Until We Meet Again (BL) (Wat...

WorstAdmirer tarafından

226K 8.6K 1K

#Wattys2020 Winner (Paranormal) Bright Kleinford Montez finds himself in a rather unusual situation--living i... Daha Fazla

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4 ※
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
#Wattys2020

Chapter 14

4.5K 215 24
WorstAdmirer tarafından

***

HAZE

Tahimik lang kami buong biyahe pag-uwi. Hindi rin ako kumikibo. Maraming tumatakbo sa isipan ko ngayon. Maraming bagay ang gumugulo sa isipan ko.

I sighed profoundly.

"Is Bright okay?" tanong ko makalipas ang matagal na katahimikan. I just wanna know if he's okay.

Kita sa gilid ng mata ko ang paglingon ni Clara sa likuran. "He's fine, I guess."

"Nasaan siya?" sunod kong tanong.

"Nakatingin sa labas ng bintana. He's at the left side," simpleng tugon ni Clara. I nodded my head and didn't talk anymore hanggang sa makarating na kami sa bahay nina Clara.

Bumuntong agad ako pagkahinto ng sasakyan. Pagod akong sumandal at napasuklay ng buhok.

Clara got out of the car. Mayamaya pa ay sumunod din ako sa paglabas at tahimik na sumunod sa kanya papasok ng bahay.

Pagkaupo ko sa sofa ay ipinikit ko kaagad ang mga mata ko. "Kelan natin kakausapin ang Kuya ni Bright? Na sa'yo naman ang contact, 'di ba?" I asked.

"Oo. Nasa akin ang contact."

"Si Bright?" pag-iba ko ng tanong. Alam kong hindi siya magiging okay sa mga nalaman. It would be too much for him, I guess. It's so unfortunate for him to know this revelation at this point of time. Pero siguro, parte ito na dapat tanggapin ni Bright for him to finally be at peace.

"Wala rito. Baka nasa hardin sa likuran. He's sad. Halata naman sa mga nalaman niya. Siguro, hayaan muna natin," sagot niya. Itinango ko ang ulo ko.

Tumahimik saglit hanggang magtanong ulit si Clara. This time, it's about me.

"'Yong nangyari kanina, 'yong mga nakita mo. Is it the same no'ng una kang nahimatay?" Clara asked. There's a bit of sudden fear in her voice when she asked me about it. Hindi ko na lang din pinansin.

"Oo. Just the same."

Minulat ko ang mga mata ko para tignan siya na tumatango.

"Just like what I've said, ask your parents about it. Just ask them. And also, sa makalawa na pala ang birthday mo. Any plans?"

Shoot! Malapit na rin pala ang birthday ko. Pero sa ngayon, wala pa akong naisip na plano.

I glanced at the wall clock. Alas diyes na ng gabi.

"Wala pa akong naiisip na plano. Pero siguro baka small celebration lang. And by the way, 'yong suggestion mo about me asking my parents, I'll go ask them for sure. Sana lang may makuha akong sagot," sabi ko and she nodded.

"Mabuti 'yan..." she trailed off. "Pero Haze, did you notice how Bright's mother look at you? Parang kilala ka niya."

Napahinto ako at naisip 'yong Mama ni Bright. Nawala sa isipan ko. Oo nga pala, isa pa pala 'yon. Ang gulo na talaga ng lahat.

"Napansin ko 'yan pero hindi ko na lang masyadong inisip kasi ang dami ng tumatakbo sa isipan ko," I said.

She sighed.

"Sige na. Uuwi na ako. Kita na lang tayo bukas," sabi ko at tumayo na.

Hinatid niya naman ako sa labas. Before I get inside the car, she bid me with a kiss on the cheek.

"Pakikumusta mo na lang ako kay Bright," pahabol ko pa bago pumasok sa loob ng kotse. Tumango naman siya at kumaway sa akin.

On my way home, hindi ko maiwasang mapaisip sa mga nangyari. Bright's knowing a revelation and me seeing things na mas lalo lang pinapagulo ang sarili ko.

