagmamaang-maangan.. "Saka, ikaw din naman ah? May tsansing pa sa beywang ko!"-Mukhang nahihiya siya pero hindi niya pinapahalata.

Ang cute niya pala kapag ganyan.

Wa-wait?! Did I say that?!

Oh nevermind! Its not what I meant!

Pagkabayad niya ay ako na ang nagdala ng regalo niya sa akin.

Hindi ko alam, pero natutuwa talaga ako ngayon.

"Thanks.."-Nakangiti ko ng sabi sa kanya.

Napatingin siya akin at parang nagtataka.

"Thanks? Thanks lang?!"

Ako naman ang nagtatakang napatingin ulit sa kanya.

"Pagkatapos mo akong kaladkarin para sumama sa'yo, sapilitang ibili ng cellphone at higit sa lahat sa mga pangbubwisit mo, 'Thanks' lang  yun?!"

Hindi ko siya ma-gets?! Kung makapagsalita parang ako lang yun ah?!

"What do you mean?"-I simply ask.

Ngumiti siya ng nakakaloko at tiningnan ako na parang may binabalak siyang masama.

Gulp!

Parang hindi ko gusto ang binabalak ng tigreng ito ah?!

"Bilisan mo pader!"

"Eto na nga oh! Ang bigat mo kaya!"-Reklamo ko.

"Ang arte! Ang weak mo!"

"Palit tayo?!"

"Ayoko! Weeeh!"

Sa dinami-dami ng kalokohang maiisip ng babaeng ito, ito pa talaga ang gusto!

Magpapasan daw ba sa'kin?! Parang bata lang! Tss.

"Dali! Kunwari si superman ka! Weeh!"-Natutuwang sabi niya pa habang naglilikot sa likod ko. Pasaway talaga.

"Eto na nga, Louis Lane!"-Sinabayan ko nalang siya. Hindi naman din ako mananalo dito. "Hold on tight!"

Tumakbo na ako habang nakasakay siya sa likod ko. Itinaas ko pa ang  dalawang kamay ko na parang pakpak ng eroplano at mas binilisan ang  takbo ko.

"Ahh! Doon tayo dali!"-Gustong-gusto pa ang mabilis nakakapit namang mabuti. Haha!

Nakaka-enjoy din palang maglaro na parang bata.

I used to play with Shanelle like this then, but I don't think it would happen again.

"Huy pader! Ano ba?! Bumabagal ka na?!"-Reklamo na ng pasahero ko.

"Eto na oh! Weeeh!"-At nanakbo ulit ako kaya napakapit siya ulit ng mahigpit sa leeg ko.

"Waaah!"

"Wag mo naman akong sakalin! Baka mamatay si superman"-Reklamo ko rin.

"Sa Kryptonite lang siya namamatay, wag kang ano diyan."-Saad niya pa.

"You're like a Kryptonite, dynamite gal.."-Saad ko rin at mukhang natahimik siya.. Ang dali talagang asarin ng isang ito.. Haha.. "Buckle up!" -At nanakbo ulit ako.

"Waaah! Dahan-dahan naman!"-Biglang reklamo niya at napakapit lalo siya sa akin ng mahigpit.

"So? Thanks to this.."-Nakangiting pagpapaalam niya sa akin sabay angat niya ng bahagya sa paper bag na dala niya..

"Thanks..."-Pag-angat ko rin ng paper bag na dala ko.. "Call me.."

Nag-nod lang siya at dahan-dahang naglalakad patalikod papasok ulit ng sinehan.

Hindi kaya magtaka ang pamilya niya na nawala siya ng matagal tagal?

"Merry Christmas pader.."-Nakangiti pa sin niyang sabi.

Takte! Konti nalang, mahuhumaling na ako ah!

"Merry christmas tigre.."-At tuluyan na siyang nawala sa paningin ko..

Akala ko matatapos ang araw na ito na badtrip ako. Pero hindi pa rin pala.

Hindi ko alam but I find myself smiling everytime I'm with her even in just short period of time we knew each other.

I don't know, but I want to keep in touch with her.

Was it just because we had that in unexpected time?

--------------------------------------------------------

CLEO's POV~

"Hey fat ass!"-Sigaw ni kuya Clarence ng madaan ulit ako sa harapan nila. Kanina pa toh fat ass ng fat ass sa akin ahh. Pasalamat siya, hindi ako bad trip ngayon.

"Where have you been baby? The movie was started an hour ago."-Concious na tanong ni mamu ng makaupo na ako sa upuan ko. Oh-oh!

"Ahm.. Ah.. Eh.. Su-sumama po kasi ang...ang tiyan ko po eh.."-Umarte pa akong humawak sa tiyan ko.

"Oh? You okay now?"-Lalong nag-alala si mamu.

"Yeah.. Okay na po ako."-I assured her.

Mabuti at magkakalagitnaan pa lang yung movie. Ganun ba talaga katagal ako nawala?

Pasaway kasing pader yun eh! Bigla-biglang nangki-kidnap.. Tss!

But honestly?

Argh! I don't know.. But I think I find myself ... Happy?

Yeah.. I admit it. I've been so happy for the short period of time with him.

Hindi naman talaga siya mahirap pakisamahan. Makulit din pala minsan. Pero madalas nakakabwisit!

But I like the way how he surprised me and ....

Oh holy golly!

I'm not saying that its okay what he did earlier but..

Hindi ko gusto yun noh!

Hindi ko rin naman sinasadyang gawin at sabihin yun!

Parang nadadala lang ako ng instinct ko.

Oo tama! Nadadala lang ako sa eksena kanina!

Yun lang yun!

Maniwala kayo please!

Pamasko niyo na sa akin!

Kahit napaka-intense ng pasko ko, masaya pa rin naman. Damang-dama ko  talaga ang pagmamahal ng lahat ng tao na malapit sa akin. At syempre,  siguro, isang mabuting tao pa ang nadagdag sa buhay ko.

Even though it's still embarrassing when I'm with him and he gets hit, that's okay because we're still in the end.

-------------------------------------------------- -------------------------------------------------- ----------------------------

(A / N): Don't forget to vote and comment! :)


Follow me:

FACEBOOK / TWITTER / INSTAGRAM / SNAPCHAT

@Koolkaticles

Love lots!

~ KK

Continuar a ler

Também vai Gostar

241K 3.2K 63
Highest Ranked Achieve #78 in General Fiction Hanggang kailan ka magtitiis para sa taong mahal mo? Hanggang kailan ka magpapanggap na okay lang, kahi...
3M 130K 21
(Yours Series # 2) Julienne Salvacion definitely didn't think that she'd reach the age of 32 and still be unmarried. She was sure that she'd, at leas...
7.2K 76 1
Paano kung nanghalik ka ng Patay, not an ordinary dead but a 'Handsome yummy dead' handa ka ba sa consequence ng paghalik mo Then what if, maging Pat...
29K 417 27
Pano kung maging maid ka ng isang aroganteng lalaki? Sabihin na nating Mayabang? Lahat sa kanya kinaiinisan mo pero pano kung lahat ay magbago? 50 Da...