Until We Meet Again (BL) (Wat...

By WorstAdmirer

227K 8.7K 1K

#Wattys2020 Winner (Paranormal) Bright Kleinford Montez finds himself in a rather unusual situation-living in... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4 ※
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
#Wattys2020

Chapter 6

5.8K 311 53
By WorstAdmirer

***
CLARA

Isang linggo na ang nakalilipas at sa mga nagdaang araw, bangag ako at hindi mapakali. Linggo ngayon at kagigising ko lang pero maraming bagay na agad ang tumatakbo sa isipan ko.

Napasuklay ako sa buhok ko. Why is Bright making me like this? Naiinis ako dahil lagi ko siyang naiisip. Matapos no'ng date namin ni Haze, hindi na ako matahimik. Lagi siyang pumapasok sa isipan ko sa hindi ko malamang dahilan.

Oh baka siguro dahil naguiguilty ako? Ewan.

Binaling ko ang pansin ko sa bedside at agad kong kinuha ang nakalapag kong cellphone roon. Mabilis ko agad na hinagilap ang number ni Haze. I need to call him.

Alam kong sobrang aga pa lang pero wala na akong pakialam.

Pagkasagot niya sa tawag ay agad akong nagsalita.

"Samahan mo ako mamaya."

"Aga-aga mo namang napatawag, Clar. Pero bakit ka napatawag?" tugon niya.

Pabagsak na inihiga ko ang katawan sa kama at tumitig sa kisame. Gusto kong bisitahin si Bright para naman kahit papaano ay maibsan 'tong masyado kong pag-iisip sa kanya at kahit papaano rin ay maibsan 'tong gulity kong nararamdaman.

"Basta samahan mo ako. Punta ka mga 8 am dito sa bahay. Dito ka na rin kumain," sabi ko.

"Oo na. Pero saan ba tayo pupunta?"

Bumuntong ako. "Sa sementeryo." Hindi ko na siya pinasagot at binaba ko na kaagad ang tawag at napabuntong.

Tinignan ko ang orasan at alas sais pa lang ng umaga. Ang aga ko ngang tumawag. Umiling na lang ako at nagpasyang umidlip.

*

"Nasaan ang Ate mo?" rinig kong tanong ni Haze kay Carl. Pababa na ako ng hagdan at nakikipag-usap lang si Haze kay Carl.

Nang mapansin ako ni Haze ay ngumiti siya sa akin. Ngumiti rin ako pabalik at deretso na sa kusina para makapagluto na ng agahan.

Umingay ang upuan nang umupo siya habang ako naman ay busy lang sa paghahanda ng lulutuin ko.

"Pinatayan mo ako ng tawag kanina. At ano 'yong sabi mo na sementeryo?" he inquired, curious of what I've said earlier.

Nilingon ko siya.

"Sa sementeryo tayo pupunta," inulit kong sinabi.

"Para saan?"

Tumigil ako sa ginagawa at tuluyan siyang hinarap. "Maya ka na magtanong. Basta doon tayo pupunta. Malalaman mo rin kung bakit." Ang sabi ko lang at binalik na ang atensiyon sa hinahanda. Hindi na rin siya sumagot pa at nanatiling tahimik.

Habang nagluluto ako, nakapangalumbaba lang siya habang sunud-sunuran sa galaw ko. Hindi ba siya napapagod sa ginagawa niya?

Nang sa wakas ay maluto na ang mga pagkain, inutusan ko siyang tawagin si Carl sa sala.

Hinanda ko na rin ang mga kubyertos sa mesa. Gumuhit naman ang ngiti sa labi ko nang mamasdan ang mga niluto ko.

Nang makaupo na sila ay kumain na rin kami. Pinagmasdan ko pa saglit si Carl na subo lang nang subo ng pagkain. Napagawi naman ako kay Haze na nakatingin din kay Carl na walang pakialam. Natawa ako.

"Kumain ka na rin kasi may pupuntahan pa tayo. At saka, heto, ulam. Wala ka pang ulam sa plato mo." Ako na ang naglagay ng ulam sa plato niya dahil wala pa siyang nalalagay na ulam doon.

Nang magtama ang mga mata namin, nginisian niya ako.

"Bakit?" tinaasan ko siya ng kilay.

Nagkibit siya. "Wala lang. Mukhang handa ka na kasing maging misis sa lagay na yan."

Biglang nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Umirap ako at sumubo ng kanin para pigilan ang pagngiti ko. Bwesit. Aga-aga akong pinapakilig.

