Umaasa sa Munting Ala-Ala

199 3 0
                                    

Tila sa aking pagbangon akala ko ok ng wala ka,ok ng di kana kasama.
Sa bawat sulok ng kwarto  tinitingnan ko pero ba't ikaw parati naalala ko?
Sa mumunting gamit na nasa paligid bakit naging parte ka pa ng ala-ala ko?

Pagod na ako kakasabi sa sariling ok lang yan ,kasi kahit di tayo sa huli sapat na yon para alalahanin ang lahat ng meron tayo noon.
Pero bakit ang sakit pa din? Masaya tayo noon eh.
Bakit pakiramdam ko tila di na ako makakabangon sa iyong paglisan?

Kahit wala kana tulungan mo sana akong makaahon,kasi masakit isiping sa larawan na lang kita makikita .
Masakit isiping di kana babalik sa piling ko aking sinta,
Masakit ang bawat sandali na tila kikilos nalang akong mag-isa.
Masakit isiping iniwan mo akong tila ba ang dali lang sayo.

Bumangon akong tila ang sakit sa pakiramdam akala ko totoong nagbalik kana sa piling ko MAHAL ko,
Pero sa paggising ko'y natauhan ako't isa lamang palang panaginip ang lahat,
Ngumiti ako ng mapait 'pagkat hilam na naman sa  luha ang aking mga  mata,
Akala ko gigising akong kayakap ka
Pero saksi ang unan na siya lang pala at hindi ikaw na parating hanap ng aking mga mata.

Umaasa ako sa bawat araw na sana makalaya na ako sa tanikala ng nakaraan,
Umaasang sana kaya kong tanggapin ang iyong masakit na pamamaalam,
Umaasa ang puso kong sana kaya ko,
Kakayanin ang bawat araw na harapin ang mundo na di na ikaw ang karamay ko.

Masaya  ka bang parati akong ganito?
Kínaya ko na eh,pero bumalik pa din ako kung saan ikaw at ikaw pa din hanap ko,
Alam mo bang nakakatanga na ?
Kasi ang pag-asang babalik ka ay bakit napakalabo naman,
Na kahit anong hiling ko sa kalangitan at kahit anong dasal ko'y tila wala na talaga ...

Paano ka nga naman babalik eh napakaimpossible,
Sinugal ko ang puso ko sayo eh kasi alam kong ikaw na talaga ang tamang tao sakin,
Pero bakit ganun iniwan mo akong luhaan walang kapantay na sakit ang huling salitang iyong binitawan,
PAALAM AKING MAHAL ,HANGGANG DITO NALANG TAYO, DI TALAGA TAYO PWEDE HINDI AKMA ANG ORAS ,PANAHON AT ANG TADHANA'Y DI UMAAYON , HANGAD KO ANG IYONG KALIGAYAHAN,MAHAL KITA KAHIT SA HULING PINTIG NITONG PUSO KO!

Nilisan mo ang mundong ito na tila parang ang dali lang,
Nakatadhana man ang nangyari pero di ko pa din maiwasan ang hiling na sana bumagal ang orasan at sa huli masabi kong kaya kitang pakasalan sa kahit anong simbahan,
Kasi kahit may sakit ka ,at kahit sa huling sandali apelyido mo sana ang aking  dala ko.

Tulungan mo ako mahal,naiwan ako na di alam kung paano magsimula,
Bigyan mo ako ng tatag ng loob na kayanin lahat kahit Wala kana,
Kasi tila susuko na ako eh,ikaw kasi ang nagsilbing gabay sa bawat araw nong kasama ka,
Tulungan mo ako Mahal gabayan mo sana ako,
Sana masaya kana kung saan ka man naroroon.

A/N: Ang hirap ngumiti kung ganoon nangyayari besh,ang hirap din magmove forward besh,pero kakayanin naman siguro.
Kaya moving on is not easy but maybe it'll worth trying for...
Mahirap mastuck sa isang situation na huling hiling mo Sana, kung alam mong it's impossible to happen .
So let it be and make yourselves healing something worth in your heart.
The  fragment in the  past is there  but let yourself live in the future...
There still a  sunshine in a beautiful yet painful past.

Mga Tula At Nakatagong LikhaWhere stories live. Discover now