Until We Meet Again (BL) (Wat...

By WorstAdmirer

226K 8.6K 1K

#Wattys2020 Winner (Paranormal) Bright Kleinford Montez finds himself in a rather unusual situation--living i... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4 ※
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
#Wattys2020

Chapter 10

5.2K 258 18
By WorstAdmirer

***
BRIGHT

"Sumama ka muna sa akin, Haze," biglang aya ni Clara kay Haze. Tumingin sa akin si Clara, "Ikaw rin Bright."

Nagtaka si Haze at ganoon din naman ako. Saan kami pupunta?

"Saan?" takang tanong ni Haze. Hindi sumagot si Clara at nauna ng naglakad at paakyat siya sa ikalawang palapag ng bahay.

Sumunod si Haze at kalauna'y sumunod din ako. Tumungo siya sa pinakahuling pinto. Siguro ay kuwarto ito ng grandparents niya. Huminto si Clara at nang nasa tapat na rin kami ng pinto ay huminto rin kami.

"Kagabi, I was looking into Lola's things. I found something." Simula ni Clara and then she opened the door and went in. Sumunod din agad kami.

Napatingin ako sa buong kwarto. Sinuyod ng mga mata ko ang bawat sulok doon. Haze just sat on the bed habang ako ay nanatili lang na nakatayo.

Napahinto naman ako nang tumama ang mga mata ko kay Clara na binubuksan na ngayon ang cabinet. It's an old antique cabinet.

"Ang tanda na siguro niyang cabinet na 'yan," bulalas ko.

Napalingon si Clara pero balik din sa ginagawa. "Oo. Sa mga ninuno pa ata 'to nina Lola."

Nalipat ang tingin ko kay Haze na nakatingin sa direksiyon ko. He's wandering his eyes and then he laughed. "Ang hirap naman nito kapag hindi mo nakikita ang kausap mo," sambit niya.

Clara laughed and didn't answer.

Marahang binuksan ni Clara ang cabinet. She then bent down and grabbed the box. Tumayo naman at tumulong si Haze na kunin 'yong box.

Clara sighed.

Mabilis naman niyang inalis ang takip sa mga box at kinuha ang maliit na box doon sa isang box at isang maliit na libro sa kabila.

Matagal siyang tumitig doon at agad din siyang gumawi sa kay Haze. Si Haze naman ay halata mong naghihintay sa sasabihin ni Clara.

"Alam kong curious ka tungkol sa bagay na ito, Haze. Remember when you asked me if there was a way that a normal person like you could be able to see and communicate with ghost?"

Napaawang ako. So, kung susuotin 'yan ni Haze, he would be able to see me? Ganoon ba?

Sa hindi malamang dahilan, natuwa ako. Lumawak ang ngiti sa labi ko at biglang na-excite.

"S—So, I can see and communicate with him? Ganoon ba?" naninigurong tanong ni Haze. Halata rin sa boses ang excitement niya.

"Oo, Haze. Alam ko yung pakiramdam mo na hindi mo alam kung saan mo itututok ang mga mata mo kasi you can't see who you were talking with," nakangiting saad ni Clara.

Inabot ni Clara ang maliit na box kay Haze na naglalaman ng kuwintas. Haze stared at it bago umangat ang mukha niyang nagliliwanag sa tuwa.

"Sa nabasa ko, you just have to close your eyes and call the name of whom you want to see and talk to," sabi ni Clara.

Dahan-dahan ng binuksan ni Haze ang box at inangat ang laman na kuwintas. Abo ang kulay sa tali nito at may palawit na kulay puting bilog na may maliit na kulay itim na hugis bilog sa loob.

HAZE

I stared at the necklace. Mahigpit ang hawak ko sa tali nito. I looked at Clara who were smiling at me. Sinuyod ko rin ang buong kwarto saka ako ngumiti.

Hindi ko alam pero sobrang excited ako. Iniisip ko kung ano ang itsura ng isang multo, and I also want to see how Bright really looks like. Nakita ko naman na siya doon sa litrato sa nakuha naming info from the university pero gusto ko talaga siyang makita, yung kaharap ko talaga siya.

Bumuntong ako at marahan ko nang sinuot iyon. I closed my eyes and think of Bright. And then I mumbled his name.

After I said his name, unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Tumambad kaagad sa akin ang isang pigura na katabi ni Clara. Kumurap-kurap ako pero agad din akong napahawak sa ulo ko sa sakit na naramdaman. Bigla ring nagdilim ang paningin ko at iba't-ibang lugar ang bumabalik sa isiapan ko.

