Until We Meet Again (BL) (Wat...

By WorstAdmirer

227K 8.7K 1K

#Wattys2020 Winner (Paranormal) Bright Kleinford Montez finds himself in a rather unusual situation--living i... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4 โ€ป
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
#Wattys2020

Chapter 19

3.9K 203 21
By WorstAdmirer

***

BRIGHT

Papunta na kami ngayon sa address na binigay ni Kuya Landon. Malungkot naman ako lalo na no'ng marinig ko si Kuya at makitang naiyak.

Mahigpit akong napasalikop sa kamay ko. Hindi ko pa sila nakikita. I wonder if how will they look like?

Kamukha kaya nila ako? Excited ako na kinakabahan. Finally, makikita ko na rin ang mga totoo kong magulang for a long time.

Malapit na ring matapos ang lahat ng ito. All of these are finally coming to an end. Siguro, matatahimik na rin ako. Pero, nalulungkot ako kasi sa totoo lang, ayoko pa talagang umalis. Ayoko pa silang iwan. Sana, bigyan pa ako ng isa pang pagkakataon na manatili rito sa lupa.

Hayst. Bakit ko ba iniisip ang pag-alis ko? Hindi ko na muna siguro 'yan iisipin sa ngayon. I should think of the now. Iyon ang mahalaga.

"Okay ka lang Bright?" Napatingin ako kay Clara.

Ngumiti ako at tumango. Tumingin naman ako sa labas at pinagmasdan ang mga nadadaanang mga bahay at mga puno.

I busied myself with the surrounding hanggang sa tuluyan ng huminto ang sasakyan kaya napatingin ako sa kanila.

"Did we arrive already to the place?"

Haze got out of the car. "Oo, kaya lumabas kana diyan."

Mabilis agad akong tumalima at lumabas na rin. Pinagmasdan ko ang paligid. Tahimik.

Nagsimula ng maglakad si Clara at sumunod sa kanya si Haze. Sumunod din ako hanggang sa may isang babae na dumaan kaya nagtanong sila sa kanya at nang masagot ng babae ay tuluy-tuloy na ang kanilang lakad.

Palapit kami nang palapit, mas lalo lang naman akong hindi mapakali. Ilang ulit ang ginawa kong paglunok. Hindi rin mapirmi ang mga kamay ko. Bumuntonghininga ako.

They stopped in front of a rusty gate. Behind the rusty gate is an old house.

"Ito na yata?" sambit ni Haze, not quite sure.

Tumango si Clara. "Oo. Ito na nga siguro."

Tinignan ko ang loob ng bahay. It screams oldness. Parang walang nakatira sa loob. Sure bang dito nakatira ang mga magulang ko?

Clara pressed the doorbell thrice before stepping back and wait for someone to open the gate.

"Sino yan?" sigaw ng isang babae. Base sa boses, mga nasa mid-40's na ito.

The gate creaked and opened. Tumambad sa amin ang isang ginang. Siya kaya ang Mama ko?

"Kayo po ba ang nakatira dito?" Clara asked.

The lady smiled and invited them inside. "Pasok muna kayo."

Tahimik na sumunod sina Clara at Haze. Palinga-linga naman ako sa paligid. The surrounding feels so dull. Talaga bang dito nakatira ang totoo kong mga magulang?

"Ako ang namamahala sa bahay na ito," the lady told us. Tinapik ng ginang ang sofa at pinaupo sila habang siya ay umupo sa kaharap nitong pang-isahang taong sofa.

"Namamahala?" nagtaka si Clara.

The lady smiled. "Yes. Wala na kasi ang nagmamay-ari ng bahay." The lady wandered around the house.

Hindi ko kaagad naproseso ang narinig at napakurap ako. Anong ibig niyang sabihin na wala na?

"P-Paanong wala na ang nagmamay-ari?"

Si Haze ay tahimik lang at nakikinig lang sa pag-uusap ng ginang at ni Clara.

"The owner of this house died already three years ago..."

Para namang may pumukpok sa puso ko matapos marinig ang mga katagang iyon. Yumuko ako at hindi ko napigilan ang agarang pag-agos ng mga masagana kong luha.

Nag-angat ako at nakatingin na sa akin ang dalawa. They were both worried. Pero kakaiba ang lungkot sa mga mata ni Haze. Parang maiiyak na rin siya but he smiled.

I smiled.

"A-Ano po bang nangyari?" sunod na tanong ni Clara.

Nakita kong napabuntong ang ginang.

"Naaksidente sila."

