Until We Meet Again (BL) (Wat...

By WorstAdmirer

226K 8.6K 1K

#Wattys2020 Winner (Paranormal) Bright Kleinford Montez finds himself in a rather unusual situation--living i... More

Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4 ※
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
#Wattys2020

Chapter 1

22.5K 546 81
By WorstAdmirer

CHAPTER 1

CLARA

"Sasama ka sa akin, Carl?" tanong ko kay Carl na prenteng nakaupo sa sofa pagkababa ko galing sa taas. Nag-angat siya ng tingin at tumango saka mabilis na tumakbo sa kwarto niya. Siguro'y magbibihis. Umupo muna ako sa sofa at nagkalikot saglit sa cellphone.

Nang makababa na si Carl, tumayo na rin ako at nauna nang lumabas. Tumingala ako at napansin ko ang pagdidilim ng langit. Sana huwag umulan.

Medyo matagal na rin kaming hindi nakabisita sa puntod nina Lola at Lolo. Alam kong bukas pa ang undas pero mas mabuti nang maaga kami para hindi siksikan sa loob. Sa ngayon, kami lang ng kapatid ko ang nandito sa bahay. Both my parents are working abroad tapos 'yong mga grandparents ko naman ay pareho ng patay.

"Ate, may tanong ako," biglang bulalas ni Carl.

"Ano 'yon?" sagot ko habang nakatingin pa rin sa daan.

"Nakakita ka na ba ng multo?"

Nagulat ako sa tanong niya kaya napalingon ako. Pero nang seryoso lang ang kanyang mukha ay natawa ako.

"Bakit mo naman natanong?"

He shrugged and averted his eyes outside the window. "Wala lang. Gusto ko lang malaman. I just remember Lola told me before na nakakakita ka raw ng multo." Napatango ako sa naging sagot niya.

Hindi ko na nagawang sagutin ang tanong niya dahil nakarating na kami sa destinasyon namin—sa sementeryo kung saan nakalibing 'yong grandparents ko.

"Ikaw na magdala nitong bulaklak," utos ko sa kanya pagkababa ng sasakyan. Nauna naman ako dala ang dalawang box ng hopia. May mangilan-ngilan ding tao na gaya namin, maagang bumisita para makaiwas sa siksikan bukas.

'Yong grandparents ko sa father's side ay nasa probinsiya while 'yong sa mother's side ko lang ang nandito sa Manila na mabibisita namin kapag may pagkakataon. Pero kapag pumupunta naman kami sa probinsiya, bumibisita rin naman kami sa puntod nila para siyempre kumustahin sila.

Pagkarating namin sa puntod nina Lola at Lolo, napangiti agad ako pagkabasa ng pangalan nilang nakaukit sa lapida.

"Ilapag mo na 'yang mga bulaklak, Carl," sabi ko.

Kumuha ako ng dalawang kandila at sinindihan 'yon bago nilapag sa ibabaw ng lapida.

"Kumusta na kayo, 'La at 'Lo? Okay lang naman siguro kayo riyan, 'di ba?" nakangiti kong sambit. It always feels good talking to them as if they're still alive. They may be gone, but in my heart, it feels like they're still alive. Their presence is always there.

Kinuha ko ang dalang hopia at nilapag din iyon. "Ito nga pala, hopia. Alam kong paborito ninyong dalawa 'to." Tumawa ako. Para na siguro akong baliw rito.

"Miss na miss ko na kayo, 'Lo, 'La," I mumbled sadly.

I remember the days. Close na close kasi ako kina Lola at Lolo kaya hindi ko maiwasang hindi maging emotional. Miss na miss ko lang talaga sila.

"Sorry rin kung minsanan na lang kaming makabisita. Huwag kayong mag-alala, kapag may time ulit kami, bibisitahin namin kayo."

Hinaplos ko ang lapida nilang dalawa habang suot ang malawak na ngiti sa labi.

"Mauuna na po kami, 'Lo, 'La. Sa susunod ulit," galak kong paalam at tumayo. Nilingon ko naman si Carl na nakatingin na sa akin. Ngumiti ako sa kanya.

"Kanina ka pa? Tara na?"

Hindi siya sumagot at tumango lang. Bago kami umalis sa lugar, nilibot ko muna ang kabuuan ng sementeryo. May mga iilang kaluluwa akong nakikita which is normal na sa akin. I mean, sanay na ako kasi halos araw-araw ko rin silang nakikita.

To answer Carl's question, oo, nakakakita ako ng mga kaluluwa. Nakakausap ko rin sila pero medyo matagal na rin nang huling may nakausap ako. Paminsan-minsan, kahit sa eskuwelahan, may nakakasalubong ako. Mga kaluluwang hindi matahimik. Pero binabalewala ko lang din.

"Tara na, Ate," aya ng kapatid ko. Nilingon ko siya at nginitian saka tinanguan.

