Felix POV
Nandito ako ngayon sa room at nakikinig sa teacher namin na todo discuss kahit na kaunti lang ang nakikinig sa kaniya. Habang nakitingin sa teacher bigla akong tinawag at tinanong.
"Mr. De Luna stand up and answer my question" sabi ni Ma'am at tumayo naman ako agad.
"Yes Miss" sabi ko
"St. Valentine's Day is a holiday invented by the greeting card industry...True or False??" tanong ni Ma'am
"False" sagot ko
"Why??" tanong ulit ni Ma'am
"Because it was celebrated since 1300's, the holiday is largely based on St. Valentine (martyred AD 270) who fell in love with his jailer's daughter and signed notes to her "from your valentine"." sagot ko ulit
"Very good" sabi ni Ma'am kaya umupo na ako
Nagdiscuss pa si Ma'am ng kung ano-anong tungkol sa history. Bago umalis sa room namin ay sinabihan muna niya kami na magkakaroon kami ng Quiz bukas.
*Recess
Lumabas na ako at dumiretso sa canteen. Pagdating dun siyempre mag-isa pa din ako wala pa kase sina Bailey dito. Kailang kaya makakabalik ang mga yun?? Miss ko na sila eh.
"Felix pwede bang umupo dito??" tanong sakin ni Dino
"Oo naman wala namang naka-upo diyan" sagot ko
"Ah salamat. May itatanong lang ako sayo" sabi niya
"Ano naman yun??" tanong ko
"May pag-asa ba sayo si Ally??" patanong na sagot niya
"Huk! Bakit mo naman naitanong yan??" kabadong tanong ko sa kaniya
"Sating dalawa lang to ha" sabi niya at tumango naman ako "Kung hindi mo kase naitatanong ay matagal ng may gusto sayo ang kaibigan naming si Ally. Tinatanong kita kung may pag-asa ba siya sayo kase ayaw naming umasa siya at masaktan" pagpapatuloy niya
"Alam mo brad yung totoo kase nitong mga nakaraang araw medyo hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko tuwing nasa hapar ko si Ally, para bang konting mali ko lang sa harap niya feeling ko sobrang napapahiya na ako. Minsan nga sobrang bilis pa ng tibok ng puso ko" sabi ko
"Mabuti naman" sabi ni Dino na ipinagtaka ko
"Anong mabuti dun??" takang tanong ko
"Ang mabuti dun ay may gusto ka na kay Ally" sagot niya
"Paano mo naman nasabi??" tanong ko
"Nagsalita ako" sagot niya
"I mean paano mo nasabing may gusto ako kay Ally??" sabi ko
"Sa mga sinabi mo sakin tulad ng pagbilis ng tibok ng puso mo ay patunay na, na may gusto ka kay Ally...Sa madaling salita nasa in denial stage ka pa" sabi ni Dino
"Teka nga mukhang expert ka sa love ah" sabi ko
"Hahhaha hindi naman" sabi ni Dino
"Hahaha sabi mo eh" sabi ko
"Sige una na ako" sabi niya at umalis na
Siguro nga may gusto na ako kay Ally. Hindi lang talaga ako makapaniwala kase first time kong magkagusto sa isang babae. Hindi ko sinasabing sa lalaki ako nagkakagusto ha yung iba kase diyan masyadong pilosopo.
Bumalik na ako sa room at dahil isa akongabuting estudyante ay nakinig ako sa lahat ng teacher na nagturo samin bago mag-lunch.
*Lunch
Lumabas lang ako ng room at pumunta na lang sa isang bench dito sa school namin para tumambay. Yung totoo kase tinatamad akong kumain dahil wala akong kasabay at kapag kumakain ako naaalala ko sina Bailey at Christine.
Habang naka-upo naisip kong maglaro na lang muna sa cellphone ko. Yung nilalaro ko nga pala ay yung games dun sa Meriam-Webster na dictionary app. Sa larong yun ko nakuha yung sinagot ko kanina sa teacher namin about sa Valentine.
Naglalaro ako sa cellphone ko ng biglang may tumabi sakin. Tumingin naman ako sa kaniya at ang tumabi sakin ay walang iba kundi si Ally ang nag-iisang babaeng nagustuhan ko sa tanang buhay ko.
