One-Week Date Project

بواسطة CFVicente

62K 1.9K 89

Nang ma-"reject" ang romance novel ni Pia sa ikalimang pagkakataon ay nagdesisyon na siyang kausapin ang head... المزيد

Author's Note
Chapter One
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen

Chapter Two

3.4K 108 9
بواسطة CFVicente

"Bakit ka nandito?"

Nagpalinga-linga si Pia at naghanap ng ibang tao. Wala. Then she looked at France directly.

"I was supposed to talk with the head editor."

"The head editor is actually currently out of the country. Ako muna ang acting head editor ngayon. So you will be discussing the manuscript with me."

Napansin ni Pia na hindi na-sorpresa si France nang makita siya. Well, of course. Nagpasa nga pala siya ng resume sa company na 'to. Hindi lang talaga niya mapigilan ang magulat nang makitang si France ang makakausap niya ngayon.

Of all people!

Pero hindi niya maiwasan ang titigan ito saglit. He was wearing a moss green long-sleeve polo shirt and a matching neck tie. Nakasalamin ito, barely hiding his dark eyes which were his best assests.

And France was smiling. The kind of smile that would lure sirens from under the sea. Puwera siya.

Ito pala ang dahilan ng lahat ng hinagpis niya!

"So you were the one who kept on rejecting my manuscripts!" akusa niya dito. Sandaling nakalimutan na nasa loob nga pala siya ng opisina nito.

"Well, yeah. Sort of. And you said you wanted to discuss it with me?"

Pia held her head defiantly. "What's wrong with my writing?" diretsa niyang tanong dito.

"I already told you, there's nothing wrong with your writing, Sophie."

Hindi nakaligtas sa kanya ang pangalang itinawag nito sa kanya. Sophie. No one had used that name on her ever. Pinilit niyang iwaksi iyon. Nag-concentrate siya sa ipinunta niya dito.

She smiled mockingly. "But the problem lies in me. Yeah, yeah. Right. As if maiintindihan mo ang kaibahan ng magandang pagsusulat sa panget." Kung acting head editor lang ito ay malamang na hindi rin ito competent sa trabahong iyon. "Baka naman gumaganti ka lang dahil may isang babaeng b-um-asted sa 'yo at hindi matanggap ng ego mo iyon?"

France raised an eyebrow. "Walang kinalaman ang personal kong buhay sa trabaho ko, Miss Arguilles. And that was already five years ago para alalahanin pa. Are you questioning my competence?"

"No, Sir. I'm asking you to explain it clearly para maintindihan ko kung ano'ng mali," she said through gritting teeth. Hindi siya papayag na basta-basta na lang siya laitin ng palikerong ito na wala namang alam sa pagsusulat.

May kinuha si France sa drawer at ipinatong sa harap niya.

"Baka maintindihan mo 'pag nabasa mo ito."

Kumunot ang noo ni Pia habang binabasa ang nasa harap niya. It was a manuscript probably written by one of the most prominent romance writers of the company.

"It's the scene where the hero meets the heroine," patuloy ni France. "Maybe it will give you an idea of what's wrong with your work."

Tinatamad na binasa ni Pia ang ibinagay sa kanyang part ng manuscript. Wala siyang kahilig-hilig sa romance. Lalong hindi siya nagbabasa ng romance pocketbooks. Nagkataon lang na Love Dreams ang pinakamalaki sa lahat ng publishing houses na pwede niyang pasukan kaya dito niya naisip isugal ang future niya.

Pero habang tumatagal ay na-e-engganyo si Pia sa eksena na binabasa niya. Simple lang ang eksena ng unang pagkikita ng dalawang bida. Pero pakiramdam niya kaagad ay nagkakagustuhan na ang mga ito. There was chemistry between them, and it was like watching a scene from a movie.

Pagkalipas ng ilang minuto ay may isa pang ipinatong si France sa harap niya.

"And this is a part of the last manuscript you submitted. The scene where your heroine meets the hero."

