Until We Meet Again (BL) (Wat...

By WorstAdmirer

226K 8.6K 1K

#Wattys2020 Winner (Paranormal) Bright Kleinford Montez finds himself in a rather unusual situation--living i... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4 ※
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
#Wattys2020

Chapter 15

4.6K 213 9
By WorstAdmirer

***

BRIGHT

Kararating lang namin ni Clara sa bahay nina Haze. Inimbita kasi ni Haze si Clara para sa kaunting salu-salo dahil birthday niya.

Nakaupo kami ngayon sa sofa at naghihintay kay Haze na nasa taas. Nilibot ko ang tingin sa loob ng bahay. Malaki ang bahay nila at moderno ang disenyo nito.

Tumayo ako at nagpasyang maglibut-libot muna. Lumabas ako ng bahay nila at patingin-tingin lang ako sa paligid hanggang sa mapadpad ako sa hardinan.

Napangiti ako at napatitig sa malinis nilang hardin. Tinitignan ko pa lang pero parang ang sarap ng higaan.

Habang nakatingin sa hardinan, may napansin akong malaking puno sa pinakadulo at nang tumingin ako sa itaas at nakita ko na may tree house.

Hindi ko alam na may tree house pala sina Haze.

Dinala ko ang sarili paakyat doon at nang matignan ko ang loob, napangiti ako. Sobrang cute ng loob ng tree house. May mga unan at kumot sa loob. Baka dito rin natutulog minsan si Haze.

Binuksan ko naman ang isang bintana at dumungaw sa baba. Sa pagdungaw ko naman sa baba, bigla akong nalungkot.

Umalis ako sa pagkakadungaw at sumandal ako sa pader at napabuntong.

Naisip ko lang kasi kung hindi kaagad ako maagang nawala, marami pa siguro akong nagagawa ngayon. Alam ko naman na magagawa ko pa iyon ngayon, pero iba kasi 'yong buhay ka pa. Iba kasi 'yong humihinga ka. Nakikita ng mga tao. Nang mga mahal mo sa buhay na masaya. Na inaabot ang pangarap sa buhay.

Napangiti ako nang mapait. Tapos, hindi ko pa pala kilala ang totoo kong mga magulang. Sa mga nagdaang araw, pinagnilayan ko ang mga nalaman. Syempre, masakit para sa akin, masakit sa akin na malaman ang katotohanang iyon na nasa ganitong kalagayan ko. Isang kaluluwa.

Hindi ko man lang nalaman no'ng buhay pa ako para man lang makita at makausap ko sila. Para man lang kahit namatay ako, hindi ganitong ang daming bumabagabag sa akin. Pero wala na akong magagawa kundi tanggapin ang lahat ng nangyari. Wala akong magagawa kung talagang sa ganitong kalagayan ko pa malalaman ang lahat. Maybe it's meant to happen this way.

Nagpasya na rin akong bumaba at bumalik sa loob. Hindi ko naabutan si Clara sa sala. May naririnig naman akong ingay na nagmumula sa kusina kaya tumungo ako roon at nadatnan ko sila na kumakain.

"Magtu-two years na rin pala kayo, Clara, ano?" tanong ng isang ginang kay Clara. Clara smiled and looked at Haze who was also smiling.

Nakatayo lang ako at nakatingin sa kanila na kumakain. 'Yong ginang kanina na nagtanong ay sa tingin ko'y Mommy ni Haze at ang katabi naman nito ay sa tingin ko'y Daddy niya.

"Ikaw Haze, just remember my words. Kung maaari, ingatan mo si Clara. Gaya ko sa Mommy mo," pagsabi ng kanyang Daddy na tumatawa.

"Sus! Huwag mo nga akong paandaran ng mga banat mo!" sagot ng Mommy ni Haze.

"Dad naman! Alam ko naman 'yan. And I'm doing everything for Clara to be happy," sagot naman ni Haze na nakangiti.

Humalukipkip ako.

Napansin ko naman ang nababagabag na mukha ni Clara na alam kong hindi niya pinapahalata. May problema kaya siya?

Sa biyahe papunta rito kanina, napansin ko na siya na tahimik which is unusual for her. Tatanungin ko na lang siya mamaya.

Nang matapos silang kumain ay nagpaalam na rin si Haze sa kanila.

"Mag-ingat sa pagdadrive, Haze," bilin ng Mommy niya. Tumango naman si Haze.

Nakasunod lang ako sa kanila palabas.

Pagkapasok sa loob ng kotse, tahimik pa rin si Clara. Kinabit na ni Haze ang kanyang seatbelt at nang mapalingon siya kay Clara ay tinawag niya ito.

Clara seemed so pre-occupied dahil hindi niya narinig si Haze.

Tinawag pa siyang muli ni Haze at doon lang siya napalingon.

"Huh?"

I sighed. Mukhang may problema nga siya.

"May problema ba?" nag-aalalang tanong ni Haze sa kanya. Tumitig siya kay Haze at dahan-dahang umiling.

Hindi ako naniniwalang wala siyang problema. Alam kong may problema siya. Kung ano man 'yan, 'yon ang aalamin ko. Ayokong nakikita siya na gan'yan ang mukha. Hindi maipinta.

"Tignan mo nga ang mukha mo. Look at it and tell me kung wala ka talagang problema," Haze spoke out.

Clara sighed heavily. "May iniisip lang," simple lang nitong tugon. Walang nagawa si Haze kundi ang mapailing at paandarin na ang sasakyan.

Sa narinig ko kanina, pupunta kami sa isang bar para mag-celebrate sa birthday ni Haze. Hindi ko alam kung sino pa ang kasama aside kina Gwen, Luis, at Peir. Sana hindi na 'to malungkot si Clara mamaya.

HAZE

After I parked the car, hinarap ko si Clara at saka ko siya hinila para ikulong sa bisig ko. Ano na naman kaya ang problema niya.

"Kung ano man ang problema mo, magiging okay rin 'yan, okay? We're here to celebrate, so, I hope na nakangiting Clara ang masilayan ko mamaya, okay?" I said softly. She hugged me back and I just stroked her hair.

Binitawan ko na rin siya at inaya na palabas ng sasakyan.

Pagkapasok sa loob ng bar, neon lights kaagad ang sumalubong sa amin at ang malakas na tugtog. Sobrang aga pa ngayon pero nandito na agad kami. Mag-aalas singko pa lang din ng hapon.

Deretso naman kaagad kami sa VIP room sa second floor. Pagkapasok doon ay humina na ang naririnig ko na tugtog sa labas.

Sinalubong naman kaagad ako ng mga kaklase ko na nakaupo sa palibot na sofa at busy sa pagkalikot sa kanilang cellphone. Nakita ko rin sina Gwen, Luis, at Peir na nakaupo naman sa kabilang sofa at nag-uusap.

"Uy pre nandito ka na pala!" tumayo si Jayson, one of my classmate.

Binati ko rin siya pabalik at tinapik sa balikat. Gano'n din ang iba. Bumati sa akin kaya nagpasalamat ako.

"Kina Gwen lang ako," paalam ni Clara. Tinanguan ko lang siya.

"Girlfriend mo, pre?" tanong ni Sam, isa ko pang kaklase.

Ngumiti ako at napatingin kay Clara. "Oo, pre."

"Ilang buwan na kayo?"

"Almost two years."

"Woah. Tagal na rin pala. Good luck! Sana mas magtagal pa kayo!"

"Syempre. Magtatagal pa talaga kami." Halakhak ko. "Sige, pre, puntahan ko lang girlfriend ko," I excused at pumunta sa pwesto nina Clara.

"Happy birthday pala, Haze!" bati ni Gwen. Luis and Peir greeted me as well.

"Regalo ko?" biro ko naman.

"Next time na. Wala kaming pera ngayon," sagot ni Gwen at sumegunda naman si Peir at Luis.

Humalakhak ako. "Biro lang. Pero salamat."

Nag-usap pa ulit kami saglit bago ako nagpaalam para um-order na para makapagsimula na kaming magcelebrate.

"Cheers for the birthday boy!" sigaw nila at nagtoss. Tumawa naman ako at tinignan lang sila na mukhang enjoy na enjoy.

Dumako naman ang tingin ko kay Clara na nakangiting kausap sina Gwen at Peir. Buti naman at nakita ko na ang ngiti niya.

Lumipas ang oras at pansin ko na kaagad ang mga lasing kong mga kaklase. Ano ba 'yan. Ang hina naman ng tolerance nila.

"Kaya pa ba?" natatawa kong tanong. Some of them gave a thumbs up at lumagok ulit sa hawak na baso. Napatingin ako sa tatlong bucket ng alak na in-order ko. May isang bucket pa.

Tipsy na rin ang mga kaibigan ni Clara. Lumipat ako sa sofa nila at tumabi ako kay Clara mukhang di pa ata tinatamaan.

"Hindi ka pa lasing?" tanong ko kay Clara. Lumingon siya. "Hindi ako madaling malasing, Haze." Halakhak niya. "Bakit?"

Naalala ko naman 'yong pinapatanong niya kay Mama. Should we talk about it now? O bukas na lang?

"Can we talk?" tanong ko.

"About what?"

"'Yong about sa pinapatanong mo sa akin kina kina Mommy at Daddy."

Natahimik siya at matagal bago sumagot. Ngumiti siya at tumango. "Pero sa labas na lang tayo mag-usap. Ang ingay ng mga kaklase mo," sabi niya. Natawa akong napatango. Tumayo ako saka siya sinundan. Umupo siya sa nakitang bench sa labas. Umupo rin ako sa tabi niya.

Tumingin ako sa paligid. Buti at may mga lamp post sa paligid kaya maliwanag.

"Anong sabi nina Tita?" she then asked.

Bigla ko namang naalala ang nangyari.

"Mom, Dad, may itatanong lang sana ako." Bungad ko kaagad sa kanila pagkakaba ko galing sa taas nang maalala ko ang sinabi ni Clara. Buti at naalala ko kaagad. Nilapag ni Dad ang hawak na diyaryo habang si Mama naman ay itinabi muna ang hawak na iPad.

Bumuntong hininga ako at umupo sa kaharap nilang single couch.

"Ano ba talaga ang nangyari sa akin noon? No'ng naaksidente ako?" pagtatanong ko.

Nagkatinginan sila ni Daddy bago binalik sa akin.

"Why do you ask, Haze?" Mom wondered.

I stared at her.

"May mga nakikita kasi akong mga alaala na hindi ko naman maalala na nangyari sa akin. May hindi ba kayo sinasabi sa akin?"

Nagkatinginan ulit sila at nakita kong napabuntong si Daddy.

"I think, it's time for him to know about it, Mandy," Dad said.

Kumunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin, Dad?"

Tinawag ako ni Mommy na lumapit para umupo sa tabi niya. Pagkaupo ko ay hinawakan niya agad ang kamay ko. Mahigpit.

"Alam namin na darating ang araw na 'to..." Mom paused mid-way. "Na magtatanong ka rin tungkol sa nakaraan mo," panimula ni Mommy na nagpakaba sa akin.

I didn't answer. Gusto ko lang makinig sa sasabihin niya.

Tumingin pa si Mommy kay Daddy and Daddy smiled at her. Lumunok ako.

"Ever since that incident happened, hindi na namin binanggit pa ang mga bagay na parte ng buhay mo bago pa man mangyari ang aksidente..." Mom trailed off.

"Haze..." Mom caressed my hands. "May selective amnesia ka."

Upon hearing that, hindi agad ako nakapagsalita.

"There's a portion of your memory that you forgot. We're just so glad that you didn't forget about us. Masaya na kami no'n Haze..."

Hindi pa rin ako makapagsalita and I'm still processing what I learned just now.

'Yong panaginip. 'Yong mga imahe na nakikita ko. It's all part of my forgotten memories. Ngayon. Unti-unti ng bumabalik. Nanatili namang tikom ang bibig ko.

"Unti-unti na silang bumabalik..." ang tanging sambit ko lang.

She sighed. "Alam namin na babalik din ang nakalimutan mong mga alaala, pero ngayon, at least, alam namin na wala na itong gaanong magiging epekto sa'yo. We chose to secret it to you para wala kang iisipin. Para wala kang poproblemahin noon lalo na at bago pa lang ang lahat ng nangyari sa'yo that time. Pero alam namin na hindi namin kontrolado ang lahat. Babalik at babalik ang alaala mo at wala kaming magagawa kundi sabihin din sa'yo ang lahat oras na magtanong ka."

Biglang pumasok sa isipan ko si Bright.

"Sorry, anak. Sorry kung tinago namin sa'yo," Mom apologized while tears started to form in the side of her eyes. Niyakap ko siya at tinahan. I understood. I understood them. At least ngayon, alam ko na. Na hindi lang basta-basta ang mga alaalang pilit bumabalik sa buhay ko.

Pero isa lang talaga ang gusto kong malaman sa ngayon. Is Bright really part of my forgotten memory?

Matapos kong maikwento, tahimik si Clara. I stared at her pero wala siyang sinasabi.

"Clar," tawag ko.

Nag-angat siya sa akin. "Bakit?"

Pinag-isipan ko ito kanina after I knew of my condition. Malakas ang kutob ko at alam kong isa si Bright sa importanteng taong nakalimutan ko.

"I want to see Bright. I want to see him again."

***

Continue Reading

You'll Also Like

4.7K 40 2
SYNOPSIS: Luis is a handsome sophomore economic college student, while Blue is one of the campus' crush and is also in the school band. When Luis is...
8.9K 36 2
Alam mo nang may gusto siyang iba, pero wala kang magawa. Wala ganyan talaga eh. Bat mo pa nga ba naman pipilitin sarili mo sa isang tao na hindi nam...
23:57 By RAYKOSEN

Paranormal

1.1M 48K 40
May urban legend na kumakalat online. May sumpa raw sa Shibuya na tuwing sasakay ka sa last train ride ng 23:57PM ay magsisimulang magbago ang buhay...
110K 5.6K 29
Private investigator and necromancer Lawrick Stryker takes on cases for money with no attachments or feelings involved...until he meets Alvis Sulliva...