"Naaksidente ang sinasakyan nilang kotse. Sa pagkakaalala ko, sa pagkasabi sa balita, tatlo ang sasakyan ang naaksidente no'ng araw na 'yon. Isang kotse ay bumangga sa isang malaking puno, ang isang truck naman ay dumeretso sa bangin habang ang isa namang sasakyan, 'yon nga na sinasakyan ng mag-asawa, nahulog din sa bangin."

Mas lalo akong napahagulhol. Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi.

Hindi naman makapaniwala ang mukha ng dalawa. Ni Clara at Haze. Tumingin sila sa akin. Clara smiled at me sadly at ganoon din naman si Haze na kita kong nasasaktan.

Bakit ganito ang malalaman kong mga katotohanan? Kailagan bang masaktan muna ako bago matahimik? Ano pa bang kailangan kong malaman? Do I need to experience so much pain and sadness before finally leaving the planet?

"Aluin niyo siya. Alam kong may kasama kayo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng ginang suot ang isang ngiti. Napapunas ako sa aking pisngi na basang-basa. Ang dalawa naman ay gulat na gulat.

"N-Nakakakita kayo ng kaluluwa?" Clara asked, startled.

Tumawa ang ginang at umiling. "Hindi. Nararamdaman ko lang sila. Kilala ba siya ng may-ari ng bahay na 'to?" dagdag naman ng ginang. Nawala ang pagkagulat ko at napalitan ng lungkot.

Clara cleared her throat. "A-Anak po siya ng nagmamay-ari ng bahay. Siya po ang batang iniwan sa tabi ng kalsada."

Nagulat ang ginang. "Si Bright?"

Napako ang tingin ko sa kanya. Mabilis na tumango si Clara at ganoon din ang ginawa ni Haze. Napatakip ng bibig ang ginang.

"B-Bright?" tawag sa akin ng ginang na nagsisimulang mabiyak ang boses.

"Matagal ka ng hinanap ng mga magulang mo. Matagal ka nilang hinanap. Nagsisi na ang Dad mo sa pag-iwan sa'yo... " She paused to breath.

"Alam niyang mali ang ginawa niya at dala-dala niya ang pagsisisi hanggang sa namatay siya..."

I just listened to the Lady telling me about them.

"Mahal na mahal ka ng mga magulang mo. Sana mapatawad mo sila..."

Pinunasan niya ang mukhang binasa ng kanyang mga luha.

"Bright is their only son. Hinanap nila noon si Bright, pero hindi nila mahanap. Lumipas ang ilang taon at wala pa rin silang tigil sa paghahanap. That time, no'ng naaksidente sila, may nakuha silang lead tungkol sa kanilang anak pero iyon agad ang kanilang sinapit," malungkot niyang kwento.

"Katulong ako sa bahay na ito. Nandito na ako bago pa man ipinanganak si Bright. Ang mag-asawa, sa akin kinukwento ang pangyayari sa kanilang buhay kaya marami akong alam sa pamilyang ito. Malungkot nga lang ako kasi iniwan kaagad nila ako."

Hindi ko alam kung paano tatanggapin ng sistema ko ang lahat ng nangyayari. Gusto ko na lang maglaho. Gusto ko na lang na walang alam. Mas mabuti pa siguro 'yon kaysa ganito.

Pinunasan ni Clara ang gilid ng mata. Naiiyak na rin siguro siya. Habang ako ay walang humpay sa paglandas ng mga luha. I didn't bother anymore to wipe it. Wala rin namang silbi.

"Maaari ba naming makita ang litrato ng magulang ni Bright? He wants to see them. Gusto niyang makita ang mga magulang niya," pagsabi ni Clara.

The lady smiled and nodded. Naglakad ito at nagtungo sa taas at nang makababa, dala na nito ang isang photo album.

Binigay niya iyon kina Haze. Unang binuklat ni Haze ang album. Welcome page ang bumungad. Sumunod na nagbuklat ay si Clara at tumambad agad ang isang lalaki at babae na magkaakbay.

"Ito na ba ang mga m-magulang ni Bright?" Clara asked and the lady nodded.

Pinunasan ko ang mata ko nang wala na akong maaninag dahil sa mga luhang ayaw paawat. Ang sakit-sakit lang ng mga nalaman ko. I thought I would be able to see them. Kahit sa huling sandali man lang. Pero bakit naman ganito?

Nagtingin-tingin pa sila hanggang sa tumambad ang picture ng isang bata.

"'Yan si Bright," sabi ng ginang.

Tumingin ako roon at napangiti ako. Gan'yan pala ako no'ng bata pa ako? I looked so cheerful.

"Masayahin 'yang si Bright, sobra."

Haze looked at me and then slowly, she smiled. Clara was busy flipping the page hanggang sa binalik na niya ang album sa ginang. Clara wiped her eyes to dry the tears.