Bago ako tuluyang humakbang, napukaw ako ng isang kaluluwa dahil nakatingin siya nang diretso sa akin. Tumitig ako pabalik. Kumunot ang noo ko nang ngumiti siya pero agad din naman itong tumalikod. Weird.

Umiling ako at sinawalang bahala na lang iyon at sumunod sa kapatid kong nauna na nga. Iniwan pa talaga ako.

Pagkarating sa bahay, sa kwarto agad ako dumiretso at dumapa sa kama. Nanuot agad sa balat ko ang lamig ng kama. Ipinikit ko ang mga mata ko dahil sa antok na nararamdaman. Klase na naman sa susunod na araw. Tapos, may mga homework pa akong hindi ko pa nagagawa.

Tumunog ang cellphone ko kaya tumihaya ako para hugutin ito sa bulsa. I immediately answered it without looking at the caller.

"Hello?"

"Inaantok?"

Sumilay agad ang ngiti sa labi ko pagkarinig sa pamilyar na boses. It's Haze. Na-miss ko 'tong lalaking 'to.

Bahagya akong tumawa. "Oh, napatawag?"

"Bakit? Bawal?"

Ngumisi ako. My eyes were closed but I was attentively listening to his comforting voice. "Miss mo lang ako, e," I teased.

Halakhak ang nangibabaw sa linya na sinundan din naman niya ng oo. Kunwari pa talaga, e, na-miss lang naman talaga ako. Ito talagang isang 'to.

"Ikaw ba? Hindi mo ako na-miss?"

Natawa na ako nang tuluyan. Matagal din bago ako um-oo. Siyempre, inasar ko muna siya. Lumipas ang minuto ay nagpasya na rin siyang magpaalam dahil may gagawin pa siya.

Nakatitig lang ako sa kisame pagkatapos nang pag-uusap namin. Bigla ko namang naalala 'yong lalaking nakita ko kanina sa sementeryo. It just really feels so weird. 

Umiling-iling ako at bumangon saka lumabas sa veranda. Umihip naman ang malakas na hangin kaya napapikit ako. I inhaled and exhaled, at sa pagmulat ko, isang tao ang sumalubong sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at agad napaatras. Kinusot ko pa ito baka kasi namamalikmata lang ako pero hindi siya naglaho. Nandito talaga siya sa veranda ng kwarto ko—sa harapan ko.

Bakit siya nandito?

Bakit nandito 'yong lalaking nakita ko kanina sa sementeryo? Sinundan niya ba kami?

Tinuro ko siya. "S--Sinundan mo ba kami?!"

Umawang ang labi niya. "Nakikita mo talaga ako?!" hindi makapaniwalang tanong niya.

Hindi ako sumagot. Nakatitig lang ako sa kanya habang nagtatagpo na ang mga kilay ko.

"Akala ko kasi may iba kang tinitingnan kanina. Pero nakikita mo talaga ako?!" may bakas ng kasiyahan ang boses niya na para bang may nakaka-excite sa katotohanang may nakakakita sa kanya.

"Hi, ako nga pala si Bright," he introduced and then beamed. Napatitig ako sa ngiti niyang sobrang lapad. It was full of hope and excitement.

Bigla akong na-weird-uhan sa inasal niya. Matagal bago ko kinuha ang kamay niyang tinagusan lang din ng kamay ko. Then I realized, I can communicate with them but I can never touch them like they're humans. For a fact, isa na silang kaluluwa.

Binawi ko ang kamay ko. "I'm Clara," tipid na pagpakilala ko. Medyo kumalma na rin.

Maybe, I should get to the point kung bakit siya nandito at kung bakit niya kami sinundan hanggang dito sa bahay.

"Let's make things clear here, kasi nagulat lang ako na sinundan mo kami."

I looked at him and he's still smiling like he was the happiest spirit to exist. Makikita rin kasi ang labis na kasiyahan sa mga mata niya. How it twinkled and all.

"Bakit mo kami sinundan? Ano ang kailangan mo?" tanong ko suot ang seryosong mukha.

Nawala ang ngiting suot niya at umiwas siya ng tingin sa akin at ibinaling iyon sa paligid.

Naghintay ako nang ilang minuto para makuha ang sagot niya pero isang iling lang ang ginawa niya giving cue of his supposed answer.

"Look, hindi kita matutulungan kung gusto mong humingi ng tulong sa a—"

"Hindi. I won't ask for help. Sumunod lang talaga ako kasi gusto ko lang i-confirm kung nakikita mo talaga ako," paliwanag niya. Dahil lang doon? Why is it such a big deal?

"Bakit?" I asked, naguguluhan.

Tumawa siya pero halata mo ang lungkot sa tawa niya at kahit sa mga mata, alam mong malungkot sila. "Kasi, pagod na akong mag-isa. Wala namang nakakakita sa akin bukod sa mga katulad ko ring kaluluwa pero ayaw naman nila akong maging kaibigan. Kaya sinundan kita kasi gusto ko nang makakausap. Gusto kong maranasan ulit na parang buhay ulit ako kasi isang totoong tao ang nakakakita at nakakausap ko."

