Stuck Between Two Hearts

By firefox_Angel

594 79 62

A girl name Vanilla Rose A. Xavier. She has a very long time ultimate crush. And a boy name Sage William Vasq... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
IMPORTANT ANNOUNCEMENT!!!
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22

Chapter 21

11 3 3
By firefox_Angel

EXPOSED

Vanilla Pov*

Nagising ako nang may kumalabit saakin. Hindi ko pa masyadong mamulat ang mga mata ko nang biglang hinila ako ng kung sino mang gumising saakin. Dahil nga kagigising ko lang kaya nagpahila na lang ako dahil wala pa ako sa aking sarili.


Hindi ko namalayan ay nasa banyo na pala ako at mabilis na hinugasan ng taong nanghila saakin ang mukha ko. Hindi ba niya alam ang salitang hinay-hinay?


"P*TA!!! MALAMIG!!" sigaw ko. 


"I'm sorry, princess.." natatawang sagot ng kasama ko. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita ko si Thorn. Kasama ko pala iyong demonyo. Walang patawad ito kapag may gusto siyang gawin ay talagang gagawin niya. Even there are consequences, he will never back down especially kung alam niyang tama ang ginagawa niya. At sa pagkakataon na ito ay hindi ko alam kung ano ang naiisip niya.


"What are you doin'?" I asked habang hinihilamusan niya ako. Tinatamad akong maghilamos, pagbigyan niyo na ako. Tsaka he is the one who dragged me here kaya bahala siya. 


Pagkatapos niya akong hilamusan na parang bata ay kinuha naman niya ang toothbrush ko at iyong toothpaste. Mabilis niyang nilagyan ng toothpaste iyong toothbrush ko at walang alinlangang nilagay niya sa bunganga ko. Parang wala ng bukas!


"TH-THREN!! BE GENNTLEE!!" 

"I will, baby.."


Ang grabe kasi ng pagkakabrush niya sa mga ngipin ko na akala mo naman ay matatanggal na lahat. At mabuti dahan-dahan na ngayon ang pag-galaw niya. Masakit kaya kapag mabilis! Dapat alam niya iyon lalo't lalaki siya hindi ba?


Nang matapos siya ay nagmumog na ako at pumunta na siya sa pintuan.


"Hurry up!" sigaw niya. Hindi talaga makapaghintay no? Tinitignan pa niya ako sa salamin at nakacross ang kaniyang mga kamay. Mukha pang naiinip ang mokong. Maghintay siya! Ginusto niya ito eh.


Hindi na lang ako nakipagtalo at nagsalita dahil hindi pa masyadong gising ang diwa ko. Ano nanaman kasi ang trip nito? Katatapos lang ng Foundation Day kahapon kaya rest day sana ngayon ngunit sa hindi malamang dahilan, hindi ata aware itong si Thorn dahil ginugulo nanaman niya ang araw ko. Gusto ko pang matulog!!


"Sa wakas after 1 year, natapos ka din." sabi niya pa. Mabilis ko naman siyang inirapan dahil wala pa ngang 20 minutes iyon. May pagka-oa din ito minsan eh.


Lumabas na ako sa banyo at naglakad papunta sa walk-in-closet ko nang biglang tinakpan niya ang bibig ko. Hinarap ko siya at sinamaan ng tingin. Nang nakita niya itsura ko ay natawa siya. Tamo! Tinawanan pa ako! Mabilis niyang tinaas iyong panyo at ngayon natatakpan na niya ang mga mata ko.


" Magtatakip ka na nga hindi pa sakto. Magiging successful kang kidnapper pag-nagkataon." sarkastikong sabi ko sakaniya. Kasi naman imbes mga mata ko ang takpan niya, bibig ko naman ang nadali.


"Hahahaha I'm sorry. " hagikgik niya. Tignan mo mukhang timang lang. Ewan ko kung ano ang nahithit nitong druga kaya siya nagkakaganito. Ayos pa naman ito kahapon..


"Thorn! Anong trip ito??! Hindi pa ako nakapalit ng damit! Damuhog ka!!!"


Pero hindi man lang siya sumagot, bagkus hinila niya ako to God knows where. Hays, hindi na ako natutuwa sa nangyayari ah. Wala akong kaalam-alam sa nangyayari ngayon. Pwede naman niya kasing sabihin kung ano ang nangyayari. Mahirap ba iyon?


