Until We Meet Again (BL) (Wat...

By WorstAdmirer

226K 8.6K 1K

#Wattys2020 Winner (Paranormal) Bright Kleinford Montez finds himself in a rather unusual situation--living i... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4 ※
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Epilogue
#Wattys2020

Chapter 30

5.2K 227 52
By WorstAdmirer

FINAL CHAPTER

BRIGHT

Unti-unti kong itinaas ang kaliwang kamay ko. Unti-unti kong nilapit sa mukha ni Haze.

Kaunting agwat na lang. Mahahawakan ko na siya.

Hanggang sa lumapat na nga ang kamay ko sa pisngi niya. I caressed it. Tumulo naman agad ang mga luha sa mata ko sa saya. Finally! Nahahawakan ko na talaga siya. Kumunot naman ang noo ni Haze at marahan niyang binuksan ang kanyang mga mata.

I smiled at him. Titig na titig naman siya sa akin. Nagtataka sa nangyayari.

"I—I can now touch you..." I mumbled so happily.

Unti-unti niyang nilapit ang kamay niya para hawakan ako sa mukha hanggang sa maramdaman ko ang mainit niyang kamay na lumapat sa pisngi ko. Mas lalo lang na bumigay ang mga luha ko. I've been waiting for this moment. That I can finally touch him. Hold him.

"Paanong..." hindi makapaniwalang sambit niya. Mabilis siyang bumangon at humarap sa akin.

"N—Nahahawakan na ba talaga kita?" natawa naman ako kasi dalawang kamay na niya ang nakahawak sa pisngi ko.

Inabot ko rin ang kamay niya na nasa pisngi ko, hinawakan at hinaplos iyon.

"Yes, Haze. Nahahawakan mo na ako..." masayang saad ko.

At sa bilis ng pangyayari, nasa bisig na niya ako ngayon. Ramdam ko ang init ng yakap niya. Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya. Ramdam na ramdam ko rin ang pag-iyak niya sa balikat ko.

"Mahal na mahal kita, Bright..." bulong niya. Napaiyak naman ulit ako pero this time, hinayaan ko lang ang mga luha kong magsitulo. Umiiyak ako hindi dahil nasasaktan ako. Umiiyak ako kasi sobrang saya ko. Sobrang saya ko sa nangyayari.

Matagal ang nagawa naming yakap at nang bumitaw siya, siya na mismo ang nagpunasa sa luha sa pisngi ko.

"I can't believe this, Bright," nakangiting sambit niya.

His stares then became intent. Nasa pisngi ko pa rin ang kamay niya, caressing it gently while staring at me still. Lumunok ako nang lumunok siya.

Anong iniisip niya?

Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya, too close that I can already feel his breathing. Sa hindi malamang dahilan, naipikit ko na lang ang mga mata ko, it's as if I know already what will happen until I felt a soft thing touched my lips.

His kiss were so gentle. Kinawit ko naman ang kamay ko sa leeg niya. Ginawa ko ang ginawa niya to deepen the kiss. I opened my mouth and he nibble my lower lip and I did the same thing to his. Our kiss was full of love and sincerity. Nang dahan-dahan na siyang humiwalay, saka lang ako nagmulat at mata niya agad ang sumalubong sa akin. Mga matang nagsasabing mahal na mahal ako.

Hindi ko alam kung ilang minuto iyong tinagal ng halik namin basta ang alam kong parang namaga na ang labi ko.

Bumaba naman ang kamay ko sa kamay niya na nakasalikop na sa isa kong kamay. Napangiti ako.

"I've been praying and wishing for this moment. Kung saan mahahawakan na kita, and this happened at hindi ko mapaglagyan ang tuwa sa puso ko, Bright. I'm just so happy!" dinama niya ang dibdib niya.

Pareho lang kami. We've been waiting for this moment like ever. At heto na nga, dumating na ang araw na 'to.

Tumayo ako at naglakad. Ginaya niya naman ako hanggang sa malapit na kami sa dulo ng tinatapakan namin. My eyes are glued to the sun setting down.

"Palubog na ang araw," bulalas ko.

Bumuntong naman ako at sinandal ko ang ulo sa balikat niya. Mauulit pa kaya 'tong pagkakataong ito? Pero sana maulit pa.

