Until We Meet Again (BL) (Wat...

By WorstAdmirer

226K 8.6K 1K

#Wattys2020 Winner (Paranormal) Bright Kleinford Montez finds himself in a world where no one can see him. Wa... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4 ※
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
#Wattys2020

Chapter 12

4.9K 247 20
By WorstAdmirer

***

BRIGHT

"Malapit na tayo," Haze declared. Napatingin naman ako sa paligid at pansin ko ang nagtataasang puno ng niyog. When we reach the gate, sinalubong kami ng guard.

Haze rolled down the window and smiled.

"Uy! Ikaw pala yan Sir Haze! Sige po, pasok na po kayo." Sinenyasan ng guard na kausap ni Haze ang kasama para buksan nang tuluyan ang gate.

"Excited na ako!" Napatingin kami kay Peir nang sumigaw.

"Picture muna tayo. Ikaw magtake Clar," sabi ni Peir at inabot ang cellphone. Tinanggap naman 'yon ni Clara na natatawa at saka ipinasaere.

"Sige. One, two, three, smile!" Clara pressed the capture button. They took another pictures at wacky naman 'yon.

Si Haze naman ay tumatawa lang habang pinapaikot na ang kotse papunta sa parking. Walang sabi-sabi namang lumabas si Peir at Gwen at tumakbo papunta sa may signage at nagpicture. Natawa naman kami.

"Luis, tawagin mo muna 'yong dalawa para makuha na nila ang mga gamit nila," utos naman ni Clara.

Nang makabalik ang tatlo ay kanya-kanya na sila ng hakot ng kanilang mga dalang gamit. Nakasunod naman ako kina Clara at Haze na siyang nauna. Palingun-lingon pa ako sa paligid para tignan ang kabuuan ng resort. The resort is pretty good. Maaliwalas ang paligid.

Nang makarating sa loob ng hotel ay dumeretso na agad kami sa magiging kwarto.

Pumasok na kami sa elevator and Haze pressed the floor button number three.

"Ang ganda pala ng resort niyo, Haze. Hindi mo naman sinabi na may ganito pala kayo. Parang gusto ko tuloy na tumambay rito," bulalas ni Peir na sobrang natutuwa.

"Buti naman at nagustuhan mo."

"Syempre naman!" sagot ni Peir.

"Sige, iiwan ka na lang namin dito, gusto mo 'yon?" sabat naman ni Gwen.

Lumingon si Peir at umirap. Sakto namang bumukas na ang elevator. Padabog siyang lumabas.

"Hoy! Alam mo ba saan ka pupunta?" sigaw ni Gwen. Peir stopped at masama ang tingin nang lumingon.

Ang kulit nila.

"Para kang baliw, Peir," sabat naman ni Luis.

"Tse! Wag mo akong kausapin!"

Napailing na lang ako habang nakasunod pa rin sa dalawa.

Huminto sila kaya napahinto rin kaming nakasunod.

Humarap si Haze. "Sino gusto sa kwarto na 'to? Pangtatluhan 'to."

Agad naman na nagtaas ng kamay si Peir. "Sa amin na 'to. Dito na lang kami. At saka, I'm fine with Luis naman kasi alam ko namang hindi kami talo," sabi niya at nagtaas pa ng kilay. Lumaki ang mata ni Luis. "Anong pinagsasabi mo? Ako bakla? Psh. Halikan kita diyan, e!"

"As if!"

"Aba, gusto mo talaga akong subukan?"

Natatawa namin silang iniwan doon. Lumingon pa ulit ako sa kanila at bigla akong napailing. Baka magkatuluyan na talaga sila niyan. Bangayan nang bangayan.

"Hindi na ako magtataka kung magkatuluyan 'yong dalawa." Napalingon ako nang marinig si Clara.

"Obvious sobra, Clar. I know that Luis has a crush on Peir. Ayaw pang aminin kahit sobrang obvious na," sagot naman ni Gwen sa kanya. Taman naman na obvious talaga masyado si Luis.

Huminto si Haze sa isa pang pinto. "Dito ang sa atin, Clar."

Humarap si Clara kay Gwen. "Sige na, Gwen. Kita na lang tayo sa baba."

"Sige-sige. Balikan ko lang 'yong dalawa. And nga pala, enjoy!" makahulugang saad nito.

Napairap si Clara at sumigaw. "Bantayan mo 'yong dalawa baka anong gawin no'n!" Gwen just beamed and gave a big thumbs up.

Binuksan naman ni Haze ang pinto at deretsong pumasok. Sumunod naman si Clara at saka rin ako sumunod.

Pagod na humiga si Clara sa kama. Si Haze naman ay naging busy sa pag-aayos ng gamit.

"Magpapahinga ka muna?" tanong ni Haze. Nakapikit na si Clara. Halata naman na pagod siya at inaantok. Tumango si Clara. Haze didn't talk and just planted a kiss on her forehead before heading out.