Pagkabasa sa manuscript niya ay napangiwi siya. Hindi rin niya maiwasan na ikumpara ang gawa niya sa gawa ng isang batikang romance writer.

"What can you say?" untag ni France sa kaniya.

Nahihiyang tumingin siya dito. "I couldn't see them together. Not at all. Kahit na nga ba they are supposed to be together in the end."

Tumango-tango ito. "But you write well, Sophie. I actually liked the drama and the twist. At gusto ko rin ang mga eksena with the kidnappers."

Napangiwi siya. "But it isn't right. This is supposed to be a romantic story. Dapat, lahat ng scenes ng mga bida ay may impact. Dapat lahat ng readers ay maniwala that they are meant for each other." Siya na rin ang kumontra sa sarili niyang gawa na kani-kanina lang ay ipinagtatanggol niya.

France smiled, showing a set of perfect white teeth. "That's why I'm telling you, there's nothing wrong with your writing. Ikaw ang may problema."

Pangatlong beses na nitong sinasabi iyon at hindi pa rin niya naiintindihan.

"What's wrong with me?"

France looked at her directly. "You yourself do not believe that they deserve each other, right?"

"Hindi talaga!" mariin niyang sinabi. "If I were the guy, I wouldn't fall in love with that kind of girl. Napaka-spoiled brat! Konting sakit lang, umiiyak na."

Ang lakas ng tawa ni France habang nakatingin sa kaniya. "Then why did you create her?"

Nagkibit-balikat siya. "Because that's the kind of girl every guy wants: Damsels in distress."

"Says who?"

"Hindi ba?" she countered back at France. "Every guy wants a girl who can arouse his protective instincts and make him feel like he is Superman."

"Every guy wants a girl who can make him feel alive," France corrected. "That's why you can't make it work out for them, Pia. You have to believe first that they should be together. To do that, kailangan mo'ng gumawa ng heroine na nagko-complement sa hero mo. You have to make it so that it's possible for them to fall in love. Isn't it what romance is all about? Finding your other perfect soul in this cruel world?"

Hindi siya makasagot sa mga sinasabi nito. She never knew that France had this kind of logic in him. Ang tingin niya kasi dito ay puro babae lang ang laman ng utak.

After a moment ay nagsalita ulit si France. He inched his face closer to hers. She could actually see every beautiful details of his face - from his soft dark eyes, to the bridge of his nose, up to his perfectly sculpted lips. Funny, pero hindi niya iyon napapansin dati. Bakit ngayon pa?

"Have you ever fallen in love, Pia?"

Bigla niyang iniatras ang upuan na kinauupuan niya. This time, ramdam niya na nag-i-init ang mukha niya. Hindi dahil sa inis sa sinabi nito kundi dahil sa lapit ng mukha nito sa kanya. Bakit ba siya na-a-apektuhan nito?

"Ano naman'g kinalaman n'on dito?" she hissed.

Pilit niyang tinatakpan ng inis ang nararamdamang atraksiyon dito. Naipilig niya ang ulo sa isip. What's happening with me?

"It has everything to do with it. You have to believe that love exists."

"Naniniwala naman ako. Only it's not meant for everybody," she said drily. "And imaginations can work it out. Para saan pa na naging writer ako kung hindi ko naman pala kayang isulat ang pag-ibig na sinasabi mo?"

"Of course, your imagination can work it out. But only to some extent. If you don't believe in it yourself, paano sa tingin mo maniniwala ang mga mambabasa mo?" Pagkatapos ay kinuha nito ang manuscript niya. "Tingnan mo 'tong part na 'to when your hero kissed your heroine. Bakit ba ang pakiramdam ko ay napipilitan ka lang idagdag ito para mag-mukhang romance?"

"Oo na. Panalo ka na. I think I can understand your point now. You want to say I should quit romance writing, right?"

Maybe she should go back to writing horror and fantasy. She groaned. Good luck naman at bulsa niya ang magsa-suffer.

France looked at her almost incredulously. "Paano ka naman napunta sa conclusion na 'yan?"

"You said it yourself. I cannot write it unless I believe in it. So, since I won't be able to believe it that easily, I should quit the genre."

Tila hindi malaman ni France ang sasabihin dahil nakatingin lang ito sa kanya nang may kung ilang segundo. Then, he grinned boyishly. His eyes were twinkling. Ang itim na mga mata nito ay lalo pang umitim. No wonder women swoon over him. He was simply the definition of 'gorgeous' up to the last letter.

At bakit pinupuri niya ito?

Whyever not? Sagot ng kabilang bahagi ng utak niya. Guwapo naman talaga ito at hindi naman labag sa batas siguro na aminin iyon.

"You have the potential, Pia. You are a very good writer."

"Only not a very good romance writer," she commented.

Hindi nagbago ang ekspresyon nito. "That can easily be remedied."

Biglang nagkakulay ang paligid ni Pia sa sinabi nito at kumislap ang mga mata niya. She smiled at him widely. So, may pag-asa pa siya?

"Really?!" excited niyang tanong. She didn't even dare try hide it. "Paano?"

Sandaling hindi nagsalita si France at titig na titig sa kaniya.

"You should do that more often," anito.

"Ang alin?"

"Smile. I swear the room lit up when you did," he said huskily.

Hindi alam ni Pia kung saan ibabaling ang paningin. France was a professional player, at sanay na itong magsalita ng gano'n. Pero bakit sayang-saya ang puso niya sa sinabi nito?

Ilang beses siyang lumunok. Darn! Kanina pa siya nagpapa-apekto dito sa lalaking ito. She cleared her throat twice.

"Ano na nga 'yong sinasabi mo'ng solusyon?" Pinilit niyang ibalik ang pagsusungit sa tinig niya.

Si France naman ay parang natauhan. Sumandal ito sa swivel chair and looked at her directly. He suddenly became serious

"Simple lang. You just have to fall in love."

Ngek! Buti na lang ay walang hawak si Pia na kutsilyo 'nong mga sandaling iyon. Kundi ay napatay na niya ito sa sobrang inis. Akala niya ay kung ano na'ng solusyon ang sasabihin nito at pinaasa pa siya.

"Be serious, Mr. Buencamino."

Inilahad ni France ang mga kamay. "Seryoso ako. Fall in love and everything will be resolved."

Pia snorted. "Alam mo, sana sinabi mo na lang na wala na ako'ng pag-asa. Matatanggap ko naman na baka kailangan ko nang lumipat ng genre, eh."

"But you don't have to. Sinabi ko sa'yo na may potential ka. Kailangan lang nating gawing mas natural ang lahat."

"Sige nga. Given that I heed your advice. How am I supposed to do that?" hamon niya dito.

"Find someone you can fall in love with," sagot nito. Na parang ang tinatanong niya ay isang bagay na sobrang obvious ang sagot.

She counted from one to ten. Nauubos na ang pasensiya niya sa mga pinagsasasabi nito.

"Saan naman ako pupulot ng gano'ng tao, aber? Hindi naman ako desperada na main-love, 'no."

Tumingin ito ng diretso sa kanya. "You can pick me. Date me for a week."

Napanganga siya sa sinabi nito. Seryoso ba 'to?

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

69.2K 1.4K 12
"Mahirap ngang lunukin ang pride, pero mas mahirap kung mawawala nang tuluyan sa 'yo ang taong mahal mo." Matigas ang ulo, mapagmataas, tamad at maya...
157K 2.9K 10
NOTE: Unedited version po ito. As in literal na copy-paste lang ang ginawa ko from the manuscript i submitted to PHR to here sa Wattpad. Siguradong m...
101K 2.1K 12
Gumuho ang mundo ni Cyrene nang mahuli niya ang boyfriend niyang may kaniig na babae sa kama nito. Sa sobrang sakit na naramdaman ay sa pagkain niya...
131K 2.8K 15
"Gusto mo ako? Gusto rin kita. Mas gusto kita. Nandito ako para bawiin ka at protektahan laban sa lahat ng mananakit sa 'yo." Na-curious siya sa ini...