"Kanina kidnapper ka, ngayon pipi ka na. Ano susunod? Bulag naman? " sabi ko. "Kanina pa ako may nababangga eh. Umayos ka nga."


 Pero as always, tinawanan niya lang ako. Kunti na lang makukurot ko na siya sa pinag-gagawa niya saakin.

Basta ang alam ko lang ay naglalakad ako ngayon na hindi pa nakabihis dahil naka-pajama pa, hindi alam ang nangyayari at kunting-kunti na lang ang pasensiya kay Thorn.


"ARAY KO!! THORN TAE KA!! NABUBUNGGO AKO!!BE CAREFUL NAMAN BWESIT ITO!"


Dahil every maglalakad ako ay may nabubunggo ako buti na lang hindi babasagin dahil wala pa naman akong naririnig na nabasag. At mabuti nga hawak-hawak niya ako, kung hindi kanina pa ako natumba.


"I'm so sorry Van. I'll be careful na." Tignan niyo nagiging conyo na rin din. Yan sabi niya pero hanggang ngayon ay rinig ko ang maliliit na tunog ng kaniyang tawa na animo'y nag-eenjoy siya sa ginagawa niya saakin. Kaya pambawi ay siniko ko siya at saktong iyong tiyan niya ang natamaan ko.

"OOUCCH! VANILLA!" daing niya at ngayon ako naman ang tumatawa sa aming dalawa.


"Serve you right, Tawa tawa ka pa diyan. Anong trip ba ito? Kanina mo pa iniiwasan ang tanong na iyon." naiinip ko nang sabi sakaniya dahil kanina pa kami naglalakad sa bahay o ewan ko kung asa bahay pa kami ngayon.


"Just trust me okay?"


"Paano?! Hindi mo nga sinasabi kung saan mo ko dadalhin!"


Sa pagkakataon na ganito. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa kokote ng lalaking ito. May paganito-ganito pa siyang nalalaman sa buhay eh pwede naman niyang sabihin na lang. Hindi pa siya mahihirapan kapag nagkataon.


" It's a surprise duh..." sabi niya. " May surprise bang sinasabi?" Sarkastikong sabi niya. O diba, napakamoody din ng lalaking ito? Talo pa ako sa pagkamasungit niya.


"Ewan ko sayo!" yan na lang ang nasabi ko at nanahimik. What is the use of whining kung alam mo namang hindi niya sasabihin di ba? We just need to shut our mouth and not waste all of our saliva dahil useless din lang. Patience Vanilla.....


At iyon nga sa wakas ay tumigil na din kami sa kalalakad. Tinanggal niya ang blindfold na natakip sa aking mata. Pakunti- kunti kung minulat ang mga mata ko dahil masiyadong maliwanag ang napuntahan namin. 


Nang okay na ang patingin ko ay nakita ko ang maraming ilaw o mas tinatawag nilang ring light.  Nakapalibot sa buong silid. Nasa loob pala ako ng guest room namin na pinakamalaki. At nang ilibot ko ang mata ko ay nakita ko ang Glam Team na tumulong at nag-ayos saakin noong pageant. Bakit sila andito?


I turned to look where Thorn is standing. Nakita ko siyang nakatayo malapit sa pintuan. Nang magtama ang aming tingin ay ngumiti siya bago tuluyang lumabas at sinara ang pinto.


WHAT'S GOING ON?


At pagkatapos nang higit isang oras ay tapos na sila sa ginawa saakin. I am now wearing a princess gown. My hair is up in a ponytail tapos kulot-kulot ang dulo ng buhok ko, ang damit na suot ko ay hindi gaano mabigat kaya nakakagalaw pa naman ako ng maayos, ang ganda ng design niya dahil see-through ang tela at kitang- kita iyong iba't- ibang uri ng mga bulaklak na palamuti ng damit, long sleeve style ang design sa braso tapos net na see-through din kaya lumilitaw ang pagkamaputi ko. Para akong isang diwata sa itsura ko ngayon dahil may mga palamuti din sa buhok ko na mas lalong nagpaganda sa buong itsura ko. Nilagyan din nila ako ng accessories pero iyong necklace na bigay ni Sage ay suot ko parin dahil ayaw kong tanggalin tulad ng sabi niya saakin noon. Kinikilig pa rin ako kapag naaalala ko iyong nangyari sa kuweba!


