Until We Meet Again (BL) (Wat...

Od WorstAdmirer

226K 8.6K 1K

#Wattys2020 Winner (Paranormal) Bright Kleinford Montez finds himself in a world where no one can see him. Wa... Více

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4 ※
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
#Wattys2020

Epilogue

7.8K 281 96
Od WorstAdmirer

***

3 years after...

HAZE

"Tapos ka na ba diyan, Clar?" tanong ko sa kanya na nagluluto. Ngayon, naghahanda kami. 'Yang niluluto na lang na pasta ang kulang at aalis na kami.

"Wait lang, Haze! Baka masunog 'to!" tawa-tawang sagot ni Clara. Napailing na lang ako. When she's finally done, nilapag na rin niya iyon sa mesa at kumuha ng lalagyan saka iyon nitransfer doon.

Today's a special day for me. A special day to celebrate. That's why I want everything to be perfect.

"Ayan!"

Nang matapos na si Clara ay sinenyasan ko na rin siya para makaalis na kami.

"Ingat kayo sa biyahe, Haze! Pakikumusta na lang ako kay Bright!" sigaw ni Mommy. Ngumiti lang ako. "No problem, Mom. Sige na, we'll go ahead."

Pagkalabas ay nilagay na rin namin sa backseat ang mga dadalhin namin. From flowers to the food to the mat and all.

Napangiti akong napatitig sa mga dinala ko. Umikot na rin ako sa driver's seat at saka pumasok. Tumingin ako kay Clara na kakapasok lang sa shotgun.

She smiled at me and nodded her head. Kaya ayon, nagsimula na akong magmaneho. Syempre, nakangiti. Parang ayaw na ngang mawala ng ngiti sa labi ko, e.

Today is Bright's birthday at nagpasya ako na roon i-celebrate sa puntod ni Bright ang kanyang birthday.

Buong araw siguro kaming tatambay doon. Miss na miss ko na 'yong isang 'yon. Although, once a week naman akong bumibisita, pero namimiss ko pa rin siya.

Naalala ko na sobrang hirap na hirap akong tanggapin ang nangyari. It was not easy. Ang hirap tanggapin na gigising ka sa araw-araw na wala na ang taong sobra-sobra mong mahal and you will be used to waking up without someone by your side.

Clara and I are friends still. Siya 'yong nanatili sa buhay ko for the next two succeeding years. Okay naman kami. Pero no'ng una, syempre, alam kong mahirap sa kanya. Mahal niya ako. And I'm excited for it to turn into minahal niya ako. Kasi, that is better if you'll ask me. Pero I know, it's not easy and it takes time.

Gusto ko ring maging masaya siya. Things have changed really. Sa mga nangyayari kaya it's hard for me na isiping pwede pang maging kami.

Pagkahinto ng kotse, nauna agad ako na lumabas at binuksan ang backseat para kunin ang mga dadalhin namin.

Umikot naman si Clara para matulungan ako. Binigay ko sa kanya ang ibang dadalhin at saka ko siya nginitian at nauna ng maglakad.

Pagkarating sa puntod ni Bright, masaya ako. Napansin ko namang may bagong bulaklak na nakapatong sa puntod niya. Binisita siguro siya ng mga magulang niya. I mean, 'yong tinuturing niyang magulang mula pagkabata.

Masaya rin akong makita na narenovate na ang puntod ni Bright. At ngayon, kumpleto na ang pangalan niya. May Birthdate at Date of death na rin.

Nilapag ko muna sa tabi ang dala at kinuha ang mat saka iyon nilatag sa harap ng puntod niya. Matapos ay umupo na ako. Sa kabila ay umupo naman si Clara na kanina pa tahimik.

Hinaplos ko ang puntod niya at malapad na ngumiti. "Happy birthday, Bright.." I whispered.

"It has been three years since you left me again pero sa puso ko, ikaw at ikaw pa rin Bright," I mumbled, so happily.

Mahirap lumimot. At siguro, wala pa sa bokabularyo ko ang lumimot. Ang kalimutan siya sa ngayon pero I know darating ang panahon that I should bury all the feelings and let him be a memories forever. A bittersweet memories of me.

"Kumusta ka na riyan? Are you good?" kausap ko sa kanya. Kung sasagot siya ngayon, magiging mas masaya pa ako imbes na matakot. Simula ata no'ng nakikita ko siya, parang wala na lang sa akin na makakita ng katulad niya.

