Until We Meet Again (BL) (Wat...

By WorstAdmirer

227K 8.7K 1K

#Wattys2020 Winner (Paranormal) Bright Kleinford Montez finds himself in a rather unusual situation-living in... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4 β€»
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
#Wattys2020

Chapter 21

3.9K 185 14
By WorstAdmirer

***

HAZE

"Anak, bumaba ka na diyan. Wala ka bang balak pumasok?" narinig kong sigaw ni Mommy sa labas. Nakahiga lang ako at nakatitig sa kisame.

Wala akong ganang pumasok. Gusto ko lang na magpahinga sa ngayon. Baka 'pag pumasok ako, useless din kasi magiging distracted lang ako.

"Haze, may ibibigay nga pala ako sa'yo."

Narinig kong muli ang boses ni Mommy. Bumuntong ako.

"Lagay mo na lang sa study table," sigaw ko pabalik.

I heard the door opened and surely Mom entered. Nang malagay na siguro niya ang gusto niyang ibigay ay lumapit siya sa akin. Nakatagilid ako sa kama kaya hindi ko siya nakikita.

"May problema ba?" Naramdaman kong umupo siya sa kama.

Hindi ako gumalaw. Pinapakinggan ko lang siya.

"You can talk to me kung may problema ka man. You can talk to your Mom, okay? Nandito lang ako."

Bumigat naman ang loob ko matapos marinig ang mga katagang iyon galing kay Mommy.

Mabilis akong bumangon at malungkot na tinignan si Mom. She smiled at me.

"Hali ka nga rito. Kahit malaki ka na, alam mo namang baby pa rin kita."

"Mom naman!" I protested pero hindi ko maitagong napangiti ako roon.

She laughed at hinila ako para yakapin. Yumakap din ako pabalik at agad bumuhos ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata ko. Umiyak lang ako nang tahimik habang nasa bisig ni Mama.

This feels so comfortable. In the embrace of your mother.

Lumipas ang mga minutong nagdaan, binitawan na rin ako ni Mommy at siya na mismo ang nagpunas sa pisngi ko. Shit! Para ko ng bata sa lagay na 'to. Nakakahiya kay Mommy.

"Sige na. Maiwan na kita riyan. May gagawin pa ako. Nandoon sa study table mo ang box. Kumain ka na rin at pumasok ka na. Baka marami kang maiwan na mga school works, at saka, kung may problema, sabihan mo lang ako o kaya ang daddy mo, okay?" sabi niya at tumayo na. Tumango naman ako. Before finally leaving, hinalikan niya ako sa noo.

Pagkalabas na ni Mommy, pinunasan ko ulit ang pisngi ko. Napabaling naman ako sa study table at nakita ko ang isang box. Ano na naman kaya 'yan?

Siguro mamaya ko na lang yan bubuksan. Nagpasya akong bumalik sa paghiga. Gusto kong magpahinga nang buong araw. I decided also to turn-off my phone para walang maka-istorbo sa akin. I just needed to rest.

CLARA

Tahimik lang ako na naglalakad paakyat sa room. Nang salubungin ako ng tatlo, isang tipid na ngiti lang ang iginawad ko sa kanila.

"Bakit hindi ka hinatid ni Haze, Clar?" takang tanong ni Peir. Nagkibit ako at dumeretso sa hulihang upuan at pabagsak akong umupo at agad sumubsob sa upuan.

Naramdaman ko naman na umupo sila sa tabi ko.

"May problema ba?" Gwen inquired.

Hindi ako sumagot. Wala ako sa mood na sagutin ang mga tanong nila ngayon. Wala ako sa mood na magsalita. I just forced myself to be here kahit hindi ko ramdam na pumasok. For the sake of attendance, maybe, kaya nandito ako.

"Pwede mo naman kaming kuwentuhan. Makikinig kami. We won't tease you again."

Natawa si Gwen at Luis, pero ako, hindi ko magawang matawa sa mga pinagsasabi nila. Nanatili lang din ako sa ginagawang pagsubsob.

"Nandiyan na si Ma'am," bulong ni Gwen pero wala na akong pakialam. At buti na lang walang pakialam si Ma'am kaya sa buong oras ng klase, nakaganoon lang ako.

Nang matapos ang klase, nauna na akong lumabas at dumeretso sa banyo. Hindi ko na kasi kayang pigilan pa.

Pagkapasok ko sa isang cubicle, napahikbi agad ako. I just want to let out the heavy feeling inside.

Ang bigat-bigat na kahit iniyak ko na ng ilang ulit kagabi, parang hindi man lang nabawasan ang bigat. Mas lalo lang bumigat ang nararamdaman ko.

Hindi ko gusto ito. I just want to be happy again. Pero magiging masaya pa kaya ako? Bright disappeared, at mukhang si Haze, mawawala na rin sa buhay ko. Mukhang iiwan niya na rin ako. At mas lalong hindi ko kakayanin iyon.