Should Clara read Bright again? Kapag wala akong nakuhang info kina Mommy, I should at least let her read Bright again para makuha na namin ang sagot sa isa pang pinoproblema namin. That's one of the choice, I think.

Ayoko mang isipin na hindi parte si Bright sa nakaraan ko, but those memories that keep on coming back says a lot of what I think I didn't remember back then. I sighed once more.

Pagkarating sa bahay ay deretso lang ako sa kwarto bagsak agad ako sa kama at doon ko lang naramdaman ang grabeng pagod.

BRIGHT

Nakahiga ako sa damuhan sa likuran. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatambay rito sa labas. Wala pa akong planong pumasok.

Hindi ko pa rin maproseso lahat. Yung katotohanang iyon.

Yun na ba ang rason kung bakit hindi man lang nila ako dinalaw ay dahil hindi nila ako tunay na anak? Pero bakit pa nila ako pinulot no'ng bata pa ako? Bakit pa nila ako pinalaki at inalagaan kung napipilitan lang din naman pala sila? They could've just let me die back then.

Kaya ba hindi pa ako matahimik dahil ba kailangan ko pang makilala ang mga tunay kong magulang? Baka siguro. Baka siguro saka lang ako matatahimik kapag nakita ko na sila. Kapag narinig ko na ang rason kung bakit ako iniwan at pinabayaan sa tabi ng kalsada.

I just want all of this to end. Pero hindi ko alam kung papaano.

Pumikit ako at saka muling nagmulat at ginulo ang buhok ko at saka ako tumayo at naglakad papasok sa loob ng bahay. Nadatnan ko naman si Clara na tahimik na nakaupo sa sofa.

"Clar," tawag ko.

Nang lumingon siya, matagal akong tumitig. I sighed and spoke my mind. "Basahin mo ulit ako. Read through my memories. I just want all of this to end."

Walang pag-alinlangan kong sabi. Tumitig siya sa akin.

"Bakit?" tanong niya.

Umupo ako sa tabi niya at sumandal. "Gusto ko lang na matapos ang lahat ng ito. Sobra-sobra na ang mga nangyari. Pati kayo naaapektuhan na," sabi ko, nanghihina, but she remained silent.

I heard her sigh and then slowly nodded.

Tumayo siya kaya tumayo rin ako at sinundan siya sa taas. Kung ano man ang malaman ko ngayon, sana sa mga katanungang kailangan ng sagot ay masagutan na.

Pagkapasok sa kwarto niya ay umupo ako sa kama niya habang siya naman ay may hinalungkat sa bedside table niya, sa mga drawer. Nang sa tingin ko'y nakita niya na ang hinahanap ay lumapit na siya bitbit ang kuwintas.

"Sure ka ba, Bright? Will you be fine?" tanong niya, nag-aalala. I'm sure I will. "Ikaw? Will you be fine?" balik ko namang tanong.

Napatigil siya pero tumango rin.

"Ilahad mo ang kamay mo," utos niya at ginawa ko naman 'yon.

Tumitig pa ulit siya sa kuwintas bago iyon marahang sinuot sa leeg niya. Ngumiti pa siya sa akin bago hinawakan ang mga kamay ko.

"Handa ka na ba?" she asked.

Tumango ako. Handang-handa na ako.

Pagkapikit ng mga mata niya ay ang mahigpit din na pagkapit niya sa akin.

CLARA

"Anong gusto mong kainin?" he asked Bright.

"Ikaw bahala. Basta nakakain," tumatawang sagot ni Bright. He was studying on one of the table near the soccer field.

Kumunot ang noo ko at mas hinigpit ko pa ang hawak sa mga kamay ni Bright.

Sino 'yon? But the voice seems familiar. Parang kilala ko.

"Happy birthday!" Bright said in his most happy tone at may inabot sa isang lalaki na hindi ko maaninag ang mukha.

"Sorry, iyan lang ang nakayanan ko best friend. Pero sana magustuhan mo pa rin."

