Mga Nakaw na Tingin

274 7 0
                                    

Katanungan sa munting isipan
Krimen ba ang magnakaw ng tingin?
Tingin na tila nakakita ng isang anghel,
Isang angel na batid mong di ka namn pansin?

Sa tagpong hindi ko naman inaasahan
Sa tagpong hindi ko naman namamalayan,
Sa tagpong ikaw ay pinagmamasdan
Sa tagpong tila wala ka namang pakialam.

Isa,dalawa,tatlo o higit pa
Binilang ko talaga kung lilingon ka,
Lilingon ka at mapapansin mo ang aking ganda,
Ganda na animo'y isang ilusyunada.

Sabi ng karamihan kung may mga matang nakatingin ay maramdaman ito't mapapansin,
Mapapansin at mapapatitig ka rin
Ngunit ilang nakaw ng tingin pa ba ang aking gawin?
Ilang minuto pa ba ang kailangang bilangin?

Pinagmamasdan ko sa di kalayuan ang iyong kabuuan,
Kabuuan at animo'y kagalang-galang,
Walang bahid na kapintasan ang iyong mukha,
Ang postura mo'y kahanga-hanga sa 'king mga mata.

Baka tuluyan kitang makabisado
Ang kakaiba mong dating ay tila nakakahipnotismo,
Tama pa kaya ang pagnakaw ng tingin ko?
Isang kakaibang krimen na ba ito?

Siguro nga kung mahuli mo man akong nakatingin at sulyapan ka ng ilang beses,
Paninindigan ko't di aalis
Di gaya ng iba dyan nagnakaw ng tingin duwag lang rin,
Kung ako ay papalarin 'pag lumingon ka sakin ay di ko sasayangin.

Sa ilang minutong nakalipas hiling ko'y tila yata natupad,
Ikaw nga ay biglang napasulyap
Sa gawi ko't mga mata nati'y naglandas.

Hindi ko alam ang maramdaman
Sa isang kisap-mata bigla mo akong nilapitan,
Tila ako'y natataranta't di ko alam ang dahilan,
Nakakakaba at parang gusto kitang iwasan at talikuran.

Sa iyong paglapit mukha mo'y nagtataka ,
Nagtataka at nagtanong ka bigla,
"Hey,I caught you for how many times glancing at me,do you have a problem with me Lady?"
At doon ko napagtanto kaya pala ang gwapo mo may dugong bughaw pala ang iyong pagkatao.

At ang lakas ng loob ko'y biglang naglaho,
Sa kaloob-looban ko'y nasabi,
"AY ESTRANGHERONG ENGLISHERO"
Nagnakaw nga ako ng tingin ngunit nang ako'y iyong napansin natameme na lamang sa presensya mong nakakatunaw ang tingin.

Sabi na nga't sa nakaw na tingin ay mahuhuli rin...

A/N: Kaya mga bes kung minsan alam nating mapapasulyap talaga tayo sa isang tao ,napatitig kung minsan kailangan nating iwasan kasi bes mapapahamak tayo .
Baka mamis-interpret pa ng iba at magalit pa sayo.Akala mo tingin na nakakatunaw 'yon pala tingin na malalagot ka pala..🙂

Mga Tula At Nakatagong LikhaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang