Until We Meet Again (BL) (Wat...

By WorstAdmirer

226K 8.6K 1K

#Wattys2020 Winner (Paranormal) Bright Kleinford Montez finds himself in a rather unusual situation--living i... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4 ※
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
#Wattys2020

Chapter 24

3.8K 188 20
By WorstAdmirer

***

CLARA

Pagkauwi sa bahay ay pagod akong humiga sa kama ko. Pero nang maalala ko si Carl, mabilis akong bumangon. Medyo matagal na rin kaming walang bonding ni Carl.

Lumabas ako ng kwarto at pinuntahan siya sa kwarto niya.

"Carl?" tawag ko sa labas ng pinto.

Pagkabukas ng pinto ay mabilis akong pumasok sa kwarto niya.

"Ate naman! May kwarto ka! Labas!" pagpapalayas niya. Tumawa ako at umupo sa kama niya. In fairness, ang linis ng kwarto niya. Napagawi ako sa kanya na nakatingin sa akin at nakahalukipkip.

"Ano ba ang ginagawa mo rito?"

I sighed and smiled. "Hali ka nga rito."

Nagdadalawang isip pero lumapit din siya sa akin. Agad ko siyang dinala sa bisig ko at mahigpit na niyakap.

"Na-miss kita bunso..." I whispered. Hindi naman siya sumagot at hinayaan lang ako sa ginawang pagyakap sa kanya.

Sa mga nagdaang linggo kasi, I was busy with Bright and Haze. Sa kanila lang nakatuon ang atensiyon ko. Pati na rin sa school. Tapos, lagi ko na lang naiiwan si Carl mag-isa sa bahay. Kaya na-miss ko 'yong oras na kasama siya. That's why I want to bond with him right now.

Nang bitawan ko siya ay tahimik siya na umupo sa tabi ko.

Na-miss ko na rin sina Mama at Papa. Gusto ko ulit na kumpleto kami rito sa bahay. Pero, 'yon nga lang, busy sila sa trabaho. Naiintindihan ko naman kasi alam kong para sa amin naman ni Carl ang ginagawa nila.

"Okay na ba si Haze ate?" tanong ni Carl.

Lumingon ako at ginulo ang buhok niya na ikinainis niya.

"Oo. Pero hindi pa nga lang nagigising," malungkot kong sabi. Sana lang talaga ay magising nq siya. Para mawala na ang pag-aalala ko at mapanatag na ang puso ko.

"Wanna watch movie together?"

Kumunot ang noo niya. "Mall?"

Pinitik ko noo niya at humalakhak. "Mall ka diyan. Gabi na. Sa sala lang. Netflix. You know, bonding. Matagal na rin huli tayong nagbond."

Umiling siya. "Ayoko."

Ngumisi ako. "Ayaw mo?" tanong ko, nakangisi sa kanya.

Maagap naman na lumayo siya sa akin. Mukhang alam niya na agad kung ano ang plano kong gawin.

"Ayaw mo talaga?" naglakad na ako papalapit sa kanya.

"Ate naman!" tumatawa na siya ngayon.

Mas nilakihan ko pa ngisi ko. "Lagot ka sa akin kapag nahuli kita!"

Tumakbo ako kaya tumakbo rin siya. Naghabulan lang kami sa loob ng kwarto niya hanggang sa tumakbo na siya palabas ng kwarto. Tumatawa kong hinabol siya pababa.

"Lagot ka sa akin!" tawa-tawa kong sigaw.

"Kung mahuhuli mo ako!" balik naman niya.

Mas binilisan ko naman ang pagtakbo sa kanya at nang mahuli ko siya ay agad ko siyang kiniliti sa tagiliran. Tawa lang ako nang tawa sa ginagawa at sa reaction niya.

"Tama na, Ate! Oo na! Manonood na ako!"

Huminto ako na tumatawa pa rin at nakasandal na sa sofa. Ganoon din naman siya. Napalingon ako sa kanya na hinahabol ang hininga.

"I-on mo na ang TV," utos ko at tumayo.

"Luto lang muna ako ng pop corn," dagdag ko pa bago siya iniwan doon para makapunta na sa kusina at makapagluto.

"Damihan mo ate!"

Tinaas ko lang ang kamay ko at nag-thumbs up. Nakangiti lang din ako habang nagluluto.