Natahimik ako at napabuntonghininga.

"Pero bakit nandito ka pa? Should you be in heaven na dapat 'di ba or sa kung saan ka man dapat mapunta? Ba't nandito ka pa? Ba't nandito pa ang kaluluwa mo?" tanong kong naguguluhan. I was just also curious as to why he was still here.

Nagkibit siya. It looks like he doesn't know. I sighed.

"Wala akong alam kung bakit ako nandito. Wala akong alam kung bakit hindi pa natatahimik ang kaluluwa ko," he answered truthfully like he was wondering also.

Bumuntonghininga ulit ako.

"Paano ka ba namatay?" tanong ko.

He shrugged. Kahit iyon man lang wala rin siyang ideya.

"Wala akong matandaan. Wala akong maalala. Ang alam ko lang ay ang pangalan ko," sagot niya na nakakunot ang noo. He's trying to remember pero mukhang malabo para sa kanya.

Kaya siguro hindi pa siya matahimik dahil maraming katanungan na hindi pa nasasagot. Maraming katanungan na kailangan ng sagot.

"Kung tulong talaga ang nais mo para matahimik ka na, hindi ko alam kung paano kita matutulungan."

Tumango siya.

I stayed for some time bago ako nagpaalam na papasok na ako sa loob. Dumiretso naman ako sa baba para makapagluto ng hapunan. Nadatnan ko naman si Carl na nanonood ng palabas sa sala. Dinaanan ko lang siya at dumiretso na ako sa kusina at hinanda na ang lulutuin ko.

Napansin kong umupo si Bright sa isang bakanteng upuan habang nakatingin sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin at tinuon na lang sa niluluto ang buong atensiyon.

"Na-miss ko tuloy kumain ng ganyan, sayang lang at hindi ako makakakain ng ganyan," kuwento niya. Napalingon ako.

"'Di ba kinakain n'yo naman ang nilalagay sa puntod n'yo?" tanong ko.

Ngumuso siya.

"Puro dessert lang naman ang nilalagay nila sa puntod ko, e."

Natawa ako. Kaya pala. Binalik ko ang pansin sa niluluto at hinintay ito hanggang sa maluto. Tinawag ko naman si Carl para makakain na rin kaming dalawa.

"Wow! Adobo! Na-miss ko tuloy 'to, Ate," sabi niya, takam na takam.

Napalingon ako kay Bright na nakapangalumbaba at nakatingin sa kapatid kong sobrang excited nang kumain. Napakibit ako at nagsimula na ring kumain. Pagkatapos mag-dinner, bumalik ako sa kwarto ko para magawa na 'yong mga dapat kong gawin.

Habang nagsasagot sa isang assignment, bigla kong naalala kung babalik pa ba siya sa sementeryo. Lumingon ako para hanapin siya at nakaupo lang siya sa sahig at nakatingin sa akin. Bigla tuloy akong nalungkot sa katotohanang wala siyang alam kung bakit nandito pa siya sa lupa at hindi matahimik.

"Wala ka bang balak bumalik sa sementeryo?" tanong ko.

Nag-isip naman siya saglit pero agad din siyang umiling.

"E, bakit?" segunda ko.

"Boring doon. Mas gusto ko rito kasi nakikita mo ako at nakakausap."

"Sa bahay ng pamilya mo? Ayaw mo roon?"

Natahimik siya at marahang umiling.

"Ayoko roon. Wala rin naman akong makakausap at mas malulungkot lang ako. Ta's, kapatid ko lang naman nakakaalala sa akin na bumibisita sa puntod ko. Ni hindi ko nga nakita mga magulang ko na bumisita, e." He shrugged.

Natahimik ako sa mga sinabi niya. It was surely hard for him.

I sighed. "Ikaw bahala."

He nodded and just smiled widely.

Continue Reading

You'll Also Like

13.6M 607K 32
Sikat siya at hindi ka niya kilala. Kaya bakit sa dami ng taong nakapaligid sa kanya, ikaw na walang kamalay malay ang minumulto niya? THE JERK IS A...
15.1K 676 19
"Tss'. Manhid?" ~~~~ "Bakit ka ba nagkakaganyan, ha?" "Nagseselos ako!" "Ano?" ~~~~ "You feel that? It's a tune that's making me crazy. It beats beca...
39.7K 3.5K 69
Cursed Stories #2 | Mistakes are unintentional, but you pay for it. *** An epistolary, short story. "Order now, die later." When a stranger was added...
292K 2K 8
FHALIA : THE RETURN OF THE KING WRITTEN BY SOMEONELIKEK Ang pagbabalik ng noon ay itinakdang hari ay sinundan ng isang malagim na trahedya. Mga pangy...