"Nga pala po, kelan po nangyari 'yong aksidente?" Haze asked. Bakit natanong ni Haze?

"Hindi ko alam kung tama ako. It was mid-January siguro. Bakit?"

Napatango si Haze and mumbled something na sarili lang niya ang nakarinig.

"Wala naman po. May naalala lang. At nga po pala, saan nakalibing ang mga magulang ni Bright?"

When the lady told Haze the name of the cemetery at saang parte, Clara took note of it.

After, tumayo na rin sila at nagpaalam sa ginang at nagpasalamat. "Pakikumusta na lang ako sa kasama niyo," nakangiting pahabol ng ginang. Clara nodded.

Tahimik lang ako pagkalabas ng bahay at parang hindi ko pa agad naproseso ang nalaman.

"Okay ka lang Bright?" bungad kaagad sa akin ni Haze. Tumango naman ako at bahagya siyang nginitian. "Are you sure?"

Tumango ako. "Oo nga. Okay lang ako."

Ramdam ko ang pamamaga ng mga mata ko dahil sa pag-iyak. At least now, alam ko na rin ang nangyari kahit masakit. Pero wala naman akong magagawa.

"Medyo nagtataka lang ako, Clar," panimula ni Haze.

"Nagtataka saan?" sagot ni Clara.

"Kasi sa naalala ko, January din 'yong naaksidente ako. Hindi ko lang matandaan ang petsa."

Natahimik si Clara at napatitig kay Haze.

Pinilig ni Haze ang ulo. "Huwag mo na lang pansinin."

Napaisip naman ako sa sinabi ni Haze pero hindi ko na lang din pinansin. Pinaandar na ni Haze ang sasakyan at tahimik kami na bumiyahe pabalik.

Tuwid lang ang tingin ng dalawa sa harapan habang ako ay nasa labas lang ang pansin. Tahimik na nakatanaw sa paligid.

The ride seemed so long sa pakiramdam ko. Hanggang sa huminto ito sa sementeryo. Napatuwid ako.

"Why are we here?" tanong ko.

Tipid silang ngumiti.

"Bibisitahin natin mga magulang mo."

Natahimik ako at napatango. Naglakad na kami papasok hanggang sa makarating kami sa dalawang puntod na magkatabi. Napatingin ako sa litrato nilang dalawa. Sa tabi nito ay may bulaklak.

Tumingin ako sa kanila and they nodded at me.

I bent down at napaiyak na naman ako.

"I love you, Ma, Pa," bulalas ko at hinayaang punuin ng luha ang pisngi. Hindi ko alam pero ilang minuto rin akong nakatingin lang sa litrato nila habang umiiyak.

Tumayo na rin ako kalaunan at pinunasan ang pisngi. It's just so sad to know na hindi ko man lang kayo nadatnan. Na hindi niyo man lang ako nahanap bago kayo lumisan.

"T-Tara na..." nauna na agad akong tumalikod at naglakad paalis. Pagod na akong umiyak. Pagod na ako.

Tahimik naman na sumunod sa akin ang dalawa hanggang sa makabalik na kami sa sasakyan. Ang daming nangyari ngayong araw. Sobra na akong pagod.

When I enter the car, nabigla ako nang unti-unti na namang naglaho ang mga braso ko. W-What happened?

Pumasok na si Clara at Haze.

I called them, but they can't seem hear me.

Tears start cascading.

I called them once again.

I smiled before I disappeared.

***

Continue Reading

You'll Also Like

330K 5.1K 16
Eight people... One haunted resort. Samahan mo sila sa isang nakagigimbal na gabi. Samahan mo silang harapin ang mga nakakatakot na kaluluwang gusto...
7.4K 297 92
โ ๏ผญ๏ฝ๏ฝŽ๏ฝ๏ฝŽ๏ฝ๏ฝ๏ฝ๏ฝ๏ฝŒ ๏ฝŽ๏ฝ ๏ฝŽ๏ฝ‡๏ฝ ๏ฝŒ๏ฝ๏ฝŽ๏ฝ‡, ๏ฝ“๏ฝ ๏ฝ๏ฝ๏ฝŒ๏ฝ‰๏ฝŽ๏ฝ‡ ๏ฝ”๏ฝ๏ฝ ๏ฝ๏ฝโž ยป NCT Series # 1 ยป Narration x Epistolary ยป Taeyong x Jennie โ€
72.4K 2.6K 48
Date Started: May 2, 2019 Date Finished: May 19, 2019
105K 6.5K 28
Sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari, ang mahigit limang daang mamamayan ng maliit na bayan sa Quezon Province ay naglaho na parang bula. Isang...