Naiwan naman akong nakatingin kay Clara. Nagpasya na rin akong sumunod. Luminga-linga kaagad ako sa hallway para hanapin si Haze pero hindi ko na siya naabutan. Saan naman kaya 'yon nagpunta?

Nagkibit na lang ako at nagpasyang maglakad-lakad sa labas. Pagkababa ko, nagtaka kaagad ako kasi parang walang tao dito sa resort. Kami lang ba ang tao rito? May iilan naman akong nakita pero sa tingin ko ay mga staffs 'yon dito.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa mapadpad ang paa ko sa dalampasigan. Mas lalo pa akong napangiti nang marinig ko ang paghampas ng alon. Tumingin ako sa mga paa ko na inaabot ng alon pero hindi nababasa.

Tumingin naman ako sa paligid hanggang sa makakita ako ng beach lounge sa hindi kalayuan. Mabilis na tinungo ko iyon at humiga unan ang mga braso ko.

Habang nakahiga, I can't help but think of the days kung saan buhay pa ako. Sa mga nangyayari ngayon, I felt sad. Kasi gusto kong maranasan ang mga ganito pero ang aga ko kaagad na binawian ng buhay. Tapos, hindi ko man lang maalala ang mga magagandang alaala na nangyari sa buhay ko no'ng buhay pa ako.

I sighed.

Ito siguro 'yong oras na binigay sa akin para mag-enjoy dito sa lupa at ayusin ang lahat bago ako lumisan at tuluyan ng maglaho.

CLARA

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at sinalubong agad ako ng kisame. Mabilis akong bumangon at napansin kong mag-a-alas singko na ng hapon.

Haze isn't in the room. Baka nasa baba. Bago ako nagpasyang bumaba ay naligo muna ako at nagbihis. Dinaanan ko na rin ang kwarto ng tatlo pero wala na sila roon. Aba! At iniwan pa talaga ako ng apat. Miski si Bright ay wala rin sa kwarto.

Nagtanong naman agad ako sa isang staff pagkababa. Sinabi lang sa akin na nasa cottage sila. Nagpasalamat naman kaagad ako at tinungo na ang cottage. Sa labas pa lang ng cottage ay sumalubong na agad sa akin si Peir at Luis. Napangisi ako. Tahimik ako na lumapit. Pagkalapit ay natawa agad ako nang mapansin ang lukot na mukha ni Peir.

"Napaano?" nguso ko kay Peir. Nagulat naman si Luis sa akin.

"Gising ka na pala. Ewan diyan sa isang yan," sagot ni Luis na mukhang naiinis na rin. "Si Haze?" segunda kong tanong. Tinuro lang agad niya ang loob ng cottage. Bago ko pa sila iniwan doon, nag-good luck muna ako kay Luis na nakangisi niya lang na inilingan.

Pagkapasok ko ay nadatnan ko siya na busy sq pag-aayos ng pagkain sa mesa. Napansin ko naman si Gwen nakaupo sa sulok at tutok sa kanyang cellphone. Tinungo ko kaagad ang tabi niya at umupo do'n para silipin ang ginagawa. Iniwas niya naman ang cellphone niya. Damot.

"Sus! Sino 'yan? Baka may someone ka na, ah! Pakilala mo naman sa amin," pang-aasar ko.

Tinulak niya ako. "Doon ka nga kay Haze," sabi niya. Natawa na lang ako. Masyadong obvious na may tinatago, e.

Tumayo ako at nilapitan si Haze at saka ako yumakap sa kanya sa likuran. Dahil mas maliit ako sa kanya, pinasok ko ang mukha ko sa pagitan ng kilikili niya para matignan siya sa mukha.

"You didn't wake me up," I pouted.

"Masyadong mahimbing ang tulog mo kaya hindi na kita ginising," sagot niya akin. Bumaling ako sa pagkain sa mesa. Nahagip naman ng mata ko ang isang grapes. Pumitas ako ng isa at nilamon 'yon bago ako tumingin ulit sa kanya. Bigla ko namang naalala si Bright kaya humiwalay ako.

"Si Bright pala?"

Napahinto ako at napasapok sa noo ko. Oo nga pala. Haze can't see him.

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at mabilis agad ako na lumabas sa cottage. Nasaan naman kaya ang isang 'yon?

Bumalik agad ako sa taas para tignan doon baka kasi nasa kwarto lang kaso wala rin siya. Bumaba ulit ako at naglakad-lakad lang sa paligid. Nasaan ba 'yon. I tried to call his name pero wala.

Habang nagpatuloy sa paglalakad, napadpad ako sa dalampasigan. Luminga-linga ako sa paligid hanggang sa mapansin ko ang beach lounge sa hindi kalayuan kaya nagpasya akong puntahan iyon. Nang makalapit, napahinga ako nang maluwag nang makita ko si Bright na mahimbing na natutulog.

