Until We Meet Again (BL) (Wat...

By WorstAdmirer

227K 8.7K 1K

#Wattys2020 Winner (Paranormal) Bright Kleinford Montez finds himself in a rather unusual situation-living in... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4 ※
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
#Wattys2020

Chapter 7

5.6K 285 13
By WorstAdmirer

***

CLARA

Sinara ko na ang pinto ng sasakyan ni Haze. Bright is with us. Sumama na siya sa amin dahil sabi nga ni Haze ay tulungan namin siya.

Nakasandal si Haze sa sasakyan habang ako ay tahimik lang at nakahalukipkip. Hanggang sa binasag ko na ang katahimikan.

"How are we going to help him?" I asked. Kung ako nga, e, walang nagawa no'ng una para tulungan siya pero heto, we're at it again.

Alam ko naman na may paraan pa ako, but that's not included in my choices kasi hindi pwede. Pero may iba pa bang paraan?

"Ikaw? Ano sa tingin mo? How can we help him?" balik na tanong sa akin ni Haze. Napabuntong ako at naglakad papasok sa loob ng bahay. Haze followed.

Mabilis akong umupo sa sofa at napaisip.

"Wala akong ibang maisip na paraan sa ngayon. I tried last time. Wala akong alam so hininto ko na lang," malungkot kong sabi. Bigla namang pumasok sa isipan ko ulit na what if gamitin ko na 'yong mga gamit ni Lola? I shook my head in contemplation.

"Family niya? Bahay nila? School na huling pinasukan niya? Wala?"

Napatitig ako sa seryosong mukha ni Haze and I slowly nodded. Sa mga binanggit niya, I couldn't get a hold of any information about it.

Tahimik siya na umupo. Napalingon naman ako kay Bright na kapapasok lang. I smiled halfway bago ko ginawi ulit kay Haze ang pansin.

Tahimik lang kami. Tanging paghinga ko lang ang naririnig ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at napahilot ako sa sentido ko. Paano kapag ginamit ko 'yong mga kagamitan ni Lola? Will it really help us?

Tumayo ako nagpabalik-balik sa paglalakad habang nasa malalim na pag-iisip hanggang sa makapagdesisyon na ako. Mabilis na tumakbo ako paakyat. Tinawag pa ako ni Haze but I didn't listen and just went in front of my Lolo and Lola's room. Huminto ako at napatitig sa pinto. Walang sabi-sabi ay binuksan ko ito. Bumungad agad sa akin ang tahimik na kwarto.

Bumungad sa akin ang nakaayos na puting kama. Napadako ang mga mata ko sa bedside table. Nakapatong doon ang litrato nina Lola at Lolo at syempre, nang litrato namin.

A huge cabinet is placed in front of her bed. An antique cabinet. Nakabuhayhay din ang puting kurtina sa pintuan palabas sa veranda, tinatangay ng hangin. Napabaling naman ako sa orasan at mga picture frames na nakasabit sa ibabaw ng kama niya.

Umupo ako sa paanan ng kama at bigla na lang akong nakaramdam ng pagka-miss. But I am also happy kasi I was able to make good memories with her habang nandito pa siya. Sila ni Lolo.

Tumayo ako at lumapit sa cabinet. Alam kong dito nakatago ang mga gamit ni Lola. Gusto ko sana siyang kausapin pero hindi ko naman alam paano kasi sa tingin ko, umakyat na ang kaluluwa ni Lola sa langit at sa tingin ko'y magkasama na sila ni Lolo.

Unti-unti kong binuksan iyon at tumambad sa akin ang mga damit ni Lola at Lolo. Sinuyod ko ang loob ng cabinet hanggang sa mahagip ng mga mata ko ang dalawang box sa baba.

I bent down at agad kong hinila iyon. Sa takip ng box, may nakasulat na bawal galawin. Nangiti ako kasi pamilyar sa akin ang guhit kamay which is kay Lola.

Umupo ako sa sahig at mabilis na inalis ang takip. Tumambad sa akin ang mga maalikabok na mga lumang libro.

Bigla ko namang naalala 'yong time kung saan ginagamit pa ni lola ang mga 'to. Nagkukwento kasi si Lola sa amin no'ng buhay pa siya. And palagi kaming excited tuwing nagkukwento siya ng mga experiences niya.