When we were done eating, naghugas muna ako ng plato bago siya inaya paakyat sa kwarto.

Dumeretso naman ako sa banyo at agad naligo. Matapos kong makaligo ay nagbihis na ako at nag-ayos din ng mukha. Nag-apply lang ako ng kaunting make-up at saka kaunting lip-stick.

"Tara na?" aya ko sa kanya.

Bigla naman akong nagulat nang hilahin niya ako paupo sa tabi niya at kinulong sa mga kamay niya. Nagtaka naman ako kung bakit pero ginawa ko rin pabalik ang ginawa niya. I snaked my arms around him tightly.

Nanatili kami sa ganoong posisyon nang ilang minuto hanggang sa unti-unti kong nilayo ang katawan ko sa kanya at saka ko siya tiningala.

"Tara na?" pag-aya kong muli and we both stood up and stormed out the room.

"Daan mo na rin tayo sa isang bakeshop. Bibili lang ako ng cake at hopia," sabi ko pa habang pababa kami ng hagdan. Siguro dadaanan na rin namin ang puntod nina Lola at Lolo.

The whole ride was quiet. Nag-iisip ako. Medyo kinakabahan din.

"Saw that familiar face again."

Wala sa sarili akong napalingon sa kanya. "Huh?"

"You've been like that for the past days. Hindi ko na lang pinapasin."

Natahimik ako at tipid na ngumiti. "May iniisip lang," tanging sagot ko. Wala naman akong ibang masagot kasi true enough that I've been thinking a lot of things recently.

"Lagi ka namang may iniisip, e. Alam kong hindi 'yan school stuffs. You've been using that alibi for how many times already, Clar. Pinabayaan na lang kita kasi gusto kong kusa mong sabihin sa akin ang problema mo." Napatitig ako sa seryoso niyang mukha.

"Sorry about that..." I trailed. "Don't worry, malalaman mo rin mamaya." I just smiled. He just nodded and focused on driving.

Nang huminto na ang sasakyan, nanatili muna akong nakaupo nang ilang sandali bago dinala ang sarili palabas sa sasakyan.

Bitbit na rin ni Haze ang box ng cake at ang box ng hopia. Nakatayo lang siya at naghihintay sa akin.

Ramdam ko ang kabog ng dibdib ko. Bakit ba ako kinakabahan?

I sighed hard and started moving my feet into the rough road.

*

BRIGHT

Ilang linggo na ba simula ng bumalik ako rito sa sementeryo? Dalawa? Siguro.

Wala namang nangyayari sa akin. Wala ring bumibisita. Ilang beses din akong nagdesisisyon para sana bumalik kina Clara pero naisip ko, I should respect her decision.

Tapos, hindi pa rin ako binibisita ni kuya. Ewan ko kung bibisita pa talaga 'yon. Baka next year, baka bisitahin niya rin ako rito. Kapatid naman niya ako 'di ba? Hinihintay ko rin ang mga magulang ko o kahit sino basta relatives ko na nakaaalala sa akin. Siguro, ang mabisang gawin ko na lang talaga ay maghintay.

Sa mga nangyayari ngayon, parang naramdaman ko lang na wala talagang nagmamahal sa akin nang marealize kong walang dumadalaw sa akin.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa semento sa tabi ng puntod ko at naglakad papunta sa tahimik na lagi kong pinupuntahan para pakalmahin ang sarili ko at para na rin pagaanin ang loob ko.

Isa ito sa bahagi rito sa sementeryo kung saan kaharap mo ang isang magandang tanawin. Nasa ilalim ako ng puno ngayon at nakatanaw lang sa maberdeng bundok sa paligid.

Lagi akong nandito. Wala kasi akong ibang mapuntahan, e. Minsan naiinis ako kasi bakit nandito pa ako sa lupa? Bakit?

Nagpasya na rin akong bumalik sa puntod ko makalipas ang ilang oras na pamamalagi roon. At habang papalapit ako sa kinalalagyan ng puntod ko, may naririnig akong tumatawag sa pangalan ko. I stopped.

"Bright? Andiyan ka ba?"

Binilisan ko ang paglalakad ko at agad lumitaw si Clara sa paningin ko na nasa tapat ng puntod ko kasama ang kanyang boyfriend. What are they doing here?

Unti-unti kong nilapit ang distansiya at nang magtama ang mga mata namin ni Clara ay ngumiti siya nang pagkalapad-lapad.