"Ang saya ng araw na 'to, Bright."

Oo. Sobrang saya Haze. Memorable ang araw na 'to sobra.

"This is the best day for me!" he somehow shouted in happiness. It even create an echo.

Nanatili lang kami nang ilang minuto roon, nasa ganoon puwesto bago kami nagpasyang bumaba. Nagtext naman si Haze sa guide at sinabing pababa na kami.

Pinauna ako ni Haze sa hagdan bago siya sumunod. When we finally reached the ground, he held my hands tightly at hinintay lang namin ang guide.

Nang makita na namin ay nagsimula na kaming maglakad syempre nakasunod pa rin sa kanya.

Pansin ko naman na sa lakad namin, parang hindi na ata balak ni Haze na tanggalin ang hawak sa kamay ko sa sobrang higpit nito. Lihim na lang akong natawa sa ginawa niya.

Nang makababa na kami nang tuluyan, nagpasalamat lang kami kay kuya bago kami dumeretso sa sasakyan.

Pagkapasok ko sa loob ng sasakyan, sobrang laki ng ngisi ni Haze kaya natawa ako.

"Tuwang-tuwa ka, ah?" puna ko sa kanya.

Inabot naman niyang muli ang kamay ko at pinatakan iyon ng isang halik bago hinawakan nang sobrang higpit.

"Sobra, Bright. Sobra pa sa sobra akong masaya. Sa mga nangyayari ngayon, who wouldn't be happy?" saad niya, galak na galak.

Napabuntong na lang ako at binawi ang kamay ko dahilan para mapanguso siya.

"Ba't mo binawi?" tanong niya, nakanguso pa rin.

Humalakhak ako. "Magdrive ka na. Let's go home already! Tignan mo oh, wala ng araw. Gabing-gabi na."

"Oo na," ngiting tugon niya at pinaandar na ang sasakyan. Sa buong biyahe, sobrang tahimik ko lang pero malapad ang ngiti ko.

Hanggang sa makarating na kami sa bahay. Lumabas na agad ako at papasok na sana nang pigilan niya ako sa paghila at this time, nasa mga bisig na naman niya ulit ako.

"Parang hindi ata ako magsasawang yakapin ka nang ganito, Bright" he chuckled.

Napailing ako. "Talaga?"

He chuckled again. "Oo"

Yumakap ako pabalik sa kanya and I closed my eyes feeling this moment. Feeling him embracing me so tight.

In the middle of hugging me, he started moving kaya sumabay ako sa mga galaw niya and we're swaying together while on each other's embrace.

Nag-humm naman siya ng isang kanta para maging musika namin. While we continue swaying, hindi ko na napigilan ang sariling hindi mapaiyak. Mas niyakap ko pa si Haze at sinuksok ko ang mukha ko sa leeg niya and cried silently there.

Parang ayaw kong matapos ang pagkakataong ito. Parang ayaw kong umalis sa tabi niya. Mas hinigpitan ko lang lalo ang pagyakap ko sa kanya. I don't want to leave yet. I don't want to hurt him again. I don't want to hurt myself. I don't want to experience the pain anymore. Pwede bang ganito na lang kami palagi?

But... how? Paano? I can only wish for that to happen.

Nang dahan-dahan siyang kumawala, mabilis kong pinunasan ang basang pisngi at mga matang walang tigil sa paglalabas ng mga luha.

Tumawa na lang ako nang maramdaman ulit ang mga luha sa pisngi. Pero siya na agad ang nagpunas nang mga luha ko at pinatakan ako ng halik sa noo.

"Tara na?" pag-aya niya sa akin so, I nodded.

Pagkapasok sa kwarto niya, humiga lang ako sa kama niya at tahimik na tumitig sa kisame.

Napansin ko naman si Haze na tinanggal ang suot na damit at tanging boxers na lang ang naiwan sa kanya. Sinusundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makapasok na siya sa banyo.

Habang nanatiling nakahiga, pinaglaruan ko ang labi ko hanggang sa bumangon ako at saka inabot ang orasan. "Nine in the evening," sambit ko. Binilang ko naman kung ilang oras na lang ang natitira bago mag-twelve. Bago ang oras. Oras ng pamamaalam ko.