'Yong kuwintas na galing kay Clara, nasa akin pa rin. Minsan, sinusuot ko sa bahay, sa kwarto, syempre, umaasa ako na makikita ko siya. It has always been my routine to wear it every night before going to sleep.

"Alam mo, Bright, ang hirap sobra ng ganito. Baka naman, kahit isang araw lang, pakita ka naman!"

Natawa ako sa sarili. Kinukumbinsi ko talaga siya na magpakita sa akin kahit isang araw man lang. Makasama ko siya kahit isang araw man lang.

Bumuntong ako at lumingon na kay Clara na nasa malayo ang tingin. Tinawag ko naman siya kaya agad siyang napabaling sa akin.

"Seryoso mo," puna ko.

Pero tumawa lang siya. Dumako naman ang tingin sa nakalatag ng pagkain. Ngumiti akong kumuha ng plato at naglagay ako ng pagkain.

Naglagay ako ng lahat ng pagkain na dala namin ni Clara sa plato pagkatapos ay nilapag ko 'yon sa puntod.

"Ayan! Ubusin mo 'yan, ah! Birthday mo naman, e."

Bumalik naman ako sa mga nakalapag na pagkain. Kumuha rin ako ng sarili kong plato at naglagay na rin ng pagkain doon at saka kumain.

"Let's eat," pag-aya ko sa kanya.

She nodded and get herself a plate at nagsalok na siya ng gusto niyang kainin. We eat silently while looking at the surroundings.

After we eat, syempre, hindi makakalimutan ang cake. Nilagay ko iyon sa puntod ni Bright. Sinindihan ko na rin ang kandila nito.

"Ayan! Let's sing together!"

Nang matapos kami sa pagkanta, ako na pumatay sa apoy.

"Happy birthday, Bright! I hope you're doing well right now. Nandito ka kaya?" tanong ko. Luminga-linga pa ako to find him pero nadismaya lang ako ng wala akong makita kundi kami lang na nandito. Kami lang na nagcecelebrate ng birthday niya.

Matapos ay nag-slice ako ng dalawa sa cake at binigay ko kay Clara ang isa saka kami kumain. Matapos no'n ay humiga naman ako and Clara did the same thing I did, tahimik.

Ang ganda ng panahon. Ang mga ulap na gumagalaw sa pag-ihip ng hangin. They sure are so calming to watch.

I closed my eyes and be drowned by the good memories that we had together. That I and him had together.

"Bilisan mo Haze!" tawag sa akin ni Bright na ang bilis tumakbo.

Papunta na kami ngayon sa main gate ng university. Malilate na kami. Pagkapasok at pagkapakita namin ng ID namin, hinila na ako ni Bright patakbo sa college.

Napatingin naman ako sa mga kamay naming magkahawak pero hindi ko na pinansin iyon.

Nang makarating kami sa tapat ng nakasarang pinto, nagkatinginan pa kami.

"Huwag na lang kaya tayong pumasok?" suhestiyon ko kasi alam kong pagagalitan lang kami ni Ma'am Alver nito.

"We need to, Haze. May quiz ngayon." Nagulat ako. "May quiz?" Ba't wala man lang akong alam?

Tumangu-tango lang siya. I sighed at tinanguan ko lang siya nang pinihit na niya ang pinto.

Pagkabukas ay tumama kaagad sa amin ang mga mata ni Ma'am Alver.

"Oh, you're too early for dismissal. You guys are 30 minutes late!"

Yumuko si Bright. Siya rin pala 'tong tiklop kaya wala akong nagawa kundi magsorry lang kay ma'am. Pero ang masaklap, we can't take the quiz anymore.

"Oh!" lapag ko sa harap niya ng burger at C2.

"Sayang at hindi tayo nakapag-quiz. Thirty items pa naman 'yon," reklamo niya.

Umupo rin ako sa tabi niya at binuksan na ang burger na binili ko saka kinagatan. Kasalukuyan kaming nandito sa benches malapit sa soccer field.

Dito kami minsan tumatambay kapag may 1 hour or 2 hours break kami.

Humarap siya sa akin bigla at inabot sa akin ang burger. "Oh, anong gagawin ko riyan?" takang tanong ko. Alangan naman na ibigay niya, e, may kinakain pa naman ako.

Ngumisi siya. "Subuan mo ako."

Napailing ako. Parang bata. First year college ba 'tong isang 'to? Parang hindi, e.

Binuksan ko na ang burger niya at tinitigan siya na naghihintay.

"Nganga," utos ko.

Mabilis naman siyang sumunod kaya nilapit ko sa bibig niya ang burger at pinakagatan ko iyon sa kanya.

Pagkaalis ng burger ay may mayonnaise na naiwan sa gilid ng labi niya kaya natawa ako.

Nilapit ko ang kamay ko at pinunasan iyon. He just mumbled thank you to me  that made me shake my head.

Cute.

Nang matapos ang araw, sabay kaming umuwi. Since may sasakyan na ako, lagi ko siyang sinasabay sa akin. Lagi ko rin siyang sinusundo every morning. Ito 'yong lagi kong ginagawa.

Pagkarating sa bahay, nauna na agad siyang pumasok. Kita mo, parang siya may-ari ng bahay. Feel na feel at home. Pero siguro dahil lagi siya rito sa amin. Si Mommy, wala namang problema. Actually, close nga si Bright at si Mommy.

Bata pa lang ay magkasama na kami ni Bright. Matalik na magkaibigan.

"Sa tree house?" aya ni Bright sa akin pagkapasok niya sa kwarto ko. Sabado ngayon at walang klase. Pero busy naman ako sa ginagawa kong assignment.

"Busy ako, Bright," sabi ko at pinakita sa kanya ang hawak kong yellow paper.

Padabog siyang humiga sa kama ko. "Ano ba 'yan, Haze. Mamaya na 'yan. Marami ka pang time, oh! 'Di ko pa nga nagagawa akin, e."

Wala na akong nagawa kaya binitawan ko ang ballpen at saka siya nilapitan at hinila na palabas.

"Teka lang." Napahinto ako at napalingon kay Bright. "Bakit?" I asked.

Nakita kong sinalikop niya ang kamay naming dalawa at sa isang iglap, lumakas ang tibok ng puso ko nang hindi ko inaasahan.

Pero ipinilig ko lang ang ulo ko at hindi na pinansin ang kaisipang iyon.

When we reach the tree house, sabay kaming dalawa na humiga. Inayos ko pa ang unan ko. Kinuha naman niya ulit ang kamay ko at sinalikop iyon sa kanya.

Hindi ko alam pero this felt so warm in the feeling. His hold.

"Bakit mo ba laging sinasalikop kamay ko sa'yo?" tanong ko.

Bahagya ko naman siyang tiningnan.

"Wala lang. Bagay kasi, e. At saka..." he stopped at napansin kong parang nagdadalawang isip pa siyang sabihin ito. Pansin ko rin na namumula ang tenga niya.

Dumapa ako para mas matignan ko siya pero umiwas lang din siya sa tingin ko. Ano ba 'yan!

"At saka?" I reiterated.

Bumuntong siya. "G—Gusto kita..."

Hindi ko kaagad inasahan ang pag-amin niya sa akin. Hindi ko in-expect iyon. Pero matapos nang sinabi niya, nakatitig lang ako at hindi agad nakapagsalita.

"Huwag mo ng pan—"

I cut him off by placing my forefinger on his lips.

I sighed. "Kelan pa?" tanong ko sa kanya. Nakaupo na kami ngayon and he's playing with my hand.

Nag-angat siya at umiling. "I don't really know when did this start. Pero siguro, months already?" paliwanag niya.

Although, I feel the same of him, pero gusto ko munang sabihin niya kung paano nagsimula bago ako umamin.

Pero natutuwa ako. Syempre, masaya kasi magkapareho kayo ng nararamdaman.

"Paano nagsimula?" I asked again.

He pouted. "Haze naman, e. Ano na sagot mo?"

Tumawa ako. "Sagutin mo na kasi ang tanong ko."

He sighed and nodded. "Fine. It started this no'ng high school pa tayo. I mean, crush lang naman kita noon. Pero no'ng time na 'yong inalagaan mo ako no'ng nagkasakit ako last year, doon na. My feelings grow."

Ngumiti ako at hinigpitan ang hawak sa kamay niya.

Unti-unti kong nilapit ang sarili sa kanya until we're an inch apart.

Hindi siya makagalaw. Mas lumapit pa ako, nakatitig lang sa labi niya.