Tinabi ko ang nabuksan kong box at kinuha ang isa pang box. Mabilis ko itong binuksan at mga maliliit na box agad ang tumambad sa akin sa loob. Naka-arrange ito. Magkakaiba ang kulay ng kahon. Iniingatan talaga masyado ni Lola 'tong mga 'to.

Medyo nagtaka lang ako kasi hindi man lang nilagay ni Lola sa tagong lugar itong mga gamit niya. Siguro kasi naniniwala siyang hindi namin gagalawin. Pero wala akong magagawa, kailangan ko ang tulong ng mga 'to.

Hinalungkat ko ang box at isa-isang tinignan ang pangalan ng takip ng mga maliliit na box. Agad din naman akong nahinto nang makita ko ang box na sa tingin ko ay siyang hinahanap ko na makakatulong sa amin ngayon.

Kinuha ko iyon.

"Pagbasa sa Nakaraan" basa ko sa nakasulat sa takip. Nang buksan ko iyon, tumambad sa akin ang isang kuwintas. Kulay abo ang tali at may maliit lang na kulay itim na bilog na may puti sa ilalim na nagsisilbing palawit nito.

Paano ba gumagana 'tong mga kagamitan ni lola? Nilipat ko ang pansin sa box na una kong binuksan kanina at hinalungkat iyon hanggang sa makita ko ang isang libro na may kaparehong pangalan sa takip ng box ng kuwintas na hawak ko.

Kinuha ko iyon at saka tumayo at mabilis na tumakbo palabas para puntahan sila.

Nagulat sila nang makita akong mabilis na tumatakbo pababa. Mabilis agad ako na umupo sa tabi ni Haze.

"Saan ka galing?" tanong niya.

Ngumiti ako at pinakita ang hawak ko.

"Ano yan?" tanong niya.

Nang maalala ko kung ano ang hawak ko, bigla akong natauhan. Nakaramdam din agad ako ng kaba habang nakatingin sa hawak kong maliit na libro at sa kuwintas.

Tumingin ako kay Bright na nakatingin lang sa akin, curious.

Tumikhim ako at hindi na inisip ang nararamdamang kaba. "I don't know how this will help us pero ito 'yong mga gamit ni Lola noon."

Nakakunot pa rin ang noo ni Haze.

"Nakakausap si Lola ng mga kaluluwa no'ng buhay pa siya. Tinutulungan niya ang mga kaluluwang nangangailangan ng tulong," I started. Seryoso namang nakikinig si Haze.

Lumunok ako. "Tapos, ang sabi ni Lola ay huwag ko raw itong galawin, but if this is the only way to help Bright..." I looked at Bright and then to Haze, "...hindi na ako nagdalawang isip pa."

"Noong una, ayoko talaga. Pero, paano pa ba natin matutulungan si Bright? Kaya nagdesisyon akong itigil ang pagtulong sa kanya pero bigla akong na-guilty. At first, gusto ko lang na bisitahin ang puntod niya para maibsan ang nararamdaman kong pagka-guilty pero sa totoo lang, gusto ko talaga siyang tulungan," dagdag ko pa. Ngumiti ako at tumingin ulit kay Bright.

Tumingin akong muli sa hawak ko.

"I didn't know you're a family who can see and communicate with ghost..." Haze stated in an amazement.

Humalakhak ako.

"So, paano yan? Paano yan ginagamit?" tanong niya.

Mabilis ko naman na binuklat ang libro at masuring binasa ang bawat pahina. Pero napahinto ako nang may mabasa na nakapagpawala sa ngiti sa labi ko.

"Bakit?" tanong ni Haze.

Nag-angat ako. Nginitian ko sila at umiling at pinagpatuloy na ang pagbabasa sa libro. Nang maintindihan ko na kung paano iyon ginagamit, tumayo ako at tinawag si Bright.

"Tumayo ka lang diyan," utos ko sa kanya. Tahimik siyang sumunod sa mga pinagsasabi ko.

Binigay ko muna kay Haze ang libro. Tahimik lang siya na nakatingin sa akin. Mahigpit na hinawakan ko ang kuwintas. Bigla namang nahagip ng paningin ko si Carl na kapapasok lang.

"Saan ka galing?" tanong ko.

Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. "Sa likod lang. Sa garden," sagot niya. Tumango ako. "Sa kwarto ka muna," sabi ko. Mabilis naman siyang sumunod at tumakbo sa taas.

Binalik ko na ulit ang tingin kay Bright. Unti-unti kong kinalas ang nakabuhol na kuwintas at dahan-dahan ko iyong sinuot.

Paggamit sa mga kagamitan ni Lola, alam kong may kapalit ito. Alam kong may dapat akong tandaan sa paggamit sa mga kagamitang ito. But as long as I'm careful and I don't use it much often that what was stated, everything will be alright.

Hindi ko alam kung bakit ako humantong sa desisyong ito. Wala ito sa mga top choices ko sa pagtulong kay Bright pero dahil sa naramdaman kong guilty at sa loob-loob kong gusto ko rin talaga siyang tulungan, siguro I ended up helping him this way para na rin matahimik ako. Kahit alam kong hindi ko alam kung anong kahihinatnan nito sa pagdating ng panahon.

"Ilahad mo ang kamay mo, Bright," utos ko.

Nilahad niya naman iyon.

I closed my eyes and opened it again. I sighed at dahan-dahan kong nilapag ang kamay ko sa kamay ni Bright hanggang sa mahawakan ko na ang kamay niya. It was cold. I looked at his eyes. I smiled.

And then I closed my eyes at sa isang iglap, para na akong dinala sa isang lugar.

Tumingin ako sa paligid. Tahimik ang lugar. Maraming puno. Malawak.

Hinakbang ko ang mga paa ko at dinala ako nito sa isang harap ng gate. Maraming tao. Maingay. Napansin ko naman ang ibabaw ng gate. Binasa ko iyon. Pangalan ito ng isang unibersidad.

Ihahakbang ko na sana ang paa ko papasok pero nahinto rin ako nang bigla na lang lumabo ang paningin ko at sumakit ang ulo ko.

Bigla akong napahugot nang malalim na hininga kasabay ng pagmulat ng mata ko at pagbitaw ko sa pagkahawak sa kamay ni Bright.

Umatras ako sa gulat.

"May nakita ka ba?" agarang tanong ni Haze.

I sat and removed the necklace abruptly. Tumingin ako kay Haze at mabilis ko siyang niyakap. I stayed in his embrace for a while.

"Anong nakita mo?" marahang tanong ni Haze while patting my back.

Dahan-dahan akong umalis sa yakap niya. Tumingin ako kay Bright bago kay Haze.

"Nakita ko kung saan nag-aaral si Bright noon," sambit ko.

Masaya ang pakiramdam ko sa nalaman at nakita ko patungkol sa buhay ni Bright kasi alam kong ito na ang simula ng lahat para matuldukan na ang mga katanungan niya.

Pero nang maalala ko na naman iyong nabasa kong linya sa libro kanina, nawala ang ngiti ko. Pero andito na 'to. I opted to choose this way and I have to continue this until everything is certain.

"May problema ba, Clar?" Haze asked worriedly.

Umiling ako. "Wala naman."

Nilingon ko ulit si Bright. "Matutulungan ka na namin, Bright," bulalas ko.

"Maraming salamat, Clara. Maraming salamat sa lahat," he happily said.

Ngumiti lang ulit ako bilang tugon sa kanya.

Hindi ko alam kung hanggang saan ang pagtulong namin pero sa nakikita ko sa kanya ngayon na masaya siya, si Bright, natutuwa na rin ako at sa tingin ko, iyon ang importante sa lahat.

***

Continue Reading

You'll Also Like

4.7K 40 2
SYNOPSIS: Luis is a handsome sophomore economic college student, while Blue is one of the campus' crush and is also in the school band. When Luis is...
573K 17K 86
Kayla is not your ordinary girl. Why? Because she really isn't. May kakayahan siyang hindi naiinitindihan ng ibang tao. She has a third eye. Hindi n...
134K 5.8K 61
Teenage Paranormal Detectives are a group of students that tackles different paranormal mysteries and entities while juggling their teenage everyday...
23:57 By RAYKOSEN

Paranormal

1.1M 48K 40
May urban legend na kumakalat online. May sumpa raw sa Shibuya na tuwing sasakay ka sa last train ride ng 23:57PM ay magsisimulang magbago ang buhay...