"Ally anong ginagawa mo dito??" tanong ko sa kaniya
"Hmm...Tatanungin lang kita kung kumain ka na ba??" sabi niya
"Ah okay" sabi ko speechless kase eh
"Kumain ka na ba??" tanong niya
"Hindi pa bakit??" tanong ko din sa kaniya
"Sabay na lang tayo" sabi niya
"Ha! Ah eh ano kase" sabi ko habang nag-iisip ng paraan para tumanggi
"Ano??...Huwag mo ng balaking tumanggi. Sabayan mo na lang ako wala kase akong kasabay" sabi niya
"Nasaan ba sina Dino at Stell??" tanong ko sa kaniya
"Ewan ko dun sa dalawang yun. Sige na sabayan mo na ako" pamimilit niya
"Oo na" sabi ko at nilagay na sa bulsa ang cellphone ko
"Tara na" sabi niya at hinila na ako papunta sa canteen
Pagdating sa canteen ay umupo agad kami. Binuksan naman niya yung bag niya at kinuha yung baon niyang pagkain.
"Uyy kunin mo na yung baon mo" sabi niya
"Ah eh hindi kase ako nagdadala ng baon eh" sabi ko
"Ha! bakit hindi ka nagdadala ng baon?? Hati na nga lang tayo" sabi niya
"Hindi na sayo na lang yan" sabi ko
"Sige na, kapag hindi ka nakihati sakin magtatampo ako sayo" sabi niya
"Eh iisa lang naman yang kutsara mo eh" sabi ko
"Wait ikukuha kita dun" sabi niya at pumunta malapit sa counter kung saan may mga nakalagay na kutsara at tinidor.
Nakita kong nagtanong pa siya dun sa cashier. Pagbalik niya wala siyang dalang kutsara.
"Wala na daw kutsara eii. Share na lang din tayo sa kutsara" sabi niya at umupo na ulit
"Ayaw ko" sabi ko at umiwas ng tingin
"Dali na. Sige ka pag nagka-ulcer ka" sabi niya
"Ayaw ko nga diba" inis na sabi ko kaya natahimik na siya at yumuko na lang
"Ally sorry hindi lang ako sanay ng pinipilit" sabi ko pero tahimik pa rin siya habang kumakain
"Uyy sorry na...Sige na payag na ako" sabi ko na lang at bigla naman siyang tumingin sakin.
"Sure ka??" tanong niya at tumango naman ako
"Kesa naman ganyan ang trato mo sakin" sabi ko
"Subuan na lang kita ha" sabi niya
"Ha!!!" sabi ko at biglang tumamlay na naman siya "Sige sige" sabi ko na lang
So yun na nga kumain ako at sinubuan niya pa ako. Pagkatapos ng lunch ay hinatid ko siya sa room niya. Pagkahatid ko sa kaniya dumiretso na ako sa room namin. Nakikinig ako sa mga teacher pero si Ally pa rin ang nasa isip ko.
Siguro nga may gusto na ako sa babaeng yun. Pagkatapos ng lahat ng discussion ay uwian na kaya naman dumiretso na ako sa bahay.
Bailey POV
Nandito ako ngayon sa room at inaayos na ang mga gamit ko dahil uwian na. Ganon din ang ginagawa nina Aron at Christine. Naglakad na kami palabas nina Aron at Christine at habang naglalakad nakita namin yung tatlong couple na sikat dito kaya naman nilapitan namin sila.
"Uyy Xyrille" tawag ko kay Xyrille
"Bailey ikaw na ba yan??" tanong niya
"Oo at wala ng iba" sabi ko
"Uyy musta na brad" sabi niya
"Okay lang naman" sabi ko
"Sino pala yang kasama mo??" tanong niya
"Si Christine nga pala kaibigan ko" sagot ko
"Hello" bati ni Christine kay Xyrille
"Hi ako nga pala si Xyrille Tyler" nakangiting pagpapakilala ni Xyrille "Sila naman yung mga kabarkada ko" dagdag pa niya at tinuro ang mga kabarkada niya
"Hello Christine ako nga pala si Jammy Dawn girlfriend ni Xyrille" nakangiting sabi naman ni Jammy at nakipag-shake hands pa kay Christine
"Ako naman si Matt Hwang" pakilala ni Matt
"Hmm hello ako naman si Iyashica Ferer girlfriend naman ako ni Matt" sabi ni Iyashica at lumapit kay Matt na umakbay naman sa kaniya.
"Hi Christine ako nga pala si Axyrus Sparks" pagpapakilala naman ni Axyrus
"Hello sayo ako naman si Jairah Luxurious girlfriend ni Axyrus" pagpapakilala ni Jairah
"Hello sa inyo ako nga pala si Christine Mae Abolucion, best friend ni Bailey" nakangiti namang pagpapakilala ni Christine sa kanila
"Teka teka parang sobrang tahimik yata ni Aron" sabi ni Axyrus
"Oo nga naman Aron ang tahimik mo ngayon" sabi ko
"May iniisip lang" sabi niya at pilit na ngumiti
"Ah okay" sabi na lang ni Matt
"Sige guys una na kami" sabi ko
"Sige ingat kayo" sabi ni Xyrille
Umalis na kami pagkatapos magpaalam sa kanila. Habang naglalakad tinanong ko si Aron kung bakit tahimik siya.
"Uyy Aron bakit ang tahimik mo??" tanong ko
"Nakakapag-isip kase ang hindi paggawa ng trap ng Matryoshka Gang" sagot niya
"Oo nga no. Wag mo na nga yang isipin" sabi ko
"Oo nga baka mabaliw pa ako kakaisip" sabi niya
"Christine may sasabihin pala ako sayo" sabi ko kay Christine
"Ano yun??" nakangiting tanong niya
"Eh kung bumalik na lang tayo sa Sagpro" sabi ko
"Pag-iisipan ko" sagot niya
"Bailey magandang ideya yan ah tapos sasama kami sa inyo" sabi ni Aron
"Anong ibig mong sabihin Aron??" tanong ko kay Aron
"Lilipat rin kami sa Sagpro at isasama yung tatlong couple" sabi ni Aron
"Oo nga ano. Yun ay kung papayag si Christine. Ano payag ka na ba Christine??" baling ko kay Christine
"Itatanong ko muna kina Mama at Chrisha" sabi niya
"Okay" sabi ko na lang
Umuwi na kami at hinatid ko na si Christine sa bahay nila. Pag-uwi ko naman sa bahay ay kumain na ako agad at natulog.
Christine POV
Pagkahatid sakin ni Bailey sa bahay ay kumain na ako agad kasabay sina Mama at Chrisha. Naisip kong itanong kung payag silang bumalik ako sa Sagpro.
"Ma, halimbawa gusto kong bumalik ulit sa Sagpro papayag ba kayo??" tanong ko kay Mama
"Oo naman basta yun ang gusto mo" sabi ni Mama
"Oo nga ate at saka para naman makasabay ulit kita papunta ng school at pauwi ng bahay" nakangiting sabi ni Chrisha
"Okay thank you Ma, Chrisha wag mo munang sasabihin sa iba na nagbabalak kaming bumalik sa Sagpro ha" sabi ko sa kanilang dalawa.
"Okay ate" sabi ni Chrisha
"Sige Ma, Chrisha akyat na po ako" sabi ko at pumunta na sa kwarto ko
Pag-akyat ko sa kwarto ko ay agad ko namang tinawagan si Rex.
*Krrriiinnnggg
*Krrriiinnnggg
*Krrriiinnnggg
"Yes hello, Anong balita??" tanong agad niya
"Ayun nag-iisip si Aron dahil hindi kayo gumagawa ng trap para sa kanila" sabi ko
"Kawawang Aron" sabi niya
"Sinabihan ako ni Bailey kung pwede bang lumipat na ulit kami sa Sagpro at kapag pumayag ako sasama sina Aron at yung tatlong couple" sabi ko
"Naduduwag na yata si Aron" sabi niya
"Ano papayag ba ako sa ideya nila??" tanong ko
"Oo pumayag ka baka magduda pa sila kung hindi ka pa lilipat dahil nagbago ka na" sabi niya
"Okay sige yun lang ang itinawag ko" sabi ko at ibinaba na ang linya
Pagkatapos kong tumawag sa kaniya ay natulog na rin ako kaagad.
-RianeMich-