Pero ang nakapagtataka ay bakit ganito ang itsura ko? Prom ba ngayon? Ang alam ko matagal pa iyon tsaka dapat alam ko yon dahil paghahandaan ko talaga pero hindi eh. Anong occassion ba? Meron ba? A sa pagkakataon na ito ay naalala ko na---



"HAPPY BIRTHDAY, VANILLAAAA!!!!"


Yan ang bungad nilang lahat ng bumaba ako sa hagdanan namin. Nasa taas pala ako kanina noong inaayusan nila ako. 


Halo-halong emosiyon ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ang pagtutuonan ko ng pansin dahil sa dami nito. Pero isa lang ang masasabi ko. I'm very happy sa surpise na hinanda nila saakin. Hindi ko iexpect ito at all !At may pagkashunga din pala ako dahil ko man lang alam na birthday ko pala ngayon!! I can't believe it! All this time ito pala iyong tinutukoy ni Thorn saakin kaninang surprise. Ang BOBA KO NGAYONG ARAW SHETTT!!


Pinigilan kong huwag umiyak dahil masisira iyong make-up na nilagay nila saakin kahit simple ng naman ang ginawa nila. Lahat ng kakilala ko andito sila lahat. Sila Mommy at Daddy na nasa gilid ng mini-stage ay nakikita kong pinipigilan din nilang umiyak kaya mas lalo kong pinigilan din ang sarili ko. Mukha naman silang timang hahaha hindi pa naman ako ikakasal eh!!


Habang pababa din ako nakita ko sila Mommy Flo at Daddy nila Sage at Thorn. Magkatabi sila nila Mommy and pati din si Mommy Flo kita kong nagpunas siya ng kaniyang luha at nagtama ang mga mata namin, ngumiti siya kaya nginitian ko din siya. She really is my second mom, I love her...


Kita ko rin sila Jax, Lili, Jam, Kuya Dyran, Troy, Sage at Thorn na naghihintay saakin sa baba. They all look gorgeous!!OMG! Dalaga't Binata silang tignan sa kanilang itsura ngayon. At doon ko napansin ang theme ng party.


 It's MAGICAL!


 Kaya pala para akong isang diwata sa suot ko. Ang ganda ng pagkakagawa nila sa bahay at kita ko din abot sa may labas kung asaan iyong pool ay may mga design din. Ang daming fairy lights sa buong paligid, ang daming mga paru-paro na design na nakadikit sa ding-ding tapos nakasabit, ang mga lamesa at upuan din ang ganda ng pagkakagawa! Hindi ko alam ang masasabi ko sa buong lugar ngayon. Grabe! napaghandaan talaga.


Pagkababa ko inalalayan ako ni Jax na kinurot ko sa tagiliran. " Aray ko Van hahahah Is that the way how you say thank you?" mapagbirong sabi niya. Natawa din ako. "Well then, take it." sabi ko naman.


"Wow nagpabango ka din talaga eh no hahaah" natatawang sabi ko sakaniya dahil amoy na amoy ko iyong pabango niya. At nagulat ako ng nalaman kong Vanilla scent iyon! Kaya hindi ko napigilan ang sarili ko dinikit ko ang ilong ko sa leeg niya. Pero mukhang may binubulong lang ako sakaniya nakakahiya naman kasi sa mga bisita. " Is that my perfume?!"


"Lahat kami nila Lili bumili kahapon habang tulog ka."


Oh that's why!! Pumunta pa pala kami kahapon sa mall ngunit sabi ko sakanila na maiiwan na ako sa sasakyan kasi pagod ako. Nanood din kasi sila ng Foundation Day namin kaya kasama namin sila kahapon. Little did I know na naging pabor pala sakanila ang pagkaiwan ko sa sasakyan dahil nakabili sila ng pabango na tulad ng akin. Which is from WETS collection perfume. 


"Kaya naman pala.." sabi ko nang narealize lahat ng sinasabi nila saakin noon. May mga clue na nga pala silang binibigay saakin noon bakit hindi ko man lang narealize??!! Ang tanga Van!!


