Wala Kang Katulad Ina

332 6 1
                                    

Sabi ng iba madali lang maging Ina,simple lang naman daw mahalin  ang mga anak ng may pagkalinga.
Ngunit totoo bang madali lang magpakaina?
Akala mo lang madali pero di ito isang biro,
Paano ko ba ito sisimulan?
Sisimulan ba sa paghanga o magpasalamat nalang bigla?
Bago ang superherong Darna,
Una nating hinangaan ang ating Ina
Una nating nasilayan ang kanilang mukha paggising sa umaga,
Una nilang nakita Ang ating muta,
Una nating napakinggan ang mala Sarah Geronimong pagkanta,
Una nating naramdaman ang higpit ng yakap,tuwing tayo'y umiiyak.

Sa pag-alala ng nakaraan,mga sakripisyo nila'y di mapantayan,
Nandyan yong gigising sa kalagitnaan ng gabí para padedein ka't linisan ang ating dumi,
Nandyan yong puyat sila pag may sakit ka,mga pangamba at hiniling na Sana sila nalang nagkasakit kaysa tayong Bata pa.
Kumbaga sila yong superherong ang daming ginagawa mapasaya lang tayo,yong tipong kakain sila habang dumedede tayo,tipong di matapos tapos na paglalaba dahil sa pag-iyak natin bigla.

Minsan pa'y nalinis na't lahat lahat Maya maya madumi na naman bigla.
Tandaan di kailanman madali ang maging Ina,ang mahalagang responsibilidad na nakaatang sa kanila,
nandyan yong bibilhan ka nila sa mga gusto mo kahit sila wala ng gamit na bago ang importante meron tayo,nandyan yong di cellphone na touch screen kana ang Ina natin loyal pa din sa pakeypad kasi nga inuna tayo bago sila.

Nandyan yong gigisingin ka sa umaga at ipaghanda ka ng almusal at baon sa tanghali pagpasok mo sa eskwela, tipong bigyan ka ng pera ipakita kung meron pa bang natira sa bulsa,
Pagod sila pero masaya ang puso ,pagod sila pero di sumusuko,yan ang tunay na superhero ang katapangan ng Ina na ipagmalaki natin kahit kanino.

Isang Inang ilaw ng tahanan,Inang mapagmahal at mapagkalinga saming kinabukasan,sumilay man ang araw hanggang sa paglubog nito ramdam pa din namin ang tunay na sakripisyo.

Sakripisyo palang na walang limitasyon,sa pagpapaaral palang para sa maayos na edukasyon,sa mga pangaral na parati nating baon,at ang magandang kinabukasan ang layon.
Aminin man natin o hindi minsan sumasagot tayo sa kanila at nakipagtalo pa.
Pero ang tanging magawa nila pinapayuhan at itinutuwid tayo sa mga maling nagawa,
Aminin nating walang perpektong Ina batid kong sila din ay nagkamali at nagkasala pero ang kanilang pagmamahal at pag-aalaga ay kahanga-hanga .

Bilang nalang sa mga kabataan ang salitang paggalang at pagrespeto,maging sa bibliya ay naitala ito,hindi ito nabibili o  nahihiram kahit kanino,igalang at irespeto natin ang ating Ina.

Maraming nagtatanong gaano niyo ba kamahal ang inyong Ina? Ipinaramdam ba natin sa araw-araw Ang ating pagmamahal sa kanila?o ngayong Mother's Day lang ipinakita?
Mahalin natin sila hindi dahil sa kanilang nagawa kundi dahil sila ang maituturing na magandang halimbawa.

Salamat butihing Ina sa bawat gabay, salamat sa pagmamahal na walang kapantay, salamat sa pag-alaga at pag-unawa ,salamat sa pagluwal samin dito sa mundo tingnan niyo naman ang gagwapo at ang gaganda ng lahi oh.

PS: Bisaya Ka ? Game u can  probably understand 😊
Salamat sa gugma na dili matungkad, salamat sa mga payo na wala'y paglubad, salamat sa Ginoo tungod kamo lig-on og padayon sa sakripisyo,Busa kita bulahan Kay naa kita'y Inahan na permanenteng masandigan, salamat sa tanan mabuhay ang mga Inahan.
Badlongon man kami usahay apan inyoha gipantun,pero salamat sign lang kini sa inyohang paghigugma
We Love You all!
The best Mom that knows how to discipline properly and advice their daughter and son religious ..
Be grateful because we got a supermom in this lifetime 😊

Happy Mother's Day!

Mga Tula At Nakatagong LikhaWhere stories live. Discover now