SB19's New Member

Από pcy4lyf

20.9K 912 242

"South Ventura, new member of SB19!" And that's where it started. That's where my life had changed. Forever... Περισσότερα

SB19's New Member
00
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
13
14
15
16
17
NOTICE
18
19
20
21
22
23
not an update :<<
hiiii...

12

718 39 24
Από pcy4lyf


SOUTH's POINT OF VIEW

⚠️ contains strong language

Nakauwi na kami galing Sagada, at ngayon babalik na ako ng Manila. Kasama ko ang SB19 na mag ce-celebrate ng New Year.

Isinakay na ni kuya sa sasakyan ang mga gamit ko. Hindi nga sana ako mag papahatid pero mapilit sila mommy.

"Ingat kayo, baby." Sabi saamin ni mommy. Yumakap na ako sakaniya at nag paalam saka sumakay sa kotse. Nag suot ako ng seatbelt bago pinaandar ni kuya ang sasakyan.

"You didn't forget anything?" Tanong ni kuya. Umiling lang ako at sumandal sa kinauupuan ko.

Ilang oras din ang tinagal ng byahe namin. Nang makarating kami sa dorm ay tinulungan ako ni kuya sa mga gamit ko.

"You don't want to sleepover? Baka pagod ka." I told him.

"Okay lang ba?" Kuya asked.

"Oo naman! Tara, baka nandiyan na rin yung iba." Sabay kaming pumunta sa loob ng dorm.

Inilagay muna namin sa kwarto ko ang mga gamit ko. Tapos ay pinaupo ko siya sa sofa na nasa sala habang nag hahanda ako ng meryenda namin.

"Andito kana pala, South!" Masayang sabi ni kuya Stell saakin. Ngumiti naman ako.

"Kasama ko si kuya Kieth, kuya." Sabi ko.

"Oo nga, nakita ko siya sa sala kanina." Sagot ni kuya. Nginitian ko lang siya at inayang mag meryenda sa sala.

Nag apir naman sina kuya Kieth at kuya Stell bago tahimik na nilantakan yung pagkaing inihanda ko. Sumali na rin saaming manood at mag meryenda sina kuya Sejun at kuya Josh.

Nasa gitna ako nina kuya Stell at kuya Kieth. Habang sina kuya Sejun at kuya Josh ay nasa sahig. Kalaunan ay nakatulugan ko na yung pinanonood namin.

Nagising nalang ako ay nasa kwarto na ako tapos nasa tabi ko si kuya Kieth na mahimbing ang tulog.

Tiningnan ko naman ang oras at alas onse na ng gabi. Nagugutom ako.

Lumabas muna ako mula sa kwarto ko at nag lakad papunta sa kusina. Nagulat ako nang makita ko si Justin na nangangalikot din sa ref.

"Hey," tawag ko at simpleng ngumiti.

"Hi. You're with your brother?" He asked. Tumango ako, medyo inaantok parin.

"Gutom ka?" Tanong niya ulit, I murmured 'hmm'.

"Sige. Mag luluto ako ng pancit canton, saglit lang." Sabi niya. Muli, tumango lang ako at naupo sa upuan na nasa dining table at isinubsob ang mukha sa lamesa saka pumikit.

Inaantok parin ako pero gutom.

Napaisip ako, si Justin? Lulutuan ako ng pancit canton? Teka, may camera ba dito at bigla siyang bumait sakin?

Nag angat ako ng tingin para tingnan si Justin na agad namang umiwas dahil nakatingin rin pala saakin.

"Justin," tawag ko.

"Oh?"

"Bakit ang bait mo sakin ngayon?"

Mukha naman siyang natigilan sa tanong ko pero bumalik din sa dati. "Good mood lang. Bakit, gusto mong sungitan ulit kita?"

Umiling ako na parang bata. Tumayo naman ako at nag hanap ng tasa.

Napabuntong hininga nalang ako habang nakatingin sa mga tasang nasa taas. Paano ko ba 'to aabutin?

Tumingin ako sa paligid ko at nakita ko yung upuan sa lamesa namin. Pahirapan ko pa itong hinila papunta sa lalagyan ng mga baso.

Ayoko namang istorbohin sa Justin sa pag luluto, baka ma bwisit lang sakin. 

I stepped at the chair and tiptoed. Shit. I can't reach it! I tried jumping but guess what? It resulted to me falling.

Not on the ground,

But on top of someone.

I opened my eyes to see a pair of eyes staring intently into mine. Justin. I could feel my heart beating rapidly than its supposed to be. What is this? Why am I feeling like this?

I'm nervous.

Yup, that's it. I'm just nervous because of what happened.

"Hindi ka ba tatayo diyan?" Biglang saad ni Justin kaya napatayo ako ng wala sa oras. "Ahm, sorry. At thank you."

"Bakit ka nag papasalamat? I didn't save you intentionally, you suddenly fell to me out of nowhere."

Napatango ako sa sinabi niya. "That's true. But its better than landing on the ground. Baka mamatay ako ng wala sa oras pag nangyari yun." Tumawa pa ako pero tumikom din nang makita kong hindi nasiyahan si Justin sa pag tawa ko.

"You're still very clumsy, I see." Bulong niya pero rinig na rinig ko naman. Still? Diba member namin 'yon? Joke. Nahawa na yata ako sa kakornihan ni Justin.

Anyway, does that mean I was clumsy even before? And he knows?

Inilapag niya sa lamesa yung naluto ng pancit canton at umalis. Kita mo na, sinungitan nanaman ako. Back to normal na siya.

Hahabulin ko sana siya para mag tanong kaso sumakit yung ulo ko.

"Aish! Tingnan mo 'to JD, natapon ko nanaman sa sarili ko yung juice. Ang galing ko talaga!"

"Ang clumsy mo kasi, halika punasan kita."

I held my head. Yung batang babae, ako yun. JD? Who's JD?

Ipinagsawalang bahala ko nalang iyon at mabilis na kumain at nag hugas.

Pag balik ko sa kwarto ay tulog parin si kuya. Nag palit nalang ako ng pang tulog at tinabihan si kuya.

Nakailang ikot ikot na ako sa higaan pero hindi ako makatulog.

Iniisip ko parin kung sino si JD.

Ilang minuto pa ay nilamon na ako ng dilim at nakatulog.

Pag kagising ko ay wala na si kuya sa tabi ko pero may sticky note naka dikit sa noo ko. Bwisit siya.

'I left early. Didn't wake u up anymore. Anyway, take care. ily'

Agad kong kinapa yung cellphone ko sa bedside table ko at ni-dial si kuya.

"Nakauwi kana?"

"[Yup.]"

"Okay. Kiss Kiro for me."

I ended the call immediately. Nag punta ako sa cr para makapag hilamos na. Pag katapos ay pumunta ako sa kusina at naabutan si kuya Sejun na nag luluto ng breakfast.

"Goodmorning, kuya." Bati ko.

"Morning."

Naupo na ako sa upuan na nasa harap ng lamesa at ilang sandali pa ay nag sidatingan na ang ibang members na bagong gising lang rin. Nag salo salo kami sa agahan.

Nang dumating ang tanghali, kasama ko sina kuya Sejun at kuya Josh na namili ng groceries para sa parating na New Years Eve.

Mabilis lang kaming namili at umuwi din agad. Kinabukasan na ang New Years Eve. Sina kuya Sejun ang nag abala para sa mga kakainin namin.

Nang makauwi kami ay dumiretso ako sa kwarto para mag basa ng libro na bigay nina mommy saakin nung Christmas. Nag double celebration kami dahil birthday ko din noong December 15.

21 na ako!!

Lumipas ang araw at kinabukasan ay December 31 na. Sina kuya Ken at si Justin ang bumili ng lucis tapos mga ilang paputok.

Dumating ang gabi at naka polka dots kaming anim, swerte daw kasi. Nag live kami sa IG habang nag aantay na mag alas dose ng hating gabi.

"HAPPY NEW YEAR!!" Masayang sigaw namin ang nag group hug. Nag sindi kami ng kaniya-kaniyang lucis.

Nang maubos ang mga paputok ay pumasok na kami ulit sa loob para kumain. Nag kukwentuhan kami kung anong mga ginawa namin noong Christmas. Nung si kuya Ken na ang nag kwento bigla niyang sinabi.

"Ang alam ko, meron daw nag spend ng bakasiyon sa Sagada dito satin. Sino?"

Napayuko naman ako habang si Justin ay nasamid na yata sa kinakain niya. Grabehan, kuya Ken, nambibigla!

"Sino, Ken?" Tanong ni kuya Josh, halatang alam niya rin, syempre mag IG rin naman siya!

"Sino ba?" Pakantang tanong din naman ni kuya Ken halatang nangaasar.

Wala namang sumagot saamin ni Justin at nag patuloy lang kaming kumain habang si kuya Ken ay humahagikgik.

"Epal." Rinig kong bulong ni Justin.

Nang matapos kaming kumain ay nag tulong tulong kami sa pag lilinis, hindi naman kami gumamit ng babasaging plato at nag styrofoam nalang para walang masyadong hugasin.

Pagkatapos kong mag linis ay umakyat ako sa may rooftop namin. Medyo malamig pero okay lang kasi suot ko yung jacket ni Justin.

Ilang minuto ako doon nang may tumabi saakin, nang tingnan ko kung sino ay si Justin pala.

"Happy new year, Jah."

"Happy new year."

Parehas lang kaming nakatitig sa kawalan. Nanonood sa mga fireworks kapag mayroon.

"South," he called.

"Hmm?"

"Hanggang kailan?"

Tiningnan ko siya. Nakatingin parin siya sa kawalan. "Hanggang kailan ang alin?"

"Hindi ka pa ba napapagod?" Tanong niya.

"Napapagod saan, Justin? Hindi kita maintindihan." Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sakaniya, pero siya, hindi manlang ako tinapunan ng tingin.

"Hanggang kailan ka ba mag papanggap na hindi mo ako kilala!? South naman, please lang! Wag ka namang ganiyan! Kinalimutan mo na ba ako? Bakit? BAKIT!?" Biglang sigaw niya. Napako lang ako sa kinatatayuan ko at hindi nag salita.

"South naman, ano bang ginawa kong mali!? Ano bang kasalanan ko!? Bakit ka nag papanggap na hindi ako kilala!? Ang hirap naman South. Hindi ba ikaw yung umalis? Hindi ba ikaw ang nangiwan? Kaya bakit ikaw pa yung may ganang gumaniyan? Ikaw pa yung may ganang umakto na hindi ako kilala?"

He was crying. Hindi ko alam. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko siya maintindihan. Ibig sabihin, mag kakilala na kami bago pa man mangyari ang aksidente?

"Kahit yung... yung kuya mo..." he barely managed to talk but he proceeded. "Kahit si kuya Kieth nag kukunwaring hindi ako kilala."

Mas lalong nakunot ang noo ko. Si kuya?

"South, ano ba! Putangina mag salita ka naman!"

He was crying so hard. Kahit ako ay napaluha na rin.

Tangina ano ba 'to? Ano ba talaga ang nangyari saamin dati? Mag kakilala na ba kami dati pa? At alam ni kuya? Tapos hindi niya manlang sinabi saakin?

"J-justin..."

Nagulat ako nang bigla niya akong higitin at niyakap ng sobrang higpit.

"Tangina kasi South eh, tangina. Hindi ko na kaya, hindi ko na kaya..." patuloy lang siyang humahagulgol sa leeg ko.

Naninikip na rin ang dibdib ko dahil sa pag iyak niya. Ayoko nito. Ayokong nakikitang umiiyak si Justin.

Ang hirap.

"Justin, I'm sorry..." bulong ko habang mahigpit na nakayakap sakaniya. "I'm sorry, Justin. I'm sorry, sorry talaga."

Parehas na kaming umiiyak.

"Justin..." tawag ko at bahagya siyang tinulak para makatayo siya ng maayos. Hinawakan ko ang mukha niya at pinunasan ang luha niya.

"I'm sorry. Hindi ako nag papanggap na hindi ka kilala..." pilit kong pinupunasan ang mga butil ng luha na lumalabas sa mata niya.

"I can't remember anything, Justin." Tiningnan niya ako dahil doon.

"May nangyaring aksidente kaya nawala  mostly ang memorya ko. Wala akong matandaan."

Nakakunot parin ang noo niya. His face was curious. He wanted to know everything.

"I..." tumikhim ako at huminga ng malalim.

"Nabaril ako."

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

773K 17.5K 46
In wich a one night stand turns out to be a lot more than that.
1M 35K 62
𝐒𝐓𝐀𝐑𝐆𝐈𝐑𝐋 ──── ❝i just wanna see you shine, 'cause i know you are a stargirl!❞ 𝐈𝐍 𝐖𝐇𝐈𝐂𝐇 jude bellingham finally manages to shoot...
1.8M 58.9K 72
In which the reader from our universe gets added to the UA staff chat For reasons the humor will be the same in both dimensions Dark Humor- Read at...
1.1M 61.8K 38
It's the 2nd season of " My Heaven's Flower " The most thrilling love triangle story in which Mohammad Abdullah ( Jeon Junghoon's ) daughter Mishel...