Ang ganda! mayroon pa silang pinakitang mga pictures ko sa dalawang projectors. Mga stolen pictures ko! Buti na lang maayos iyong mga nilagay nilang stolen dahil alam ko sa sarili ko na ang pangit ko sa pictures especially kapag stolen ang pinag-uusapan. Feel me?


The party went on, ang ganda. Prepared na pala lahat ito sabi saakin ni Lili kanina noong magkausap kami dahil isa siya sa mga 18 candles ko. Sabi niya, Idea ito lahat ni Thorn which is nagulat ako dahil akala ko idea nilang lahat ito. Pero sabi naman niya tumulong din sila dahil kilala daw naman nila ako at alam nila ang mga hilig ko. Nasabi ko din pala kay Thorn kasi kung anong theme ng party ang gusto ko. Sabi ko sakaniya, 


"Gusto ko iyong magical! Iyong hinding-hindi ko makakalimutan..."


Iyan ang eksaktong sinabi ko sakaniya at hindi ko akalain na tinupad niya iyon even without me knowing dahil syempre siya ang pinakamatagal ko nang kasama, kaya alam ko kung may sinesekreto siya saakin, pero itong debut na ito ay hindi ko man lang napansin!


Kaya noong pagdating ng 18 roses, siya ang unang nagsayaw saakin. Ngiting-ngiti pa siya eh habang papalapit saakin. 


"Bakit hindi mo sinabi?!" unang bungad ko sakaniya. He chuckled because of my reaction. Kaya mabilis ko siyang kinurot , nakakapikon kasi iyong tawa niya! Muntik pa niyang guluhin iyong buhok ko pero narealize niyang nakaayos kaya hindi na niya tinuloy.


"Yeah right, Edi wala nang surprise! Ang hirap kaya itago ito sayo!" 


Natawa naman ako sa sinabi niya. Well, he did his best talaga para itago ito saakin ng hindi ko nahahalata. Ang galing! 


"Thank you...."


Ayan nasabi ko na. Niyakap ko siya ng mahigpit pagkatapos kong mabitawan ang salitang iyon. Wala, ayaw kong makita niya ang mukha ko, kasi malapit ng tumulo ang luha ko. Sadyang pinipigilan ko lang talaga ng mabuti para hindi bumagsak. I'm so lucky to have them in my life!


"You're always welcome, Princess..."


Tapos binalik din niya ang yakap ko. We stayed like that for awhile and then sumunod naman na magsasayaw saakin ay si Kuya Dyran. He look so mature sa itsura niya ngayon, idagdag mo pa ang mapang-akit niyang eyeglasses. Grabe! Ang gwapo ng Kuya namin!


"You look dashing, Van...." sabi niya pagkabigay niya saakin ng roses. 


"Thank you Kuya. You look so.... old." Biro ko sakaniya.

 Sinamaan naman niya ako ng tingin kaya natawa ako. Sabi kasi niya saakin noon, magbiro daw ako all I want pero huwag ko daw idamay iyong age niya hahahah.


"Char! hahhaah You look so handsome Kuya. No doubt, Ang daming nakatingin sayong babae kanina." Pambawi ko at nakita ko ng ngumiti siya. Odiba nakabawi ako.


"Ayan mas maganda." nakisabay din siya sa trip ko.


"Hahahaha so paano niyo ito nagawa?" Tanong ko. Dahil iyon pa ang tanong na gusto kong tanungin kanina pa simula ng malaman kong sila ang mastermind nitong party ko. Pumayag din sila Mommy at sila ang nag-gastos sabi saakin kanina ni Jam noong nag-candle speech din siya. Supportive talaga sila as always..


"Well, ako ang nag-organize ng design ng buong paligid with the help of Lili and Jam ofcourse dahil nga babae, tapos sila Thorn at Sage naman sa guest list dahil nga same school and si Jax at Troy ay sa pagkain. Napag-isipan naming gawing surprise na lang because we want it to be unforgettable experience na mararanasan mo. At mas bet mo daw kasi iyong ganito sabi ni Thorn." 