Lumunok ako and partly open my mouth. Nilapat ko ang labi ko sa mainit niyang labi and we stayed like that for a bit bago ko siya hinawakan sa leeg at ginalaw ko na ang labi ko so I can kiss him better. I even angled him sa paraang mas magiging maganda at komportable kami sa isa't isa.

Before pulling myself back, I nibble his lower lip. Natawa naman agad ako when we moved apart.

Nakatitig naman siya sa akin na hindi makapaniwala.

"A—Anong ibig sabihin no'n?" tanong niya.

I shrugged and laughed. Sumama naman ang tingin niya so I laughed even more.

"I like you, too," I just simply said it.

And with that, tuwang-tuwa siya and he even hugged me. I felt so warm inside.

Then I realized, it was not anymore like.

It was love.

"Haze..."

Unti-unti kong minulat ang mata ko pagkarinig kong may tumawag sa akin.

Bumungad kaagad sa akin si Clara.

"Maggagabi na," sabi niya. Mabilis akong bumangon at malapit na ngang maggabi. Hindi ko man lang namalayan. Matagal pala ang nagawa kong pagtulog. Tumayo ako at tinulungan ko si Clara sa pagligpit ng mga gamit.

Pinauna ko naman siya sa sasakyan kasi kakausapin ko pa si Bright.

Nang maiwan akong mag-isa, I seated in front of his grave.

"Bright, happy birthday again! Sorry at nakatulog ako kanina," pagpaumanhin ko na bahagya pang natatawa.

Hinaplos ko ang lapida niya.

"Miss na miss na kita pero alam kong balang araw, magkikita rin tayo. Sige na. Kailangan ko ng umuwi."

Tumayo na ako at nagpaalam pang muli at naglakad na papunta sa sasakyan.

Pero habang nagmamadali ako papunta sa sasakyan, dahil hindi ako nakatingin sa dinadaanan, may nakabunggo ako.

Mabilis ko kaagad na kinuha ang nahulog na dala niyang mga kandila at siguro pagkain.

When I rose up, nagtama kaagad ang mga mata namin. Ngumiti ako nang kaunti at inabot sa kanya ang dala niya and when our hands touch each other, biglang kumabog ang dibdib ko.

"S—Salamat," sabi niya.

Naiwan naman ako roon na nagtataka. There's a familiar feeling when our hands touch na hindi ko lang alam kung ano.

Sa pag-uwi, iniisip ko pa rin 'yong lalaki na nakabungguan ko.

I was just bothered kasi may kakaiba, e. Mayroon talaga.

Kakaibang pakiramdam na hindi ko maalala kung saan ko naramdaman.

Familiarity.

Nakakabaliw na 'to.

Bumangon ako at naglakad papunta sa veranda at sumandal lang ako sa railings habang nakatingala sa kalangitan, thinking of it.

Bakit ko ba pinag-aaksayahan ng oras iyon?

Umiling ako at bumalik sa loob. Kinuha ko naman 'yong kuwintas sa drawer sa mesa sa tabi ng kama ko.

Pagkabukas ko, 'yong bracelet agad ni Bright ang sumalubong sa akin. Kinuha ko iyon at napangiti na lang. Ito lang ang naiwan niya bago niya ako iwan.

Sinuot ko kaagad iyon at pinagmasdan sa kamay ko. It looks good on me.

Hinanap ko naman ulit ang kuwintas at nang makita ko, agad ko iyon sinuot. At the usual, I roamed around the room hoping to see him pero nadismaya lang ako kasi wala siya.

Gabi-gabi ganoon. Umaasa pa rin na babalik siya kahit malabo na pero who knows, 'di ba? Baka maghimala at magpakita na lang sa akin nang biglaan.

Natulog na rin ako matapos nang gabing iyon.

*

Nagdadrive na ako papuntang mall. Nagdesisyon akong magliwaliw. I tried inviting Clara pero busy siya kasi ngayon darating ang parents niya. Kaya mag-isa ako ngayon.

Pagkapark ko sa parking lot ng sasakyan, deretso na agad ako sa loob. Syempre, una kong pinuntahan ay ang fave fast food na lagi kong kinakainan. Ang jollibee. Noon, I remember, kasama ko pa si Bright na kumakain ng fried chicken, pero ngayon, ako na lang talaga mag-isa. That's just so sad, right? Siguro, ganoon talaga.