I did lie to Clara. I did lie to Haze. I did lie to myself. Siguro, hindi ko inisip na mawawala na ako. Na ngayon, permanente na akong mawawala when the clock strikes at twelve. Siguro, sa isip ko, baka hindi talaga ako mawala at 'yon ang pinaniwalaan ko. Kasi ayokong isipin na lilisan na talaga ako pero maybe I need to accept what will happen now.

Kaya bago man ang lahat, gusto kong sulitin at gawing memorable ang huling araw ko and I did it. Nagawa ko itong memorable for Haze and for me and at the same time, it was a sad moment for me.

Ngayon na may tatlong oras na lang ako, I want to spend it with him. Kahit ano na lang gawin namin basta kasama ko lang si Haze bago ako maglaho, iyon na ang pinakaimportante sa akin ngayon.

Nang lumabas na si Haze sa banyo, nakaisip ako ng plano. Kinuha ko ang isang unan at binato ko iyon sa kanya kaya natigilan siya.

"Para saan 'yon?" nakangisi niyang tanong.

Hindi ako sumagot and just gave him a smirk bago ako tumakbo at nang humabol siya, nagpaikot-ikot lang kami sa loob ng kwarto. Tawang-tawa naman ako.

"Kapag nahuli kita, makikita mo Bright!" nakangising banta niya sa akin kaya medyo kinabahan ako.

Nagpatuloy ako sa pagtakbo hanggang sa huminto muna ako. Huminto naman siya. Kaya ang ginawa ko lang ay umatras hanggang sa mahuli niya ang palapulsuhan ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang buhatin niya ako.

"Haze!" sigaw ko habang tumatawa.

Dinala niya ako sa kama at binagsak doon. Tawa naman ako nang tawa hanggang sa huminto rin ako nang tumabi na siya sa akin at hapitin ako para yakapin nang sobrang higpit. Pinaunan din niya sa akin ang braso niya and then he closed his eyes. Dahil nakaharap ako sa kanya, pinagmasdan ko lang ang maamo niyang mukha. Pinagmasdan ko ang makakapal niyang kilay, mataas niyang ilong, at mapupula niyang labi. Napansin ko rin ang butil ng tubig sa pisngi niya. Hindi ba naman kasi nagbihis.

Napailing ako. I traced his forehead with my hand down to the bridge of his nose and down to his soft lips.

Unti-unti naman niyang minulat ang mga mata niya kaya nakahinto lang sa labi niya ang hintuturo ko. I felt his hand held my pulse and showed me his damn sweetest smile.

Mas nilapit niya naman ako sa katawan niya kaya nasa may dibdib na niya ako ngayon,  and I can feel his heart beating.

Mas niyakap ko lang siya and we stayed on that for a while bago ko siya tinulak at sinabihang magbihis.

"Kiss muna!"

Tinawanan ko lang siya. "Kiss mo mukha mo!"

Napailing siya at kumuha na ng masusuot. Nagsuot lang siya ng grey shorts at black sleeveless shirt. With the smile that he's wearing, he looked so damn hot.

Umiling ako at naglakad papunta sa maliit niyang veranda. Kaunting oras na lang pala. Kinapa ko ang dibdib kong nagsisimula ng bumigat. Pwede bang pahintuin ang oras? I just want to be happy with him. I don't really want to leave. Kung sana pwede kong pahintuin ang oras para mas matagal ko pa siyang makasama.

Tinignan ko ang bracelet ko. Pwede bang kahit ngayon lang, bigyan niyo ako ng chance na mas makasama pa si Haze?

Sumandal ako sa railings at tumingala sa langit. Andaming mga bituin. Mapakla akong napangiti. Ganito ba magtatapos ang lahat sa amin?

I shrugged. Siguro.

A hand snaked around my waist. "Let's go inside," bulong niya. Pero umiling lang ako. "Ayaw."

Ramdam ko na nakasimangot siya ngayon kaya lihim akong napatawa.

"Bakit?" tanong naman niya.

"Gusto ko muna tumambay rito. Tignan mo nga ang langit, oh, ang ganda," sabi ko. Tumingala naman siya at napako sa buwan. Kumawala siya sa yakap at tumabi sa akin na hindi inaalis ang titig sa buwan.

"Bilog na bilog ang buwan, 'no?"