Napatawa ako pagkasabi niya iyong 'bet' na word. Ang dami na niyang nautunan kila Jam at Lili lalo na sa mga salitang pang-babae hahahaha. Ikaw ba naman kasama mo iyong dalawang iyon naku ewan ko lang.


"Thank you." I said with full of emotion. Wala, thank you lang talaga ang masabi ko dahil sa ginawa nila, sa effort, hindi iyon matutumbasan ng kahit ano mang material na bagay para saakin. Kahit simple lang ang ginawa nila? At may mapagsaluhan lang kami? Ayos na saakin iyon. Edi mas lalo na ngayon dahil sobrang engrande ang ginawa nila. Hindi ko talaga ito makakalimutan.


Pero bakit feeling ko may mangyayari? Hindi ko alam kung ano iyon pero sana mali ang nararamdaman ko. Sana...


Pagkatapos akong isayaw ni Kuya Dyran ay sumunod si Troy. Isa din itong lalaking ito. Ang pogi niya! Sinong hindi mahuhumaling sa lalaking kulot na ito? Yes napansin kong nagpakulot siya ng buhok  at bagay na bagay niya. Mas lalo siyang nagmukhang may lahi para saakin. At hindi ko akalain na nililigawan niya ako. Haba ng buhok ko day! Tignan niyo baka naapakan niyo..


"So what do you think?"


Yan ang bungad niya saakin. Amoy na amoy ko din sakaniya iyong pabango ko. Nakakaadik! Pero ayaw kong madistract ngayon dahil nacoconcious ako sa harapan niya. Eh kasi naman! Ang gwapo din kasi niya. Hindi ko mapigilan kiligin!


"How distracting your looks is... or the party?"


OW SHET!! DID I JUST SAID THAT OUT LOUD! Tae lupa kainin mo na ako! nakakahiya! sabi ko naman na hindi ako gagawa ng nakakahiya eh. Haynako naman Vanilla..


Natawa siya sa sinabi ko kaya mas lalong nag-init ang mukha ko! Nakakahiya talaga! Anong gagawin ko.


"Charot lang- i-ikaw naman. Bagay mo." nauutal kong sabi at tinuro ang buhok niya. Ayaw ko na tuloy magsalita. Bwesit.


"Ah thank you. Ang ganda mo rin. Kaya hindi ako nagkamaling ikaw ang nililigawan ko."


And because of that, I felt my chest is gonna burst  and my cheeks are on fire. Kunti na lang sasabog na ako! Grabe ! si kuya ang lakas mangbola. Sabagay Basketball player.


"You're so cute! " sabi niya pa ang pinisil ng marahan ang pisngi ko. Pafalll!! MYGHAD!


"Stop it hahahaha you also look gorgeous." sabi ko na lang dahil nahihiya na ako na iwan.


At pagkatapos ng sayaw namin na feeling ko wala ng katapusan ay sumunod si Jax na puro kami kulitan lang. Tawa lang kami ng tawa! Pinaikot pa ako ng dalawang beses ng mukong. Buti na lang hinawakan niya ako ng mahigpit kung hindi ay natumba na ako at nakakahiya iyon. Sinabi niya din saakin na ilibre ko daw siya hhaahha diba abnormal?! Pero pumayag na din ako dahil sobra-sobra itong ginawa nila saakin. I will all return all of their effort, I will make sure of it.


And after that, mga kaklase ko ding dumalo ang nagsayaw saakin. Lahat puro kami kwentuhan lang at binati din nila ako at kinograts na din dahil daw sa pagkapanalo ko sa Miss Campus Royalty. Nagpasalamat din ako in return dahil andoon sila to support us at sinabing mag-enjoy sila sa party at huwag mahihiya. 


At after them ay si Daddy Dave naman ang nagsayaw saakin, he is third to the last. Asawa siya ni Mommy Flo at kamukhang-kamukha niya sila Thorn at Sage. Ang Gwapo kaya ni Daddy Dave kaya nainlove si Mommy Flo sakaniya eh! Pero kidding aside. He is also one of the great doctor that I know at syempre ang Family Doctor namin na si Dr. Kat nakita ko din kanina. Sila ang inspiration ko kaya gusto ko din maging Doctor someday, in God's will. At sabi din ni Daddy Dave dahil nga alam niyang gusto ko din mag doctor ay tutulungan niya ako kaya I'm very grateful.


