Until We Meet Again (BL) (Wat...

Av WorstAdmirer

226K 8.6K 1K

#Wattys2020 Winner (Paranormal) Bright Kleinford Montez finds himself in a rather unusual situation--living i... Mer

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4 ※
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
#Wattys2020

Chapter 5

6.6K 277 43
Av WorstAdmirer

***
CLARA

Kagigising ko lang at nandito ako ngayon sa veranda. Nagtext si Haze at susunduin niya ako mamayang 9 am. Alas syete pa lang kasi. Pumasok ulit ako sa loob at saka bumalik sa paghiga.

Kinuha ko ang isang unan at niyakap iyon habang nakatitig sa kisame. Ang tahimik ng kwarto. Bumangon ako at sinuyod ang buong kwarto.

Parang naninibago ako bigla na walang ibang tao maliban sa akin sa silid na ito.

Humiga ulit ako. Ano na kaya ang ginagawa ngayon ni Bright? Ilang araw na rin ang nakakalipas simula no'ng umalis siya. Hindi ako sanay. Ewan.

Kahit na kaunting panahon lang kami nagkasama, it felt like it was months already.

Bumangon ulit ako at napailing saka lumabas ng kwarto at bumaba. Nadatnan ko naman si Carl na nakatihaya sa sofa habang tutok sa kanyang cellphone.

Dumeretso ako sa kusina at saka naghanda ng pang-agahan. Nagluto lang ako ng itlog saka bacon at hotdog na rin. Pagkaluto ko no'n ay tinawag ko na si Carl para makakain na kami.

Habang kumakain, napabaling ako sa kapatid ko. Nilapag ko ang kutsara't tinidor.

"Kumusta naman ang pag-aaral mo?" tanong ko.

Nag-angat siya at saka ngumiti. "Okay lang naman, Ate. I'm doing well naman," sagot niya at sumubo ng pagkain.

"Mag-aral nang mabuti, Carl, huh. Huwag puro cellphone, okay? At saka, baka may jowa ka na niyan," saad ko at pinaningkitan siya.

Mabilis siyang umiling. "Wala 'no!"

Sus! Ang defensive masyado ng isang 'to. Umiling na lang ako at tinapos na rin ang pag-kain.

Matapos kong makapaghugas ng pinagkainan ay bumalik na ako sa kwarto at agad kong tinignan ang cellphone ko para tignan kung may bagong text galing kay Haze kaso wala.

Humiga na lang ulit ako sa kama at nag-scroll lang sa facebook. Nang ma-bored ay ako na mismo ang tumawag kay Haze. Alas syete kuwarenta pa rin kasi. Mga 8 am ay maghahanda na rin ako.

"Hi," bungad ko sa kanya sa linya.

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. "Napatawag ka?" tanong niya.

Ngumuso ako."Bored na bored na ako rito sa bahay."

"Bored ka, e, ang aga-aga pa naman? Maghanda ka na lang kaya para may mapagkaabalahan ka," suhestiyon niya.

I tapped the pillow beside me while listening to him. Bumuntong ako. "Miss na kita..."

Hindi ko narinig ang sagot pero naiisip ko ang mukha niya ngayon na nakangiti rin. Miss niya rin ako niyan. Minsan, ayaw lang talaga umamin ng isang 'yan.

"Magkikita pa tayo mamaya, Clar." Tumawa siya.

"E, sa miss kita, e," giit ko naman.

Gusto pa ata niyang makipag-away sa akin, e. I heard him sigh.

"Oh, siya, sige na. Miss mo na ako. Basta kita na lang tayo mamaya." The last thing he said before the line ended.

Nilapag ko sa bedside table ang cellphone ko at kumuha ng tuwalya at deretso na sa banyo para makaligo na.

*

Nasa labas na ako ng bahay at hinihintay ko na lang si Haze na dumating. Malapit naman na raw siya.

Habang naghihintay, pinagmamasdan ko ang paligid. Bigla ko namang naalala ulit si Bright. I shook my head and think of something else.

Nang makita ko na ang kotse ni Haze, napangiti ako. Pagkahinto ng sasakyan at pagkalabas niya roon ay agad ko siyang niyakap nang sobrang higpit.

"Miss na miss mo na talaga ako, 'no?" pang-asar niya. Hindi ko siya pinansin at mas hinigpitan ko lang ang pagyakap sa kanya.

