Until We Meet Again (BL) (Wat...

By WorstAdmirer

227K 8.7K 1K

#Wattys2020 Winner (Paranormal) Bright Kleinford Montez finds himself in a rather unusual situation--living i... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4 ※
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Epilogue
#Wattys2020

Chapter 29

4K 190 8
By WorstAdmirer

***

HAZE

Nanonood kami ng movie ngayon kasi nag-aya si Bright. Gusto raw niya manood ng movie. Siya ang hinayaan kong pumili ng palabas.

Nakahalukipkip lang din ako na nakatingin sa kanya. Seryoso siyang nagtitingin sa mga movie line-up sa TV habang ako ay nakangiti lang na pinagmamasdan siya.

Bumaling ako sa TV at nakahinto siya sa isang Filipino film. Binalik ko sa kanya ang tingin ko at seryosong nakatitig lang siya roon bago tinapon sa akin ang pansin.

"'Yan gusto mo?" tanong ko. Sina Joshua Garcia at Julia Barreto ang bida ng pelikula. Tapos ang title ay "Love You to the Stars and Back". Well, hindi ko pa napapanood ang pelikulang ito.

Tumango naman siya so I also nodded at pinlay na iyon.

For the first part of the movie, tawang-tawa lang kami ni Bright no'ng nag-sagutan na silang dalawa sa loob ng sasakyan. Tinanong pa nga nila 'yong nadaanan nilang manong na may dalang mga manok kung nakakain ba ang tao ng kalabaw. Laughtrip naman kasi, e.

Hanggang sa nasa seryosong parte na ng palabas. 'Yong nasa tulay na sila nito. Tahimik lang ako. Gumawi ako kay Bright na tahimik lang din at kunot ang noo.

Bahagya akong lumapit sa kanya. Napatingin ako sa kamay niya. Wala sa sarili, kinuha ko iyon pero natawa na lang ako nang tumagos ang kamay ko.

Hindi naman niya ako napansin. Bumuntong na lang ako at binalik na lang sa pinapanood ang atensiyon.

Sa mga sumunod na bahagi ng palabas, seryoso lang ang nangyayari. Tutok na tutok kami sa mga maaaring mangyari.

Nang nandoon na sila sa kagubatan, kung saan, iyon talaga ang destinasyon nila para magpakuha raw sa alien. Iyon 'yong reason ng bidang babae kung bakit siya naglayas.

Hanggang sa umakyat na sila at sa pagkakaalam ko, ito ang Nagpatong Rock Formation sa Tanay, Rizal. Lumingon ako kay Bright at nakatingin na pala siya sa akin.

"Saang lugar 'yan?" he asked.

Tumingin ako sa screen bago ko binalik sa kanya. "Sa Rizal 'yan. Bakit? Gusto mo pumunta diyan?" tanong ko.

"Pwede ba?"

Napangiti ako. "Oo naman. Gusto mo ngayon na?"

Nanlaki naman ang mga mata niya. "Talaga?!" excited na sigaw niya. Natatawa akong tumangu-tango sa kanya.

Matapos ang palabas, naghanda na rin kami. Tumingin ako sa relo ko at alas nueve pa lang ng umaga. Pagkarating namin doon, baka papalubog na ang araw. Mas magada 'yong ganoon kasi mas makikita namin ang paglubog ng araw at ang magandang tanawin sa baba.

"Hindi na ako makapaghintay, Haze!" sambit niya suot ang malaking ngiti. Hindi talaga siya halata masyado na excited siya sa magiging alis namin ngayon.

Nginitian ko lang ulit siya. Nilagay ko na ang bag sa backseat ng sasakyan. Mga dalawang damit lang 'yon na dinala ko. Tubig na rin at saka kaunting pagkain.

Nakasuot lang ako ng trekking attire. Dinala ko na rin ang isang cap ko para masuot ko mamaya. Kasi alam kong mainit sa tuktok.

Pumasok na rin ako sa sasakyan. Sumunod na rin naman siyang pumasok na malawak ang ngiti.

"Ready?" tanong ko. He immediately nodded dahilan para mapatawa ako. He's so adorable.

Ipinilig ko ang ulo ko at pinaalis na ang sasakyan. On our way, nagpatugtog lang ako. Sumasabay naman ako sa indayog ng kanta same goes with him.

Huminto muna rin kami sa isang karenderya para kumain. Nagutom kasi ako.

"First time mo 'to gawin, Haze?" tanong ni Bright. Nilunok ko muna ang kinakain bago sumagot.

"Hindi naman. Second time na rin siguro. No'ng una, kami ni Clara magkasama pero hindi sa lugar na pupuntahan natin ngayon. Iba pa 'yon," sagot ko at muli ulit na sumubo.