I heard an exclaimed na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Bumagsak ako sa sahig habang hawak ko pa rin ang ulo kong parang binibiyak sa sakit.

"Haze..." a different voice called my name. Inalis ko ang hawak sa ulo ko at gumapang ako para hanapin ang pinagmulan ng boses.

Sino 'yon?

Unti-unting humina ang boses na naririnig ko hanggang tuluyang wala na akong narinig.

Hindi na ako gumalaw pa. Malabo ang paningin ko pero kita ko ang dalawang tao na nakadungaw sa akin bago nilamon ng itim na liwanag ang paligid.

*

Marahan kong minulat ang mga mata ko at kisame agad ang bumungad sa akin. Sinuyod ko ang buong kwarto at napagtanto kong kwarto ito ni Clara.

Dahan-dahan akong bumangon. Nakita ko naman si Clara na nasa labas sa veranda at mukhang kausap si Bright.

Ilang sandali rin ay pumasok na siya at agad siyang napatakbo sa akin.

"Okay ka lang ba? Maayos ba ang pakiramdam mo?" tanong niya. Tumingin ako sa tabi niya.

"Nasa tabi mo ba si Bright?" iyon agad ang tanong ko.

Tumango siya. Ngumiti naman ako.

Umupo si Clara at hinawakan ang mga kamay ko. Alalang-alala ang mukha niya. Tinawanan ko siya at sinapok sa noo.

"Huwag ka ngang sobrang seryoso diyan. Okay na ako," sabi ko.

"Mabuti naman kung ganoon at okay ka na. I didn't know what happened earlier. Pero mabilis kong tinanggal ang kuwintas matapos mong matumba," pagkuwento niya.

"Sayang at hindi ko man lang nakita nang lubusan si Bright," malungkot kong saad.

"Ano ba ang nangyari?" tanong ni Clara. I don't know how will I going to answer her kung ganitong hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang nangyari.

Nagkibit ako. "Hindi ko rin alam kung anong nangyari. Basta pagkakita ko sa mukha ni Bright, bigla na lamang sumakit ang ulo ko. Tapos, andaming lumalabas na imahe ng mga lugar, mga tao, malalabo, hindi ko maintindihan," paliwanag ko.

Sumeryoso si Clara.

"May mga pangyayari ba sa nakaraan mo na hindi mo matandaan?" I was stopped by the sudden questions Clara asked me.

Matagal bago ako nakasagot at tanging pag-iling lang din ang naisagot ko.

Tumingin ako sa orasan ko at alas onse na ng umaga. Inalis ko ang kumot at umalis sa kama.

"Shoot! Pupunta pa tayo, 'di ba, sa bahay nina Bright? Let's go!"

Kailangan naming magmadali para madali kaming makauwi. We have to settle all of these as soon as possible.

Hindi na kumontra si Clara at kinuha na niya ang bag niya.

Pababa na kami pero hindi ko maiwasang hindi mapaisip. I really want to see him and talk to him like a real person who does exist. Pero sa nangyari, hindi ko na alam kung makakausap ko pa siya. Siguro, sa susunod na lang. Susubukan ko ulit 'yon.

"Next time ko na lang ulit susubukan 'yon, Clar. For now, kailangan muna nating puntahan ang bahay nina Bright," I spoke out at pinaandar na ang sasakyan at lumarga na.

"Malapit na malapit ng masagot ang mga katanungan mo, Bright." Nakatingin si Clara sa likura at kausap si Bright na hindi ko nakikita.

Medyo nalungkot ako nang maisip na hindi ko pa siya makikita. Pero hindi bale, makikita ko rin siya sa susunod.

Pero habang nagmamaneho, biglang sumagi sa isipan ko na next week na pala ang finals namin. Ang bilis ng oras. Kailangan ko pang aralin ulit 'yong magiging coverage ng exam.

"Finals na pala next week, Clar," sabi ko.

Napatakip siya ng bibig. "Oo nga pala! Kailangan ko pang mag-aral mamaya!"

Sa buong biyahe, kausap lang ni Clara si Bright habang ako ay medyo naiinis na kasi hindi ko nakikita si Bright. Ano ba naman kasi 'yan! Kung bakit ba kasi hindi ako pinanganak na nakakakita ng multo.

"Pero maiba, Clar, why not tignan mo kaya ulit ang nakaraan ni Bright?" naisip ko lang. "Para mapadali agad tayo, 'di ba?"