Napangiti ako at umupo sa tabi niya. Tumitig muna ako sa maamo niyang mukha saka ko siya ginising.

"Bright..." tawag ko.

Nagmulat agad siya ng kanyang mata at mabilis na bumangon nang makita ako. Natawa ako sa reaksiyon niya.

"Balik na tayo. Ba't ka ba nandito?" bahagyang nakatawang tanong ko. Mabilis siyang tumayo. "Nakatulog pala ako?"

I nodded.

"Sige, tara na."

Pagkabalik namin sa cottage ay sobrang ingay na ng loob.

Pagkapasok ay lumapit kaagad si Peir sa akin at hinila ako sa gitna. "Let's dance!"

Gusto ko pa sanang tumanggi pero wala na akong nagawa kundi sumabay. Ayoko namang maging KJ.

"Touch by touch! You're my only lover..." pagkanta ni Luis. Natatawa lang din ako habang sumasayaw. Napagawi naman ako kay Haze na natatawa na rin habang kumukuha ng video.

HAZE

Tawang-tawa ako habang nakatingin sa kanila na sumasayaw. Napatitig naman ako kay Clara na humahataw rin. Ang saya nilang tignan.

Nang matapos si Luis sa pagkanta at sila sa pagsayaw, nagpasya na rin kaming kumain. Natutuwa naman ako kasi makikita mo talagang masaya sila at parang walang iniisip. Ang saya nang ganito, 'yong stress free ang mga mukha nila.

We've spent our hours playing and enjoying hanggang sa mag-aya silang mag-inom. Syempre, hindi ako tumanggi. Nagpakuha pa ako ng isang case ng alak sa loob at pinahatid dito sa cottage para makapagsimula na kaming mag-inom.

"Cheers!" sigaw ni Gwen. Pinagmasdan ko sila isa-isa suot ang kanya-kanya nilang ngiti.

Lumipas ang ilang oras at lasing na agad ang mga kaibigan ni Clara. Kung anu-ano na pinag-uusapan dahil tawa lang nang tawa. Si Luis naman ay bagsak sa mesa habang si Clara ay nakasandal sa upuan at nakatitig sa basong hawak. Nilapag ko ang hawak na baso.

I decided to go outside to have a walk on the shore to get some fresh air. Nang mapagod ay umupo ako sa buhanginan at tumingala.

"Ba't ka nandito?" nabigla akong napalingon kay Clara.

"Ginulat mo naman ako."

"Wala lang. Nagpapahangin," tugon ko sa tanong. Hindi siya sumagot pabalik kaya tinuon ko na lang sa mga bituin ang pansin.

"Haze..." tawag ulit niya.

Bahagya akong lumingon.

"Ano pala nangyari talaga sa'yo no'ng nahimatay ka? No'ng sinuot mo 'yong kuwintas?" Hindi ko inasahan ang tanong ni Clara. Matagal bago ako nakasagot. Inisip ko pa muna ang nangyari no'ng araw na 'yon.

Alam kong may isang bagay na tumatak sa akin that day.

"Hindi ko alam." Hinarap ko ang katawan ko sa kanya. She did the same thing at tuluyan na kaming magkaharap.

"Pero may isang bagay ang gumugulo sa akin..." pagsimula ko. Isang bagay na hanggang ngayon, ginugulo pa rin ako.

Isang panaginip na memoryado ko na yata dahil sa paulit-ulit ko itong napapaginipan. Noong una, hindi ko pa pinapansin pero nang makita ko ang memoryang iyon sa araw na nahimatay ako, doon na mas lalong gumulo.

"Lagi ko itong napapaginipan. Pero boses lang ang naririnig ko at wala akong makitang kahit ano pero memoryado ko ang boses sa paligid. At ang pangyayaring lagi ko ring napapaginipan ay lumitaw rin sa isipan ko no'ng araw na nahimatay ako. Kasama sa mga imaheng nakikita ko. And I see a car. I see two person inside a car and going somewhere."

Her brows furrowed. "A—Anong ibig mong sabihin?"

I smiled. "Those dreams, sigurado akong parte iyon ng alaala kong hindi ko matandaan. Ramdam ng puso ko. Na kahit nakalimutan na ito ng utak ko, I know, my heart didn't forget about it."

***

Continue Reading

You'll Also Like

39.6K 3.5K 69
Cursed Stories #2 | Mistakes are unintentional, but you pay for it. *** An epistolary, short story. "Order now, die later." When a stranger was added...
2.8K 199 8
#Wattys2018 Shortlist "No one will suffer for the sins of others, not even you; only for their own. And once you've completely become my queen, all y...
134K 5.8K 61
Teenage Paranormal Detectives are a group of students that tackles different paranormal mysteries and entities while juggling their teenage everyday...
34K 2.2K 64
Pangako.....gaano mo ba katagal mapapangatawanan ito? Dalawang pangako, Dalawang pag-ibig. Dalawang pangakong isinilid sa dalawang boteng babasagin...