Bigla naman akong nakaramdam ng malambot na bagay na lumapat sa may sentido ko. Tumingala ako at napangiti.

He squeezed my cheeks and suddenly kissed the tip of my nose. "Tara na!"

Nang magsimula na siya sa pagmamaneho, I switched-on the radio and listened to some music playing. Lumingon ako sa kanya and he's dancing through it.

Sumabay na rin ako sa pag-indayog. I should enjoy this day and stop thinking of other things. This is our day today kaya i-e-enjoy ko dapat 'to.

Nang makarating kami sa mall, magkahawak-kamay kaming pumasok sa loob. Nagtaka naman ako kasi bigla siyang huminto.

"Bakit?" I asked.

"Saan tayo una pupunta?" tanong niya.

Bigla naman akong napaisip. Oo nga pala. Hindi pa namin napag-usapan kung saan kami pupunta ngayon.

"Arcade na lang kaya? Gusto mo?" I suggested.

"Oh, baka, gusto mo manood muna tayo ng movie?" dagdag ko pa.

He looked at me at saka siya ngumiti at hinila na ako. Nagpatianod naman ako sa hila niya.

While he's holding my hand, napaisip ako bigla sa magiging future naming dalawa. Na kung kami pa kaya ten years from now? Na kung ilang taon kaya ang itatagal namin? Kasi feeling ko, gusto kong siya ang makatuluyan at makasama ko hanggang sa pagtanda ko.

Gaya ng sabi ko, iba si Haze. Iba siya sa lahat ng naging boyfriend ko. Basta ang hirap ipaliwanag. Basta ang alam ko, sa puso ko, siya na talaga.

Iniisip ko pa lang na maghihiwalay kami, nalulungkot at nasasaktan na ako.

Hindi ko alam kung ano ang mangyayari kung sakali mang dumating ang araw na 'yon na sana ay hindi.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ang saya na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan kami ganito.

Huminto siya sa paglalakad. Napalingon ako sa kanya at bigla na lang akong nagulat nang hapitin niya ako at lumaki bigla ang mata ko nang may lumapat na malambot na bagay sa labi ko and realized he was kissing me.

I closed my eyes and felt his gentle kiss.

Ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ko. Everything went silent. Wala akong naririnig kundi ang tanging pagtibok ng puso ko. Ang lakas na pagtibok nito.

He moved his lips. Sinundan ko ang paggalaw ng kanyang labi.

When he moved away, napakurap na lang ako. Ngumiti siya.

"That's for not listening to me," sambit niya suot ang malawak na ngiti.

Napalingon ako sa paligid at marami-rami ang nakatingin. Bigla akong nakaramdam ng hiya kaya hinila ko si Haze paalis. Nang makaalis na kami roon ay agad ko siyang pinalo sa braso.

"Bwesit ka naman, Haze, e!"

"Oh, bakit na naman?" tanong niyang natatawa.

Sinamaan ko siya. "Ba't mo ginawa 'yon?"

"E, hindi ka nakikinig, e," pangangatwiran niya.

Nakakainis talaga. Nakakahiya kaya 'yon. We're in the middle of the mall tapos hinalikan niya ako.

Umirap ako.

"So, saan na tayo?" pag-iba ko sa usapan.

"Sabihin mo muna na nagustuhan mo ang halik ko." He smirked.

Mabilis ko siyang hinampas. Humalakhak siya.

"E, paano pag sinabi kong hindi ko nagustuhan?" hamon ko sa kanya. He looked like he couldn't believe what I've said.

He shrugged. "E, 'di gawin ko ulit. Hahalikan kita." At tumawa ulit siya.

Sumingkit ang mga mata ko sa kanya at umalis na ako at iniwan siya roon. Bahala siya.

Nang lingunin ko ay tumatawa lang siya. Hayst. Trip niya ata akong bwesitin ngayong araw na 'to.

Dumeretso ako sa fourth floor dahil nandoon ang arcade. Pagkarating doon ay nakaramdam kaagad ako ng pagka-excite. Bumili agad ako ng coins at saka tinungo ang unang lalaruin ko.

We spent our first hour sa arcade bago ako nag-aya na kumain na. Nagugutom na rin kasi ako sa paglalaro namin.

"Saan tayo kakain?" tanong ko.

"Ikaw? Saan mo gusto?" balik naman na tanong ni Haze sa akin.

I twitched my lips. "Kahit saan na lang. Ikaw na bahala. Wala akong maisip sa ngayon."

Tumango siya at naghintay lang ako sa kanya. Susunod na lang ako kung saan niya gusto kumain. Nang magsimula na siyang maglakad ay tahimik lang ako na nakasunod.

Nilabas ko naman ang cellphone ko and I took a video of him. Tinawag ko pa siya para lumingon at natawa ako sa mukha niya.

I day it on my instagram with a heart emoji on it. Napangiti ako.

Pumasok siya sa isang restaurant at nanatili lang akong nakasunod sa kanya. Kahit na sobra siya sa pang-iinis sa akin ngayong araw, sobrang nag-enjoy ako. Marami pa kaming pwedeng gawin kasi mahaba pa ang oras na nalalabi bago matapos ang araw.

Umupo na kaming dalawa sa bakanteng mesa at nagtaas agad siya ng kamay.

The waiter came and gave him the menu. Bibigyan din sana ako ng waiter kaso tinanggihan ko. Si Haze na ang bahala sa order ko.

Pumahalumbaba ako at tinitigan siya na seryosong nakatingin sa menu. Sinuyod ng mga mata niya ang mga pagkain na naroon.

Kinuha ko ulit ang cellphone ko at kinuhanan siya ng litrato at video.

"My boyfriend is being serious..." I whispered in the video. At ayon, nilagay ko siya sa day ko at napangiti ako habang pinanood ang video.

May nagpop-up naman na message galing kay Peir saying "sana all". Natawa ako at binalik kay Haze na nakatitig na pala sa akin. Kinunutan ko siya.

"Bakit?"

"Wala lang. Ang ganda mo lang kasi, e," saad niya.

Nag-init bigla ang pisngi ko. Hay naku 'tong lalaking 'to. Kanina pa pinapasaya ang puso ko. Pero gusto ko naman.

Nang dumating na ang in-order niya ay kumain na rin kami. Minsan, sinusubuan niya ako at minsan naman siya ang sinusubuan ko. Isa siguro 'tong araw na 'to sa pinakamasayang araw ko. Plus, pinakamasayang date namin.

Nang matapos kami sa pagkain ay inaya ko naman siya na magmovie kami. Syempre ako ang pumili at ang pinili ko ay 'yong horror movie.

Sa buong takbo ng palabas, nakatakip lang ang kamay ko sa mukha ko. At siya naman ay lagi akong tinutukso. Sinita na nga kami ng ibang nanonood, e, dahil sa ingay namin.

Pagkalabas ng sinehan ay pinaghahampas ko siya sa inis at tawa lang siya nang tawa.

Sunod na pinuntahan namin ay book store kasi gusto kong magtingin-tingin ng mga libro baka kasi may mga bagong labas.

Matapos sa bookstore ay sa isang boutique naman kami pumunta. Siya agad ang pumili ng mga damit para sukatin ko raw. At ayon, naging hurado siya sa mga damit kung sinusukat kung bagay ba sa akin o hindi.

We just did random things and all. Kahit saan kami nagpunta. Ilang store na rin ang pinasukan namin.

This date may not sound so special and unique kasi nandito lang kami sa mall pero what made it unique for me kasi siya 'yong kasama ko.

At sobrang saya ko. Sobrang saya ko kasi kasama ko ang taong mahal ko at iyon ang pinakaimportante sa lahat.

***

Fortsett å les

You'll Also Like

4.7K 40 2
SYNOPSIS: Luis is a handsome sophomore economic college student, while Blue is one of the campus' crush and is also in the school band. When Luis is...
15.1K 676 19
"Tss'. Manhid?" ~~~~ "Bakit ka ba nagkakaganyan, ha?" "Nagseselos ako!" "Ano?" ~~~~ "You feel that? It's a tune that's making me crazy. It beats beca...
21.7K 1K 40
[COMPLETED] Sa ilang taong lumipas ay nagbago ang ating dakilang gaga. Huehuehue... Pero ang tanong, siya pa rin ba ang taong nakilala Niya o 2.0 v...
134K 5.8K 61
Teenage Paranormal Detectives are a group of students that tackles different paranormal mysteries and entities while juggling their teenage everyday...