Masaya ako na makakapagbonding na ulit kami ni Carl for a long time na hindi namin masyado nakakasama ang isa't isa. Nakatira man kami sa iisang bahay pero alam niyo yong parang hindi kayo magkasama?

Nang matapos akong makapagluto ay sinalin ko na 'yon sa isang malaking bowl ang naluto ko ng pop corn bago ako bumalik sa sala. Nilapag ko kaagad iyon sa center table at umupo sa tabi niya.

"Ano title?"

Kumuha ako ng pop corn at nilamon agad iyon.

"Escape Room."

Tumango lang ako at lumamon lang ulit ng pop corn. Nang matapos ang movie ay inaya ko na rin siya na magpahinga na pero ang sabi lang niya ay manonood pa siya kaya ayon, iniwan ko na siya at nauna na ako sa taas.

Pagkapasok ay pagod kong ibinagsak ang katawan sa kama. Tumihaya ako at tumingin sa kisame. Sobrang tahimik ng kwarto. Bigla ko namang naalala si Bright. Nasaan na kaya 'yon? Talaga bang iniwan na niya kami nang tuluyan?

Bumangon ako at naglakad papunta sa veranda. Humaplos kaagad ang hangin sa akin.

"Bright?" pag-tawag ko.

Bumuntong ako. "Naririnig mo kaya ako?"

Natawa naman ako sa sarili. Paanong maririnig ka no'n, e, umalis na 'yon?

Pero sana naman, 'di ba, sana naman ay nagpaalam man lang siya. Sana man lang nagsabi siya para alam namin. Hindi 'yong biglaan na lang niya kaming iiwan.

Muli akong bumuntong at tumalikod na para pumasok sa kwarto pero nahinto na lang ako at napako ang tingin sa kaharap ko ngayon.

Napakurap-kurap ako. Tama ba 'tong nakikita ko?

"B—Bright..."

He smiled at me. Is he really back? Nandito na ba talaga siya?

"B—Bumalik ka..." ang tangi ko lang nasabi at napangiti.

Unti-unti kong hinakbang ang mga paa ko papunta sa kanya. Hanggang sa ilang dipa na lang ang pagitan naming dalawa.

BRIGHT

Unti-unti kong naramdaman ang pamamasa sa mata ko. Mabilis na pinunasan ko iyon para pigilan ang sariling umiyak na naman.

Masaya ako na nakabalik na ako. Masaya ako na nandito na ulit ako. Na makakasama ko na ulit sina Clara. Si Haze.

Pumasok si Clara sa loob at sumunod naman ako. Tahimik siyang umupo sa kama at ako naman ay umupo sa sahig.

"Kumusta ka?" tanong niya sa akin.

Nang maalala ko ang mga nangyari sa mga nagdaang araw, tipid akong napangiti.

"Okay naman ako. Ikaw ba?" balik kong tanong.

Bigla namang lumungkot ang mukha niya at napayuko.

"May problema ba?" takang tanong ko. May nangyari ba na hindi ko alam?

Malungkot siyang ngumiti. "Bakit ka biglang umalis? Bakit hindi mo kami sinabihan na aalis ka?"

Hindi agad ako nakasagot sa sunud-sunod niyang naging tanong.

Hindi ko rin naman inakala na mawawala ako. Hindi ko rin naman ginusto ang nangyari. Hindi ko naman kasi kontrolado ang maaaring mangyari sa akin. Kasi kung alam ko lang, magpapaalam naman ako nang mabuti, e. Pero hindi, e. Pero ang mahalaga naman ay nandito na ako ulit. Nakabalik na.

I shrugged. "Hindi ko kontrolado ang nangyari, Clar. Kasi kung alam ko lang, why wouldn't I say my goodbye? Alam niyo naman na naging parte na rin kayo ng buhay ko." If this makes sense.

She sighed.

"Ang daming nangyari, Bright..."

Kumunot ang noo ko. Nagsisimula na rin siyang maiyak.

"A—Ano bang nangyari habang wala ako?" tanong ko.

She smiled and bowed down her head. Kita ko naman na pinaglaruan niya ang kanyang palad bago nag-angat sa akin at basang-basa na ang kanyang pisngi. Gusto ko siyang yakapin at patahanin pero naisip kong, hindi ko rin magagawa 'yon. Isa lang akong kaluluwa.

"Si Haze, alam na niya ang lahat. Ang nakaraan. Ikaw."

Nagulat ako at hindi alam ang sasabihin.