"B-Bright..." she mumbled.

Nagtaka naman ang kanyang boyfriend sa biglang sinambit niya. Hindi pala nakakakita ang boyfriend niya ng kaluluwa. Siya lang.

"Sinong kausap mo, Clara?" takang tanong ng boyfriend niya na si Haze. Tumawa ako.

"Wala naman," Clara realized and laughed.

"Bakit kayo nandito?" tanong ko sa kanya. She shrugged. "Gusto lang kitang bisitahin."

Tumango ako. Napansin ko naman ang dala nilang box ng cake. Nang mapansin ni Clara iyon ay mabilis na inagaw niya iyon at nilapag sa puntod ko.

"Ayan! Dinalhan kita ng makakain mo, Bright," masayang sabi niya. Si Haze naman ay nakataas na ngayon ang kilay at napapailing kay Clara. Tumawa ulit ako at tinuro ang boyfriend niya.

"Seriously, Clara. Are you okay?" hindi na napigilang tanungin ni Haze si Clara. Dinakma pa nito ang noo at leeg ni Clara. Mas lalo lang akong natawa.

"Weird ba ako?" tanong ni Clara, halatang natatawa.

Umupo ako sa tabi ng puntod ko at tinignan ang cake sa loob ng box.

"Oo. Sobrang weird mo," agarang sagot ni Haze. Nakikinig lang ako habang tinitikman ang icing ng cake. Hmm.. Masarap siya.

Hindi ko talaga nahahawakan ang mga anuman na gawa ng tao. I can only replicate so they can be eaten by such a ghost like me.

"Maniniwala ka ba kapag sinabi kong nakakakita ako ng multo?"

Napahinto ako at napatingala sa kanila.

Nakatitig si Haze kay Clara. "N-Nakakakita ka ng multo?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Tumawa ulit ako kasi ang cute lang ng reaction ng boyfriend ni Clara. Napahinto ako nang may kakaibang naramdaman sa dibdib. Pero agad din akong umiling.

"Oo. Nakakakita ako," Clara simply responded.

"Naalala mo 'yong sinabi ko na may kakilala ka bang Bright?" dugtong pa niya.

Haze nodded. "Oo, naalala ko."

"I was helping him. Tinutulungan ko siyang matahimik. He seemed to not know the reasons why he died," Clara said and looked at me. Mukhang hindi naman gaanong nagulat si Haze.

"So, all along, multo ang tinutulungan mo? Was this the reason why you've been pre-occupied these past few days?"

Clara kept her mouth in thin line and again nodded in response to Haze. "Actually, Bright is here right now. He's eating the cake."

Tinuro pa niya ako kaya nagkatitigan kami ni Haze. Hindi niya alam na nagkatitigan kami. Ako lang ang nakakaalam na nakatitig siya sa akin.

And the more I look closely on his face, something is coming back. May kakaibang nararamdaman ako na namumutawi na hindi ko alam kung saan nagmumula. Umiling ako. Baka wala lang 'to. Kung anu-ano lang iniisip ko.

"Bakit ngayon mo lang sinabi 'to?" tanong ni Haze.

Nilingon siya ni Clara. "I am afraid na baka hindi mo ako paniwalaan."

Nagpatuloy ako sa pagkain ng cake at hinayaan na silang mag-usap but I was stopped when I heard Haze said something.

"Ano kamo?" si Clara.

Maski si Clara ay nagulat doon. Hindi niya inakala siguro at ako rin ay gulat sa sinabing iyon ni Haze.

"Tulungan natin siya," pag-ulit ni Haze at doon pa lang sa sinabi niyang iyon natuwa ako.

But I saw something in his eyes that made me confused.

A longing feeling.

***

Continue Reading

You'll Also Like

15.3K 813 121
Kahit na palaging nakatambay si Wonwoo sa park ay namamangha pa din siya kapag nakikita ang nasa paligid niya. Madalas kasi ay nakasubsob lang siya s...
573K 17K 86
Kayla is not your ordinary girl. Why? Because she really isn't. May kakayahan siyang hindi naiinitindihan ng ibang tao. She has a third eye. Hindi n...
My Royal Love By Yu lee

General Fiction

1.2K 153 40
Isang pilyong prinsipe ang magtutungo sa pilipinas upang takasan ang tungkulin nito bilang parte ng Thai Royal Family na mapapadpad sa isang mahirap...
72.4K 2.6K 48
Date Started: May 2, 2019 Date Finished: May 19, 2019