Nang matapos akong kumain, nagsimula na ulit kaming bumiyahe.

This time, tahimik lang si Bright. Nakakunot pa ang noo na parang ang lalim ng iniisip.

"Ano iniisip mo?"

Nabigla siya sa tanong ko pagkalingon niya. I chuckled. "Ang lalim kasi ng iniisip mo. May problema?"

Mabilis siyang umiling. Binalik ko naman ulit sa daan ang tingin. Baka mabangga pa kami kapag hindi ako tumingin at nag-focus.

Muli akong tumingin sa kanya at agad na napansin ang suot niyang bracelet. "Ano 'yan?"

Bumaba ang tingin siya sa kamay niya na nginuso ko. Mabilis niya iyong tinago sa akin at umiling-iling. "Wala. Bracelet lang."

I stared at him and sighed.

Hindi na rin ako nagtanong at mas nagfocus na  lang sa pagmamaneho lalo na at malapit na kami.

*

"Nandito na tayo?" tanong niya. Kahihinto lang ng sasakyan. Tumango naman ako at mabilis na lumabas. Nilibot ko rin ang tingin sa lugar.

Nang makarating na kami sa specific place kung saan located ang Nagpatong, I asked then an assistance. Matapos ang lahat, may nakuha na rin akong tour guide.

"Ready na po kayo, sir?" tanong sa akin ng guide. Tumango naman ako. Bago sumunod sa kanya, tumingin muna ako kay Bright at nginitian siya bago sinenyasan.

Nagsimula na akong maglakad. Sinuot ko kaagad ang dalang cap ko. Nakasunod lang ako sa guide. Tahimik. Napagmamasdan ko rin ang paligid. Ang tahimik. Puro mga matatayog na mga puno.

But I know, when we reach there, it would be worth it.

Nang mapagod ay huminto muna ako pero pagkalingon ko kay Bright, mukhang hindi man lang siya tinablan ng pagod. Sabagay, multo naman kasi siya, e. So, ano ba ang ine-expect natin sa isang multo?

Pero sobrang saya ko naman kasi nakikita kong masaya siya. Kung nag-eenjoy siya, mag-eenjoy na rin ako. I mean, alam mo 'yong kapag nakikita mo ang taong importante sa'yo na masaya, magiging sobrang saya ka na rin at maiisip mong ang lahat ng gagawin mo ay worth it kasi napasaya mo siya. Napasaya mo ang taong gusto mong sumaya.

Ngayon, napasaya ko si Bright and it's enough already para maging masaya rin ako.

"Tuloy na natin, Sir?" sigaw na tanong guide na nakahinto rin pala. Mabilis akong tumango at nagsimula na ulit na maglakad.

Huminto ang guide kaya huminto rin ako. May nakita naman akong hagdan. Tinignan ko iyon at papunta iyon sa taas. Sa tuktok. Pinunasan ko ang noo kong sobrang pinagpapawisan na. Namaywang ako.

"Nandito na tayo, Sir. Ito na ang huling dadaanan para makarating sa tuktok," sabi niya.

Tumango ako at nagsimula na akong umakyat sa hagdan matapos niyang magbilin ng mga do's and dont's sa akin. Dahan-dahan. Nakasunod naman sa akin si Bright.

"Mauna ka na kaya sa itaas?" suhestiyon ko sa kanya. Nginusuan niya ako at umiling.

"Ayoko! Gusto ko sabay tayo," sabi niya. Nagkibit na lang ako at nagpatuloy na sa pag-akyat. Naramdaman ko na rin ang malakas na hangin. Malamig.

Nang tuluyan na akong nakaakyat, I was amazed by the view. So mesmerizing!

"Wow!" sobrang ganda ng paligid. The wind was so refreshing.

"Woahhh!" sigaw ko pa.

Tinignan ko si Bright na nakangiting nakatingin sa paligid. I can also tell that he's so amazed with the scenic view. Sobrang ganda naman kasi talaga. Idagdag mo pa na ang gaan sa pakiramdam ng hangin. Sobrang lamig.

Lumibot ako hanggang sa makita ko ang araw. Tumitig ako roon. Pababa na rin ito. Pero mga dalawang oras pa siguro bago tuluyang lumubog ang araw.

Umupo ako sa hapag at binuksan ko ang bag ko at kinuha ang dalang tubig bago uminom doon. Tumabi naman sa akin si Bright.

"Sobrang ganda rito, Haze. Everything was worth it!" he uttered.

Tumango ako at muling tumingin sa paligid. Tama siya. Sobrang worth it ng pagod. Ang refreshing sa pakiramdam.

Ang ganda lang talaga ng paligid. Sobrang ganda.

BRIGHT

While he was busy roaming his eyes to the surroundings, nakatingin lang ako sa kanya. Nakatitig sa nakangiti niyang mukha.

Parang nawala ang pagod sa mukha niya. Makikita mo just by looking at his happy face.

Bumuntong ako at tumingin sa araw. Lulubog na rin ito mayamaya and I want to witness it. Gusto kong makita ang paglubog nito. Pero syempre, kasama ng taong mahal ko. Nang taong gusto kasama ko ngayon.

"Mamaya na tayo bumaba, okay?" sabi ko sa kanya. Tumango naman siya. Kinuha naman niya ang cellphone niya at kumuha ng litrato. Hanggang sa mapunta sa akin ang lens ng camera. Bago pa man ako makaiwas, nakakuha na siya ng litrato.

He smiled while looking at it. Tinignan ko naman iyon pero wala akong taong nakita.

"Asan ako diyan?" tanong ko.

Umiling siya. "Wala."

"E, ba't ka nakangiti?" takang tanong ko.

The side of his lips rose up. "Kasi nakikita kita rito by imagining that you are in this picture. As simple as that."

I laughed. "Ang corny mo."

He also laughed. Binalot naman ulit kami ng katahimikan. Hanggang sa bigla siyang humiga at inunan niya ang bag niya, lips curved into a smile.

Tinitigan ko lang siya na nakahiga. I was deciding kung saan ako hihiga. Kung sa tiyan ba niya o sa bag. Pero at the end, I decided to lie down beside him. Tatagos lang din naman kasi ako kung sa tiyan niya ako hihiga.

Pagkahiga ko, tumitig lang ako sa mga ulap. Gumagalaw sila dahil sa ihip ng hangin.

"Masaya ka ba Bright?" he suddenly asked. Ginalaw ko ang ulo ko para matignan siya. Our face are so close to each other. Kung tao ako, baka nararamdaman ko na ngayon ang paghinga niya.

"Sobra, Haze. Sobra-sobra kong saya. It's all thanks to you. Salamat kasi dumating ka sa buhay ko," masayang saad ko.

"No. Ako dapat ang magpasalamat kasi bumalik ka. Kasi binalikan mo ako. And just by staying beside me, it's enough for me already," sagot niya na nagpangiti pa sa akin nang sobra. Minsan, he makes me feel so overwhelmed with all of this. With him loving me with all his heart, parang sobra-sobra na.

Nanatili kaming nakahiga hanggang sa itaas ko ang mga kamay ko para abutin ang ulap. Napansin ko naman ang bracelet at nakita ko mismo na nawala na ang isang dot doon. Binaba ko iyon. Buti at hindi agad napansin ni Haze.

Gumawi ako sa kanya. Nakapikit na ang mga mata niya. Ang amo ng mukha niya. Ang gwapo niya. Ang gwapo ng mahal ko. Hayst.

I closed my eyes.

Pinakiramdaman ko ang dibdib ko.

Then memories of my disappearance crept in my mind.

When I met my Angel, she gave me this bracelet. She said that when it has only one dot, I can wish for one thing. And now, I will be wishing for something I longed wanted to happen.

Ito 'yong gusto kong hilingin. Ito 'yong  gusto kong mangyari matagal na.

Nangilid ang luha ko.

Nakapikit ang mga lumuluhang mata, I held the bracelet tightly. I held it so tight.

"With this bracelet, I just want this one thing to happen..." I paused.

"I just want to hug and kiss him..." I mumbled under my brittle voice.

"I just want to hold him like I was still alive..."

And when I opened my eyes, the last dot on the bracelet slowly disappeared.

I smiled.

A sad smile.

***

Continue Reading

You'll Also Like

573K 17K 86
Kayla is not your ordinary girl. Why? Because she really isn't. May kakayahan siyang hindi naiinitindihan ng ibang tao. She has a third eye. Hindi n...
My Royal Love By Yu lee

General Fiction

1.2K 153 40
Isang pilyong prinsipe ang magtutungo sa pilipinas upang takasan ang tungkulin nito bilang parte ng Thai Royal Family na mapapadpad sa isang mahirap...
23:57 By RAYKOSEN

Paranormal

1.1M 48K 40
May urban legend na kumakalat online. May sumpa raw sa Shibuya na tuwing sasakay ka sa last train ride ng 23:57PM ay magsisimulang magbago ang buhay...
330K 5.1K 16
Eight people... One haunted resort. Samahan mo sila sa isang nakagigimbal na gabi. Samahan mo silang harapin ang mga nakakatakot na kaluluwang gusto...