Ibulong sa hangin

512 16 2
                                    

Sinimulan sa salitang paano
Binago sa salitang kailan?
Pinag-isipan kung hanggang saan?
Hanggang saan ang kayang  labanan?
Labanan ang bigong pag-ibig na pilit kinalimutan.

Panibagong yugto ng buhay
Panibagong hamon ang nakaantabay
Panibagong desisyon ang isasalaysay
Panibagong taong aagapay...

Sana sa isang kisap-mata makita ang halaga,
Ang halaga sa ngayon kaysa sa imahe ng kahapon,
Halagang binasura ng dating taong paasa,
Pakawalan ang dating tao,at mahalin ang sarili sa ngayon.

Kung may taong umalis ,may tao ding darating,
Kung may taong manloloko,may tao din namn na matino,
Kung may taong bastos,may tao din namn na marespeto.

Sisimulan ang kwento kung paano ka nakilala,
Nakilala sa mga panahong mata ko'y hilam sa mga luha
Lumuluha sapagkat nakita ko na namn siyang may kasamang iba,
Ngunit kasabay ng pagtulo ng luha ang pagsulpot mo namn bigla.

Hindi ko alam kung ikaw ba ay turista o ikaw ay artista
Bigla ka na lamang nagpakilala kahit kita mong ako'y naluluha,
Bumanat ka pa ng mga biro mong kakaiba,
Isa ka lamang estrangherong pinilit patawanin ang gaya kong nakakaawa.

Sa kakaiba mong dating ako'y humahanga,
Humahanga kahit na ikaw ay nakakabigla,
Di ko mawari kong anong iyong  pakay,nangangapa at nangangamba,
Baka mudos ka at ako ang iyong pinuntirya.

Bigla kang naglabas ng panyo at inilahad mo pa
Pinili kong manahimik ngunit tila makulit ka,
Hinawakan mo kamay ko't sinabing "'WAG KANG MAG-ALALA MALINIS YAN AT MABANGO PA"
Nakakapagtaka kung bakit ganyan ka,
Tulong mo'y di ko namn hiningi pero lumapit ka talaga.

Sinimulan sa katagang paano
Paano ko ikaw pagkatiwalaan kung sa hitsura palang  kakaiba ang dating,
Nakakakaba ,nakakapangamba,at nakakaloka
Di malaman kung kausapin ka o iiwan nalng bigla.
Di namn kita kilala pero pinili mong
manatiling nakaupo't nananantiya.

Binago sa salitang kailan
Kailan mo ba ako tatantanan sa mga kilos mong kakaiba?
Kailan mo ba maintindihan na gusto kong mapag-isa,
Kailan ka aasa na kakausapin kita?
Kailan ka susuko na patawanin ako kahit di namn ako kumibo.

Ang kakulitan mo'y umaabot sa puntong pati buhay pag-ibig mo'y naikwento na,
Pinagtiyagaan mo akong kausapin kahit ang weirdo muna,
Buhay pag-ibig mo'y nakakalungkot din pala,dahil niloko ka rin at pinaasa,
Pinaasa sa salitang "BABALIKAN KITA PANGAKO IKAW LANG".

Tahasan mong kweninto ang iyong naranasan,
Batid kong may parte pa din na ikaw ay nasaktan
Pero nagawa mo paring tumawa sa kabila ng iyong storya
Storya na puno din ng nakatagong salitang SANA.

Tila batid kong mahirap ang lahat pero pinilit mong kumawala sa mga sana mo,
Kakaiba din ang iyong storya na tanging tawa mo lng ngayon ang iyong ipinakita,
Kakaiba ka nga talaga ng ikaw aking makilala.

Ibubulong ko nlng ba sa hangin ang aking pangamba?
Ibubulong ko nlng ba sa hangin ang unang pag-ibig na nasira?
Ibubulong ko nalng ba sa hangin ang paglimot sa kanya?
Ibubulong ko nalng ba sa hangin ang bawat hinaing ko sa gagong yon?

Ibulong ko nalng Sana sa hangin ang lahat...
Pero  ikaw na estrangherong umeksena bigla sa buhay ko't  ,
Ang plano kung pagbulong sa hangin ang  lahat ng mga hinanakit ko ay napurnado,
Ngunit tila di na kailangan pang ibulong kung pwede namn pala na ikaw ang kwentuhan ko..

Nagawa mo ngang tumawa na lalake ka pa at niloko,
Ako pa kaya na kahit pilit basta magiging ok din ng buo,
Baka maghilom ang puso kung sinugatan ng gagong tao,
Kaya mo ,Kaya ko rin ito..

Ibulong ko nlng sa hangin ang paglimot sa gagong iyon...

A/N: Kung minsan may mga tao talagang darating para bigyan ka ng mga paalala at mga lesson na matutunan mo.
Kung aalis ang isang tao wag nalang pilitin na bumalik,papasaan ba't makakahanap din ng tunay na pag-ibig
Kapit lang besh ! May darating ding tamang tao sayo....
At pag dumating na ang araw na 'yon asahan mong ang mga mata mong puno ng luha ay mapalitan ng masiglang tawa.
Worth it ka Bes! 🙂 



Mga Tula At Nakatagong LikhaWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu