Until We Meet Again (BL) (Wat...

By WorstAdmirer

226K 8.6K 1K

#Wattys2020 Winner (Paranormal) Bright Kleinford Montez finds himself in a world where no one can see him. Wa... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4 ※
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
#Wattys2020

Chapter 3

8K 350 44
By WorstAdmirer

***

CLARA

"Huwag mo na ako sunduin mamaya, Haze," sabi ko pagkapasok sa passenger seat. Tinignan ko si Bright sa rearview mirror bago binalik kay Haze ang tingin.

"Bakit?" he asked. Hindi ko pa pwedeng sabihin sa kanya sa ngayon. But I will soon.

"May lakad ako. Importante lang," simpleng sagot ko sa kan'ya. Tumitig siya sa akin nang bahagya bago tumango at pinaandar ang sasakyan. Sa daan, hindi ko maiwasang mapaisip nang malalim. Kung papaano ko tutulungan nito si Bright.

"May problema ba?" tanong ni Haze. Tinapunan ko siya ng tingin. Ngumiti ako at pinakitang okay lang ako.

"Wala naman. May iniisip lang," sagot ko, nakangiti pa rin.

Pansin ko ang nag-aalala niyang mukha. Inabot ko ang isa niyang kamay at hinawakan iyon. I don't want him to worry about me.

"Don't worry. School works lang 'tong iniisip ko," I assured him.

He nodded and smiled. "Huwag kang masyadong magpapagod, Clar. Take a break sometimes, okay?" Tumango lang ako sa kanya suot ang isang magaang ngiti to really assure him that it was nothing for to worry about.

Nang makarating sa university, humalik lang ako sa pisngi niya at nagpaalam.

"Kita na lang ulit tayo bukas," nakangiti kong saad.

He pouted. "Hindi mo ako sasamahan mamaya sa lunch?" umaasang tanong niya.

Nag-isip muna ako saglit habang suot ang mapaglarong ngiti sa labi.

"What about no?" panuya ko.

Sumimangot siya kaya kinurot ko ang magkabila niyang pisngi at ngumiti.

"Oo na po. Kita na lang tayo mayang lunch. Sige na. Mauna ka na baka malate ka pa," pagpapalayas ko sa kanya. He planted a soft kiss on my forehead at ginulo ang buhok ko bago siya tumakbo papasok sa gate. Natawa akong napapailing.

"You guys are so sweet." Nilingon ko si Bright nang magsalita siya at saka nginitian nang pagkalapad-lapad bago inaya na rin papasok. "Tara na."

Nauna na akong maglakad papasok at nakasunod lang siya sa akin. Pagkarating sa room, hinanap ko kaagad ang tatlo. Busy sila sa pag-uusap. Napabaling naman sila sa akin nang maglagay ako ng upuan sa pagitan nila.

"Ano pinag-uusapan niyo?" usyoso ko. Lumingon ako kay Gwen.

"Nga pala, 'yong pinaresearch ko sa'yo?" tanong niya. Iyon talaga agad ang hiningi sa akin, e. Pwede namang mamaya na lang. Busangot kong kinuha sa bag ang papel at nilapag sa palad niya ang mga naresearch ko. Nang mabaling ako sa dalawa, napatawa ako kasi may pangiti-ngiti pa sila sa isa't isa habang nag-uusap. Mabilis na kinuha ko ang cellphone at saka sila pinicturan. Ganoon din ang ginawa ni Gwen, pinicturan niya rin ang dalawa.

"Guys, look," tawag ko kina Luis at Peir sabay pakita ng litrato kung saan nakangiti silang pareho na para bang magkasintahan. Nanlaki ang mata ni Peir. Humalkhak agad ako nang makita ang epic face reaction niya.

"Delete that, Clara!" sigaw niya.

Umiling ako. "Ayoko nga! Ang saya niyo kayang tignan dito! Tignan mo oh, ang sweet niyo. Bagay kayo."

Si Luis naman ay nakatingin lang sa akin na parang wala lang. Oh, well... baka gusto niya rin naman. I'll wait na humingi siya ng kopya sa akin ng litrato nila. I'm sure na masaya 'yan deep inside. Dumating na rin ang subject professor namin kaya umayos na kami ng upo at sumeryoso na. From time to time, sumesenyas si Peir sa akin na i-delete ko raw ang picture pero sorry siya. Hindi ko iyon idedelete.

Nang dumating ang lunch time, pagkalabas sa classroom ay tinawagan ko kaagad si Haze para tanungin kung saan kami kakain ngayon.

"Nasaan ka na?" tanong ko.

"Hulaan mo muna," tugon nito na may panunuya sa boses.

"Haze!" banta ko.

Humalakhak siya. "Kailangan na ba akong matakot niyan?"

Buwesit talaga 'tong lalaking 'to. Kung hindi ko lang 'to mahal baka matagal ko na 'tong sinakal, e. Kaso mahal ko 'yong timang na 'yon, e.

"Umayos ka," muling banta ko. Muli ko pang narinig ang tawa niya na inirapan ko lang.

"Look at your right side," he said. Himig ko ang saya sa boses niya. Pagkalingon ko sa right side ay nakita ko kaagad siya. Mabilis kong nilapit ang distansiya namin at binigyan ko kaagad siya ng isang palo sa braso. Napadaing siya sa ginawa ko. Serves him right!

"Hoy! Bawal PDA dito!"

Napalingon ako sa sumigaw at si Gwen iyon. Tumawa naman ang dalawang kasama nito na si Peir at Luis.

"Umalis na nga kayo! Epal kayo, e!" sigaw ko pabalik at nagtawanan lang ulit sila bago bumaba. Hinawakan ko siya sa braso at hinila na rin para makababa na kami.

"Saan tayo kakain?" tanong ko.

Lumingon ako sa kanya. Tila nag-iba ang timpla ng mukha niya at lumukot ang kan'yang noo. Nag-alala naman ako.

"May problema ba? Masakit ba ang pakiramdam mo?" nag-aalala kong tanong.

Umiling siya at ngumiti saka ginulo ang buhok ko. "Wala naman. Tara na! Dating gawi." Sabay hila sa akin. Hinayaan ko lang siyang hilahin ako. Habang papunta kami sa lagi naming kinakainan, hinanap naman ng mata ko si Bright sa paligid but I couldn't seem to find him. Nasaan naman kaya 'yong isang 'yon? Aalis pa naman sana kami ngayon pagkatapos ng lunch.

Isa itong karenderya sa labas ng university ang kinakainan lagi namin ni Haze. Masarap kasi ang pagkain. Kaya kapag dito kami kumakain, laging napapadami kain namin. Ganoon kasarap! Pagkapasok sa loob ay hindi pa gaano karami ang tao. Naghanap kaagad kami ng mesa at naupo.

"Ano order mo?" tanong ni Haze.

"As always. Alam mo na 'yan, Haze," sabi ko.

He nodded and stood up. Lumingon ako sa mga tao sa loob. Busy na ang iba sa pag-kain habang ang iba ay katulad ko rin na naghihintay ng pagkain nila na dumating habang nagkakalikot sa kan'ya-kan'ya nilang cellphone.

Muli akong lumingon sa paligid para hanapin si Bright. Nang makita ko siya sa entrance ng karenderya, napangiti ako. Kumaway agad ako sa kanya but upon realizing what I did, nahihiya kong ibinababa ang kamay ko. Sinuyod ko ang loob kung may nakakita ba sa ginawa ko pero nang mapansin kong wala ay napanatag ang loob ko.

Nagsabay si Bright at Haze sa pagpunta sa mesa. Nilapag agad ni Haze ang order naming dalawa. Si Bright naman ay umupo sa bakanteng upuan sa kanang bahagi ko at pumangalumbaba. Si Haze naman ay umayos na sa kan'yang pag-upo. Nagsimula na rin akong kumain kasi ginugutom na ako. Nakakatatlong subo pa lang ako pero natigil ako dahil sa tawa ni Haze.

Kinunutan ko siya. "Bakit?" 

Tinuro niya ang gilid ng labi ko. Mabilis ko namang pinunasan iyon pero tinuturo niya pa rin. Nang punasan ko ulit, tinuro niya ulit. Ako ba ay pinaglololoko nitong isang 'to? Hanggang siya na ang nagpunas mismo. Bigla naman akong nahiya knowing na nasa public kami. Hindi rin maiwasang matuwa ng puso ko at sobrang lakas ng tibok nito. Napatingin ako kay Bright at biglang nawala ang ngiti ko nang makitang umiiyak siya.

Ngumiti siya sa akin. Pasimple kong tinuro ang mukha niya at nang ma-gets niya ay mabilis niya iyong pinunasan at tumawa. Minsan, ang weird din nitong si Bright.

Nang matapos kaming kumain, sinabihan ko na si Haze na mauna na dahil ayon nga, may pupuntahan pa ako. Gusto pa ata sana niyang ihatid ako pero tinanggihan ko kaagad siya dahil ayoko munang malaman niya. Nang makaalis siya, naglakad ako papunta sa nakitang bench. Umupo ako at ganoon rin si Bright.

Tumingin ako sa mga tao.

"Ba't ka umiyak kanina?" tanong ko.

Umiling siya. "Hindi ko rin alam." He laughed.

Bumuntong ako at tumayo. Mabilis akong pumara ng taxi at nagpahatid na sa destinasyon. Sa biyahe, sobrang tahimik ko lang, nag-iisip habang nakabaling ang pansin sa paligid sa labas. Pagkababa sa taxi, lumingon ako sa paligid. Maraming puno. Sumasayaw naman ang mga dahon sa ihip ng hangin. Nilingon ko si Bright.

"Tara na sa puntod mo?" aya ko. Mabilis siyang tumango at umuna para igiya ako habang all smile. Naglakad na kaming dalawa. Lakad lang kami nang lakad. At mukhang medyo malayo 'yong puntod niya.

Pagkarating namin sa may pinakadulo talaga ay may lima lang ata na puntod doon. Lumapit siya sa isang puntod sa may pinakagilid na napuno na ng mga damo at dahon. Nalungkot ako kasi hindi siya nalinisan.

"Ano ba naman 'yang pamilya mo, Bright. Hindi man lang talaga nilinisan ang puntod mo," reklamo ko. Pagka-lingon ko, nakangiti lang siya as if it wasn't surprisig to him.

Hinawi ko ang mga dahon na tumakip sa lapida niya at tama nga ang sabi niya. Pangalan lang niya ang nakaukit. Ang nakasasakit sa puso ay kumpara sa iba, ito lang ang purong semento na lapida. Ang iba kasi ay naka-tiles. And the name, parang ginuhit lang habang basa pa ang semento nong ginawa ang lapida niya. Napabuntong ako.

"Kelan huling bumisita ang kuya mo?" tanong ko.

Ngumuso siya. "Two years ago?"

Napakurap ako. Dalawang taon ng walang dalaw ang puntod niya. Kahit mga kakilala man lang niya? Friends? Relatives? Wala? Kung ganoon, it would be hard to help him.

"Alam mo ba kung saan ka nag-aaral noon? High school? College?" I asked while still looking at his grave. When he didn't answer, nilingon ko siya at isang pag-kibit lang ang ginawa niya.

"Tanong mo kaya si Haze ba 'yon, 'yong boyfriend mo. Malakas kasi ang kutob ko na kilala niya ako, e. Nararamdaman ko kasi," sabi niya. Tumitig ako sa kanya at naalala ko ang sinabi niya kahapon. I fished my phone and dialed Haze's number. Nang masagot niya ay deretso agad ako sa nais ko.

"Haze, may tatanong lang sana ako," I started. Gumawi ako kay Bright.

"Ano 'yon?" tanong niya.

Tumikhim ako. "Itatanong ko lang sana kung may kakilala ka ba noon na ang pangalan ay Bright."

Natahimik ang linya. Mga ilang minuto rin 'yon bago siya nakasagot sa tanong ko.

"Wala akong maalala, e. Bakit?" balik niya.

"Wala lang. Just wanna ask. Na baka may kakilala ka na Bright years ago," dagdag ko pa.

"Wala kasi akong maalala, e. Hindi rin ako pamilyar sa pangalang binanggit mo. I can't think of someone," tugon niya. Lumingon ako kay Bright at bagsak ang balikat na umiling. Binaba ko ang tawag.

"Wala akong nakuhang info."

He smiled. "That's fine. At saka, hindi mo naman talaga ako kailangang tulungan. Baka makaakyat din ako hindi man ngayon basta alam kong makakaakyat ako, maybe soon." Tumahimik ako saglit at napaisip. Pinagbawalan ako ni Mama na pumasok sa kwarto ni Lola dahil baka raw may mga gamit na mawala at masira.

My lola is a spirit communicator. Nakakausap siya at tumutulong sa mga kaluluwang nangangailangan ng tulong. She has many accessories na ginagamit niya noon.

"May naiisip pa akong paraan, Bright..." sabi ko. Pero alam kong bawal ko iyon gamitin. Bawal kong galawin ang mga gamit ni Lola. Alam kong nabuhayan siya sa sinabi ko.

"A-Ano 'yon?"

Ngumiti ako. "To use my lola's necklace..." sambit ko.

***

Continue Reading

You'll Also Like

135K 3.8K 10
(COMPLETED/ BOYXBOY STORY!) Si AQUANO ay isang sireno na nabibilang sa Unda-e o mga dugong bughaw sa Aquatika-- isang kaharian sa ilalim ng karagatan...
4.7K 40 2
SYNOPSIS: Luis is a handsome sophomore economic college student, while Blue is one of the campus' crush and is also in the school band. When Luis is...
15.1K 676 19
"Tss'. Manhid?" ~~~~ "Bakit ka ba nagkakaganyan, ha?" "Nagseselos ako!" "Ano?" ~~~~ "You feel that? It's a tune that's making me crazy. It beats beca...
21.7K 1K 40
[COMPLETED] Sa ilang taong lumipas ay nagbago ang ating dakilang gaga. Huehuehue... Pero ang tanong, siya pa rin ba ang taong nakilala Niya o 2.0 v...