Mga Lihim na Sana

314 8 0
                                    

S-A-N-A

Apat na letra pero ang laki ng pag-asa
Pag-asa sa katagang sana nga,
Sana nga ang lihim ay maihayag na
Ito ba'y hanggang sa puro sana nalng ba?

Sana bukas pa ang kahapon
Para sana maitama ang pagkakamali,maayos ang dapat ayusin,mapahalagahan ang dapat pahalagahan,matulungan ang dapat tulungan..

Sana magawang mapakinggan ang bawat isa,
Sana'y magbalik ang dating turingan
Turingan kahit di sa salitang magkasintahan kundi magkaibigan,
Sana madaling tanggapin ang katotohanang wala kana talaga.

Sana naging notebook ka nalng
Ng maramdaman mo bawat sulat kung puno ng mga sana at sakit na iyong ginawa,
Sana lahat 'yon ay magsisi ka talaga.

Sana sa bawat pagkakamali ay may panibagong rason para bumangon ,
Kung sana sa tamis ng unang pag-ibig
ito'y magsilbing rason para magpatuloy bigo man sa una
Sana dumating ang pag-ibig na di nangangamba.

Sana sa muling pagkikita magawa ng ngumiti at wala ng dating lungkot na makikita sa mga mata,
Sana bawat tawa ay di na siya ang dahilan pa
Sana maligayang hanapin sa puso ang salitang "OY NAPATAWAD KO NA SIYA"

Sana maging malaya na ang pusong tanga at ipaubaya na lamang siya sa iba,
Sana darating din ang panahon na buhay ay may maganda na ulit na direksyon,
Hindi man kasama siya basta kaya ng mag-isang harapin ang bukas na maligaya.

Ilang sana pa kaya ang bibigkasin para ako'y iyong dinggin?
Ilang sana pa kaya para payapa kung tanggapin?

A/N: Ang daming sana natin sa buhay bes,buhay pag-ibig man yan ,pamilya,kaibigan o kamag-anak ang daming sana na kung pwede lang ang mga lihim na sana ay matupad ...
At ang pag-asa ay matanaw na....
Sana Bes darating din ang mga katagang sana natin .
Sa tamang panahon at pagkakataon...🙂
Isang yakap bes!🤗

Mga Tula At Nakatagong LikhaWhere stories live. Discover now