"Sus! It's fine. Lahat naman ng binibigay mo tinatanggap ko at nagugustuhan ko."

Nakaramdam kaagad ako ng pananakit sa aking ulo pero hindi ko pa binitawan si Bright. I need to know this. Ito na 'yong sasagot sa isang katanungang bumabagabag din sa akin.

"Pwede ba kitang ligawan?" he asked.

Nagulat si Bright and gazed at the person who he was facing and talking.

He smiled and slowly nodded his head.

Nanghihina na ako. Parang anytime ay bibitaw na ang mga kamay ko pero hindi ko hinayaang mabitawan ang kamay niya.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ni Bright sa nagmamaneho.

"Basta. Alam kong magugustuhan mo roon," he answered happily.

Hindi ko na kaya. Nanghihina na talaga ako.

"'Y-Yung seatbelt mo..."

Unti-unting kumakalas ang hawak ko sa kamay ni Bright. Hinahabol ko na rin ang paghinga ko.

"I love you..." he whispered.

And then a huge explosion happened.

Naramdaman ko kaagad ang sahig dahil sa pagkatumba ko at agad nawalan ng malay. I heard a voice called my name pero hindi ko na nakaya pang sumagot dahil sa panghihina.

I felt a tear fell from my eyes before darkness enveloped my sight.

**

Nang magising ako, mabilis akong bumangon. Nasa sahig pa ako. Napatingin naman ako sa leeg ko at suot ko pa ang kuwintas. Mabilis ko iyong tinanggal at tumayo.

Hinanap kaagad ng mga mata ko si Bright pero hindi ko siya mahagilap.

I sighed and went on my bed. Sumandal agad ako sa headress at naisip ang nangyari kagabi. Tinignan ko pa ang orasan at kaka-alas kwatro pa lang ng umaga.

Pumasok agad sa isipan ko ang mga nakita ko. Napakuyom ako. Hindi ko makita ang mukha pero pamilyar sa akin ang boses. Ayokong isipin na siya iyon pero it's not too unlikely na siya nga 'yon.

Napahawak ako sa dibdib ko at nadama ang pagkirot ng puso ko.

At yung huling senaryo na nakita ko. Napahilamos ako at umiling. It shouldn't be.

"Oh, gising ka na pala."

Nagulat ako at napatitig lang kay Bright na galing sa veranda. Nakatitig lang ako sa kanya at bigla kong naalala ang nakita ko. Sasabihin ko ba ang mga nakita ko? Should I tell him about it o hindi?

Seeing him, hindi ko maiwasang masaktan. Sa mga iniisip ko. Hindi ko maiwasang hindi masaktan at the same time, hindi maawa sa kanya. He doesn't know everything and he's clueless of everything at ang gusto lang niya ay makaalis sa dito sa mundo at matahimik.

Yumuko ako.

Naramdaman kong umupo siya sa kama.

"Okay na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya sa akin. Marahan akong nag-angat at dahan-dahang tumango. I'm totally fine.

"I'm f—fine..."

"Nga pala. May nakita ka ba?" tanong niya, umaasa. I stared at him. Matagal ang titig na ginawa ko bago ako nagpasya sa isasagot ko.

Umiling ako. "Wala..."

Bumagsak ang balikat niya.

Sorry, Bright. I can't lose him. I just can't.

***

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

39.4K 325 3
Exactly two decades after Wallace University was rocked by a mysterious death, another murder takes place -- and all hell breaks loose. As the invest...
292K 2K 8
FHALIA : THE RETURN OF THE KING WRITTEN BY SOMEONELIKEK Ang pagbabalik ng noon ay itinakdang hari ay sinundan ng isang malagim na trahedya. Mga pangy...
2.8K 199 8
#Wattys2018 Shortlist "No one will suffer for the sins of others, not even you; only for their own. And once you've completely become my queen, all y...
8.9K 36 2
Alam mo nang may gusto siyang iba, pero wala kang magawa. Wala ganyan talaga eh. Bat mo pa nga ba naman pipilitin sarili mo sa isang tao na hindi nam...