Clara raised her brows. "So, nagmamadali ka? At saka Haze, we should not always depend on those things. Sapat ng nakakuha tayo ng info. Kung kaya naman nating gawin nang hindi humihingi ng tulong doon, why should we use that, 'di ba?"

Napailing at napatawa na lang ako. "Masyado mo namang sineryoso ang sinabi ko. What I was saying was that, it would make our work lesser. I mean, it would help us great really."

She sighed at biglang nag-iwas at binaling sa labas ang tingin. May nasabi ba akong masama?

"We can't always depend on that. Also, there are limitations, Haze," she said in a serious manner while still looking outside the window.

Hindi na ako sumagot at napatango na lang.

Lumipas ang mga oras ay huminto ako sa isang street para magtanong kung saan ang subdivision na ito.

"Ate, saang subdivision ito?" pag-abot ko sa kanya sa papel.

"Ah, Don Carlos Subdivision. Doon yan. Straight lang kayo tapos kaliwa tapos kanan at saka straight tapos kanan ulit at may makikita kayong sign ng subdivision."

I smiled and thanked Ate at tumuloy na kami. Tumingin ako sa orasan sa dashboard at mag-a-alas kwatro na.

Sinunod namin yung tinuro ni Ate at natanaw ko na nga ang malaking signage. Sa gate ng subdivision, sinalubong agad kami ng mga guard at tinanong kami kung sino ang pinunta namin. Sinubukan lang naming itanong ang family name na Montez at dahil nga kilala nila, pinapasok na rin kami matapos masabi ang house number.

We stopped in front of a huge house. Bago kami lumabas ay pinagmasdan muna namin ang bahay.

"Malaki pala ang bahay niyo, Bright," sambit ni Clara na nakatingin sa bahay.

"Ito na ba talaga ang bahay nila?" Clara asked in amazement.

I shrugged kasi hindi ko rin alam.

Ako na agad ang lumapit sa gate at pinindot ang doorbell. A maid welcomed us at agad kaming tinanong.

"Ito ba ang bahay ng Montez?" Clara inquired. The maid looked at us sternly and answered.

"Oo. Ito nga. Bakit?"

Nagkatinginan kami ni Clara.

"We're here because we'd like to discuss something with them," magalang na pahayag ni Clara.

Pinapasok naman kaagad kami ng Maid at namangha si Clara sa loob ng bahay. Malaki rin kasi talaga ang bahay.

"Teka lang at tatawagan ko muna sina Ma'am," informed the Maid. We nodded.

"Bright?" tawag ni Clara kaya napalingon ako at napakunot noo sa kanya.

"Anong nangyari kay Bright?" tanong ko.

She shrugged. "Hindi ko alam. Biglang umalis."

Ngumit ako. "Huwag kang mag-alala. Baka nasa labas lang 'yon."

Nang makabalik ang Maid ay may suot agad ito na malungkot na mukha.

"Pasensiya na ho kayo, sa makalawa pa pala sila makakauwi. After their duty on work kasi ay dederetso sila sa isang business conference sa Thailand, pasensiya na talaga. Ma'am just told me to inform you about it," sabi ng maid.

Nagkatinginan kami ni Clara. Tsk.

"Sige. Salamat. Babalik na lang ulit kami." Inaya ko na si Clara na lumabas pero huminto pa muna siya.

"Teka lang po. Ang anak po nila? Andito ba?" tanong niya.

"Ah, si Landon? Wala rito, e. Wala rin akong alam kung nasaan 'yon ngayon namalagi," sagot ulit ng maid. Bumagsak ang balikat ni Clara.

I sighed. I guess, we'll have to be back here again. Pero sana sa oras na 'yan, makakausap na namin ang mga magulang ni Bright.

***

Continue Reading

You'll Also Like

39.7K 3.5K 69
Cursed Stories #2 | Mistakes are unintentional, but you pay for it. *** An epistolary, short story. "Order now, die later." When a stranger was added...
2.8K 199 8
#Wattys2018 Shortlist "No one will suffer for the sins of others, not even you; only for their own. And once you've completely become my queen, all y...
134K 5.8K 61
Teenage Paranormal Detectives are a group of students that tackles different paranormal mysteries and entities while juggling their teenage everyday...
34K 2.2K 64
Pangako.....gaano mo ba katagal mapapangatawanan ito? Dalawang pangako, Dalawang pag-ibig. Dalawang pangakong isinilid sa dalawang boteng babasagin...