Mga Tula At Nakatagong Likha

By Rubygem27

5.4K 123 13

Sa nakakubling mga salita inihayag ng maitim na tinta. Inilathala ng pagiging makata kahit di bihasa. Patul... More

Limot Muna Ba Talaga?
Ibulong sa hangin
Mailap Ba Ang Pangarap?
Mga Lihim na Sana
HUSTISYA
Mga Nakaw na Tingin
Hintayan o Waiting Shed
Libro Vs. Realidad
Wala Kang Katulad Ina
Umaasa sa Munting Ala-Ala
Ako Ang Alon Na Babalik Sayo
BATIKOS NG MUNDO
Magmomove-on Kahit Walang Tayo
"SANAY NA AKO"
Masakit ang Saglit na Pag-ibig

Mapagmahal na Ama

1.2K 18 4
By Rubygem27

Isang Amang haligi ng tahanan
Amang mapagmahal at mapagkalinga sa'ming kinabukasan,
Sumilay man ang araw ,hanggang sa paglubog nito
Dama padin namin ang tunay na sakripisyo
Ito ang aming haliging di malilimutan.

Sa bawat araw,buwan at taong nakalipas
Patuloy na lumalaban sa bawat agos ng bukas,
Binuhos niya ang pagmamahal na wagas
At ito ang kasiyahan naming lahat

Isang Amang samu't-saring talento
na maipagmamalaki namin kahit kanino,
Batid namin pati sa iba'y hindi kami mapahiya
Ganoon kalaki ang respeto nami't tiwala.

Isang Amang taglay ang bawat pangaral
Sa pang-araw-araw magpasalamat at magdasal,
Mga biyayang natanggap sa Poong maykapal
Sapagkat kanya nga namang kalulugdan.

Hangad ng isang Ama ang magandang kapalaran
Sa bawat miyembro ng aming pamilya,
Na sa piping dasal ay sana'y makamtan
Ang kahilingan na maging maganda ang kinabukasan.

Siya ang unang lalaking aming nasilayan at unang lalaking naging kaibigan,
Na pagmamahal niya sa ami'y di mapantayan
Kaya kanyang pagmamahal nais naming suklian.

Ano ma't kami natutuwa ,na kahit pa siguro maging kulubot na kanyang mukha
Siya pa din ang pinakagwapo sa balat ng lupa,
Ama mahal na mahal ka namin magpawalang hanggan na ika'y aming makasama.

Baon namin ang makahulugan mong biro at matamis mong tawa,
Maging pangaral at iyong pangako,
Na gagabayan mo kami sa mga adhikaing aming binubuo,
Salamat Ama sa di niyo po pagsuko.

Sa mga oras na ito pagsulat ko nito ikaw po ang dahilan ,butihing Ama sana'y iyong maunawaan na sa mensaheng ito'y iyong maramdaman na ikaw ang isang patunay na Amang tapat kung magmahal.
Salamat sa Poong maykapal ipinagkaloob ka samin na walang palya kung magmahal.

A/N:
Naisip ko itong isulat dahil naalala ko namiss ko na siya Quarantine pa naman at malayo kami sa isa't -isa.
Gaya niyo,ako'y  isang anak na lubos kong minahal ang haligi ng aming tahanan.
So love,respect, and listen to your Father.


Continue Reading

You'll Also Like

442 0 33
random poems that i wrote out of boredom. or random thoughts about him cuz i miss him so much haha. k dont judge me, lahat tayo naging tanga at nagp...
201K 7K 37
"You have no idea how my hands crave to roam around thirsty in your body with my tongue lusting to taste something I'm not allowed to.." Warning: Thi...
102 8 8
Each petal, a crimson hue, the rose's fragrance unparalleled. Yet, beneath it lurk the thorns upon its stem. So tread with caution! The deepest chasm...
3.3K 849 10
PUBLISHED under Chapters of Love Indie Publishing. - Half of A Hundred Poems She's voicing her thoughts through a pen, and expressing herself through...