Nakatitig lang ako sa kanya na nakatingin sa buwan. Ngumiti ako. Nang humarap siya sa akin, mabilis ko siyang binigyan ng isang halik na nagpagulat sa kanya.

Nanatili siyang nakatitig sa akin nang ilang segundo bago niya nilapit ang mukha sa akin until our lips met each other again.

Sa hindi malamang dahilan, napaiyak ako. Our kiss was so gentle and full of love. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako na iiwan ko siya. Mahal namin ang isa't isa pero siguro, nangyari ang pagmamahalan sa maling pagkakataon.

When he pulled back, hinabol ko ang hininga ko. At sabay na lang kaming natawa at sabay kaming pumasok sa loob. Mabilis naman agad akong sumampa sa kama at agad naman siyang humiga sa tabi ko. He held my hand at hinapit ako papalapit sa kanya.

He closed his eyes while I was thinking kung paano ko sasabihin sa kanya ang lahat..

"Haze..." I started, voice started to brittle.

"Hmm..."

"When the clock strikes at twelve in the midnight, kalimutan mo na ako."

Mabilis siyang nagmulat at tumaas agad ang kilay niya.

"What do you mean?"

Tumingin ako sa orasan at ilang minuto na lang. I smiled.

"Aalis na ako, Haze..." pabulong na saad ko. Mabilis siyang bumangon kaya napabangon din ako.

"A—Anong aalis?"

Tears started to fall down from my eyes. "Iiwan ulit kita..."

Kumurap-kurap siya.

"And this time, hindi na ako babalik pa, Haze.."

Nagsimula ng tumulo ang mga luha sa mata niya pero pinunasan din niya iyon at tumawa. "Is this a prank, Bright?"

It would've been much better if this was. Pero hindi, e. Kasi totoo 'to. Lilisan na ako. Ang pinakamasakit na parte para sa akin. Ang iwan ang taong mahal na mahal ko.

Pero wala akong magagawa.

Wala.

Lumingon ulit ako sa orasan at sampung minuto na lang. Nag-uunahan naman ang mga luha sa mata ko.

"Mag-iingat ka palagi, Haze.."

"Mahal na mahal kita.."

Hinigit niya ako at niyakap.

"Sobrang mahal na mahal kita."

Mahigpit lang siyang nakayakap sa akin habang humahagulhol sa balikat ko. I hugged him back. Gustuhin ko mang huwag umalis, pero ito na ang nakatakdang mangyari sa akin. Ang lumisan sa mundong ibabaw.

HAZE

Mahigpit ko lang siya na niyakap. Ang sakit-sakit.

Ang sakit. Parang pinupunit ang puso ko sa sakit..

"Please, Bright... don't leave me," I pleaded.

Ayokong iwan niya ako. Ayokong maiwan. Bakit?

"Please take care of yourself and promise me that you'll live your life happily and to the fullest, okay? Balang araw, we'll meet each other again. On that time, we'll make it work out."

Humiwalay siya sa yakap ko. I looked at his eyes crying in pain.

Dahan-dahan kong nilapit ang mukha ko to kiss him for the last time. Nang maglapat ang mga labi naming dalawa, hindi ko inaksaya ang oras at ginawad ko ang halik ko sa kanya na sobrang puno ng pagmamahal.

Kumawala ako.

He smiled. "I love you..."

Nanginginig ang labi, I replied.

"I love you, too..."

And I saw how he slowly disappeared like a dust in front of me.

Pero napangiti pa rin ako remembering what he said that maybe one day, we'll meet each other again.

And if the time comes, I'll make sure that we'll stay together and forever.

***

Continue Reading

You'll Also Like

2.8K 199 8
#Wattys2018 Shortlist "No one will suffer for the sins of others, not even you; only for their own. And once you've completely become my queen, all y...
34K 2.2K 64
Pangako.....gaano mo ba katagal mapapangatawanan ito? Dalawang pangako, Dalawang pag-ibig. Dalawang pangakong isinilid sa dalawang boteng babasagin...
4.7K 40 2
SYNOPSIS: Luis is a handsome sophomore economic college student, while Blue is one of the campus' crush and is also in the school band. When Luis is...
39.7K 3.5K 69
Cursed Stories #2 | Mistakes are unintentional, but you pay for it. *** An epistolary, short story. "Order now, die later." When a stranger was added...