"At ngayon, he's in the hospital. Hindi pa rin nagigising."

Doon na umawang ang bibig ko. Anong nangyari kay Haze?

"What do you m—mean?"

Pinalis niya ang mga luhang tuluy-tuloy lang sa paglandas.

Napayuko at napaiyak na lang din. Naramdaman ko namang may kumikirot sa dibdib ko.

"Naaksidente siya, B—Bright..." pagsabi ni Clara.

Tahimik ko lang na hinayaan ang mga luha na lumandas sa pisngi ko.

Wala akong masabi kaya umiyak lang ako nang umiyak. Wala man lang akong alam sa nangyari. Wala man lang akong nagawa.

Natatakot din ako. Natatakot ako.

Sana gumising na siya. Sana magising na siya at masabi ko ang gusto kong sabihin. Para hindi ko pagsisihan ang lahat.

Tumayo ako at naglakad palabas sa veranda. Doon lang ako tumambay at nagpalipas ng oras. Nagmumuni-muni habang nakatingin sa madilim at tahimik na paligid.

Gusto ko siyang puntahan ngayon. Gusto ko siyang makita.

Mabilis ako na pumasok sa loob at nadatnan ko si Clara na tulalang nakatitig sa sahig. Akala ko ay tulog na siya.

Lumapit ako sa kanya at nagtanong.

"S—Saang hospital si Haze, Clar?" tanong ko. Unti-unti siyang nag-angat ng tingin sa akin at bahagyang ngumiti.

"San Lazaro Hospital," tipid niyang sagot. Tumango ako.

"Pupuntahan ko siya. Bibisitahin ko lang," saad ko. Lumingon siya at marahang tumango.

*

Nasa hallway na ako para hanapin ang kwarto niya. Nasa ikatlong palapag na ako at hindi ko pa rin mahanap ang room ni Haze.

Inisa-isa ko talaga ang pinto mula sa ground floor papunta rito sa third floor hanggang sa mahanap ko na nga ang kwarto niya. Napatitig kaagad ako sa pangalan niya na nakasulat sa pinto. Sumilip muna ako para tignan siya sa loob. Nakaramdam kaagad ako nang paninikip sa dibdib nang makita ko siya.

Pumasok na ako sa loob at nakita ko si Tita na natutulog sa sofa. Dumako ang mga mata ko kay Haze.

Lumabo ang mga mata ko dahil sa umaambang mga luha. Mabilis na pinalis ko iyon at napakagat labi.

Lumapit ako sa walang malay niyang katawan.

Hinawakan ko ang kamay niya pero tumagos lang iyon. Kinuyom ko ang mga kamay ko.

"I—I'm sorry..." bulalas ko.

Humagulhol lang ako habang nakatingin sa kanya.

Ang sakit makita siyang nakahilata rito at walang malay. Ang sakit-sakit. Tinahan ko naman ang sarili bago nagsalita.

"Don't worry, Haze, this time, hindi na kita iiwan. This time, mananatili na ako sa tabi mo," sabi ko at pinunasan ulit ang pisngi.

Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan ko lang siya.

Tinitigan ko lang siya. Sinusulit ko ang bawat oras. Baka kasi anytime, mawala na naman ako. Baka kasi maglaho na naman ako at hindi na muling bumalik pa.

Gusto ko, habang nandito pa ako, magawa ko ang lahat ng gusto kong gawin bago man ako lumisan sa lupa.

Gusto kong bago ako umalis, makasama ko man lang siya at masabi sa kanya ang nararamdaman ko.

Mayakap siya.

Mahalikan siya.

Para man lang sa pag-alis ko, masaya ako. Masaya ako kasi for the second time again, I was given the chance to be with the person I love.

***

Continue Reading

You'll Also Like

39.4K 325 3
Exactly two decades after Wallace University was rocked by a mysterious death, another murder takes place -- and all hell breaks loose. As the invest...
13.6M 607K 32
Sikat siya at hindi ka niya kilala. Kaya bakit sa dami ng taong nakapaligid sa kanya, ikaw na walang kamalay malay ang minumulto niya? THE JERK IS A...
110K 5.6K 29
Private investigator and necromancer Lawrick Stryker takes on cases for money with no attachments or feelings involved...until he meets Alvis Sulliva...
471K 29.9K 144
Once upon a time, the story never started... Snow White found herself in the most twisted situation she could ever imagine---being a slave to the Sev...