Kiara's POV
2 months later...
Sobrang bilis ang paglipas ng araw, dalawang buwan na agad ang nakakaraan
May nanliligaw na kay Jasmine at may boyfriend na si ate, si kuya Race. Mabait siya at malinis ang intensyon kay ate
Sa una ayaw pa pumayag ni papa pero pinatunayan ni kuya Race na mahal niya si ate kaya pinayagan na din sila ni papa
Pinakilala lang siya samin ni ate nung nakaraang buwan
Si Jasmine naman nanliligaw sa kaniya yung bestfriend ni Dark na si Gilbert
Mabait din si Gilbert at kita sa kaniya na porsigido siyang mapasagot si Jasmine at sinabi niya saming malinis din ang intensyon niya sa bestfriend ko
Nilinis ko ang condo at nagluto din para may makakain si Dark paguwi dito galing sa mama niya
Nakakapagtaka nga at hindi siya gabi pumunta para makasama ako
Lagi niya kasi akong sinasama sa tuwing pupunta siya kay mama
Habang nagluluto ako biglang tumunog ang doorbell kaya in-off ko muna yung kalan saka binuksan ang pinto
"Oh pa ikaw pala yan na miss kita" sabay yakap ko sa kaniya
"Eto anak nagdala ako ng pagkain" agad kaming pumasok sa loob saka ko nilagay yung dinala ni pala sa refrigerator
"Pa kain ka muna nagluto ako" agad kong binigay sa kaniya yung niluto ko kanina
"Kamusta kayo dito sa condo?" tanong ni papa pagtapos magpray saka nagsimulang kumain
"Ok lang po pa kaso hindi po ako binati ni Dark ngayong anniversary namin...nag text lang siya kaninang umaga na pupunta siya kila mama" napangiti naman si papa
"Baka mamaya ka pa niya babatiin pag uwi" napabuntong hininga naman ako
Pagtapos kumain ni papa nanood lang kami ng movie hanggang sa maggabi na
Habang naghuhugas ako ng pinggan biglang nagring ang cp ni papa
"Oh Amber napatawag ka?...Ano?...Saan?...Sige pupunta na kami agad dyan" kinabahan ako bigla sa sinabi ni papa
"Anak si Dark sinugod daw sa ospital" biglang bumilis ang tibok ng puso ko
Hindi na ko nagsalita saka ko dinala ang susi ng condo saka pumunta sa parking lot kung saan nakapark yung sasakyan ni papa
Agad na nagdrive si papa hindi ganun kabilis ang takbo ng sasakyan kaya nagtaka ako
Habang nasa byahe tinatawagan ko lang ang cp ni Dark na hindi sinasagot ang tawag
Kaya mama niya na ang tinawagan ko
"Ma si Dark po?" agad na sabi ko pagsagot niya sa tawag
"Huminahon ka Kiara ayos na si Dark" nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi ni mama
"Ano po ba nang-" biglang namatay ang cp ko
Akala ko pupunta talaga kami ni papa sa ospital pero sa isang cinehan niya inihinto ang kotse
"Pa akala ko ba sa ospi-" agad niyang pinutol ang sasabihin ko at lumabas sa kotse para pagbuksan ako
Paglabas ko agad niya kong piniringan sa mata at inalalayang lumakad papasok sa cinehan
Pagkalipas ng ilang lakad tinanggal niya ang piring sa mata ko saka ngumiti sakin
Agad niya binuksan ang pinto at bumungad sakin ang madilim na cinehan na kandila ang nagsisilbing ilaw
Naglakad ako at umupo sa medyo malapit sa screen
Biglang bumukas ang screen at biglang nag-appear ang pangalan ko at picture ko simula pagkabata
"Kiara Samantha Davidson, she is the most precious gift that God gave to me. She's beautiful, kind, supportive and cute. Isang taon na kami ngayon, siguro iniisip niya na nakalimutan ko na ang anniversary namin. But I will never forget every special day in our lives. I want to say Happy 1st Anniversary to my mahal, Kiara Samantha Davidson" biglang nagflash yung mga pictures namin
Sa dulo ng video may 'I love you mahal' at biglang namatay ang screen kasabay nang pagbukas ng ilaw sa buong paligid
Nakita ko si Dark sa tapat na may hawak na rosas
Habang tumatagal mas gumagwapo siya sa paningin ko
What would i do without your smiling mouth
Drawing me in and you kicking me out
You got my head spinning, no kidding, i can't pin you down
Unti unti siyang naglakad papunta sakin habang kumakanta
Hindi ko makakalimutan ang mala anghel na boses niya na parang hinihele ako
Nilahad niya ang kamay niya sa akin na tinanggap ko naman
Binigay niya sakin ang rosas na hawak niya kanina at nilagay ang kamay ko sa braso niya at ang kamay niya sa bewang ko
Para akong kinukuryente sa paghawak niya sakin
I rest my head on his chest to feel the beating of his heart
Cause all of me loves all of you
Love your curves and all your edges
All your perfect imperfections
Give your all to me
I give my all to you
Your my end and beginning
Even when I'm lose I'm winning
Cause I give you all, all of me
And you give me all, all of you
Pagtuloy parin ang pagkanta niya hanggang ganun ang posisyon namin
"Pinag-alala mo ko akala ko may nangyaring masama sayo" natawa naman siya ng mahina
"Sorry na mahal, gusto lang kitang i-surprise" napangiti naman ako
"Happy Anniversary mahal" niyakap ko siya habang hinahaplos haplos niya ang buhok ko
"Happy Anniversary" nanatili kaming magkayakap
Ramdam ko nanaman ang panlalambot ng katawan ko pati na ang hapdi at kati ng balat ko
"I love you mahal" sabi niya paghiwalay namin sa yakap
"I love you more than anything in this world" ngumiti ako sa kaniya
He slowly grabbed my waist and kissed me gently
Ngumiti ako ng mapait sa kaniya na naging dahilan na mapalitan ng nagaalalang tingin ang saya sa mga mata niya kanina
Ramdam ko ang panghihina ng katawan ko dahilan para humigpit ang kumapit ko sa kaniya
"Sh*t Kiara are you alright?" tumango naman ako
Unti unti niya kong inalalayan sa paglakad papunta sa upuan
"I think we should go home" sabi niya sa ikinailing ko
Napaupo na ko sa upuan at ramdam ko ang panghihina ng katawan ko
"I'm fine mahal" tinignan niya naman ako i know i look pale
"You're not" muli niya akong pinatayo sa upuan saka binuhat
Pumasok sila papa pati na ang magulang ni Dark saka naglakad papunta sakin
Unti unting lumabo ang paningin ko at ang pagbagsak ko sa katawan ni Dark
The next thing i knew they're running towards me then everything went black
Itutuloy...