I stayed there and just let myself cry hard at nang sa tingin ko'y medyo okay na ako, lumabas na ako. Inayos ko naman ang mukha bago ako lumisan sa banyo.

Pero nagulat na lang ako nang salubungin ako ng tatlo na suot ang kanilang seryosong mukha.

"B—Bakit?" tanong ko.

Lumapit sa akin si Peir at hinawakan ang braso ko at dali-daling hinila. Dinala nila ako sa soccer field at doon na ako binitawan.

"A—Ano bang problema niyo?" hindi ko na maiwasang mainis. I'm not in the mood to play with their games now.

"Talk. We'll listen..." Gwen voice softened.

Napatitig ako sa kanilang tatlo. Halata ang pag-aalala sa mukha nila. Tipid akong ngumiti at hindi ko na napigilan ang sarili at napahagulhol na lang.

Mabilis naman akong dinamayan ni Peir at Gwen.

"Shh..." Peir kept on stroking my back while Gwen was hugging me tightly.

Nanatili kami sa ganoong posisyon nang ilang sandali bago nila ako binitawan. I wiped away the tears from my eyes.

Ano ba ang ikukwento sa kanila? Should I let them know?

"Kung ayaw mo pang sabihin sa amin ngayon, naiintindihan namin. Basta always remember na nandito kami para sa'yo, okay? We're friends, right?" si Gwen.

I nodded. "T—Thank you for understanding..."

After ng drama, I tried to be, at least, happy. Kahit mahirap sinubukan ko. Para hindi na sila mag-alala.

Pagkatapos no'n ay pumunta kami sa cafeteria para kumain. Namiss ko na rin kumain dito. Medyo matagal na 'yong huling kain ko.

Pagkaupo ay nagtanong na agad sila ng order.

"Ikaw Clar? Ano gusto mo? Ako na mag-oorder." Napangiti naman ako kay Luis.

Nang masabi ko sa kanya ay nagbigay na ako ng bayad. Naiwan lang kaming dalawa ni Peir sa mesa. Pumangalumbaba ako at pinagmasdan ang paligid hanggang sa mapadpad ang tingin ko kay Peir na nakatingin doon sa counter. Sinipat ko ang tinitignan niya and it was Luis.

"Nag-aaway pa ba kayo ni Luis?"

Para naman siyang nagulat sa tanong ko. "H—Huh? Ah, oo, minsan," tugon niya. Pero ramdam ko na may kakaiba.

Pinanliitan ko siya ng mata. Hindi siya makatingin sa akin nang deretso.

"Umamin ka nga sa akin, Peir..."

"H—Huh? A—Anong aaminin pinagsasabi mo? Sige, puntahan ko lang sila roon. Tutulong ako," natataranta niyang sabi at tumayo saka pinuntahan sina Luis.

Napailing ako at napabuntong. Masaya ako sa kanya. Pero sana, huwag siya masyadong mag-invest sa feelings niya. Magtira siya sa sarili niya. Huwag niya sanang isugal lahat. Ito'y para hindi siya mas masaktan nang husto.

Pagkarating nila ay kumain na rin kami. Tahimik lang ako. Nagkukwentuhan naman si Luis at Peir. Nang mapansin ako ni Peir, bumaling siya kay Gwen at siya na ang kinausap. Masyado siyang halata.

Napailing ako at bumagsak sa kinakain ang tingin.

"Hindi ba pumasok si Haze, Clar?"

Napaangat agad ako kay Gwen. I smiled timidly at nagkibit. Hindi ko alam kung pumasok ba. Hindi naman nag-text sa akin 'yon. Sinubukan ko pang tawagan kanina pero nakapatay naman ang cellphone.

Naiintindihan ko kung ayaw niyang pumasok dahil sa nangyari. Pero nag-aalala ako sa magiging kalagayan ng pag-aaral niya kung tuluy-tuloy ang gagawin niyang pag-absent.

"Hindi ko alam. I can't contact him. Pero siguro, hindi nga pumasok. Hayaan na lang muna natin," ang tanging sinabi ko para hindi na sila magtanong pa at nagpatuloy na sa pagkain.

Tumango sila at nagpatuloy na rin sa pag-kain.

HAZE

Hapon na ako nang magpasya akong bumaba dahil nakaramdam ako ng gutom. Pagkababa, nagluto lang ako ng noodles at nagprito ng itlog at kumuha rin ako ng dalawang slice bread bago bumalik sa taas.

Pagkabalik ko sa taas, umupo agad ako sa sofa at in-on ang TV at sakto namang Five Feet Apart ang palabas.

Habang tahimik na nanood at kumakain, biglang sumagi sa isip ko si Bright. Napahinto ako sa pag-kain at napabaling sa kabilang bahagi ng sofa kung saan siya nakaupo the last time I felt his presence here in my room.

Pumikit ako para pigilan ang sariling mapaiyak. Can you stop yourself from crying, Haze?

I know this is so gay of me to cry, pero kasi ang hirap, e.

Tapos, nandito na naman ang bigat na nararamdaman ko. Umaasa pa rin ako na babalik siya. Na balang araw makakasama ko ulit siya at magiging masaya ako. Pero hindi ko alam. At wala akong alam kung babalik pa ba siya.

Hinawakan ko ang kuwintas. Tinitigan ko iyon. With the help of this, I was able to see and talk to him. I was able to see and talk to the person whom I've been in love with for maybe... a long time.

Ni hindi ko man lang nasabi sa kanya ang nararamdaman ko.

Malalim akong bumutong at pinunasan ang pisngi. Nilapag ko muna sa center table ang pagkain at naglakad ako papalapit sa study table.

Napakunot ang noo ko. Puno ng alikabok ang takip ng box. Kinuha ko iyon at dinala sa sofa. Medyo malaki ang box. Ano na naman kaya ang mga 'to?

Pagkabukas ko nito, kinabahan kaagad ako. Kunot pa rin ang noo ko habang tinitignan ang loob.

Kinuha ko ang dalawang bracelet sa loob na siyang unang bumungad sa akin. Others are just stuffs na di ko alam kung ano. I tried to look for the name on the bracelet at nahanap ko ang pangalan ko sa isang bracelet. Sa isa naman ay ang pangalang hindi ko inasahang makita.

"B—Bright..." bigkas ko.

Nagsimulang manginig ang kamay ko. Ang mga gamit ba na ito ay sa amin... sa amin ni Bright?

Hinalungkat ko pa ang loob para matignan ang mga laman no'n, may mga books, may couple watch, may couple shirt, may letter. Tinabi ko iyon. My heart started to feel heavy.

Hanggang sa may isang photo album akong nakita. Kinuha ko iyon. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko.

I opened slowly the album.

Sumalubong sa akin ang isang simpleng sulat-kamay na note.

Dear Haze,

This is my gift to you. Pagpasensiyahan mo na at ito lang ang nakayanan ko. Mga litrato ito ng mga moments nating dalawa. I hope that you'll like it.

- Bright <3

Hindi na napigilan ng mga luha ko ang tuluy-tuloy na paglandas.

Ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ko. Ang grabeg paghaharumentado nito. Saya at sakit ang naramdaman ko ngayon. Halu-halo.

I flipped the page at litrato naming dalawa ni Bright ang unang sumalubong. Magkaakbay kami at malapad na nakangiti. We were on our uniform. The uniform on the university kung saan nag-aaral si Bright noon. Ibig sabihin ba ay nag-aral din ako roon?

Bakit ngayon ko lang nalaman ang lahat ng ito?

Bakit ngayon lang?

Bakit nakalimutan ko ang lahat ng ito?

I continued flipping at mas lalo lang pinupokpok ang puso ko sa sakit. I gritted my teeth.

"B—Bright?!" I called. Luminga-linga ako.

"B—Bright? Iiwan mo ulit ako? Iiwan mo ba ulit ako? B—Bright? Please comeback, please? Bright!"

Kinuyom ko ang kamay ko. Marahas ko namang pinunasan ang pisngi ko.

Tumayo naman ako at kinuha ang cellphone ko. I need to talk to Clara. Kailangan niyang malaman ang mga ito.

I opened my cellphone and immediately called her.

"L—Let's meet, Clar," I sobbed. "May kailangan kang m—malaman."

***

Continue Reading

You'll Also Like

4.7K 40 2
SYNOPSIS: Luis is a handsome sophomore economic college student, while Blue is one of the campus' crush and is also in the school band. When Luis is...
134K 5.8K 61
Teenage Paranormal Detectives are a group of students that tackles different paranormal mysteries and entities while juggling their teenage everyday...
23:57 By RAYKOSEN

Paranormal

1.1M 48K 40
May urban legend na kumakalat online. May sumpa raw sa Shibuya na tuwing sasakay ka sa last train ride ng 23:57PM ay magsisimulang magbago ang buhay...
18.7K 1K 71
❝ Miss yung notebook ko po, nagkapalit tayo. ❞ Γ— 𝒲𝒽𝑒𝓇𝑒 𝒾𝓉 𝒢𝓁𝓁 π“ˆπ“‰π’Άπ“‡π“‰π‘’π’Ή π“Œπ’Ύπ“‰π’½ 𝓉𝒽𝑒 π“Œπ“‡π’Ύπ“‰π’Ύπ“ƒπ‘”π“ˆ 𝒢𝓉 𝓉𝒽𝑒 𝒷𝒢𝒸𝓀 π‘œπ’» 𝒽...