My Dad naman ang sumunod na nagsayaw saakin. Pang- huli daw dapat sila ni Daddy Dave ngunit mas pinili nilang huwag daw dahil ayaw nilang umiyak dahil aasarin lang daw sila nila Mommy Flo at ni Mommy. Ayon pinag-usapan namin ni Daddy ko about sa kukunin ko at sinabi kong gusto kong magdoctor and nagpasalamat ako dahil hindi siya umangal at susupport daw nila ako ni Mommy. As long as kaya ko daw ay okay daw sakanila.


And lastly, si Sage.


"I can't even find a word to describe you right now, Nilla." 


And that again, nagwawala nanaman iyong mga paru-paro ko sa tiyan. Kinikilig nanaman ako! Ano ba iyan! I need to calm down or else makakaihi ako sa kinakatayuan ko ngayon dahil sa  kilig!


"Ang ganda mo din sa paningin-"


Pwede na akong mamatay! Kung ano-ano nanaman sinasabi ko myghad! May sariling buhay na ata itong bunganga ko. Hindi ko naman sinasadyang sabihin iyon eh. Pero wala na! nasabi ko na.


" I mean --" Hindi ko pa natutuloy ang sasabihin ko ng bigla niyang nilagay ang hintuturo niya sa bibig ko which cause me to stop.


"Shhh....Thank you. And I just want to hug you right now. And stay like that for awhile..."


And with that, niyakap na nga niya ako. Nakita ko si Thorn na nakatingin saamin. Nang nakita niya akong nakatingin sakaniya ay he gave me a smile at tumalikod. Masaya ba siya saakin? Pero bakit parang ang lungkot ng mga ngiti niyang iyon? May ginawa ba ako? Bakit hindi niya sabihin hindi ba? Hindi naman ako manghuhula para malaman iyon. Hays ang dami ko tuloy naiisip.


"I don't want this day to end, Nilla. I want to see your smile everyday like how you smile when you walk down kanina sa hagdanan."


Nagstop atang tumibok ang puso ko pagkasabi niya iyon. MY LONG LONG LONGTIME CRUSH IS FINALLY SAYING THIS WORDS! Sinong hindi kikiligin! Ayaw ko na talagang matapos itong araw na ito. Ang saya!!


"I know, bata pa tayo at marami pang darating na mga problema pero I just want you to know that I want to be with you."


Bago pa ako magsalita biglang nag-open iyong projector at nakita ko sila Troy at Sage na nag-uusap. Nagulat si Sage, kita ko sa reaksiyon ng mukha niya. Natataranta siya na ewan samantalang si Troy naman sa gilid ay nakita ko siyang pumunta sa may operator sinasabi niya atang itigil iyong video pero umiling iyong operator kaya napasabunot siya sa sarili niya. Tinignan ko si Sage sa tabi ko at kita ko sa mga mata niya ang takot at pangamba. Bakit anong nangyayari?


"Please Nilla. Let me explain...." sabi ni Sage. Kinabahan ako sa sinabi niya. Ito na ba iyong sinasabi kong masama ang kutob ko? Ito na ba iyon? Hindi ko alam ang gagawin ko. Pati ang mga tao ay naguguluhan sa nangyayari. Ang ganda na ng araw ko eh. At  doon, nakita ko si Anita sa gilid ng isa sa mga projector, nakatayo, nakatingin at nakangisi saakin. 


" Watch." she mouthed.


Kaya wala akong nagawa, pinanood ko ang video nila Troy at Sage. Pero bago nagsimula ang video napaalis na ni Troy at ni Sage ang mga bisita. Ang bilis ng pangyayari. Pati sila Mommy, Mommy Flo, Dad at Daddy Dave ay hindi ko na din makita kung asaan. Anong nangyayari?


(A/n: Way back in chapter 11. Someone's POV)


"Are you insane?" sabi Troy kay Sage and almost punch him. " This was not on the plan." pagpatuloy na sabi ni Troy. Makikita sa mukha ni Troy na sobrang galit siya habang si Sage naman ay nakangisi lang at kalmadong-kalmado.


Anong plan ang tinutukoy nila? Bakit ito nagpliplay ngayon?