Kumagat ako sa fried chicken na hawak at napatingin sa kaharap kong upuan.

Should I just imagine na nandito pa rin siya?

Umiling ako at muling kumagat sa kinakain.

After eating at Jollibee, sunod naman na pinuntahan ko ay ang ice cream store. Medyo hindi ganoon karami ang tao sa loob kaya deretso na ako sa counter at agad nag-order ng dalawang chocolate ice cram. Pero ang isa ay double dutch. Pagkakuha ko ng order ko at akmang pupunta na sa bakanteng mesa, in an unexpected moment, may nakabunggo na naman ulit ako dahilan para malaglag ang ice cream sa sahig. Nanlaki naman ang mata ko ng mapatingin sa damit ng nakabunggo ko. Natapunan!

Tumingin ako sa nabunggo ko at mas nanlaki na lang ang mata ko upon realizing who it was.

He was person that I've met yesterday.

Kumabog agad ang dibdib ko. Anong ibig sabihin nito.

"S—Sorry," pagpaumanhin ko. Inabot ko rin sa kanya ang panyo ko at pinunasan niya ang damit niya. Nakangiwi naman akong nakatingin. Nilinis naman din agad ng mga staff ang sahig.

"Let me help you. Let's buy something you can wear."

Hindi na siya tumanggi at tumango sa akin. Nauna na akong naglakad at nararamdaman ko naman ang presensiya niyang nakasunod sa akin.

Pagkarating namin sa bench, bumili lang ako ng simple blue shirt at agad ko iyong binigay sa kanya.

"Samahan na kita magbihis," sabi ko.

Napatitig naman siya sa akin at nang marealize ko ang sinabi, mabilis na umiling ako.

"I mean, samahan kita sa banyo," pag-ulit ko sa sinabi at muli lang ulit siya na tumango. Habang nakasunod sa kanya, hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng hiya. Nakakahiya naman kasi talaga 'yon.

Pero itong pakiramdam talaga na nararamdaman ko ngayon, this is so familiar. The beating of my heart, hindi ko maipaliwanag kung bakit.

Nang makapasok na siya sa banyo, naghintay lang ako sa labas. Naiinis na rin kasi naghaharumentado na talaga ang puso ko.

For the past three years, ngayon ko lang naramdaman ang kakaibang pakiramdam na ito.

Nang makalabas siya, ngumiti siya sa akin.

"Salamat..." he paused. Getting the cue, I introduced myself.

"I'm Haze," pagpakilala ko sa sarili.

He nodded. "Okay. Salamat Haze..."

Tumango naman ako.

"And by the way, I'm Bright... I'm Bright Lorenzo Javier," he introduced himself that stopped me for a moment.

Kumurap-kurap ako.

Tama naman ang pagkakarinig ko 'di ba?

"B—Bright?" hindi ko mapigilang mapatanong.

He nodded and smiled widely.

"Yes... I'm Bright.."

Hindi ko alam pero mas lumakas ang tibok ng puso ko at sa hindi malamang dahilan, tumulo ang luha sa mga mata ko.

In a swift move, nasa bisig ko na siya, mahigpit ko na siyang niyakap.

"I missed you so much..."

Alam kong darating ang araw na 'to. Alam kong darating ang araw na magkikita ulit kami. Alam kong ang araw na iyon ay ngayon na.

At gaya ng pinangako ko, this time, we'll be together again and we'll make us work out.

I'll promise that this time, we'll be happy again.

And it will be forever and ever.

***

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

134K 5.8K 61
Teenage Paranormal Detectives are a group of students that tackles different paranormal mysteries and entities while juggling their teenage everyday...
13.6M 607K 32
Sikat siya at hindi ka niya kilala. Kaya bakit sa dami ng taong nakapaligid sa kanya, ikaw na walang kamalay malay ang minumulto niya? THE JERK IS A...
135K 3.8K 10
(COMPLETED/ BOYXBOY STORY!) Si AQUANO ay isang sireno na nabibilang sa Unda-e o mga dugong bughaw sa Aquatika-- isang kaharian sa ilalim ng karagatan...
39.6K 3.5K 69
Cursed Stories #2 | Mistakes are unintentional, but you pay for it. *** An epistolary, short story. "Order now, die later." When a stranger was added...