At pagkatapos doon ay biglang nag-iba iyong nasa video. May nakasulat doon kaya binasa ko.


"The plan is to make Vanilla fall inlove with Sage." 


Nagulat ako sa nabasa ko. Is that true?!! All this time! Is just an act?! Oo crush ko siya, crush na crush! Pero bakit naman ganito? Paano nila nagawa iyon saakin... Akala ko ba nililigawan nila ako because they want to hindi iyong napag-usapan lang pala lahat...


At pagkatapos ko din basahin ay bumalik iyong video sa magka-usap na sila Troy at Sage. So this is what it felt like to be played. Ganito pala ang feeling na napaglaruan. They should be playing barbie dolls not my feelings tutal mga duwag sila. Grabe akala ko pinakamasayang araw ito. Iyon pala ito ang araw napinaka-sinusumpa ko.


Ang kaninang mga luha ko na pinipigilan kong bumagsak ay nagsisi-unahan na silang makawala. Wala na.. Tumulo na sila.. My tears betrayed me just like how Troy and Sage did.


Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang galit ako at mas galit din ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang alam na ganoon pala iyon! Hindi ko man lang alam na niloloko na pala ako. At mas masakit pa, niloko ako ng dalawang taong akala ko mapagkakatiwalaan ko! Bakit ganoon? May nagawa ba ako sakanila?


"Well, let's see if it will work. And isn't this what you want? I'm helping you here. Just be grateful." Sage said and smirked. Ang Sage na nakikita ko sa video ay ang Sage na hindi ko pa nakikita sa buong buhay ko. Walang emosyon ang kaniyang mga mata. Idagdag mo pa ang malademonyo niyang ngisi. I HATE HIM. I HATE THEM.


Kita kong nagdadalawang isip si Troy sa video pero tumango siya. And that breaks my heart again. Hindi ko na alam. Bakit ang sakit? Sobrang sakit? Akala ko tunay ko silang kaibigan bakit ganito? Lord bakit naman ganito? May nagawa ba ako sayo? As far as I know naging mabuti naman ako ah. Bakit naman ganito...


"Just be careful not to hurt any feelings. I swear I will bring you down." Sabi ni Troy at tumayo. 


And the video shutdown. Just like my feelings. I feel nothing.


Nakita kong lumalapit saakin sila Troy at Sage saakin pero bago pa sila makahakbang ulit ay nagsalita ako, pero feeling ko bulong na iyon eh dahil sa hina ng tunog.


"How could you do that?" 


Yan lang ang nasabi ko at tumakbo na ako. Not minding my beautiful gown at iyong heels na suot ko. Hindi ko pinansin iyong sakit ng ankle ko dahil sa heels. Gusto ko lang umalis! Malayo sakanila , malayo sa lahat ng tao, dahil hindi ko alam ang magagawa ko kapag may nakita ako.


Mabuti na lang dahil napaalis nila sila Mommy at Daddy kanina bago nila nakita iyong video. Alam kong magagalit din sila kapag nagkataon.


Tumakbo ako at nadaanan ko si Anita. 


Sinampal ko siya ng napakalakas at napa-awang ang kaniyang bibig sa ginawa ko. 


"Thank you."


Sinampal ko siya for ruining my day but also I thank her because she is the one who showed me that video. Ang videong sumira ng birthday ko at ng buhay ko. Dahil kung wala iyon ay patuloy pa rin akong binubulag at niloloko ng magagandang salita nila Troy at Sage. 


Tumakbo lang ako ng tumakbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ang gusto ko lang ay mapag-isa. Iyong tahimik na lugar para doon ko isigaw lahat ng hinanakit ko ngayong araw. Dahil sobrang sakit. Hindi ko alam kung totoo ba iyong lahat ng sinabi nila saakin or part of their act. Ang tanga ko!!


Totoo nga ang sinabi nilang, "Sometimes too much happiness can be frightening , because you know it's going to end."

Dahil too much happiness always overflowed into tears of sorrow.


--------

LOVELOTSS...












Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 75.2K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
14.7M 275K 46
PART TWO ON GOING
93.8M 1.1M 88
Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop Fiction, 2013) Adapted in Indonesian for...
35.1M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...